Chereads / Pure Blood / Chapter 11 - KABANATA 10

Chapter 11 - KABANATA 10

PB10

(HARVEY POV)

Pagkatapos ng nangyari last week kinausap ako ni Sydney na kung kapatid ko ba talaga si Aloida sinabi Kong oo. Sa tingin ko may nalalaman si Sydney at hindi dapat sya makigulo pa.

Ako si Harvey Geron 18 years old, ang Totoo talaga isa akong Immortal black Elf

Matagal na panahon din ng mawala saakin ang sumpa, ngunit ng matuklasan kong may kapatid ako at hindi sya pangkaraniwan dahil palagi syang masekreto hindi pa din nya matatago 'yon sa akin.

"Hi harvey dear ...." 

"Ate?" Kailangan kong malaman kung anong binabalak nya kahit kapatid ko pa sya. Nakita kong may bisita sya kaya senenyasan nya akong umalis muna

Mukhang may pag-uusapan sila na dapat kong malaman.

Sumandal ako sa pinto para kahit papaano'y marinig ko sila.

"Oo mamaya siguradong pupunta yon sa party at don ko sya papatayin at makukuha ko na si Serrafin " 

Ano?teka first name ni Venidict yon ah!sinong papatayin nya? Killer ang ate ko?

"Tapusin mo na si Xelo dahil naiinip na ang pinuno" nanlaki ang mata ko anong pinagsasabi nila? No, hindi dapat matuloy ang pagpunta ni Xelo mamaya sa party.

Akmang aalis na ako ng isang malakas na hangin ang tumigil sa harap ko.

"San ka pupunta? sayang ka Harvey mapapakinabangan pa naman sana kita— well mapapakinabangan pa naman talaga kita " at hinawakan nya ako sa leeg

"Acck!" At kinagat nya. Gusto ko syang itulak pero sobrang lakas nya!

Unti-unting nanlabo ang paningin ko, Xelo mag iingat ka....patawad hindi na kita mapoprotektahan

(XELO POV)

"Ako? bampira? pano'ng?" Naguguluhan ako.

"Nauuhaw ka sa dugo dahil yon ang unang daan patungo sa pagiging bampira mo. bampira ka, ikaw ang itinakda ng propesiya. Nasa kapahamakan ang buhay mo dahil sa gustong pumatay sayo. Matagal na kitang sinusundan, Ewan pero magaan na ang loob ko noon pa man sayo "

Seryoso na sabi nito, tinawanan ko sya baka kasi nagjojoke lang sya

"Wahaha nahihibang kana ba? Wag ka ngang magjoke. Ako tinakda? bampira?

Hahaha baliw!" 

Pilit akong tumawa kasi naman nakatingin lang silang dalawa sa akin

"Hindi ako nagbibiro" madiin nyang sabi at seryoso talaga sya.

Napalunok ako, ayoko...Ayoko....halimaw ang umiinom ng dugo! At hindi ako halimaw

"H-hindi ako halimaw!" Galit Kong sabi

"Hindi ka halimaw Xelo nasa Iyong kapalaran talaga yan. Hindi mo yan ginusto, wag ka

mag-alala bukas din ay ihahatid ka namin sa mundo mo. Mundong nararapat sayo" pagpapakalma ni Sydney sakin

"May Alam kadin?"humihikbi kong tanong. All this time, hindi pala ako normal?

"I'm a wolf pero matagal ko nang kinalimutan yon simula ng magkaroon ng digmaan sa unknown world "napaluha na sya habang nakatingin sa akin

"Ibig sabihin kilala mo na ako simula pa lang?" Nagtataka kong sabi, labis akong naguguluhan. E bakit takot sya kay Khaye?si khaye ba bampira din o lobo?

"Oo, Si Khaye alam nya ang lahat. Xelo tanda mo pa ba yung muntik ka ng madisgrasya sa library? andun ako para sana iligtas ka, pero mabilis ang kilos ni Venidict para kunin ito at pumwesto sa tapat ng bintana "

Mahabang paliwanag niya. Kaya ba parang ang weird ni Venidict non? At hindi ko napansin na may hawak syang libro non

Tumingin ako Kay Venidict Nag iwas lang sya ng tingin. So ibig sabihin, Ilang beses akong muntik mapahamak pero nliiligtas nya ako?bakit?

"Tumayo na kayo at pupunta  pa kayo sa kaarawan ni Harvey magpaalam ka na din Xelo sasamahan ka namin " 

Tumayo si venidict at ganon din si Sydney.

"Sige na xelo magbihis ka na..."

Napabuntong hininga ako, kung panaginip ito gusto ko ng magising. Hindi naman kasi kapanipaniwala to.

(Someone POV)

"Ayos na ba ang lahat?" Pangtatanong ng isang dalaga.

"Opo madami na din ang bisita, inaantay na lang naming pumunta sila dito." Sabi ng katulong.

Lihim na napangiti ang babae. Sa wakas makukuha nya na ang  matagal nyang ninanais...

—Sa kabilang banda,

"Ngayon ang araw ng pagpunta 

Nila dito "sabi ni tata gomo.

"Talaga ba? Sa wakas makikita ko na sya. Sana ayos lang ang kalagayan nya"

Ramdam sa Boses nito ang pangungulila

"Tata gomo! May bagong balita po tungkol sa mga Elf!"

Humahangos ang nilalang na ito.

"Ano ang iyong ibig ipabatid?"naguhuluhan na sabi ni tata gomo.

"Nais ipabatid ng prinsipe ng Elf na handa silang sumapi sa ngalan ng kanilang lahi!"

"Impossible, matagal ng Inihiwalay ang lahi nila dahil galit sila sa atin. Kung ano man ang dahilan ng prinsipe nila siguro ay may kinalaman iyon sa itinakda..."