Chereads / Bitch's First Love / Chapter 3 - Bitch 3: Her downfall

Chapter 3 - Bitch 3: Her downfall

"Bye, Carlence"kumakaway na sabi ni Ranne pagkababa ni Carlence. Kala mo naman hindi na magkikita. 2 days lang naman dahil sa weekends. Ghad! Sina Kriszha at Shana, kumaway lang. Buti pa ang dalawang eto. Si Carlence naman, tumango lang at ni hindi man lang ngumiti.

I really wonder pa'no ko naging kaibigan sina Carlence at Ranne. Hindi sila ang tipo ko na gusto kong kasama. Kay Ranne nabubwisit ako sa pagiging isip bata while Carlence on the other hand, nakakapanis ng laway kausapin. Bigla na lang kasi sila lumapit sa akin dati at sabi gusto daw akong maging kaibigan. Sa awa ko sa kanila kasi sila pa talaga lumapit sa akin, pumayag na ako. Baka naman ikaiyak pa nila pag ni-reject ko. Ang mga pwede pa talagang maging kaibigan ko ay sina Kriszha and Shana, mga matino. Uh, Arlien, okay na din pero nakakainis ang pagka conyo niya.

Umandar na ulit ang family car namin para ihatid naman sila Kriszha, Shana at Ranne. Kung hinahanap ninyo si Arlien, wala siya dahil ng magpaalam na aalis siya kanina, hindi na bumalik. Pag pumapasok lang namin siya kasabay. You know, busy ang isang iyon.

"Kuya Driver, diyan na lang kami sa tabi. Huwag mo ng ipasok sa loob."si Shana habang tinatapik ang driver sa balikat. P-in-ark naman ni Kuya Elso ang sasakyan malapit sa entrance ng subdivision nilang tatlo.

"Alia, goodluck sa date ninyo ni Charles. Ipakita mo kay Ugly na mas deserving ka. Kunwari ka pang di mo type si Charles, nalaman mo lang na may girlfriend na nagselos ka agad. Ganbatte, Alia-chan!"biglang nagsalita na lang si Ranne at nag okay sign pa. Nag e-alien language na naman siya. Baka sabihin ninyo hindi ko alam ang sinabi niya, alam ko pero hindi lang talaga ako mahilig sa kung anu anong languages. May English language naman na universal at magagamit pa lagi. I rolled my eyes. May pagka dense din kung minsan itong si Ranne at hindi pa obvious na di ko naman talaga type si Charles.

"Alia, baka may di magandang mangyari bukas."si Kriszha naman ang nagsalita. Kung hindi ka sanay kay Kriszha, di mo maiisip na ang isang fashionista tulad niya ay marunong din mag alala.

"Don't worry. I can handle it."pag a assure ko sa kanya. Caring lang talaga siya kasi may nakakabata pa kasi siyang kapatid na idolo ako. Iba talaga impluwensiya ng katulad ko kaya nga maraming bitch-wannabe sa school.

"Nakaganti ka na nga kay Claire pati ba naman lovelife niya? Why don't you just leave her alone instead? Naiisip ko sana ma-inlove ka o kaya magkacrush ka baka sakaling bumait ka kahit paano."nakaseryosong mukha na sabi ni Shana.

"E di isipin mo na lang. Everyone has their own imagination, meron akong akin."inirapan ko pa siya. Kainis kasi minsan yang si Shana. Akala mo nanay ko siya kung makaasta. Sa almost two years na magkakaibigan kami, hindi pa nasanay sa akin. Mean daw ako and etc. What's wrong with my attitude? Sabi nga sa kanta ni Lady Gaga, Don't hide yourself in regrets Just love yourself and you're set I'm on the right track, baby. I was born this way. Hindi ko babaguhin ang ugali ko dahil maraming may ayaw sa akin. Pakielam ko ba sa kanila? Sa ginagawa nila, mas kinakaganda ko yun. Insecure lang sila masyado.

Napailing iling na lang si Shana habang nakangiti. Ngiti na give up na siya sa ngayon. "Bahala ka na nga. Huwag mo kaming da-dramahan pag nasaktan ka. Oh, alis na kami"nag beso siya sa akin bago bumaba. Napangiti na lang ako. She's crazy para awayin ako, pero tagasulsol din yan pag minsan. Nag beso din sa akin si Kriszha bago bumaba.

Si Ranne naman nakatitig lang sa akin. Anong trip ng babaeng ito? Mayamaya biglang ngumiti at hinalikan ako sa pisngi. Na-shock ako at natulak ko siya sa mukha. Gaga netong babae na ito.

Nag peace sign lang siya at bumaba. Natatawa na lang sina Shana at Kriszha. Sinamaan ko ng tingin si Ranne. Isip bata na nga, ang hilig pa mantrip.

"Manong, paandarin mo na ang sasakyan, dali! Baka sabunutan ako ni Alia. Go na manong."pinaandar naman agad ni Kuya Elso. Ako ang amo bakit sinunod niya si Ranne? Mula sa malayo, nakita kong kumakaway yung tatlo. Napahawak ako sa pisngi ko, ang lagkit. Leche! May kinakain kasi kaninang candy si Ranne at ginawang lipstick kasi kumukulay. Napakuha tuloy ako ng salamin sa bag. May kiss mark tuloy ako sa pisngi. Buti na lang talaga may dala akong wet wipes.

Humanda sa akin yang si Ranne sa Monday. Kala niya hindi ko alam ang weakness niya? Hah!

-

Nagising ako sa kanta ni Katy Perry na Dark Horse. Antok na antok kong hinahanap ang Xperia Z2 ko sa side table ko. I'm still sleepy. Sino bang bwisit na tumatawag? Sinagot ko na agad 'yung tawag na makapa ko na.

"Leche kang istorbo ka! Siguraduhin mo lang importante ang sasabihin mo para gisingin ako dahil hindi ako magdadalawang isip na ipadala ka sa impyerno!"bwisit na bwisit na sabi ko. Ayaw ko sa lahat na iniistorbo ako sa pagtulog ko dahil ang usual na gising ko pag Saturday ay 8:30 ng umaga at kusa akong nagigising hindi pinipilit na gisingin.

[S-sorry, Alyssa]sabi nu'ng tumawag. Napakunot naman ang noo ko dahil boses lalaki. Tinignan ko ang screen ng phone ko at number lang.

"Who the hell are you?"mamaya stalker ko pala kasi pati number ko kinuha.

[Charles]

"O, bakit?"masungit na pagkakatanong ko. Huwag niyang sabihin na excited siya mamaya kasi sisiguraduhin ko na iisipin niya na sana di niya na lang ako sinamahan.

[Sasabihin ko sana na sa malapit sa fountain tayo magkita]

"Okay."sabay end ko ng call. Napakawalang kwenta ng sasabihin. Nagka insomnia yata dahil masyadong excited. Tinignan ko kung anong oras pa lang sa phone ko and it's just 7:20. Argh! Hindi na ako makakabalik sa tulog ko. I press the button na nasa tabi ng side table.

"Dalhin ninyo dito ang breakfast ko! Ayoko ng pinaghihintay ako!"

Tinatamad ako bumaba ng kwarto ko para kumain lang, mas gusto ko ang breakfast in bed para mapagod ang mga katulong dahil nandito sa 3rd floor ang kwarto ko. May kumatok sa pinto at pumasok ang isa sa maid. Niloloko ba ako neto? Walang dalang pagkain.

"Nasa'n ang pagkain ko?"nakataas na kilay ng tanong ko. O my ghad, ang aga aga, binubwisit ako.

"Ma'm kasi po-"

"Bakit? Wala na bang stocks ng pagkain sa ref? Kelan pa kami naghirap ha? Kung kailangan ninyo pa pumunta sa palengke, pumunta na agad kayo dahil pag within 20 minutes at wala pa akong pagkain, you're fired!" mukha naman siyang natakot pero di pa rin siya lumalabas ng kwarto ko.

"Ano pang tinatanga mo diyan? Kilos!"

"M-ma'm sina Sir ho sabi ay sumabay na daw ho kayo sa kanila." Leche. May 'kasi po' pa siyang nalalaman di na lang dineretso. Nakauwi na pala sina Mom at Dad. Mas napaaga ang uwi nila na dapat ay next week pa.

"Lumabas ka na ng kwarto ko. Shoo!"pagtataboy ko sa kanya. Dali dali namang siyang lumabas kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Pero buti na lang soundproof ang kwarto ko kaya malamang hindi narinig nina Dad ang pagsigaw ko sa bwisit na maid na 'yun.

I get up from my bed and do my morning rituals.

-

Pagkatapos ko bumaba na agad ako para magbreakfast. Nasa dining room na nga sina Daddy at Mommy. Si Daddy nagbabasa ng newspaper while drinking his coffee at si Mommy kumakain na. Paupo na sana ako ng bigla akong yakapin ni Mommy.

"O my god, baby Eyy! Bakit araw araw gumaganda ka lalo? Para tuloy hindi kita anak. Huhu." lalong humigpit pagkakayakap sa akin ni Mommy. Pinigilan ko ang sarili ko makapagsalita ng kahit ano dahil Mommy ko siya at nirerespeto ko siya. Kaya ayaw ko sa pagiging isip bata ni Ranne dahil si Mommy ang isip bata dito sa bahay. Napatingin ako kay Daddy para humingi ng tulong pero matawa tawa na lang habang napapailing.

Pinipilit kong tanggalin ang pagkakapit sa akin ni Mommy ng may biglang nagsalita na isang booby brain. "Ma, Pa, nandito na pala kayo. Good morning." at umupo na lang siya agad sa dining table.

"Baby Bii, bakit ang kapatid mo hindi mo binati?"tanong ni Mommy habang yakap pa rin ako pero hindi katulad kanina na mahigpit. Pwede bang minsan ikahiya ko ang Mommy ko?

Tumingin naman sa akin si booby bird at pinasadahan ako ng tingin. Anong akala niya sa sarili niya, gwapo? Mulo ulo hanggang paa, mukha siyang paa. "Bad morning for you, bitch" diniin niya pa ang pagkakasabi ng bitch. I just glared at him. Kung wala lang dito sina Mommy, I swear, I'll strangle him to death. Ngayon lang ulit kami nagkaabot ng breakfast dahil strangers to hell kami pag kaming dalawa lang.

"Brenan Brix!"saway ni Daddy sa booby brain. Sanay na sina Daddy sa pag aaway namin pero pag may foul words na nababanggit, nagagalit sila. We should not address each other daw na parang walang pinag aralan. Palalagpasin ko ngayon ang pagsabi niya ng bitch sa harapan pa nila Mommy.

"Umupo ka na Alia."utos ni Daddy kaya umupo na din si Mommy sa tabi ni Daddy. Ako naman no choice kundi ang umupo sa tabi ni booby brain.

"Brix, apologize to your younger twin sister." narinig kong nag 'tsk' itong katabi ko. Oo, kakambal ko siya. Pag minamalas nga naman. We're both fourth year high school student, at parehas na graduating na pero ewan ko kung ga-graduate nga siya. Kung iniisip ninyo na kaklase ko siya, na-uh. Kaya nga booby brain tawag ko sa kanya kasi nasa lowest section siya.

Tumingin siya sa akin ng bored-look kaya napatingin ako sa kanya. "Sorry"saka humarap ulit siya sa pagkain niya pero sa kabila ng pagnguya niya narinig ko pa rin ang pagsabi niya ng "I'm not sorry". Hindi na narinig nila Daddy 'yun dahil obvious naman na sa akin niya lang talaga pinaparinig. Kumain na lang at di ko na lang siya pinatulan dahil I need to be a good girl in front of my parents. Aalis pa naman ako para sa date kunwari namin ni Charles. Baka hindi ako payagan umalis. I'm sure dahil sa pagba-badmouth sa akin ni booby brain, he need to suffer.

"Brix, you're not allowed to go anywhere for today." told ya. Napamura ng mahina si booby brain. Mahigpit si Daddy lalo na pag sinuway siya. At pag sinuway pa siya ulit, maiisip mong sana makapag time machine ka.

"Ikaw kasi baby Bii, dapat di mo inaaway si Baby Eyy."napatingin tuloy ako kay Mommy na naka-pout. Minsan naiisip ko, anong nagustuhan ni Daddy kay Mommy knowing na medyo strict si Daddy? Ginayuma kaya ni Mommy? Napatingin ako sa wall clock, at quarter to 9 na. Kailangan ko na palang umalis.

"Mommy, Daddy. I need to go. Magkikita kasi kami ni Ranne sa mall. May bibilhin din kasi ako."pagpapaalam ko.

"Okay lang baby Eyy! Pasalubong ha?" si Daddy tumango lang. Oh, di ba? Hindi pahirapan na pakiusapan si Daddy.

Tumayo na ako at nagpunas ng bibig. Ngumiti na lang ako kina Daddy at ng mapadako ang tingin ko kay booby brain, nginitian ko din siya 'yung mapang asar.

-

"Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry, ha? Sina Mommy kasi ayaw agad ako paalisin."sweet sweet-an na pagkasabi ko kay Charles pagkarating ko. 9:30 na kasi ako nakarating, sabi ko pa 9 am sharp. Pero likas na sa babae ang pagka-late.

"Hindi naman. Ayos lang."nakangiting sabi niya. Pero sa itsura niya mukha siyang kinabahan kasi baka indyanin ko siya. Kumapit naman agad ako sa braso niya at parang nagulat pa siya.

Hinila ko na lang siya para isipin niya na I'm really into him. Hmm. Nandito na kaya si Ugly? I really wonder para di ko na kasama si Charles. Kung saan saan ko hinila si Charles kasi baka makasalubong lang namin si Ugly. Kunwari nasa maze ako at ang finish line ay ang makita si Ugly. Papasok na kami ng department store ng makita ko si Ugly na palinga linga. Mukhang hindi niya pa kami nakikita at etong si Charles hindi rin yata nakita si Ugly. Saktong pagharap ni Ugly, I kissed Charles sa cheeks. Remind me later na maghuhugas ako ng lips. Matagal kong nilapat ang lips ko sa pisngi ni Charles at sa peripheral vision ko nabigla si Ugly. Palapit siya sa amin kaya saktong paglapit niya, tumingin ako sa kanya at I pretend na nabigla.

Sasampalin niya sana ako kaso nahawakan ni Charles ang kamay niya. Whoa, feeling knight in kinakalawang armor. Pero kung gaano kabilis ang response ni Charles sa pagsampal sana sa akin, ang kabilang kamay ni Ugly ang pinangsampal sa kanya. Kakaiba si Ugly, pag pala nasasaktan, tumatalino ng konti knowing na nasa lowest section siya.

Nag away silang dalawa na parang wala ako. Ang daming napapatingin na tao. Si Ugly wala man lang delikadesa. Pipili na lang audience, 'yung pang pwede pang mag video sa kanya at ikalat sa internet ang nakakahiya niyang ginagawa. Unti unti akong lumayo sa kanilang dalawa baka masama ako ma video-han e di lagot ako kay Daddy.

Ngiting ngiti ako habang naglalakad palayo. Narinig ko pang tinawag ni Charles ang pangalan ko. And I don't care, nakaganti na ako kay Ugly. I bet hiwalay na sila at yun ang magiging news flash sa freedom board.' Hearthrob ng school at ang pinakapangit na si Ugly, break na dahil sa Aphrodite ng school'. Ang sarap sa pakiramdam.

Pumunta ako ng Starbucks. And I ordered Mocha Frappuccino. Pagkalabas ko ng store, may lalaki na tumatakbo ng mabilis. Anong meron? May nag-shu-shooting? Hindi ko naiwasan mapairap. Pati mall ginagamit sa kalokohan.

Paglakad ko sabay na may tumatakbo papunta sa direksyon ko. And before I knew what happened, naramdaman ko na sumayad na likod ko sa matigas na malamig na sahig ng mall, ang lagkit ng pakiramdam ko dahil sa Frappe na tumapon sa akin at may mabigat na nakapatong sa akin.

Arg! Bwisit! Lagot sa akin ito!

Sisigawan ko sana yung bobo na bumangga sa akin kaso pagdilat ko, napatulala ako. Nakapikit siya at kita ko ang mahaba niyang eyelashes. His lips na matingkad, his cheeks na medyo namumula, at nang magmulat siya, chinky eyes. Tama ba ang nakikita ko? And my heart skip a beat.

"Kaimbyerna ka. Huwag kang tatanga sa susunod."he rolled his eyes at tumayo na sa pagkakadagan sa akin. Tinayo niya ako at umalis na siya. Ngayon lang ako napahanga sa itsura ng isang lalaki. At sa nakabangga pa sa akin. 'Yung way ng pagsasalita niya hindi normal pero hindi ko maiwasan talaga na mainggit sa eyelashes niya.

"Kawawa naman yung babae. Ang dumi niya tignan."narinig kong sabi ng isa sa nakakita. Gusto ko mabwisit sa lalaking yun kaso biglang nawala ang pagkainis ko. Pumunta na lang ako sa Genevieve Gozum para bumili ng bagong damit. Nakatingin sa akin ang mga sales lady.

"Ano?!"inis na tanong ko. Titingin pa e. Kumuha na lang ako ng napili ko at binayaran sa cashier. Tingin ng tingin pa sa akin yung cashier, dahil ba sa nadumihan ako mukha ba akong pulubi?

Dumiretso na lang ako sa comfort room dito sa mall at nagpalit. Itinapon ko sa basurahan ang damit na nadumihan.

"Hala, ate, bakit mo naman tinapon na agad yung damit mo? Sayang naman."napatingin ako sa babae na yun na nagsalita bigla. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Madumi na kasi pakielam mo ba?"

Napailing na lang yung babae. "Kahit na pwede pa naman labhan"

"Kunin mo saka labhan mo!" inirapan ko siya at lumabas na ako. Hindi yata marunong ng 'Mind your own business'. Kaasar!