Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 57 - HEAVE AND EARTH

Chapter 57 - HEAVE AND EARTH

"Sige, kausapin ko nalang si Dariel kung sino pwedi mag handle ng project." Wika ni Boss. Mukang nakumbinse ko naman siya.

"Mauna na po ako Boss para magawa ko yung report ko." Sabay tayo ng makita kong tumango siya. Agad akong lumabas at bumalik sa table ko para magawa yung report ko ng makaalis na papuntang Laguna.

Saktong one o' clock ng hapon tumulak kami papuntang Laguna kasama ko si Cris at John. Mga technical team namin sila. Bale silang dalawa yung mag install ng mga device at ako naman yung mag configure at mag aayos ng system.

------

Mabilis na lumipas ang araw, Lunes na uli. Natapos kami sa Laguna ng Friday. Halos eleven o' clock na ko ng gabi naka uwi sa bahay buti nalang walang pasok ng Saturday kundi ewan ko nalang anu mangyayari sa akin sa sobrang pagod.

Pag dating sa bahay agad akong sinermunan ni Mama. Bakit daw ginabi na daw ako? Di ba daw ako natatakot baka mamaya may mga masasamang loob diyan sa daan at lalo pa nga daw ka babae kong tao.

"Ma, hinatid naman po ako nila John sa may kanto. Di ko na sila pinapasok kasi malayo pa ang uuwian nila. Kaya wag ka ng maglit!"

Pag-aalo ko kay Mama. Maswerte nalang din ako sa mga kasama ko hinatid ako kahit na malayo yung inuuwian ko.

"Oh siya... kumain ka na at magpahinga! At ako'y matutulog na." Paalam ni Mama at agad siyang pumasok sa kwarto.

Dali-dali naman ako kumain para makapag pahinga narin.

Habang naka higa di ko maiwasang maisip si Martin. Wala na kong balita sa kanya simula ng magkahiwalay kami isang lingo ng nakakaraan. Sa totoo lang lagi ko siyang naiisip, na imagine ko yung yakap niya at halik.

"Hays!" Butong hininga ko. "Ano ka ba naman Michelle dapat mo na siyang kalimutan. Di kayo bagay ang katulad niya ay isang pangarap lang na mahirap abutin. Malabo rin na seseryosohin ka niya. Tiyak masasaktan ka lang!" Agad kong ipinikit ang mata ko para tuluyan siyang kalimutan pero laking gulat ko na muka naman niya nakikita ko.

"Bwisit talaga! Para akong teen ager na pumapag-ibig. Kainis!" Sabay takip ng unan sa muka ko.

"Naisip rin kaya niya ko?" Mahina kong tanong sa sarili ko. "Malamang iniisip ka nga niya kasi may pera pa siya sayo." Nakalimutang ko na yung pera niya sa akin na dapat ko pala ibalik. Deneposit ko muna yun sa account ko nung Lunes. Akalain mo may kabuung Fifty five thousand pesos yung pera niya. Grabe! Samantalang ako laman ng wallet ko one thousand lang magkaroon man ako ng malaking pera pag payroll ko pero ang pinaka malaki is ten thousand lang tapos binibigay ko ky Mama yung five thousand at ang tira yun yung budget ko for fifteen days.

Kung iisipin napaka laki talaga ng deperensya naming dalawa in terms of financial kung baga nga "HEAVEN AND EARTH". Siya ang heaven at ako ang earth.

"Paano ko kaya maibabalik yun?" Muli kong tanung sa isip ko. Sa totoo lang wala akong number ni Martin. Pwdi ko naman hingin yun kay Boss kaya lang anung rason ang sasabihin ko? Pag hiningi ko naman sa mga tao niya sa Laoag para masyadong nakakahiya. Inabot na ko ng two ng umaga pero wala parin ako maisip na solusyon. Di ko naman pweding padala via courier kasi nga pera yun. Di rin pwdi via remittances kasi malamang di niya yun claim. Alanggan naman pumila siya sa LBC para dun. Di ko maiwasang mapangiti ng maasip ko anu kaya itsura ni Martin kapag pumipila sa LBC.

Pero malamang kahit pumila yun dun di parin nababawasan ang ka guapuhan niya. Kinikilig nanaman ako... peste!

Kung ano-ano ang pinag-iisip ko hangang sa makatulog ako at ang ending wala akong naisip na maganda kundi ang mahalikan sana siyang muli.

"Michelle!"

Nagulat ako ng may tumawag sa akin sa bandang likuran ko. Kababa ko lang ng Bus papasok na ko ng building ng may tumawag sa akin. Pag lingon ko si Alvin pala na agad na naka habol sa akin.

"Kung makasigaw wagas, Akala mo napano." Pagrereklamo ko nung makatapat siya sa akin. Agad na kong humakbang paabante per agad niya kong inakbayan para di ko siya maiwan.

"Ano nanamang problema mo?" Tanong ko habang tinatangka kong alisin yung kamay niya na nakapatong sa balikat ko.

"Kababalik ko lang galing Bataan eh, di mo ba ako na miss?" Pa cute niyang tanong sa akin habang naglalakad kaming dalawa.

"Kababalik ko din galing Laguna pero di kita na mimiss kaya wag kang magulo!" Sabay tulak sa kanya para tuluyang matanggal yung kamay niya sa pagkaka akbay sa akin. Agad akong lumakad papuntang elevator.

May napansin akong lalaking nakatayo sa elevator at nakatingin siya sa amin. Para siyang si Martin kaya agad akong kumurap baka kasi nana imagine ko lang siya dahil nga sa kakaisip ko sakanya. Pero nung magmulat ako ng mata si Martin parin ang nakita ko ang sama ng tingin niya sa akin kaya bigla akong napahinto sa paglalakad.

"Thump...Thump...!" Kabog ng dibdib ko.

"Bakit ka huminto?" Maang na tanong ni Alvin ng mapansin niyang di ako gumalaw. Agad niyang sinundan ng tingin yung tinitingnan ko.

"Kakilala mo?" Muling tanong ni Alvin sa akin. Kaya bigla akong natauhan.

"Client natin!" Matipid kong sagot at dumiretso na ko ng lakad.

"Ding!" Tunog ng elevator sabay bukas ng pinto. Nakita kong pumasok si Martin at sumunod na kami ni Alvin. Nasa bandang likuran siya puwesto samantalang kami ni Alvin sa bandang unahan malapit sa pituan.

"By the way Michelle may binigay na project sa akin si Sir Dariel." Muling pagsasalita ni Alvin habang nasa elevator na kami

"Ah talaga!' Matipid kong sagot kasi nga nararamdaman ko yung tingin ni Martin sa akin. Feeling ko nga tumatayo lahat ng buhok ko sa batok.

"Di mo ba itatanong kung anong project?" Pagyayabang uli ni Alvin.

"Hay naku Alvin tigilan mo ko sa kaartehan mo kung gusto mong sabihin, Sabihin mo na kung ayaw mo wag na lang!" Naiirita kong sabi sabay bukas ng elevator kaya agad akong lumabas. Nahihirapan na kong huminga sa presence ni Martin.

Pero agad namang humabol sa akin si Alvin sabay muling akbay.