Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 53 - Kiss and Hugs

Chapter 53 - Kiss and Hugs

"KISS AND HUGS!"

"Eh... kanina ka pa nga kiss ng kiss at hugs ng hugs eh! Di ka parin ba nagsasawa? Mahinahon kong tanong. Agad niya kong tiningnan sa muka ng full of affection at sabay sabi ng "Pano ako magsasawa eh napakalambot mo kaya saka napakatamis ng mga labi mo. Pakiss!" At muli niya kong hinalikan.

Sa una napaka lite lng ng halik ni Martin pero di ko iyon tinugon para lang akong tuod na hinahalikan niya at dahil dun naging aggressive ang pag halik ni Martin sa akin. Andun yung kagatin niya, sipsipin at diinan yung labi ko. Pinipilit din niyang ibuka ko yung labi ko para tuluyan niyang masakop ang buo kong bunganga pero tinikom ko parin iyon ng mabuti. Pinipilit kong di magreact sakanya para patunayan na di ko gusto yung ginagawa niya. Nagmamanhid na yung labi ko dahil sa ginagawa niya pero di parin talaga siya tumitigil.

Muli niyang kinagat yung labi ko at sinadya niya itong hilahin kaya di ko mapigilang masaktan.

"Hiss!" Sabay hampas sa braso niya.

"Masakit..." Pero di ko pa natapos yung reklamo ko ng muli niya kong halikan

at agad niyang naipasok yung dila niya sa akin. Di ko na naiwasang mapapikit ng mabuti para mapigilang tumugon.

Pero sadyang napakagaling talaga ni Martin humalik at talagang di ko napigilang tugunin na siya.

Makalipas ng ilang minuto muli kaming hinihingal. Nakayakap parin sa akin si Martin habang yung noo niya nakasandal din sa noo ko. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan niya at feeling ko ganun din sa akin. Para kaming nagbabaga at kunting push nalanh parehas na kaming madadarang. Para makaiwas agad ko siyang niyayang umuwi na.

"Uwi na tayo?" Mahina kong sabi sa kanya.

"Sex tayo!" Sagot niya sa tanong ko. Nanlaki yung mata ko pati ata butas ng ilong ko sa narinig kong sagot niya.

"Ikaw! Somosobra ka na! Pagpinagbibigyan ka nagiging abusado ka! Kanina kiss lang hinihingi mo ngayong Sex na! Gusto mo ba talagang bugbugin kita?" Sabay pwesto ng kamao ko sa muka niya.

Pero sa halip na matakot hinalikan niya yung kamao ko at muling yumakap sa akin.

"Michelle!" Mahina niyang bulong sa tenga ko. Bigla kong naisip siguro ganun talaga yung nature ng lalaki pag pinagbigyan mo once gusto lagi mo ng pagbibigyan pero never na mangyayari yun na pagbibigyan ko ang kagustuhan niya kaya agad ko siyang sinagot ng mahinahon.

"Sorry Martin pero di ko pweding ibigay sayo yung virginity ko. Ito lamang yung pwedi kong iregalo sa mapapangasawa ko sa furure at sana naiintindihan mo!" Alam kong makabago na ang panahon nagyon at di na big deal kung virgin ka o hindi. Pero naniniwala parin ako na dapat ibigay ko lamang iyon sa lalaking makakasama ko habang buhay at maghaharap sayo sa altar. Di ko yun ibibigay sa lalaking halos ilang araw ko palang nakakasama.

Akala mo magpupumit parin si Martin pero laking gulat ko ng halikan niya ko sa noo at nagsabi ng "I'm happy to hear that!" Sabay ngiti.

Agad niya kong binitiwan at tuluyan na siyang tumayo. Iniabot niya sakin yung kamay niya para makatayo narin ako na agad ko namang tinanggap.

"Ayos na ba mga gamit mo?" Mahinahon niyang tanong sa akin.

"May kunti pa kong aayusi pero halos okey naman na ko!"

"Sige ayusin mo muna para sure na wala kang maiiwan. Ten palang naman may two hours pa. Pahinga ka muna, Settle ko lang yung sa hotel natin tapos check ko si Mang Kanor. Once na okey na yung lahat tawagin kita." Mahabang salaysay ni Martin at tanging tango lang yung sinagot ko. Kaya agad siyang lumakad papalayo sa akin ng bigla kong maalala yung pera niya na sa palad ko parin.

"Martin yung pera mo!" Sabay habol sakanya at agad ko iniabot sa kanya. Pero di niya iyon tinanggap at ang tanging sinabi niya lang sa akin is "KEEP IT" at tuluyan na siyang lumabas.

Nung masigurado kong naka alis na siya agad akong nagpakawala ng isang malalim na butong hininga.

"Bayad ba niya sa akin ito?" Di ko maiwasang itanong sa sarili ko habang tinitingnan ko yung perang nasa palad ko.

"Siguro nga!" Di ko rin naiwasang sagutin yung sarili ko. Bayad niya sa pagtatake advantage sa akin at pang bubuly niya. Sabay muling butong hininga. Agad akong bumalik sa hinihigaan ko at inilagay ko yung pera niya sa bag ko di para angkinin. Naisip ko ibabalik ko nalang sa kanya pag dating namin sa sasakyan.

Muli kong chineck yung mga gamit ko. Baka mamaya may maiwan ako. Nang masiguro kong okey na yung lahat naisip kong check narin yung mga gamit ni Martin. May mga gamit pa siyang di naisama sa bag na agad ko namang inayos. Makalipas ng ilang minuto ng masigurado kong okey na ang lahat agad akong bumalik sa higaan ko at humilata muna meron pa naman akong isa't kalahating oras bago ang call time at naisip kong umidlep muna at kung sakaling aalis naman na kami tiyak gigisingin naman nila ako. If ever iwan nila ako okey lang din may pera naman na ako kaya agad akong natulog.

Nagising ako ng marinig kong may kumakatok sa pintuan at tinatawag ako kaya agad akong bumangon para pagbuksan kung sino man iyon.

"Ma'am alis na po tayo!" Sabi sakin ni Mang Kanor.

"Hmmm..." Tanging sagot ko dahil nga bigla akong naalinpungatan.

"Tulog nalang po kayo uli sa kotse."

Taging tango lang yung isinagot ko sa kanya. Agad kong nilapitan yung mga gamit ko para bitbitin pero nauna na si Mang Kanor na damputin yung maleta at back pack ko. Kaya tanging sling bag ko nalang yung kinuha ko sa may kama andun yung cellphone at wallet ko.

Agad akong sumunod kay Mang Kanor palabas ng kwarto ng maalala ko si Martin kaya di ko maiawasang magtanong.

"Si Martin po?"

"Ah si Sir nasa sasakyan na po siya Ma'am!"

"Ah... okey po!" Tahimik nalang akong sumunod kay Mang Kanor hanggang makarating kami sa sasakyan.

Doon ko nakita si Martin na naka upo sa may fron seat habang naka pikit ang mga mata.

"Sakay na po Ma'am" Utos sa akin ni Mang Kanor, tapos na niyang isakay yung mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Kaya agad na kong pumasok sa kotse magkatapat yung pwesto namin ni Martin. Pagpasok ko sa kotse meron na doong unan at kumot.