"Trust me. 'Yon lang ang tanging paraan para makaganti ka."
Napairap ako sa sinabi ni Shana. After kasi ng iwan ko sila sakto namang nag announce na cancelled na ang classes dahil sa emergency meeting ng teachers kaya tinawagan ko agad ang family driver namin at nagpahatid na pauwi. Nag re relax ako sa bath tub ko ng biglang dumating 'tong si Shana. Istorobo. Akala ko kung anong sasabihin niya. Tungkol lang pala sa revenge ko kay Kato at dapat kong gawin. And her advice is I need to court the gay! The most ridiculous plan ever! Ako nga hindi nagpapaligaw dahil bawal tapos ako manliligaw? Like duh? Babae ako at ako ang nililigawan dapat. Nagtataka ako bakit bigla niya akong gustong tulungan. Hilig nga niya akong sawayin sa pagpapamukha sa mga hipon at syokoy na pang dagat lang sila. And knowing her, there's a motive of something that's why she offers a help.
"Uy, Alia. Effective iyon. Pramis. Hindi kasi eepekto sa kanya ang pagtataray at panlalait mo. Usually, gays are superior for being mean. Baka ikaw ang mapahiya, hindi siya." sabi niya habang nakatingin sa akin. I rolled my eyes again while drying my hair.
"Nakikinig ka ba?" seryoso na tanong niya. Nilapit ko ang tenga ko sa kanya.
"Keep talking. I'm all ears"
"Seryoso kasi. Makinig ka sa suggestion ko. Ikaw na nga ang tinutulungan diyan"
"Who told you that I need your help? I gain the title for being bitch without anyone's help so tell me what's your motive?" prangka na sabi ko sa kanya. Ayaw ko sa lahat na dumadaan pa sa pasikot sikot. Parang di niya inaasahan ang sasabihin ko kasi ang itsura niya 'yong tipong nabigla.
"Pag ba nag offer ako tulong, may motibo agad? Jusko, Alia! Kaibigan kita unless hindi mo ako tinuturing na kaibigan?"
"Tell that to the marines."
"ALYSSA ARIA SANTIBANEZ!" nanggigil na sigaw niya. Napahawak ako sa tenga dahil sa parang nabingi ako. Ang kapal ng mukha niya para sigawan ako kaya hinampas ko ang unan sa kanya.
"Aray ha!" inirapan ko lang siya.
"I-consider mo kaya? Tutulungan ka naman namin ng G6." Help with the D6 huh? Napaisip ako bigla dahil tutulungan nila ako? I'll give them a chance to help me pero pag it turns into a mess, their lives will be in mess too.
I crossed my arms over my chest. "Ayaw ko sa mga planong palpak dahill I assure you iwi-wish ninyo na sana may makagawa ng time machine sa panahon ngayon." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ma-pride akong tao at ang nasabi ko na ay hindi ko na binabawi but I want to know their effort. I want to test them if they are really my friends not just by the name but also how can they gamble everything just to help me.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "Papayag ka din pala. Pakipot much." I bit my lower lip to stop unwanted tears. May isang tumulo pa din kaya pinunasan ko at tinulak ko siya sapat na para mahiwalay siya sa pagkakayakap.
Binalik ko ang bitch mode ko saka siya tinaasan ng kilay. "Sinong maysabi sa'yo na pumapayag ako basta? Helping me is a priviledge at may kapalit ang pagpayag ko."
"Teka, Alia, 'di ba dapat kami ang magsabi niyan?" Puzzled na sabi niya.
I ignored her question. "Once your plan turn into chaos, kayong lima ay buong school year magiging hampaslupang alipin ko. Taga dala ng gamit ko, taga gawa ng assignments and projects-"
"T-teka, Alia! Mas mataas nga ang grade mo sa Math kesa sa amin!" Protesta niya.
"It's not my problem anymore. Pero once na bumaba ang grade ko in any subject, hanggang college utusan ko pa din kayo."
"Kung okay naman 'yung plano namin, buong school year mo pa naman kami ililibre ng lunch. Deal?" Nilahad niya pa ang kamay niya pero di ko inabot.
"Lumayas ka na ng kwarto ko bago pa magbago ang isip ko na magpatulong sa inyo."
"Grabe, Alia. Grabe. Nga pala, bukas na ang umpisa ha?" Pumunta ako sa pinto ng kwarto at binuksan ng maluwag.
"Pumili ka. Lalabas ka na ng kwarto ko sa pamamagitan ng pinto o lilipad ka palabas ng bintana?" Sabay na tinaas ko ang kanang kilay ko at napameywang.
"Oo na. Oo na. Lalabas na. Paka-highblood ba. Bibigyan ka din namin ng pointers para sa gagawin mo. Ge. Ba-bye!" Dali dali siyang lumabas at sinara ang pinto.
*
CARL EMZEKIEL KATO's POV
Kinikilig ba si aketch! Paano ba namang hindi ako kikiligin? Kasi makikita ko na ang 1 month chatmate ko sa ChatZone and he is so fafalicious! Pictures pa lang ng oh-so-yummy niyang katawan, nakaka-drool na.
"S-sorry!" I turned my beautiful head to see the owner of the masculine voice I just heard. Napakagat labi ako ng wala sa oras kasi.. kasi.. nandito na si chatmate! He is more gwapo in harapan! Pengeng water, ples. Pakiramdam ko matutunaw na si ako!
Pasimple kong hinawi ang short hair ko. "O-okay lang." Sinubukan ko ang magboses na mas girly at nagbeautiful eyes ako sa kanya. Kyaah! Hindi ko na nga kinakaya ang kilig tapos.. tapos.. nginitian niya pa ako 'yong tipong "matunaw ka sa ngiti ko" Gosh! Pero mas wafu pa din pala si fafa Brix kahit na puro smirks ang ginagawa niyang ngiti. Pero okay na din 'tong si chatmate, isa din naman siya sa maraming maraming nag gagwapuhang isda sa dagat. hihi.
"Saan tayo?" Palinga linga na sabi niya na parang may hinahanap. Ang gwapo gwapo talaga ng boses niya!
"Kahit sa Pluto makasama lang kita." Napatakip bigla ako sa bibig ko sa nasabi ko. Shocks! Baka isipin niya ang landi ko. Maria Clara effect pa naman sana ako. huhu. Baka na-turn off siya.
Bigla siyang tumawa kaya halos mapanganga ako dahil kahit pagtawa niya, tinutunaw ang heartlalu ko. Emegesh! Mapapaihi na ako nito sa kilig!
"Go-gomenasai este Sorry pala. Ay ang clutch bag ko" Juice colored! Eto ba ang sinasabi ni Stephen Speaks na 'and my voice shakes along with my hands' ? Nakakahiya naman kay chatmate baka isipin niyang ang clumsy ko din para mailaglag ang clutch bag ko.
Yumuko siya para kunin siguro ang clutch bag ko. Wow, ang gentleman naman niya. Mas kinikilig tuloy ako lalo. hihi. Nawala bigla ang kilig ko ng medyo malayo na siya akin. My tantalizing eyes widened. Ang credit cards, atm cards at Php 5000 cash ko na kaka-withdraw ko lang kanina. huhu.
Napatakbo ako ng wala sa oras. huhu. Manggagantso pala si chatmate! Kahit anong gawin kong takbo, ang layo layo niya pa rin! May nakita akong guard na nasa harap ng isang fast food chain.
"Manong! Manong! Tulungan ninyo ako! Na-snatch ang bag ko!" Niyugyog ko pa si Manong pero di siya mapakali at di alam ang gagawin.
"S-sir, anong gagawin ko?" Pinigilan ko ang sarili ko na ipukpok kay manong ang sumbrero niya dahil sa pagtawag niya ng Sir sa akin. Miss ako hindi Sir, halatang Dyosa ang kagandahan ko, iniinsulto niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy na ako sa paghabol sa chatmate ko na kalahi ni Lupin.
Madami dami ang tao ngayon dito sa mall at kahit ang lamig lamig ang init init sa pakiramdam dahil pinagpapawisan ang kili kili ko. Emegesh! Di man lang ako na-inform na may marathon at sa mall pa. Nakakalurkey at nakakaluha!
Kahit natutulak na ako sa kabilang side, tuloy pa din ako sa pagtakbo. Baka i-samurai ako ni Otou-san pag nawala ko ang source of luho ko. huhu. Bigla na lang na out of balance ako at babagsak sa shunga na babae na hindi tinitignan ang unahan niya.
Hindi ko na siya nabalaan dahil parehas na kaming bumagsak kaya napapikit ako. Ramdam ko na may liquid na iniinom niya ang medyo tumapon sa akin. Gosh! Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang shunga na babae. Titig na titig siya sa akin habang nakabuka ng konti ang bibig niya. Pinagnanasahan niya ba ako? Myghad! Hindi ako napatol sa t-boom!
Tinitigan ko din siya at.. at... bakit mas mukha siyang Dyosa kesa sa akin? Hindi ko matanggap! Aksidente akong napatingin sa dibdib niya. Mygash! Ganoong boobs ang pinapangarap ko! Bakit kasi ako na-trap sa katawang ito, Dyosa ako pero ginawa akong lalaki sa panlabas. huhu.
"Kaimbyerna ka. Huwag kang tatanga sa susunod" Nag roll eyes ako sa kanya at tinulungan siya tumayo. Lalo akong nainggit sa kagandahan niya ng makita ko ang hubog ng body niya. Kamag anak niya ba si Aphrodite? Tinalikuran ko na siya at saka ko naalala na 'yung bag ko. Huhu. Wala na. Wala akong pera, paano ako makakauwi? Kinapa ko ang bulsa ko at ang iphone 5 ang nakuha ko. Kahit pala paano, may konting swerte sa kamalasan ko.
Tinawagan ko ang nasa speed dial ko at sinagot naman agad niya. "Okaa-san. huhu." Ngawa ko.
'Musuko, daijoubu?'
"Okaa-san, musume ako, hindi musuko. huhu"
'Eh, musume, daijoubu? Doushite naiteiru no desu ka?'
"Okaa-san, alam mo naman na hindi talaga ako marunong mag-haponese. huhu. Nanakaw ang cards ko, okaa-san. huhu"
'NANI!? Eh, nasaan ka ngayon!? Are you okay? Sinaksak ka ba sa tagiliran? Nasa ospital ka na ba? Tell me, musuko'
Exxag naman ni Mother dear, sinaksak talaga at sa tagiliran pa? Hindi ba pwedeng sa braso? If ever na nasaksak nga ako hindi ko siya matatawagan na. Uunahin ko ba makipagkwentuhan bago ako pumunta sa hospital?
"Okaa-san, here at mall. Nearest mall sa Red Academy. Wala akong datung. Okay lang ako na hindi. huhu. Sunduin mo ako Okaa-san, ples."
'Chotto matte kudasai. Diyan ka lang.'
"Hai" In-end ko na ang tawag. Darating naman agad si Okaa-san kaya tumabi muna ako habang tinitignan ang mga dumadaan na mga tao.
Alam nina Otou-san at Okaa-san na isa akong Dyosa at hindi ala-Hercules. Pero si Okaa-san talaga ang sumusuporta sa aking pagiging babae. Sa kanya ko inamin at hindi siya nagalit. Spoiled ako ni Okaa-san kahit hindi siya ang trulalu na mother ko.
Na-deds na kasi agad si mother trulalu kaya di ko siya nakilala. Ilang pictures ko lang siya nakita. Koreana daw ang mother trulalu ko pero sina Otou-san at Okaa-san ay purong Hapon na marunong magtagalog. Ako naman ilang Japanese words and phrases lang ng alam ko kasi dito na ako Pilipinas ehem nagdalaga.
Makapag window shopping muna nga para pag may napili ako ipapabili ko na lang kay Okaa-san pagdating niya.
-
"Mr. Kato."
"Hai, Teacher Mich?" Nagulat naman ako sa pagtawag niya kaya napatayo ako.
"Answer question #3. Read the question first then write the answer on the white board".
Tinignan ko 'yung question #3. Nuclear sizes are expressed in a unit named. Gosh, hindi ko alam ang sagot. Trigonometry at etong Physics ang kinaayawan kong subjects. Basta related sa Science at Math, bokya ako sa dahil hindi pumapasok sa stock knowledge ko ang tinuturo. Nag e-error bigla pag pumapasok na ang infos. Kailangan kong makapag eskapo kasi andito si fafa Brix! Matu-turn off siya pag mali ang sagot ko. Mygash!
"May I go out first, Teacher Mich? Magsi-cr lang ako." Ngumiti ngiti pa ako para payagan. Baka madaan sa pagiging Dyosa ko.
"Sagutan mo muna. Maikli lang naman at hindi naman paragraph ang isusulat mo sa white board." Pagkasabi niya ngumiti siya ng makahulugan. Alam niya siguro ang balak ko. huhu. Einstein, sapian mo ako, ples.
Walang nagawa ang beauty ko kaya binasa ko 'yung question. "Nuclear sizes are expressed in a unit named.." Pumunta ako sa harapan para isulat 'yung sagot dapat sa question. Dahil hindi ko alam ang sagot sinulat ko na lang ay 'nuclei'. Humarap ako kay Teacher Mich pero umiling iling lang siya.
"The correct answer is Fermi. Fermi is a unit of length equal to 10-15 meter used in nuclear physics. It is similar to the diameter of a proton. You should study Mr. Kato. Laging bagsak ang exams, quizzes at seatworks mo. Baka hindi ka maka-graduate pag hindi ka nag ayos sa pag aaral." Napayuko naman ako sa kahihiyan. Sa hirap ako sa Physics, anong magagawa ko?
"Teacher Mich, cr lang ako." Paalam ko at tumango naman siya. Dumiretso ako sa cr ng girls at pumasok sa isa cubicle para maiwala ang kakahiyang scene na nangyari sa utak ko. Ano na lang sasabihin ng mga fafables sa beauty ko? Baka isipin nila ang bobo ko. huhu. Na-turn off na siguro si fafa Brix. huhu.
Narinig ko na may nagbukas ng pinto ng cr at sunod ang lagaslas ng tubig. Pag nakaalis na siya saka ako lalabas baka mahuli ako.
Saktong saktong pagbukas ko ng pinto ng cubicle, nanlalaking mata na nakatingin sa akin 'yung girl na nakabanggaan ko sa mall! Mygad! Bat nanditey siya? Sinusundan niya ba ako!?
"Shh! Huwag kang magsusumbong kundi, aahitin ko ang kilay mo!"Tinakpan ko ang bibig niya baka kasi sumigaw siya. Pinanlakihan ko din ng mata baka sakaling masindak. May parang sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Tumango tango siya after. Siguro na-gets niya na ang pinapahiwatig ko kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.
"Good. Hmp" Inirapan ko muna siya bago ko siya iwan. Huwag nga sana siya magsumbong kasi bali-balita ko nakakatakot daw ang guidance counselor dito sa school. Ano ba namang kamalasan ang dinadanas ko ngayon?
-
Ang boring boring ng araw ko. Buong araw kasi di ko nakita si fafa Brix kasi nag cutting classes siya pati ang other fafables barkada niya. Pati si Mare ko, isang linggong may sakit kaya ang lonely lonely ko. Malapit na ang uwian pero parang bumagal ang oras. 5 minutes na lang pero parang isang oras pa ang hihintayin ko.
"Class dismissed." Sabi ng last teacher namin at halos magparty party na ang mga kaklase ko. Hay salamat. Lumabas na ang teacher namin at lalabas na sana kami pero bigla kaming umatras na may pumasok na ibang mga estudyante.
"IV-C-Hades, upo muna kayong lahat." Sabi nu'ng babae na nakasalamin. Para siyang nerd pero may itsura itsura naman. Wala kaming nagawa kundi ang magsiupuan sa kanya kanya naming armchair.
"May ia-announce ang student council president ng Red Academy." Sabi ulit nung magandang nerd at mula sa labas pumasok ang.. ang.. mygad! Bakit andito si Ms. Dyosa-Na-Unfortunately-Na-Tumaob-Sa-Beauty-Ko?
Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase kong lalaki at nakatingin sila sa girlalu na 'yon. Nagsilaparan ang mga ngiti nila na kanina ay parang nalugi na pinigilan makauwi agad. Tumingin na parang may hinahanap si girlalu at ng makita ako, kumindat sa akin. Mygad! Hindi totoo ang nakita ko, di ba? Nagsilingunan ang mga kaklase ko sa akin at tumingin din ako sa likod ko para hindi isipin na ako ang kinindatan ni girlalu.
"From now on and onwards, liligawan ko si Carl Emzekiel Kato at magiging boyfriend ko siya by hook or crook. 'Yun lang."
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko.