Chapter 82 - Yes Sir!

"Saan ko kayo ibaba?"

Tanong ni Papa sa amin ni Martin habang naka tingin sa front mirror. Kasalukuyan na kaming nakasakay sa sasakyan ni Papa papuntang trabaho.

"Saan ka ba baba?"

Baling sa akin ni Martin.

"Sa may MRT ako, Ikaw?"

"Kung saan ka baba dun na lang ako."

"Sa may MRT na lang kami Pa!"

"Mag MRT ka din Martin?"

Naka ngiting tanong ni Papa.

"Di po Tito mag taxi na lang po kami ni Michelle hatid ko na lang po siya sa trabaho niya."

"Ah... okey!"

Pag sang ayon ni Papa at muling tumuon sa pagmamaneho. Samantalang kami ni Martin ay patuloy na naghihilahan ng kamay. Paanu ba naman pag sakay palang namin ng kotse kanina naka akbay na, pagpasok naka hawak na sa baywang ko kundi ko pa kinurot yung kamay di pa niya talaga tatangalin. Ngayon naka hawak nanaman sa palad ko na parang di talagang nahihiya sa mga magulang ko. Samantalang ako kulang na lang lumubog sa upuan ng kotse dahil sa tingin ni Papa.

"Ingat Pa!"

"Ingat po Tito!"

Paalam namin ni Martin nung ibinaba na kami ni Papa sa may MRT.

"Ikaw ang mag ingat Michelle at malayo pa ang biyahe mo."

Pahabol ni Papa na bilin bago kami tuluyang iwan. Agad na pumara si Martin ng taxi na maghahatid sa amin sa trabaho ko. Pero kagaya ng nangyari sa kotse ni Papa pagkaupo pa lang namin agad na nakapulupot yung kamay ni Martin sa baywang ko.

"Ahas ka ba?"

"Huh.... bakit?"

Takang tanong ni Martin sa akin di niya na get's yung tanong ko kaya di ko maiwasang irapan siya.

"Kasi para kang sawang laging naka pulupot sa akin!"

"Ahas talaga ako kaya nga tutuklawin kita!"

Sabay smack sa labi ko na parang tinuklaw talaga ako. Kaya di ko napigilang hampasin siya sa bintin.

"Haha...haha... hayaan mo na kasi ako lalo pa nga at aalis ka naman ilang araw naman tayo di magkikita kaya sinusulit ko lang yung oras natin."

"Hello... asa public place tayo mahiya ka naman!"

Sabi ko sa kanya habang nang gigigil ako sarap talagang kutusan.

"Ikaw naman, normal thing lang sa mag boyfriend at girlfriend to display their affection. Di ba Manong Driver?"

"Opo Sir normal na po yun sa panahon ngayon!"

"Naghanap ka pa ng kakampi mo!"

"Eh di hanap ka rin ng kakampi mo!"

Pang aasar sa akin ni Martin na lalo pang yumakap kulang na lang pumasok sa damit ko. Binaling ko na lang yung atensyon ko sa bintana. Malapit naman na ako kaya pinatiisan ko na lang kasi kahit anong saway ko di naman talaga ito titigil. Andiyan na hahalikan niya ko sa pisngi, paglalaruan yung mga daliri ko, hahaplusin yung buhok ko at minsan bubulong na i will miss you hangang makarating kami sa opisa na pinagtatrabuhan ko.

"Mauna na ko! Ingat ka!"

Pagpapaalam ko bubuksan ko na sana yung pinto para lumabas ng bigla niya kong kabigin para halikan sa labi.

"Ingat ka dun ha, wag mong kalimutang e-text ako or tawagan pag di ka busy ang higit sa lahat wag kang titingin sa ibang lalaki! Understand?"

"YES SIR!"

Sagot ko habang sumaludo pa para manahimik na siya. Muli niya kong hinalikan bago niya ako tuluyang pinakawalan.

"Ingat ka!"

Muli kong bilin bago ako tuluyang lumabas. Iniabot niya sa akin yung mga bag ko.

"Goodbye kiss ko!"

Inginuso pa yung labi na parang bata. Napa iling na lang ako at tuluyang kong isinara ang pinto at lumakad palayo sa kanya.

"Kahit flying kiss na lang!"

Narinig kong sigaw niya pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Nung malapit na ko sa entrance ng building na pinapasukan ko di ko napigilang mapa lingon sa direksyon na pinangalingan ko at laking gulat ko na andun parin yung taxi. Habang si Martin ay nakatingin parin sa akin habang naka dungaw sa bukas na bintana. Agad siyang kumaway ng makita niya kong lumingon sa kanya. Napangiti na lang ako at binigyan ko siya ng pinapaki usap niyang flying kiss na mabilis niyang sinalo at inilapit sa labi niya. Natawa ako sa ginawa niya na parang bata. Tumuloy na ko sa pagpasok dahil ma lalate na ko.

Mabilis na lumipas yung ilang araw kasalukuyang Friday na at pabalik na ko ng Manila natapos na yung project namin dun. Nakasakaya kami sa service van ng kumpanya kasama ko na rin kasing bumalik yung mga technical namin.

"Daan ka namin sa Bulacan Ma'am?"

"Di po Sir, Kailangan ko pong bumalik ng office."

"Okey po Ma'am!"

Kung ako lang magpapadaan na ko kaya lang dahil sa pustahan namin ni Martin kailangan ko mag sleep over sa kanila at ito lang yung pagkakatao ko na di maghihinala si Papa at Mama. Parang bigla nga akong natakot paano na lang kung bigla kaming makalimot or naging mapilit si Martin. Yan yung mga alalahanin ko na di ko alam paano sosolusyunan. Maya-maya tumunog yung cellphone ko at di nga ako nagkamali si Martin yung nagtext.

"Saan ka na banda?"

"NLEX na!"

Matipid kong reply paano ba naman kagabi pa ito text ng text kung anong oras daw kami luluwas ng Maynila. Halatang sobrang exited kaya lalo akong kinakabahan.

"Dito ka na dumirecho sa bahay ko."

"Kailangan kong dumaan ng office may kailangan akong ipasa. Text kita pag papunta na ko diyan."

"Sunduin na lang kita nasa area naman ako may meeting lang ako saglit."

"Sige hintayin na lang kita sa office. Ingat ka!"

"Ikaw din... i miss you!"

Di na ko nagreply sa text niya di parin kasi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya sabagay nag uumpisa pa lang kami ganun naman talaga siguro kasi nga di naman kami dumaan sa ligawan in relationship kagad. Di na muling nagtext si Martin at alam ko naiintindihan niya ko sabi nga niya liligawan niya ko kahit kami na para lumalim yung feelings namin para sa isa't isa kaya nga di pa kami nagsasabihan ng i love you kasi nga hilaw pa. Pero pasasan ba't pupunta rin kami dun lalo pa nga sa pagiging mapilit ni Martin. Para siya surot na pilit na nagsusumiksik sa akin.