"Dito na ko sa baba."
"Sige baba na ko!"
Text ko kay Martin agad kong binuhat yung bag ko para bumaba.
"Uwi ka na?"
"Opo Sir Dariel."
Sagot ko naman sabay alis. Pinasa ko lang naman yung certificate of compliance sa accounting namin para makag bill dun sa client namin sa Pangasinan aside dun wala kong ginawa kung tutusin pwedi na kong umalis kasi nga pag ganung nag out of town ka at maaga kayong natapos di na kailangang bumalik ng opisina sadya nga lang ayaw kong pumunta ng maaga kina Martin dahil nga kinakabahan talaga ako kaya ginawa kong reason yung documents na yun.
Pagdating ko sa parking lot agad akong sinalubong ni Mang Kanor at kinuha yung dala ko.
"Si Martin po? "
Mabilis kong tanong paano nasanay akong si Martin lang ang sumusundo sa akin.
"Nasa sasakyan po Ma'am. Umatend po kasi ng meeting si Sir sa BGC kaya isinama ako para magdrive kasi nga mahirap ang parking dun."
"Ah okey po!"
Marahil naisip ni Mang Kanor na nagtaka ako kaya kusa na siyang nagpaliwanag. Na bangit nga pala kanina ni Martin na may meeting siyang pupuntahan nawala sa isip ko.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Martin na naka business suit at minamasahe niya yung noo niya. Nung makita niya ko agad siyang ngumiti at isinara yung laptop na nakapatong sa mga binti niya. Agad niya itong inilagay sa bag na nasa pagitan naming dalawa. Nang matapos tinangal niya yun at inilipat sa may bandang pintuan at umusog palapit sa akin.
"Stress?"
Mahina kong tanong ng tuluyan siyang makalapit sa akin.
"Medyo pero okey na ko andito na yung stress reliever ko."
Sabaya kulong sa akin sa mga braso niya.
"Bakit?"
Muli kong tanong kasi nakita kong meron siyang inaalala kahit pinipilit niyang ngumiti sa akin.
"May mga di lang kami pinagka sunduan sa meeting kaya kailangan kong mag adjust sa proposal ko."
"Ganun ba? May gagawin ka pa pala mukang bad timing yung pag sleep over ko sa bahay niyo. Next time na lang kaya?"
"Asa ka hahaha... Tagal ko kayang hinintay ito saka nagprepare na kong mabuti."
"Talaga? Anong inihanda mo?"
Parang bigla ako na excite dun sa sinabi niya. Pero bigla akong namula sa galit nung marinig ko yung sagot niya.
"CONDOM!"
"Mang Kanor paki hinto nga po yung sasakyan at baba na po ako!"
Galit na galit kong sabi habang itinutulak si Martin na naka yakap sa akin.
"Di ka na mabiro... hahaha!"
Lalo pa kong niyapos pati paa niya iniyakap na rin sa akin kaya kahit anong piglas ko di na ko makawala.
"Biruin mo lelang mong panot!"
"Sorry na! Syempre di yun ang inihanda ko, malalaman mo mamaya okey? Wag ka ng magalit binibiro lang kita!"
"Martin?"
"Promise I behave!"
Sabay taas ng kanang kamay na nanunumpa na totoo yung sinasabi niya.
Kumalma ako nung makita kong seryoso siya sa sinasabi niya. Mabilis niya kong hinalikan sa pisngi at ipinatong yung ulo niya sa balikat ko niluwagan na niya ang pagkakayap sa akin para maging kumportable ako sa pagkakaupo pero nasa baywang ko parin yun isang kamay niya at yung isa hawak ang palad ko. Para siyang asong napaka amo na humihingi ng atensyon. Kaya di ko napigilang hawiin ng kamay ko yung buhok niya na nawala sa pagkaka ayos nung naghaharutan kaming dalawa kanina para makita ko ng maayos yung muka niya at papurihan siya.
"Ang guapo mo ngayon ah!"
"Talaga?"
Mabilis na nagliwanag yung mata niya at tumingin sa akin na parang humihingi pa ng dagdag na papuri
"Oo... napaka guapo mo ngyon!"
"Kiss mo ko para maniwala ako sayo!"
"Nag uumpisa ka nanaman! Mahiya ka kay Mang Kanor!"
Saway ko sa kanya. Muli siyang nalungkot dahil di ko pinagbigyan.
"Mamaya na lang pag tayo na lang dalawa!"
Mahina kong sabi para sigurado kaming dalawa lang ang makakarinig. Agad siyang ngumiti abot hanggang tenga ng marinig niya yun.
"Asahan ko yan!"
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya ang kawawa kong labi mukang mamaga nanaman sabi ko sa sarili ko. Agad na umupo ng maayos si Martin at lumayo ng kalahating dipa sa akin. Naka siksik siya malapit sa bintana na parang nagpapakabait talaga. Ang nakakaasar lang ang pag tingin-tingin niya sa akin habang nagpapataas pa kilay at nagpapa beautiful eyes pa parang sira kaya agad akong napa iling at natawa. Parang inaakit niya ako na ako na ang kusang lumapit sa kanya. Feeling naman niya lalapit ako.
Bigla kong naalala yung pasalubong ko sa kanya.
"Ay nakalimutan ko may pasalubong pala ako sayo!"
"Talaga! Meron kang pasalubong?"
"Oo… wait!"
Agad kong inabot yung bag ko na nasa unahang upuan para kunin yung pasalubong ko sa kanya.
Nilabas ko yung tupig isang uri ng kakanin na gawa sa rice flour at buko na binalot sa dahon ng saging na inihaw para maluto.
"Ano yan?"
"Tupig! Masarap ito specialty ito sa Panggasinan. Wait pagbalat kita!"
Agad kong itinapat sa bunganga niya nung matapos kong balatan. Pero wala siyang reaksyon parang bigla siyang natigilan at nagdadalawang isip kung ibubuka yung bunganga niya o tatangi. Kaya agad kong sinigundahan ng pagtatampo effect with sad eyes.
"Ayaw mo? Nag eefort pa naman akong bilhin ito kanina."
Akma ko ng aalisin sa pagkakatapat ng pagkain sa muka niya ng bigla niyang hawakan yung wrist ko at mabilis na kinagat yung tupig.
Tiningnan kong mabuti yung muka niya kung magbabago or isusuka niya pero mabilis niya itong nilunok.
"Sarap?"
"Okey lang!"
Matipid niyang sagot na parang napilitan.
"Ganun! Mang Kanor kumakain po kayo tupig?"
"Opo Ma'am!"
"Sayo po ito!"
Sabay abot ng isang bugkos na kanina kong hawak na sinabi kong pasalubong ni Martin.
"Salamat po Ma'am!"
"Kala ko ba pasalubong mo yan sa akin?"
"Eh ayaw mo kaya kay Mang Kanor ko na lang ibibigay kaysa naman masayang."
"Anong ayaw wala naman akong sinabi ah! Akin nay an Mang Kanor pasalubong yan sa akin kaya wag kang makihati!"
Mabilis niyang inabot yung tupig sa may wind shield kung saan nakapatong yung pagkain at muling nagbukas ng isa para ipakita sa akin na gusto niya yung pasalubong ko. Muli akong kumuha ng isang bugkos ng tupig sa bag ko at muling inabot kay Mang Kanor.
"Kuya oh.. pagpasensyahan mo na yung bata!"
"Naku Ma'am baka po wala na kayo!"
"Madami pa po dito sa bag ko wag kayong mag-alala. Wag niyo na lang po pansinin yung isa dito!"
Nakasimangot yung pinariringgan ko pero patuloy na kumakain habang nakatingin sa labas ng bintana.