I'm really pissed off. It's already 11 pm and I can't sleep. Leche! Kanina pa ako naghahanap ng paraan para makatulog. And it's not funny. Halos lahat ginawa ko na para makatulog at walang umepekto. May pasok pa naman na bukas. For god's sake, Sunday na ngayon at kahapon pa nangyari nang makita ko 'yung lalaking may mahabang eyelashes! Kainis! Minsan pala hindi maganda ang may photographic memory! Hindi ko nga alam bakit ko siya naiisip, hindi ko naman siya kilala at wala akong balak makipagkilala kung kani kanino lang. Puntahan ko na lang si Daddy, malamang gising pa 'yun at nasa office niya.
Sinuot ko ang slippers ko at pumunta na sa 2nd floor kasi nandun ang office niya. I hope tulog na si Mommy dahil once na makita ko siya, swear! Babalik na ako sa kwarto ko. Kumatok na lang ako sa pinto ng office ni Daddy.
"Come in"boses ni Daddy mula sa loob. Pumasok na lang ako sa loob at si Daddy nakaharap sa laptop niya.
"Daddy"tawag ko sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin.
"Hindi ka pa tulog?"concerned na tanong niya. Hindi ko alam kung iirap ba ako o kung ano dahil obvious naman ang sagot sa tanong niya. Pero minsan lang siya magkaganyan, lalo na pag pagod na.
"Daddy, sleepwalk."napakunot naman ang noo niya na parang di na-gets. 'Yan ang mahirap sa aming matatalino, pumupurol ang utak pag pagod. Huwag ka nang mangarap na isa ka sa amin.
"Daddy, obvious naman na gising ako. I just can't sleep"umupo ako sa couch at prenteng umupo dun.
"That's new. Insomnia?"
"Nah. I don't think so. Something's bothering me."
"And what is it?"nakaupo na pala si Daddy sa tabi ko. Should I tell him about the guy with the long eyelashes? Maybe later.
"Ano bang nagustuhan mo kay Mommy? She's so childish. Ginawa niya akong mannequin kanina. She make me wear 30 dresses, 15 skirts, cosplay costumes and 15 pair of stilettos! Nagka-pictorial pa sa kwarto ko at in-upload niya pa sa mga social networking sites. Daddy, sigurado ka ba na siya ang biological mom ko? If she's not, I'll start finding my real mom."He just chuckled.
Isa pa din 'yun sa gumugulo sa akin. Baka step mom ko na siya. Pumasok na lang bigla sa kwarto ko at sabi may sasabihin daw siyang importante. Pagkasara ng pinto, nag isip bata na naman at pinapagsusukat sa akin ang mga damit at sapatos na dala niya. Nawalan nga ako ng gana mag dinner dahil sa pinaggagawa sa akin ni Mommy. At sa dami ng pinaggagawa niya sa akin, nakakapagtaka na di man lang ako inantok.
Inakbayan ako ni Daddy at pinasandal ang ulo ko sa balikat niya. "Eyy, pagbigyan mo na ang Mommy mo. Nag iisang anak kasi siya dati at nataon na ikaw ang iisang babaeng anak. Your Mom maybe a weird one but she's really unique."nakangiti pa si Daddy habang sinasabi iyon.
Unique? Hindi ako makapaniwala na unique ang pagiging childish, ibig sabihin unique si Ranne dahil sa panti-trip niya? I don't think so.
"Daddy, really? Unique? She is really weird but not unique."reklamo ko.
Ginulo ni Daddy ang buhok ko bago magsalita. "She's unique, Eyy. Magkaklase kami since high school pero di ko siya napapansin noon. I'm too busy to be a valedictorian, while her a happy-go-lucky girl. Pagdating ng college, naging magkaklase kami dahil parehas na course ang t-in-ake namin. Management. Siya lang ang tuwang tuwa na malaman na magkaklase kami. She's childish and annoying too. Masyadong maingay. Hanggang sa second semester, first year noon lumala ang pagka annoying niya dahil pinipilit niya akong maging model ng ipe-paint niya."then he paused.
"For a nude painting?"nanlalaking mata na tanong ko. Naririnig ko na magaling daw na painter si Mommy pero hobby na lang daw. Di ko pa siya nakitang mag paint kahit nung bata pa ako. Hindi nga ako makapaniwala na painter siya dahil usually sa painter shy type at tahimik na tao. Kaya talaga hindi ko maiisip 'yon.
"No. Sectarian college school kami kaya hindi pwede ang nude painting. May painting competition kasi noon at ayun nga pinipilit ako ng Mommy mo na maging model niya. Una tumanggi ako kaso sobrang mapilit at lumuhod pa sa harap ko, kaya napapayag na ako. Dahil siguro sa ako ang model niya kaya nanalo. Haha!"hinampas ko kasi siya sa braso kaya napatawa siya. Palabiro din kasi siya. Masyadong vain sa sarili.
"Dahil nga sa nanalo siya, nakatanggap siya ng fifty thousand na premyo. And that's the time I realized, she's unique."ngiting ngiti na sabi niya
"Daddy, dahil lang sa nanalo siya, unique na agad?"di makapaniwalang tanong ko. Nananalo ako sa mga quiz bee ng taun-taon pero wala man lang nagsabi sa akin na unique ako. I don't get Daddy's point.
"She used the money-"
"To donate for the orphanage?"pagpuputol ko. May orphanage kasi si Mommy na sinusuportahan hanggang ngayon. Just a guess. Kahit nga ang mga artista sa hollywood, mga philanthropic, anong unique pa rin doon?
"No, Eyy. Ginamit niya ang perang napanalunan niya para magshift ng course to Fine Arts. 'Yun ang dahilan kaya naging unique siya sa paningin ko."nakangiting sagot ni Daddy.
Napatango na lang ako. Unique nga pero medyo selfish, wala na din naman ako pakielam kung ginusto ni Mommy ng Fine Arts.
"Let me show you something."tumayo si Daddy at lumapit siya sa isang pinto na nasa loob din ng office niya. Sumunod naman ako sa kanya at halos mag jaw drop ako sa nakita ko sa loob. Paintings. P-in-aint ni Mommy ang family picture namin. May sari sariling portrait kami na si Mommy mismo yata ang nagpaint.
"Studio ito ng Mommy mo. Hindi niya pinapakita sa inyo dahil sabi niya nahihiya daw siya."
Bumalik na lang ako office at sa couch na inuupuan ko kanina. Kung ayaw pala ipakita ni Mommy, bakit pinakita pa sa akin ni Daddy? Gulo din.
"Ano nga palang course ang ite-take mo after highschool, Eyy?"umupo ulit si Daddy sa tabi ko.
"Kahit ano na lang, Dad. Magfi-fit naman ako kahit saan."I shrug after. Tumingin ako kay Daddy para makita ko ang reaksiyon ko. Nakangiti na tumatango naman siya.
"Ayos lang ba sa'yo ang Biological Science na course?"
"NO, DAD!"oh my god. No! Ayoko ng ganung course! Siguradong magpapa-disect do'n ng palaka o kaya butiki. Naiisip ko pa lang nandidiri na ako. Tinawanan lang ako ni Daddy.
"Akala ko ba kahit anong course?"matawa tawang pa ring tanong ni Daddy.
"Yes. Any course except Biological Science."nakasimangot na sagot ko. Nagagaya na siya kay Mommy sa pagiging baliw. Alam niya kung gaano ako katakot sa palaka and even lizards.
Tumigil na si Daddy sa pagtawa at sumeryoso ang itsura. "Don't hate your twin brother, Eyy. Hindi ko alam kung nasa rebel stage lang siya pero intindihin mo siya. Sinusubukan namin ng Mommy mo na hindi ka na pinagsasalitaan ni Brix ng ganon."tumango na lang ako habang hinahaplos niya ang buhok ko.
Daddy's girl ako kaya oo na lang. Susubukan ko na lang din na hindi patulan si booby brain basta huwag niya lang isusumbong kina Daddy ang pinaggagawa ko sa school. Sinisikreto ni Tita Ayca ang lahat ng ginagawa ko sa school kaya lahat ng bitchiness ko ay safe. Ang alam lang kasi ni Daddy pag nag aaway kami ni booby brain doon lumalabas ang pagiging matapang ko, good girl ang alam niya na ako even Mommy.
"Sabihin mo nga pala sa Tita Ayca mo na hindi ako pumapayag sa gusto niya"napatingin ulit ako kay Daddy at ang itsura niya di mo maipaliwanag. Nakatingin tuloy ako sa kanya na nagtataka, hindi pumapayag saan?
"Baliw kasi 'yung Tita mo. Lagi akong pinapapadalhan ng adoption papers sa opisina. Gusto ka daw ampunin. Ano ka, aso na pinamimigay? Ayaw pa kasi nila gumawa ng kanila ni Joey."naiinis na sabi ni Daddy. Natatawa na lang ako. I can't imagine na ginagawa pala 'yun ni Tita. Bata pa lang ako lagi niya nang sinasabi na aampunin daw niya ako. Malay ko bang seryoso si Tita.
"Daddy, paano mo masasabing may gusto ka sa isang tao? Or crush?"pag o open ko about sa tungkol dun sa lalaking nakabangga sa akin. Nagtataka talaga ako dahil ang usual reaction ko pag napahiya ako o may nakagawa sa akin ng mali, gagantihan ko pero sa lalaki err bakla yata iyon nawala ang inis ko. Hinangaan ko pa ang physical features niya at hindi normal 'yon.
"Di ba ang crush ay paghanga? Hinahangaan mo siya dahil sa may itsura siya o kaya matalino siya kahit anong dahilan. Mararamdaman mo na lang espesyal na siya sa'yo."
Napaisip na lang ako bigla. Special? Bakit naman magiging special 'yung bakla na nakabangga sa akin? I don't even know him err her. Dahil ba sa naiinggit ako sa long eyelashes niya, special agad? That's ridiculous!
"Paano mo naman malalaman na special siya? Ano siya parang special items dahil one of a kind siya?"
"Teka Eyy, sinong lalaki ba ang tinutukoy mo? Siya ba ang dahilan kung bakit di ka makatulog ngayon? May nanliligaw ba sa'yo?"sunod sunod na tanong ni Daddy.
"Gosh! Manliligaw!? No way! Wala akong pinapayagang manligaw bukod sa ang papangit ng lalaki sa school!"
Karamihan kaya ay Nerd boys ang nasa school. Nasa'n do'n ang gwapo? I mentally rolled my eyes.
"Akala ko pa naman. Huwag mong kakalimutan na mae-engage ka na pag nag 18 ka na."paalala ni Daddy.
"Yeah, Dad. Whatever."palihim akong umirap. Balak nila kasi akong ipakasal daw sa anak ng kaibigan nila. Hindi ko pa nakilala kung sino siya, and I don't care. Kung mukha siyang nerd, magiging runaway fiancee-to-be ako. At kung may itsura naman pero hindi gano'n kagwapuhan, sa araw ng kasal ako magiging runaway bride. Magpapakasal na nga lang ako, di pa ako pumili ng karapatdapat na groom ko. Nawalan na tuloy ako ng gana makipag usap kay Daddy. Ngayon niya lang ulit nabanggit ang engagement ko daw.Tumayo na ako at ready na lumabas.
"Daddy, I'll try to get some sleep. Medyo inaantok na din ako."pagsisinungaling ko. Hah! Sino bang niloloko ko? Lalo lang nagising ang diwa ko dahil sa nabanggit ang about sa engagement-duh na yun.
"Eyy."tawag niya sa akin kaya napalingon ako.
"Why don't you listen to this?"inabot niya sa akin ang cd. Nang makita ko ang cd, napangiti ako. CD with classical musics.
"Thank you, Daddy."nginitian ko siya. Tumango lang siya at pumunta na ako sa kwarto ko para patugtugin yung cd. It's been awhile since I listen to classical music. Nawala kasi yung dating cd na bigay din ni Daddy, ninakaw yata ng isa sa katulong dati. Mga makakati ang kamay. Eto talaga ang nakakapagpatulog sa akin simula bata pa. Kaya nga sabi ko nakakaantok magturo si substitute teacher dahil makarinig lang ako ng classical music, inaantok na ako. And Beethoven's fur elise started to play and my consciousness started to fade.
-
"Ms. Santibanez."tumingin ako sa tumawag sa maganda kong apelido. Si Math teacher. Tinignan ko siya na parang bakit-ba? Huwag niyang sabihin na gusto niya lang makipagtitigan. Lalaking teacher kasi malay ko ba baka nagagandahan din sa akin. Ang kagandahan ko kasi walang pinipili kahit elementary students, may nagkakagusto sa akin.
"You're obviously spacing out. Why don't you answer question number 1?"tinignan ko ang Math problem about sa logarithm na nasa white board. So easy. Tumayo ako papalapit sa white board at sinulat ang sagot sa 10 questions na nakasulat sa board.
"If you're looking for the solution, it's on my paper at my seat table. And may I go out?"baling ko kay Math teacher at habang siya, hindi makapaniwala at tumango na lang. Lumabas na ako ng room at dumiretso sa comfort room. Medyo wala ako sa sarili ko ngayon, inaantok pa kasi ako. First subject kasi namin ay Math.
Tinignan ko ang sarili ko sa mirror, buti na lang hindi uso sa maganda kong mukha ang eyebags. Nagretouch lang ako ng konti at naghugas ng kamay. Ang dami pa namang germs yung pentel pen na ginagamit ni Math teacher. Eww. Ayaw kong mahawa ng kahit anong dumi. Biglang bumukas ang pinto ng isa sa cubicle at nabigla ako. The guy err the gay with long eyelahes. Nahigit ko ang hininga ko. Ohmyghad! Bakla nga siya pero bakit nandito siya sa cr ng girls? Di ba dapat mas type niya sa cr ng boys kasi nandun ang mga type niya?
Nanlaki ang mata niya at biglang tinakpan ang bibig ko. Ohmy! Bakit niya nilagay ang kamay niya sa lips ko!? Oh no! Baka puro germs ang kamay niya, eww! Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero ayaw niya tanggalin.
"Shh! Huwag kang magsusumbong kundi, aahitin ko ang kilay mo!"nilakihan niya pa ang mata. niya. Sinubukan ko magsalita kaso ayaw mag form into words yung lumalabas sa bibig ko kaya tumango na lang ako at dun niya lang tinanggal ang kamay niya. Ohmy ghad, my lips, mukhang nagkagerms ulit. Argh!
"Good. Hmp"inirapan niya ako saka lumabas na siya ng cr at iniwan akong nakatulala. Anong nangyari? Bakit hindi gumana ang pagiging bitch ko?