Chapter 60 - I MISS YOU

Pero sa halip na sumagot bahagya siyang yumuko papunta sa harapan at may inabot sa upuan. Doon ko lang napansin yung isang bugkos ng pulang rosas nung iniabot niya sa akin.

Di ko alam kung dapat ko bang tanggapin o dapat kong tangihan. Kaya nakatitig lang ako sa mga bulaklak.

Marahil sa tagal kong di kumilos pinilit ng nilagay ni Martin yung bulaklak sa lap ko. Agad kong tiningnan si Martin ng mapagtanong kong mga mata pero sa halip sa sagutin niya ko sa salita sinagot niya ko ng halik.

Muli niya kong hinalikan sa labi pero di gaya kanina sa elevator na smack lang ngayon naging aggressive siya at kinakagat niya yung labi ko kaya agad ko siyang itinulak sabay galit na sabing

"Wag mong kagatin yung labi ko! Mahahalatang nakipag halikan ako eh!"

"Haha...Haha!" Bigla niyang tawa ng marinig niya yung sinabi ko.

"Sige na di ko na kakagatin!"

Sabay muling halik sa akin. Naging totoo naman siya sa sinabi niya sa akin naging dahan-dahan na yung halik niya sa akin at agad ko naman yung tinugon.

Naghahabol pa kami ng hininga ng marinig kong magsalita si Martin.

"I MISS YOU!"

Habang hawak ng dalawa niyang palad yung pisngi ko.

Laking gulat ko nung marinig ko iyon kaya di ako kumibo at parang natulala lang ako habang naka tingin sa kanya.

Kaya muli niya kong binigyan ng halik sa labi pero smack lang para gisingin ako sa pagiging lutang.

"Kailangan ko ng bumalik sa office!" Tanging na sabi ko.

Pero di parin niya binitiwan yung muka ko at tinititigan parin niya ng mabuti yung mata ko.

"Bakit?" Di ko maiwasang tanungin siya nung di parin siya nagsasalita.

"Di mo ba ako na miss?" Inosenteng tanong niya.

Di ko alam kung matatawa ako o maasar sa arte niya.

"Para kang bata!" Sabay alis sa mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.

Bahagya akong umusog papalayo sa kanya pano napaka clingy ni Martin.

"Alis na ko!" Muli kong paalala sa kanya.

"Oh... Bulaklak mo?" Sabay abot sa kanya nung mga bulaklak. Pero di niya yun tinanggap.

"Di mo na nga ako na miss, ngayon binabalik mo pa yung bulaklan na bigay ko!" Pagmumukmok niya habang nakatingin sa akin.

"Hays!" Buntong hininga ko.

Agad kong inabot yung kamay niya at inilagay ko dun yung bulaklak. Pero ayaw parin niyang hawakan.

"Kunin mo na! Di ko kasi pwedi yang dalhin dun sa taas. Magtataka sila kung saan yan galing at wala akong oras magpaliwanag sa kanila!" Pagmakaka-awa ko

"Sige itatabi ko muna itong mga bulaklak pero mamaya ibabalik ko sayo." Sabay hawak n sa bulaklak at muling inilagay sa front seat kung saan siya nakapatong kanina.

Di ko masyadong naintidihan yung sinabi niya na ibabalik niya mamaya ang importante kinuha na niya. Kaya agad na kong lumabas ng sasakyan.

Si Martin naman ay lumipat na sa driver seat at sinumulan ng paandarin yung sasakyan.

"Ingat!" Tanging nasabi ko ng businahan niya ako na parang nagpapaalam.

Nung tuluyan na siyang mawala sa paningin ko agad na kong bumalik sa opisina.

"Bakit ang tagal mo?"

Malakas na tanong sa akin ni Dina nung dumaan ako sa harapan niya. Halatang nang aasar.

"Nagpahangin lang!"

Matipid ko namang sagot sabay ngiti sakanya. Narinig ko nalang ang tawa niya pero di ko na iyon pinansin. Muli akong bumalik sa conference room para kunin yung mga documents na iniwan ko dun kanina.

Agad akong bumalik sa table ko pero bago ako tuluyang makaupo narinig kong nagsalita si Sir Dariel.

"Andito na si Michelle, Let's start the meeting!"

Kaya nilagay ko nalang yung mga papel sa ibabaw ng table ko at agad kaming lumapit sa isang mahabang table kung saan namin pinag-uusapan yung mga projects at mga proposals.

"As you can see tapos na natin yung project sa Laguna and Batangas. Ngayon we have pending project in Palawan and Cebu. We have also incoming in other branch of Casa Milan na inasign na kay Michelle lahat. So yung Palawan kay Alex nalang tapos ang Cebu kay Anthony. Pili nalang kayo ng makakasama niyo doon sa site kasi medyo malaki yung project. Humingi nalang kayo ng budget sa accounting para makaalis kayong dalawa kaagad ha!" Mahabang salaysay ni Sir Dariel

Muli pa siyang nagsalita pero di ko na naintindihan kasi binulungan ako ni Alex.

"Mukang pwedi tayong magkasama?"

Kahit gustuhin ko mang pumayag mukang di pwedi kasi nga si Boss Helen na mismo nag assign ng project sa akin at isa pa di namin pweding kontrahin yung gusto ng client diba nga may kasabihang "Customer is always right". Kaya di ko nalang pinansin si Alex dahil lalo lang sumasama ang loob ko.

Natapos ang meeting na wala akong naintindihan pano yung katabi ko sige rin ang kabubulong. Saktong twelve na ng matapos kami kaya nagkayaan na kami mag lunch. Agad kaming bumaba sa canteen sa ground floor para dun kumain.

Kasama namin lahat ng Engineer sa department namin at dahil ako lang yung babae niyaya ko na si Dina nung mapadaan kami sa reception area. Lagi ko rin naman siya kasamang mag lunch kapag andito ako sa office.

"Michelle, Ano? Payag ka?"

Pangungulit uli ni Alvin sa akin nung magkasabay kami uli habang naglalakad na may bit-bit na tray nga pagkain para maghanap ng pwesto na mauupuan.

"Tigilan mo na nga ako Alvin, Sinabi ko na nga sayo kanina na di pwedi!" Mariin kong sabi.

"Bakit di pwedi, Papayag naman si Sir Dariel eh. Tayo nalang magkasama sa Palawan tapos balik mo nalang kay Sir Anthony yung Casa Milan o kaya kay John mo nalang bigay. Mamasyal tayo dun!" Muling mangungumbinse niya sa akin.

"Si Sir Dariel papayag pero yung may-ari nung Casa Milan ang di papayag!"

Agad kaming napalingon ni Alvin dun sa direksiyon ng nagsalita si Sir Anthony pala iyon kasama si Sir Dariel na naka sunod samin para pumunta sa isang mahabang lamesa kung saan naroon yung iba pa naming mga kasamahan.

"Bakit di papayag yung may-ari?" Maang namang tanong ni Alvin habang umuupo kami sa upuan.

"Gusto nga niya si Michelle yung hahawak ng lahat ng project ng Casa Milan!" Muling sagot ni Sir Anthony. Di ko sila pinapansin hinahayaan ko lang silang mag-usap. Inumpisahan ko ng kumain dahil nga gutom narin ako. Pero di ko mainitindihan yung sinasabi ni Sir Anthony kung pano niya iyon nasabi.