Chereads / Bitch's First Love / Chapter 5 - Bitch 5: She got so weak and hardly speak

Chapter 5 - Bitch 5: She got so weak and hardly speak

"Ms. Alyssa, nandito na yung pagkain mo."ngiting ngiti na sabi niya habang nakaturo sa pagkaing dala niya at nilapag sa table.

"Huwag mo akong ngitian, nakikita ko ang gilagid mo!"napatikom agad siya ng bibig. Inirapan ko siya at kinuha ang pagkain ko. Nagagawa niya pang tumawa habang ako naiinis. Hindi tama 'yun!

Ano ba talagang nangyayari sa akin!? Hindi ako makapaniwala na wala man lang akong ginawa sa bakla na 'yun! Di ko talaga matanggap ang nangyari kanina! Hindi ako papayag na hindi makakaganti sa kanya lalo na ngayon at alam kong dito rin pala siya sa Red Academy nag aaral.

"Alia, ano bang problema mo?"inirapan ko lang si Shana na nagtanong. Sinasabayan pa niya ang pagkainis ko. Iisip talaga ako ng paraan para mapahiya ang bakla na 'yun!

Biglang tumabi sa akin si Ranne at sobrang dikit na dikit pa! Lumayo layo ako sa kanya dahil baka anong magawa ko sa kanya pero ang isang ito lapit pa din ng lapit! Argh!

"ANO BA, RANNE!?"nanggagalaiting sigaw ko kaya halos ng nasa cafeteria tumingin sa akin. Tinaasan ko lang sila ng kilay para ipaalam na huwag nila akong pansinin.

Nilapit niya ang ulo sa akin. "Alia, buti na lang talaga may extra ako. Ikaw na ang gumamit neto." sabi niya habang palihim na inaabot sa akin ang isang sanitary napkin.

Napapikit ako at nagbilang para makapagtimpi ako. One, two, three... Konti na lang mauubos na ang pasensiya ko.

"ARANNE SMITH!" I gritted my teeth as I open my eyes and look at her. Hindi na talaga ako nakapagtimpi. God, bakit mo ako binigyan ng kaibigan na tulad niya? Isip bata na dense na katulad niya. Why? Hindi pa ba sapat si Mommy? Or should I say, bakit mo ako hinayaang pumayag na maging kaibigan ko siya?

Sinamaan ko siya ng tingin at nagawa pa niyang mag pout. "Tago mo 'yan, Ranne. Baka may lalaking makakita." pabulong na sabi ni Kriszha na sapat marinig mula sa kinauupuan namin.

"Sinusubukan ko lang naman makatulong e." parang bata na sabi ni Ranne at tinago ang napkin sa bulsa niya.

"Leche ka. Hindi ka nakakatulong" inirapan ko pa siya. Lalo siyang ngumuso at pwede ng sabitan ng shopping bags. Ipaalala ninyo sa akin pag good mood na ako kasi isasama ko siya sa pagma mall para tagabitbit ang nguso niya.

"Ranne kasi, alam mo namang laging PMS 'yang si Alia. Sa arte niyan sa tingin mo malilimutan niyang magdala ng napkin? Haha. Gosh, di ko mapigilan ang hindi matawa. Haha." maluha luhang tumatawa na si Shana.

"Ang babaw ng kaligayan mo, Shana. Mas mataas pa ang low tide sa dagat." nagawa pang tumawa. Wala namang nakakatawa. Duh?

"Harhar. Ang corny mo dun, Alia." nag belat pa siya sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Oh my gals! You're still here pa pala." napatingin kami sa nagsalita na isang conyo at nakakapit sa braso ng isang lalaki. Lumapit si Arlien sa amin at nauna nang makipagbeso beso kay Kriszha at Ranne. Makikipag beso beso din dapat siya kay Nerd pero bigla siyang ngumiwi bago niya magawa kaya hindi niya na lang tinuloy. Napatingin siya kay Shana at nag irapan sila pareho. They hate each other.

"Hi na lang for you, Carlence"kumaway siya at tumango lang si Carlence..

Ibe beso niya dapat ako pero sinampal ko siya. Napanganga siya habang hawak ang pisngi niya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga nakakita.

"Oh my- Alia! Why you make sampal me?" nanlalaking mata na tanong niya.

"Sa pagiging conyo mo at para di maidikit ang pisngi mo sa akin. I'm pretty sure your face has lot of germs. Ayaw kong mahawa, bitch"

Sino bang gusto makipagbeso sa taong kagagaling lang gumawa ng milagro? Right? Lalo na pag nagkukwento siya sa experiences niya. In my imagination, nandidiri na ako. Napatingin ako sa lalaking kasama niya na dumating. He is smiling but I can sense he is smirking too. Kusang tumaas ang gilid ng labi ko. Sa klase ng tingin niya, di mo magugustuhan ang maiisip mo na naiisip niya. Kung si Charles ang hearthrob ng high school department, siya naman ang casanova ng college department. I forgot his whole name but I think his name is Denver. Isa siya ang madalas maging boyfriend ni Arlien at pag sinabi kong madalas, mag on silang dalawa ni Arlien pag may ginawa o gagawing kababalaghan.

"Bye girls" paalam ni Denver pero sa akin nakatingin bago umalis. That guy give me creeps! Pero hindi ko ipapahalata. I know he is flirting on me. 'Yun nga lang hindi ko siya type dahil manyak siya at lalong hindi siya gwapo. And yes, gwapo siya sa paningin ng mga 'bulag'.

"My cheek is masakit pa din, damn you witch!" sinagi ni Arlien ang pagkain ko kaya natapon at nabasag 'yung plato. Napatayo ako bigla at buti na lang hindi nadumihan ang uniform ko dahil swear ipapahubad ko sa kanya ang uniform niya pag nagkataon. Kinuha ko sa table ang mineral water para ibuhos sa kanya kaso nakaiwas siya at iba ang nabuhusan.

"Oh my god!"

Tinignan ko lang ang 'hindi' ko sinasadyang mabasa. Hindi siya naka school uniform pero mukha pa lang niya na panget, kilalang kilala ko na siya.

"Oh, Ugly. Nandito ka pala. Baka sabihin mo na sinadya kong basain ka. Sisihin mo siya dahil umiwas siya." sabi ko sabay turo kay Arlien na nagpipigil ng ngiti. Knowing Arlien, mawawala agad ang galit niya pag may nakita siyang nakakatawang eksena.

Ang itsura ni Ugly, isang salita ko na lang ay iiyak na siya. May hang over pa yata sa pag aaway nila ni Charles or should I say sa break up nila. Tinulungan ko lang naman siya na ma-realize niya na may mga lalaking ni-girlfriend ka pero hindi ka naman talaga niya gusto. Parang rebound. Ouch di ba? Oh, baka may mag isip na may pinaghuhugutan ako, sampalin ko kayo dyan.

Tumingin siya sa akin ng masama saglit at umiwas na. Aba, aba. Hindi yata warfreak ang mood ni Ugly. Sayang, gusto ko pa naman siya pahiyain. Lumapit siya sa pwesto ni Nerd. So, si Nerd ang pagbubuhusan niya ng galit? Si Nerd naman, mukhang ninenerbiyos. Kung ako sa kanya, unahan ko na 'yang si Ugly. Pero hindi namin inaasahan ang ginawa ni Ugly. Lumuhod sa harap ni Nerd si Ugly na nakapagpasinghap sa lahat ng nandito sa cafeteria. Well, na-shock din naman ako dahil first time ko makakita ng ganitong eksena. Ang alam ko suspended si Ugly for 1 week dahil sa ginawa niyang offense. Madalas sa mga nasampolan ko na, dahil sa taas ng pride nila, nagta transfer na ng school. Ang tatag ni Ugly o baka naman wala tumatanggap na school sa kanya dahil dito sa Red Academy pwede ang panget na katulad niya.

"I'm sorry. Sorry. Patawarin mo na ako." mga 3 beses na sabi ni Ugly kay Nerd na nakaupo. Parang bukal sa loob niya ang pagso sorry niya kasi with matching iyak pa. Pero hindi ako basta basta magpapauto. Malay ko ba baka gusto niyang ma-discover ng drama club. 'Yan pa naman ang gusto ng drama club, magaling umiyak para gawing bida sa mga play. I rolled my pretty eyes.

"Friend, 'di ba siya 'yung nasa mall nu'ng Saturday? Kasama si Prince Charles?"

Napataas ang kilay ko sa narinig ko.

"Oo, siya nga 'yun. Siya din 'yung umaway sa nerd na nakaupo noong Friday."

"Nakita na ba ninyo 'yung video na kumakalat sa internet? She looks crazy nga e habang inaaway si Prince Charles. Kapal pa ng face, 'kala mo naman siya talaga ang type."

"May video ka ba nu'n?"

"Duh. Of course. Trending kaya sa twitter 'yung video. Di kasi kayo updated."

"Patingin kami"

Nilingon ko ang mga babaeng malakas mag usap na di kalayuan sa pwesto namin. May pinapanood sila na kung ano sa cellphone ng isa. So, nagka instant fame si Ugly. Isa na ang panget niyang mukha na naging viral. Bigla akong natigilan, baka napasama ako sa video. Hindi pa naman ako mahilig magbukas ng twitter dahil puro walang kwentang tweets lang ang nababasa ko.

Nilapitan ko ang pwesto nila at inagaw na lang basta 'yung phone. Bastos na kung bastos pakielam ko ba? Halatang nabigla silang tatlo at halos mapanganga nang makita ako. Pinanlakihan ko sila ng mata para hindi umangal. Tinitigan ko yung phone muna. Ang cheap lang. Samsung S3 lang, no match sa Sony Xperia Z2 ko. Ni-play ko 'yung video at ang umpisa ay 'yung tapos na 'yung sinampal ni Ugly si Charles. Wala na ako sa part na ito at nakaalis na.

Binalik ko na lang tingin ko sa tatlong babae na kagat labi na kinakabahan. Hinagis ko na lang sa kanila yung S3 at nasalo naman nung isa.Inirapan ko sila bago ako bumalik sa pwesto ng table ng girlfriends ko. Wala na pala si Ugly at Nerd nang makarating ako.

"O ano, napaniwala kayo sa drama ni Ugly?" Pagkatanong ko ay nagsitingin sila sa akin. Alam ko namang maganda ako pero dapat hindi na pinangangalandakan.

"You are so assuming talaga. She's not make sorry naman to you" Sabi ni Arlien na umirap pa.

Humawak ako sa bibig ko para kunwari ay nabigla. "Tao ba siya? Akala ko kasi lamang lupa. My bad" At ngumiti ako na parang nag a-apologize. Anong problema niya at si Ugly ay pinagtatanggol niya? Magaling yata ang acting skills ni Ugly kaya pati si Arlien napaniwala. Tss.

"Umupo ka nga dito." Hinila ako ni Shana paupo sa upuan ko kanina. I glared at her. Ang sakit kaya ng pagkakahatak niya. Pag may gasgas ang balat ko, i-smack down ko siya.

"Ano bang drama mo kanina at mainit ang dugo mo ha? Unless ngayon nga ang period mo pero sigurado akong hindi dahil mas matindi ang mood swing mo pag meron."

Nag init ulit ang ulo ko dahil naalala ko 'yung bakla. "Someone entered my hate list." I gritted my teeth. Hindi ko talaga hahayaan sa susunod na hindi mapapahiya ang bakla na nagpahiya sa akin sa mall at naglagay ng germs sa bibig ko kanina. He err she err whatever, needs to pay for the damage. Magkita lang ulit kami, humanda siya.

"Lagot ka, Arlien. 'Di ka na daw bati ni Alia" Sabi ni Ranne na parang bata habang nakataas ang index finger at parang sinasabi na lagot.

Arlien's face turned pale. "Alia! I'm just nagbibiro on what I make sabi. You are not assuming. he-he." Inirapan ko na lang siya.

"Sino naman ang bago mong kinaiinisan? Hindi naman si Claire, di ba?" Sabi ni Krizsha.

"Nope. I don't know his name pero dito din siya nag aaral." Iniisip ko pa lang ang ginawa ng bakla na 'yun, nanggagalaiti ako sa inis.

"HIS? Lalaki? Seryoso? Wow. May natangka na kalabanin ka. He have guts to do that. Curious ako sa kung sino kaya siya." Nilagay niya ang kamay sa baba habang parang nag iisip.

"Bakit hindi mo na lang i-describe ang itsura para i-drawing ni Carlence, di ba di ba, Alia-chan?" Sabi ni Ranne at tinaas taasan ako ng dalawa niyang kilay.

"Ang talino mo, Ranne!" Nakangiti na sabi ni Shana.

I rolled my eyes. "Nag iisip ka din pala kung minsan." And her ultra mega pout appeared.

"Wala sa atin ang may dalang gamit." Paalala ni Krizsha. Na-disappoint naman ang mukha ni Ranne.

Sa tabi ng table namin may dadaang dalawang freshman students na lalaki kaya bago pa sila lumampas, iniharang ko ang kamay ko. Halatang nabigla ang itsura nila at napatitig sa akin.

"Hi. Can you guys do me a favor?" sweet na pagkakatanong ko. Tumango tango sila na nakatitig sa akin.

"Ang mga gamit kasi namin ay nasa 4th floor pa, syempre kahit naman may elevator alam n'yo naman nakakapagod pa din. Can we borrow a piece of paper and pen?"

"O-oo naman!" sagot nila parehas at umalis para kunin ang hinihiram ko. Mga wala pa yatang 5 minutes nakabalik na sila na hingal na hingal.

"E-eto na Miss 'yung hinihiram mo." Sabi ng isa habang inaabot sa akin ang medyo nalukot na bond paper at isang g-tec na pen.

"Thanks" I smiled sweetly after kong kunin sa kanya ang dalawang hiniram ko sabay abot kay Cadence.

"What!?" irita na tanong ko kasi hindi pa sila naalis. Sa sobrang ganda ko ba, dapat na akong titigan? Gosh! Baka matunaw ako sa ginagawa nila.

"Ah.. Eh.. Miss, pwedeng mahingi ang number mo?" sabi ng isa at nagkamot pa ng ulo. I wonder ilang garapata kaya ang nasa ulo dahil mukha naman siyang aso.

"Sure. Number 5" inalis ko na ang tingin ko. Siguro aalis naman na sila dahil nalaman na nila ang sagot ko.

"Eh.. 'Yung phone number mo sana. Hehe" nakataas na ng konti ang upper side lip ko na lumingon ako sa kanila. Kakasuhan ba ako ng PETA pag pinatulan ko ang dalawang mukhang aso na nasa harapan ko? Konting konti na lang and I can feel my blood is boiling. Kinalma ko ang sarili ko hangga't kaya ko.

"0905xxxxxxx." mabilis na sabi ko habang nagmamadaling i-type nung isa pero obvious na hindi niya nasundan.

Tumingin 'yung isa sa mukhang aso at nagkamot ng ulo. "Pwedeng paulit?" alanganin 'yung ngiti niya.

"Hindi. Di ako nag uulit sa slow!" Hindi ko na talaga napigilan na irapan sila. Umalis na din sila, siguro nahiya.

"Nagpalit ka na ba ng number?" nagtataka na tanong ni Kriszha.

"Hindi"

"Alia-chan, kaninong number ang binigay mo?" si Ranne naman na naka-pout.

"Hindi ko alam. Pwede ba huwag na kayong matanong. Leche!" Nakakainis! Badtrip na nga ako sa bakla na may atraso sa akin, sumabay pa 'yung dalawang mukhang aso at sila makiki-in din sila para uso? Bakit kasi ang daming PESTE!?

"O, o, bago kayo magpatayan, Alia, describe mo na ang new enemy mo. Kanina pa naghihintay si Carlence." singit ni Shana. Sila kaya ang nagpapatagal e di sana kanina pa dapat tapos at alam ko ang pangalan nung bakla!

Nag start na ako i-describe 'yung bakla at si Carlence drawing lang ng drawing. Ang iba ko namang girlfriends ay tango lang tango hanggang sa sumingit si Shana.

"Wait. 'Yong bago mo bang kinaiinisan ang dine-describe mo? Hindi celebrity crush?" I glared at her para maparating sa kanya na wala ako sa mood makipagbiruan.

Tinaasan niya lang ako ng isang kilay. "That's new. Madalas pag enemy mo, ide-describe mo iyon ng pinaka pangit sa balat ng lupa. Ang gamit na gamit mo ngang description para manlait ay mukhang aso."

"Duh? Why will she make lait to her bagong kaaway if she doesn't alam pa ang name. Siyempre if she want to know the pangalan she should be seryoso in describing. Mamaya Carlence will draw asong kalye instead. You're running for valedictorian but why you are so bobo." puno ng sarcasm na sabi Arlien.

"Bakit ikaw ang landi mo? Conyong malandi ka! Di ka man lang nahiya sa pangalan mong Maria Princess Arlien Buenavista!"

"Sino make sabi I like my name? Eww. But I'd rather make pili my name than your pangalan na Sharla Naryn Gutierrez, sounds like bungangera!"

Nagtitigan silang dalawa ni Shana ng masama at any moment pwede na silang magsabunutan. I snapped my fingers between them. Bigla silang natauhan at tumingin sa akin.

"So, can I continue now?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanilang dalawa. Nag irapan na lang sila parehas. Daig pa nila kami ni booby brain mag away. Tss.

"Yey! Tapos na ni Carlence ~" napatingin kami sa isip bata na tuwang tuwa na si Ranne habang winawagayway 'yung bond paper na drinowingan ni Carlence.

"Akin na 'yan" hinablot ko sa kanya at nag pout na naman siya. Bwisit na pout 'yan. Maglalagay na ako ng rules dito sa school na Anti-pout. Pag may nag pout diretsong community service na. Sino bang nagpauso ng expression na 'yun!? Lalo na 'yung duckface! Mukha namang mga hipon.

Tinitigan ko 'yung lalaki na naka-drawing. Siyang siya nga. Iniharap ko sa kanila 'yung bond paper.

"Eto nga siya. Kilala ninyo?"nanlalaking mata na tanong ko.

"Parang familiar siya at nakita ko na nga rin dito sa school. Hmm." si Kriszha habang nakatitig lang sa bond paper.

"Pamilyar nga pero di ko matandaan ang name. Sa dami ng students dito sa Red Academy, imposible na memorize ko." nakakunot na ang noo at parang pinipilit na maalala na sabi ni Shana.

"I don't know him but he's gwapo ah. If you already alam his name, tell me agad so I can make lapit sa kanya to notice me."

Napatingin ako kay Carlence at nag shrug lang siya. I rolled my eyes. Hindi man lang sila makatulong.

"Ay, ay, kilala ko kung sino iyan!" ngiting ngiti na sabi Ranne kaya binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Si Carl Emzekiel Kato. Ang vaklush sa 4th year C- Hades! Hahaha!" nanulok ang itaas ng labi ko. Iyon pala ang pangalan ng bakla na iyon. At 4th year na din na malapit lang ang room sa amin.

"B-bakla!?" di makapaniwala na sabi ni Arlien at halos mamutla na. Ayaw niya kasi sa bakla dahil nandidiri siya. Tumango tango naman si Ranne.

"May nasagap pa nga akong balita na 'yong bakla na 'yon may gusto sa kakambal ni Alia-chan. Hehe." nag peace sign pa siya. Dalawang booby brain? Siguro nga bagay sila.

"Something's fishy.." tumatango si Shana at tumingin lang siya kina Ranne at Krizsha parang nagkaintindihan na sila dahil tumatango na din 'yung dalawa.

Bigla silang tumayo lahat at hinila ako. "Bitiwan ninyoo ako! Saan ba ninyo ako dadalhin!?" ano bang laban ko sa kanilang tatlo dahil si Arlien at Carlence sumusunod lang. Arg! Pag namula balat ko, ipapa-derma nila ito!

"Nasa hate list mo si Kato di ba? Pupuntahan natin siya sa room nila para malaman niya sinong binangga niya. Tamang tama at lunch break na nila." paliwanag ni Shana at tuloy pa din sa pagkaladkad sa akin.

Biglang parang kinabahan ako sa sinabi ni Shana. Pero bakit ba ako kakabahan? Haharapin ko lang naman ang may atraso sa akin. Something is wrong with me. Kailangan ko na sigurong magpa-check up. Masyadong nai-stress na yata ako sa dami ng leche sa buhay ko.

Nakasakay na kami sa elevator at parang pigil na pigil ang hininga ko. Oh my god! This is not me. Hanggang sa naabutan namin na naglalabasan na ang section ng mga booby brains. Nakita ko na ang pinuntahan namin at pinakahuli siyang lalabas. Iniisip ko na ang sasabihin ko sa kanya pero parang nag malfunction ang utak ko. Nag shutdown at ang senses na active sa akin ay sense of seeing. Palabas na siya ng room nila ay tumititig siya sa akin at tumaas lang kilay niya. At ngayon ay naiwan na kaming nakatayo.

"Alia, anyare?" tanong ni Shana.

"Shut up." nag umpisa na ako maglakad para iwan sila. First time kong natameme at ayaw ko ng ganito.