I walked with my head held with my girlfriends. Is there any reason para yumuko ako? Sa school entrance pa lang, lahat ng pakalat kalat na students ay automatic na napatigil sa ginagawa nila. Lahat ng nakaharang sa dadaanan namin, nag gi-giveway. Dapat lang, kung ayaw nilang itulak ko pa sila. Di na sila naawa sa kamay ko na baka madumihan. As we walk, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbubulungan nila na obvious naman na hindi talaga bulungan kasi sa sobrang lakas kaya pati mabaho nilang hininga ay halos malanghap ko na. Next time talaga, magdo-donate ako sa kanila ng air freshener para sa bibig nila. Di na yata effective ang mouthwash.
"Ayan na ang D6. Ang gaganda nila di ba, p're"
"Girl, mag ingat ka sa D6, huwag mong babanggain ang mga yan."
D6. Di ko maiwasan na hindi mag smirk. D6, my ass. Hindi ko alam sinong nagtaguri sa amin ng D6. Mukha ba kaming gangster para bigyan ng group name? Napairap na lang ako sa loob loob ko. If you ask me what is the meaning of D6, well, maraming meaning ang D6 para sa kanila. Kaya nga sila nagkasundo sundo na tawagin kaming D6. Dazzling 6, Dangerous 6 and Divine 6. Iyan ang meaning ng D6. Pero sa tatlong yun, I prefer Divine 6, why? Of course, pamangkin ako ng may ari. I have a power atleast para magawa ang gusto ko.
Habang naglalakad kami sa corridor papunta sa elevator, may isang kaaya ayang scene ang naabutan namin. A girl student na sinasabutan ang another girl student. Wow. Just wow. What a scenery. Sa corridor pa at sa makikita ko pa. Tumigil ako sa harapan ng dalawa at naramdaman ko na tumigil din ang girlfriends ko. Ewan ko pero pakiramdam ko kinabahan sila. Wala pa nga akong ginagawa. Silly.
'Yung girl na sumasabunot sa isa parang walang pakielam kahit nandito ako. Ooh, maybe a new student.
"Naku. Lagot siya sa D6."narinig ko pang sabi ng isa sa audience na nakakita ng scenery.
"Goodmorning"nakangiti na bati ko. Napatingin naman sa akin 'yung bully girl at nakataas pa ang kilay. I still smile para asarin siya kahit gusto kong i-pluck ang kilay niya at maging kasing nipis ng kilay ni Mona Lisa.
"What's so good in the morning!? Ang mabangga ka ng tangang ito!?"sinamaan ako ng tingin ni bully girl at sinabunutan ulit ang iyak na ng iyak na nerd. Kanina ko pa alam na nerd ang sinasabutan niya kasi ang mga nerd lang naman ang hindi nalaban.
Tumingin ako sa kaibigan ko sa likod at alam na nila ang gagawin. Pero si Shana at si Ranne lang ang lumapit kay Bully girl at nilayo si nerd. What do I expect? Arlien and Kriszha, takot din na magasgasan tulad ko. And Carlence, nevermind. Halatang nagulat si Bully girl kaya nakanganga pa siya.
"Kaibigan ninyo ang nerd na 'yan? Sabagay mga mukha naman kayong mga loser!"pagkasabi niya halatang susugurin ulit si nerd kaya humarang ako. Hinawakan ko ang ID card niya at tinanggal sa pagkakadugtong sa ID lace niya. Tinulak ko pa siya kaya napaupo siya, mamaya makapaghugas ng isang galon ng alcohol.
"Ouch!"
Tinignan ko ang ID niya. Ang pangit niya sa picture infairness.
"Maria Claire U. Rosales. Oh, anong meaning ng 'U'? Ugly?" pagbasa ko sa nakasulat sa ID niya at tumawa ng mahinhin. Nakita kong nagpipigil tumawa lahat ng nakakakita. Boring. Mas maganda ang pagtawanan nila ang bitch-wannabe na nakatayo na pala ngayon.
Ang sama ng tingin niya sa akin and so what? Hindi ko naman ikamamatay ang pagtingin niya ng masama. Baka ang ikamatay ko pa ang pagkakita sa pangit niyang mukha.
"You~"pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Oh, by the way. Maria err Claire? What should I call you? Ah, I'll just call you Ugly. Let me introduce myself-"
"I don't care about your name! Give my ID back!"sigaw niya. Ang kapal ng mukha niya putulin ang sasabihin ko. Nanulok ng kusa ang labi ko dahil mabilis maubos ang pasensiya ko.
"I am Alyssa Aria Santibanez. You better remember my name. President of Student Council. And-"pagtutuloy ko sa naputol na sasabihin ko kaso ang mabaho niyang bibig ay bumukas na naman.
"Shut-"
"Up. You shut up. Matuto kang gumalang sa nakakaganda. Mukhang new student ka, so di mo pa siguro alam ang number 1 rule. No to bullying."napatingin ako sa pure diamond kong wrist watch. Malapit na mag bell, gusto ko pa naman maging hell ang araw niya ngayon, maybe next time.
"I don't care about your rules! Akin na ang ID ko!"reklamo niya pero inirapan ko na lang siya. Ayaw niya pala makuhanan ng ID pero gumawa siya ng offense. How stupid.
"Ranne"tawag ko sa isa sa girlfriends ko. Lumapit naman siya agad at kinuha ko ang hawak niyang bottle ng Sting na kalahati pa lang ang bawas.
"Gusto sana kitang i-tour sa buong Academy, maybe next time. Ugly Rosales, Welcome to Red Academy"ngumiti ako sabay buhos ko ng red liquid ng Sting the mukha niya. Suminghap lahat ng nakakita. Sabay namang nag bell na, ibig sabihin kailangan nasa classroom na kami. Hay. Gusto ko pa sana siya ipahiya.
"W-what have you done!? Ang make-up ko! Oh my gosh!"tarantang sabi niya.
"Hindi kasi ako nakapagprepare ng confetti sayo. Sorry sa low budget na pang-welcome pero atleast makulay pa din. Red."nginitian ko siya ng plastik.
"Isusumbong kita kay Daddy!"sigaw niya at natapos din ang pananakit ng mata ko sa kanya. Napatingin ako kay Nerd na humihikbi pa rin. Nakita niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin.
"T-thank you, Ms. Alyssa."sabi niya sa akin at ngumiti. Inirapan ko na lang siya.
"Don't thank me. You will be my one month slave. Kabayaran sa pagiging weak mo. Bitbitin mo ang bag ko. Subukan mong ibagsak, ibabagsak kita from 4th floor pag nandun na tayo hanggang ground floor."inabot ko sa kanya ang shoulder bag ko at siya naman nanlalaki ang mata. Anong akala niya, tinulungan ko siya dahil gusto ko? Manigas siya. Humarap ako sa girlffriends ko.
"Pwede ninyong utusan din yan si Nerd."sabi ko at nag umpisa ng maglakad papuntang elevator.
"You make dala my bag too."narinig ko pang sabi ni Arlien.
Di ko naman gusto talagang tulungan si Nerd. Kainis kasi, mas madami ang populasyon ng nerd dito sa school kaya madalas ang bullying. Hindi naman ako sumali sa campaign blah blah na yun, sinali lang ako ng isang party list na pumipili ng isasali nila at as President pa ang nilagay na posisyon ko. Hindi nga ako sumasama sa pangangampanya nila. Like duh, pagsasalitain lang nila ako ng kasinungalingan at aasa ang mga tangang students. Pero ng tinanong nila ako ano daw plataporma namin, sinagot ko sila ng number 1 rule is no to bullying. Ewan ko kung anong convincing words ang pinagsasabi nila at sa araw ng botohan, ako pa ang nanalo at more than half ng students ako ang binoto. I think okay na din ako ang president, walang ginagawa, hindi kailangan mag attend ng meetings at pwedeng apihin ang mga feeling bitch. Yeah, feeling bitch. Because I'm the Queen Bitch. The one and only.