Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 248 - Chapter 248

Chapter 248 - Chapter 248

"Michelle!" Sigaw ni Mama na umiiyak na dahil sa galit kasi nga di na ko sumagot.

"Hays!" Buntong hininga ko. Pinipigilan kong wag tumulo yung luha ko pero di ko napaigilan lamutakin yung mga papel na iyon dahil sa galit. First time akong sinampal ng Mama ko pero di yun ang iniinda ko kundi yung sakit sa dibdib ko. Mas grabe kasi naapakan yung pagkatao namin di lang sakin kasama na yung pagkatao ng buong pamilya ko.

"Ngayon sabihin niyo kung hindi kayo mukang pera? Para kayong linta kung makakapit sa apo ko! Mga patay gutom!" Bulyaw ng Lola ni Martin samin.

"Sige po, iaalis ko na sa hospital na ito yung Papa ko. Pati sa bahay aalis din kami para wala na kayong masabi!" Mahinahon kong sagot.

"Di yun ang kailangan namin sayo ang gusto namin hiwalayan mo si Martin dahil di kayo bagay at sinasabi ko sayo kahit kaylan di kami papayag na magkatuluyan kayong dalawa! Yan ang itatak mo sa utak mo kaya mabuti pa hiwalayan mo na siya!" Sabi ng Mommy niya.

Gusto ko ng sumang-ayon para sana matapos na kasi sobra-sobra na yung ginagawa nila. Pumapasok na sa utak ko na worth-it ba na ipaglaban ko si Martin kung kahit anong gawin ko ay di naman ako matatanggap ng pamilya niya. Ang tanging alam lang nila is mahirap kami at pera lang ang habol ko sa kanila. Na isa kaming patay gutom na kailangan umasa sa kanila para mabuhay.

Sasagot na sana ako ng "okay fine," pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si Martin.

"Anong ginagawa niyo dito Mom?" Takang tanong nito habang palipat lipat ng tingin samin lahat.

Walang sumagot samin at nanatiling tahimik lang. Dahan-dahang lumakad si Martin sakin, hahawakan niya sana ako sa baywang ng umiwas ako at nagsalita.

"Iuwi mo na yung Mommy at Lola mo! Wag mo ring kalimutan yung mga bigay mo!" Pagkatapos ko yung sabihin agad kong kinuha yung bag ko na bitbit niya at tuluyan akong umalis.

"Michelle!" Tawag sakin ni Martin pero di ko siya nilingon, dire-diretso lang ako sa paglalakad.

Dumiretso ako sa pinaka malapit na banyo at tahimik dung umiyak. Ang bigat-bigat ng dibdib ko at kahit anong gawin kong hampas dun di mawala yung sakit nun. Tunog ng tunog yung cellphone ko pero di ko yung magawang tingnan, nanatili lang akong naka subsob sa palad ko at patuloy na lumuluha.

"Hon!" Tawag ni Martin sakin habang kumakatok sa cubicle kung saan ako naroon.

"Hon, please mag-usap tayo!" Muling sabi ni Martin pero di ako sumagot.

"Please!" Paki-usap niya at dahil nga nasa public comfort room kami wala akong nagawa kundi magpunas ng luha at buksan yung pinto kasi nga may narinig akong tumiling babae nung makita si Martin.

"Sorry!" Sabi ni Martin sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Sa labas na tayo mag-usap!" Sagot ko sa kanya kasi nga meron ng babaeng papasok sa banyo. Binitawan niya naman ako pero hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ko palabas.

Dinala niya ko sa parking lot kung saan naroroon yung kotse niya, balak niya sanang paandarin yun pero pinigil ko siya.

"May dapat akong asikasuhin kaya di ako pweding umalis." Kaya nanatili lang kami sa loob nun. Tinted naman yung sasakyan kaya di naman kami kita sa labas kaya safe lng na mag-usap kami dun.

"Hon, sorry sa ginawa ni Mommy at Lola!" Sabi ni Martin sabay yakap sakin.

"Nung Christmas party kasi sinabi ko na sa buong pamilya na papakasal na tayo. Di ko naman akalain na gagawin nila 'to, Sorry!" Paliwanag ni Martin pero nanatili akong walang kibo.

"Nag-sorry na din ako kay Mama at Mike! Pinauwi ko na din sila Mommy at Lola sinabihan ko narin sila na wag na silang bumalik dito kaya wag mo na silang alalahanin ha!"

"Di ba sabi ko sayo wag ka ng maki alam sa bills ni Papa at ako ng bahala!" Sabi ko kay Martin. Nasa boses ko yung galit kasi akala ko nagkakaintindihan kaming dalawa pero di pala.

"Iniisip lang naman kita kaya ko yun ginawa." Paliwanag niya.

"Paano mo ko iniisip? Di ba malinaw naman yung sabi ko sayo, AKO NA MUNA ANG BAHALA!"

"Ano bang masama sa ginawa ko?" Naiiritang sagot na rin ni Martin sakin.

"Anong masama? Narinig mo ba sinabi ng Nanay at Lola mo samin?"

"Kaya nga ako humihingi ng tawad kasi alam ko mali yung ginawa nila!"

"Di mo ko naiintindihan eh!" Naiiyak nanaman ako.

"Talagang di kita naiintindihan!" Sigaw ni Martin sakin.

"Hays!" Buntong hininga ko habang ibinaling ko na sa labas yung tingin ko.

"Ang akin lang sana Martin, sana lang hinayaan mo muna ako!"

"Hayaan kitang lumapit kung kani-kaning tao para mangutang na pwedi ka namang lumapit sakin! Kahit di ka na nga lumapit sakin eh kasi willing naman ako na ibigay lahat ng pangangailangan mo pero mas pinili mo pang lumapit sa EX mo at sa manliligaw mo para humiram ng pera kaysa sakin."

"Huh!" Sagot ko sa kanya.

"Bakit mas gusto mong lumapit sa kanila kaysa sakin?" Galit na tanong sakin ni Martin.

"Mas mabuti pa nga sa kanila eh kasi kahit papano wala akong maririnig na masamang salita mula sa kamag-anak nila. Di nila ako susumbatan na pera lang ang habol ko sa kanila di kagaya ng pamilya mo!" Sigaw ko kay Martin.

"So kasalanan pa ng pamilya ko ngayon kaya ayaw mong lumapit sakin! Bakit pera ba nila ginagastos ko sayo? Bakit di naman kita inoobligang makisama sa kanila ah? Kahit ayaw nila sayo wala akong paki kasi tayo naman magsasama ah, di naman kita ititira sa kanila kaya bakit mo kailangang lumapit sa ibang tao?"

"Di mo ko naiintindihan eh!"

"Talagang di tayo nagkakaintindihan! Sinasabi ko sayo Michelle nung una pa lang na wala akong paki sa sasabihin ng pamilya ko tungkol sayo kaya sana ganun ka din!"

Di ko na tinuloy makipagtalo kay Martin kasi wala naman nangyayari sa pag-uusap naming dalawa. Di na ko sumagot at tahimik na lang na lumuha. "Pwedi bang wala akong paki eh pamilya niya yun? Pwedi bang balewalain ko yung sinasabi nila kung dinadamay na nila yung pamilya ko?" sabi ko sa sarili ko.