Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 247 - Chapter 247

Chapter 247 - Chapter 247

"Ate asan ka?" Sabi sakin ni Mike nung sagutin ko yung tawag niya.

"Papasok na ko sa trabaho, bakit?" Takang tanong ko, paano kasi parang natataranta si Mike.

"Pumunta ka muna dito sa hospital, bilis!"

"Bakit? Ano nangyayari?" Kinakabahan ko ng tanong.

"Basta! Bilisan mo!" Sigaw ni Mike, sabay baba ng tawag. Agad akong bumaling kay Martin na nagmamaneho kasi nga ihahatid na sana niya ko sa trabaho ko.

"Hon, hatid mo ko sa hospital!"

"Bakit?" Takang tanong ni Martin pero lumiko na siya papunta sa hospital.

"Di nga pinaliwanag ni Mike eh, basta daw pumunta ako dun." Nangingig kong sabi. Tumatakbo na yung utak ko sa mga negative na bagay.

"Thump...thump!" Tibok ng puso ko kasabay ng panlalamig ng kamay. Di ko mapigilang mapakagat sa labi kasi iniisip ko baka may nangyaring masama kay Papa.

"Malapit na tayo, wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano!" Sabi ni Martin sakin nung makita niyang namumutla na ko at di mapakali.

Nung huminto yung kotse sa tapat ng hospital agad akong bumaba at patakbong pumasok ng hospital. Di ko na hinintay si Martin at kahit nga yung bag ko ay iniwan ko narin, kasi ang isip ko malaman kung ano yung nangyayari kasi sinubukan kong tawagan si Mike di na ito sumasagot kaya lalo akong natakot.

Dumiretso ako sa ICU kung nasaan si Papa pero inabutan ko siya dun tahimik na natutulog at parang wala namang problema. Wala dun si Mike at Mama kaya labis akong nagtataka.

"Pina-prank lang ba ako ng ungas na yun?" Sabi ko habang naiirita.

"Sira-ulo yun ah!" Galit kong sabi at naglakad ako papunta sa kwarto kung saan sila naroroon ayon sa Nurse na pinagtanungan ko.

Pagbukas ko palang ako ng kwarto ng makarinig ako ng boses na nagsisigawan at di ako maaring magkamali boses iyon ng Nanay ko. Nung tuluyan akong makapasok bumungad sakin yung pagbabangayan ni Mama at ng Lola ni Martin. Ang masaklap kasama na nito yung Mommy ni Martin na nakikisali din sa pag-aaway.

"Anong nangyayari?" Takang tanong ko. Di kasi nila ako napansin kasi nga busy sila sa pakikipagtalo sa isat-isa. Basta ang naririnig ko lang sa bibig ng kamag-anak ni Martin at mga muka daw kaming pera.

"Mabuti naman at dumating ka na!" Mataray na sabi ng Lola ni Martin sakin.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko.

"Ito yung cheke five million yan para lumayo ka sa anak ko at wag niyo ng ituloy yung pinaplano niyong kasal!" Sabi ng Mommy ni Martin sakin sabay abot sakin ng cheke na di ko tinanggap. Kaya napilitan siyang ilapag iyon sa lamesa.

"Bakit ayaw mong tanggapin? Naliliitan ka?" Sabi ng Lola ni Martin sakin. Di ako sumagot at tiningnan ko si Mama na halatang nagpupuyos sa galit habang inaalalayan ni Mike. Nakaupo yung Lola at Mommy ni Martin sa mahabang upuan samantalang si Mama ay sa single na upuan kung saan nasa likod niya si Mike kaya lumakad ako papunta sa gilid ni Mama at nanatiling nakatayo.

"Sabagay maliit nga naman ito, kumpara sa alahas na naka-suot sa leeg mo na binigay ng anak ko!" Muling pang-uuyam sakin ng Mommy ni Martin habang naka titig sa kwintas ko.

"Tama mas mahal nga naman yan, isama mo pa yung ginastos ni Martin para sa operasyon ng Tatay niya at sa expenses ng pamilyo niya!" Dugtong uli ng Lola ni Martin. Di ko maintindihan kung ano yung mga pinagsasabi nila at kung bakit sila andito at nag-uumpisa ng gulo.

"Hindi kami humihingi kay Martin para sa pagpapahospital ng asawa ko!" Sigaw ni Mama.

"Haha...haha... kaya pala anak ko yung nagbayad ng bills niyo dito!"

"Anong sabi mo? Si Michelle ang nagbayad ng hospital bill ng tatay niya at di siya nanghingi kahit isang sentimo sa anak mo!" Bulyaw ni Mama.

"Kaya pala pati bahay niyo tinubos ng anak ko! Kakapal ng mga mukha niyo! Hindi humihingi?" Sabay tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng Mommy ni Martin na para bang nakapababa kong uri ng babae.

"Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo, kahit kaylan di kami nanghihingi sa anak mo!"

"Kaya pala suot-suot mo yung bagay na galing sa anak ko! Dahil kung anak mo lang kahit ibenta niya yung sarili niya di siya makakabili niyan" Sabay tingin sa relong suot ni Mama na ibinigay ni Martin kahapon bilang Christmas gift.

"Ito ba pinuputok ng butse mo! Oh ayan saksak mo sa baga ko!" Sabi ni Mama sabay hubad ng relo at walang kagatol-gatol na inihagis sa Mommy ni Martin. Di pa nakuntento at kinuha rin yun yung para kay Papa at Mike at muling inihagis. Pagkatapos nun ay lumapit sakin at hinablot yung kwintas na suot ko.

"Ayan na lahat ng binigay ng anak mo! Umalis na kayo!" Galit na sabi ni Mama.

"Ha! Kung ganun umalis na kayo sa kwartong ito at sa hospital na ito pati sa bahay na tinitirhan niyo kasi anak ko lahat nagbayad nun!" Sigaw ng Mommy ni Martin na labis naming ikinagulat.

"Si Martin ba ang nagbayad dito?" Galit na tanong ni Mama sakin.

"Hindi po Ma!" Sagot ko kasi di naman talaga ako nanghingi at kinausap ko rin si Martin na ako na bahala sa bills ni Papa kaya alam ko sa sarili ko na samin galing lahat ng pera na ginastos ko sa hospital.

"Sinungaling!" sagot ni Lola ni Martin sabay hagis ng mga papel sa lamesa kung saan dinampot iyon ni Mama. Nang mabasa niya kung mga ano iyon agad niya kong sinampal.

"Anong ibig sabihin nito Michelle?" Nangingig niya sabi sakin habang dinuldol sakin yung mga papel. Di ko ininda yung sampal ni Mama kahit parang nabingi yung tenga ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sakin sa halip inabot ko yung papel at masusing binasa.

Statement of account yun ni Martin sa nakalipas na isang buwan. Doon makikita yung mga binayaran niyang amount sa banko kung saan naka sanla yung bahay namin, hospital kung saan naka confine si Papa at account ng mga taong inutangan ko lahat binayaran niya. Bigla akong nanghina kasi para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano pang isasagot ko? Maniniwala ba sila kapag sinabi kong di ko alam iyon.

Related Books

Popular novel hashtag