Chereads / Pure Blood / Chapter 10 - KABANATA 9

Chapter 10 - KABANATA 9

PB9

(Venidict)

Ilang araw na syang tulog, marahil naninibago pa ang kanyang katawan sa bagong sistema nito.

Naupo ako sa tabi ng kama nya siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang lahat dahil baka ikapahamak pa nya na wala syant alam. Napalunok ako, ang ganda nya pag malapitan. Napabuntong hininga ako, palagi ko naman syang pinagmamasdan pero iba pa din kapag nahahawakan at nalalapitan ko sya. Ang amo ng mukha nya lalo na kapag tulog. Matatanggap nya kaya ang katotohanan sa kung sino ba talaga sya?

Pumunta ako sa kusina upang ipagluto sya. I know she's hungry.

(Sydney pov)

ako nga pala yung classmate ni Xelo, dadalawin ko sya ngayon kasi masama ang pakiramdam nya.

(Flashback)

Palabas kaming tatlo nina Aloida at Xelo dahil breaktime na at balak namin na sabay kumain. Tapos sabi ni Aloida kung pwedeng yayain ni Xelo si Venidict na sumabay sa amin na kumain kaya umalis si Xelo pero tumahumik agad si Aloida at nauna sa caf. Nakakatampo naman. Kasama nya kaya ako. Hmm may something sa kanya..

Nag cr muna ako pagkatapos lalabas na ako ng may marinig ako.

"Hindi pa ito ang oras, alam ko  mapapatay ko din sya....oo na!....Sa darating na kaarawan ni Harvey don ko gagawin" 

Hindi ako maaaring magkamali boses ni Aloida yon kaya bumalik ako sa room para

Sana tignan si Xelo kung napapayag nya si Venidict, Kaso iba ang naabutan ko.

Nanindig ang balahibo ko ng makita ang pangil ni Xelo, kinusot ko pa ang mga mata ko ba baka ay namamalikmata lang ako.

Isa syang bampira pero parang hindi nya alam. Nahihirapan na syang huminga  pero ng mapatingin ako kay Harvey ay nakangiti pa sya.

Tumakbo ako, nabunggo ko si Harvey at tinaasan nya ako ng kilay

"Harvey tulungan mo si Xelo"

Hirapan kong sabi dala na siguro ng takot ko at pagkabigla. Nagmadali naman si Harvey.

At lalong nanlaki ang mata ko ng makita si Venedict na tumatakbo sa gawi ko na papunta palang ng room. Ang gulo! E sino yung Harvey na nasa room?

Hindi ko alam kung ano ba sila. Sobra akong

Naguguluhan pero alam kong may dahilan kung bakit ito nangyari.

(flashback end)

Nag doorbell ako at nagsalita sa intercom 

"Ako 'to si sydney "

Bumukas ang pinto at nakangiting si Xelo ang bumungad sakin.

"Oh Sydney napadalaw ka?"

"May sasabihin lang sana ako"

Ngiti ko.

"Ay!pasok ka ..."at pumasok ako.

"Ikaw lang mag isa dito?"at inilibot ko ang paningin ko.

"Xelo yung towel ko!" Tumaas ang kilay ko, pamilyar ang boses na 'yon ah.

"Aish! Teka lang syd ha? Upo ka muna, Naman eh! nasa likod lang ng salamin hanapin mo kaya!" 

Sigaw ni xelo...

"Pasensya kana sydney ha? Ang totoo hindi ko ito bahay. Nakikitira lang ako kay Venidict hehe" 

Kamot ulo nyang sabi. Hindi ko alam kung dapat ba akong magulat o ano, nagulat na ako kahapon e.

Napa sigh ako, kailangan ko na talaga itong sabihin sa kanya.

"Xelo may sasabihin ako...."

(Xelo pov)

"Xelo may sasabihin ako" 

Sabi ni Sydney, naputol iyon ng may mag doorbell ulit.

Sino kaya yun?nagkatinginan kami ni Sydney at nagkibitbalikat sya.

"Wait Sydney tingnan ko lang kung sino yon"at pinaupo ko sya.

Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mata ko tapos nginitian ko sya.

"Oh harvey?"

niyakap nya ako kaya niyakap ko din sya

"Are you okay?" Nag aalala ang tono nya at humiwalay sa yakap napalunok ako

"Oo naman... Pasok ka muna.." 

At pumasok sya..

"May mga bisita ka pala?"sabi ni Venidict sa likod ko.

"Ay hehe oo eh nanganga-musta".

Tumango nalang sya at pumasok sa kwarto nya.Bakit mukhang mabait sya ngayon? Himala na hindi ako sinigawan a.

Naupo ako sa sofa.

"Nga pala harvey pano mo nalaman ang tinitirahan ko?"paguumpisa ko.

Nagkamot ulo sya.

"Tinawagan kasi kita...si Venidict ang nakasagot, nag-alala naman ako kaya 

Pinuntahan kita dito. Eh si Sydney anong ginagawa nya dito?" Pagtatanong nya at tinignan si Sydney na na nakangiti sa kanya

"May sasabihin kasi ako kay xelo hehe" awkward na sabi ni Sydney, ay oo nga pala may sasabihin sya ano kaya yun?.

Nag ring ang cp ni harvey kaya tumayo sya.

"Excuse me..hello? ate? ah opo okay po." At binulsa nya ang cp nya..

"Xelo, sydney alis na'ko ah pinapauwi na'ko ni ate, nga pala invited kayo mamaya bye girls.." 

"Wait harvey pwede wag mong ipaalam sa ate mo kung nasaan nakatira si Xelo?" makahulugang sabi ni sydney

"I know " at umalis na nga si harvey.

"Xelo....last week tanda mopa?

Nakita kita non" pag uumpisa nya .

Right, one week akong tulog.

"N-natatakot ka na ba sakin?"

Malungkot kong sabi, Hinawakan nya ang kamay ko.

"Ofcourse not. Mag iingat ka lang kay kay harvey. Wag kang magtitiwala kahit kanino." Nag aalalang boses nya.

"Xelo ~" napalingon kami sa  boses ni Venidict at umupo sa katabi namin

"Xelo handa ka na bang malaman ang lahat?" 

Seryoso nyang sabi at tinitigan ako.

Napabuntong hininga ako, may choice pa ba ako?

Kinakabahan akong tumango at inaantay ang kanyang sasabihin habang nakayuko si Sydney teka may alam ba sya?

"Ang totoo kasi ay—