Chereads / Anak ng Bakla / Chapter 3 - Perfect Wake-up Call

Chapter 3 - Perfect Wake-up Call

(Iron Steele)

"WAKE UP, EVERYONE!!!" Sigaw ni Dad mula sa labas habang kinakalampag ang pinto ng kwarto ko.

Sayang lang ang mala-palasyo naming bahay dahil daig pa niya ang nakatira sa squatters kapag ang Dad na ang nag-ingay.

My father is Christopher Steele, the current CEO/ owner of Steele Electronics Corporation. Behind his leadership skills and outstanding personality, he is also a member of LGBT community. He is a hundred and one percent bakla. Ayaw lang ni dad na isapubliko ang tungkol dito. Iniiwasan kasi ni dad na ikasira ng kumpanya ang tungkol sa pagiging bakla niya.

Sa panahon ngayon mas marami ang taong manghuhusga kaysa sa tatanggap sayo.

Napilitan akong bumanggon at sinilip ko ang nangyayari. Pagbukas ko ng pinto nakita kong kinakalampag din ni Dad ang pinto ng kwarto ng mga kapatid ko. Inutusan kami ni Dad na pumunta sa sala para kausapin siya. Naghilamos muna ako bago sumunod kay Dad.

Pagbaba ko sa sala, ako na lang pala ang hinihintay nila. Naka-cross ang mga braso ni Copper na parang hindi siya natutuwa sa ginawang ingay ni Dad. Si Nickel naman hinahanap ang salamin niya habang may hawak na unan sa kanang kamay.

"Mayroon akong isang magandang anunsyo." Sabi ni Dad sa tono niya bilang isang ama.

Mayroon kasi siyang dalawang boses. Ang isa ay bilang isang CEO ng Steele Corporation. Ang boses na ito ay mas lalaki pa sa lalaki at mas matigas pa sa 'Steele'. And ikalawang boses naman ay bilang isang ama. Kung saan ang tigasing niyang boses ay lumalambot at pumipiyok pa.

"Si Silver ay ikakasal na!" Anunsyo ni Dad.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. Kaya hindi ko alam kung ano ang pwede kong maging reaksyon sa anunsyo niyang pang out of the mystery box.

"Yehey!" Pagdiriwang ni Dad mag-isa na may kasama pang palakpak.

"Paano naman ako ikakasal? Wala kaya akong fiancé o girlfriend?" Pagtataka ni Silver sa anunsyo ni Dad.

"Pero matagal ka ng may fiancé!" Masayang sagot ni Dad. "Yehey!" Pahabol ni Dad.

Habang pumapalakpak mag-isa napansin niya na hindi kami interesado sa balita niya. Kaya inutusan niya kaming sabayan siya sa pagpalakpak. Pumalakpak si Copper na may halong sarcasm.

"Happy?" Tanong ni Copper kay Dad.

Tumayo si Silver at naglakad paalis ng sala. Tinanong siya ni Dad kung saan siya pupunta.

"This is my worst nightmare... ever." Sagot ni Silver.

"Bakit? Anong tingin mo? Nasa fairytale love story tayo? Business is business, you should know that!" Sabi ni Dad kay Silver.

Nakwento ni Dad ang dahilan kung paano nagkaroon ng fiancé si Silver. Noong nakaraang buwan nakipagkasundo kay Dad ang CEO ng Lee Real State. Gusto ng Lee Real State's CEO na ikasal ang kanilang anak sa isa sa mga anak ni Dad. Si Silver naman ang napili ni Dad dahil naisip niya, ito na ang tamang oras para palitan ni Silver si Dad bilang CEO ng Steele Corporation. Hindi ito agad sinabi ni Dad dahil alam niyang aatras si Silver.

"But..."

"But..."

"But..." Gusto ni Silver makipag-debate pero wala siyang salita na mailabas.

"No butts, we're not talking about pwets here. Magbihis na kayong apat dahil darating si Mr. Lee. Magbihis kayo ng kaaya-aya!" Utos ni Dad.

Bumalik kami sa kaniya-kan'ya naming kwarto para ihanda ang mga sarili namin sa pagdating ni Mr. Lee.

Sa aming apat ako ang pinakamabagal mag-ayos sa sarili. Ito ang tinatawag nila na 'kilos dalaga' pero hindi talaga ako bakla. Iba kasi ang mabagal kumilos sa bakla kumilos.

Natapos na akong maglinis sa sarili at tulad ng inaasahan nakahanda na sila Copper at Nickel. Nakapagtataka na hindi pa lumalabas si Silver ng kwarto nya. Siguro hindi pa niya tanggap na ikakasal na siya o baka naman ang ikasal sa taong hindi niya mahal ang hindi niya tanggap?

Ang hirap mailagay sa isang fixed marriage. Pwersahan kang ipapakasal sa taong hindi mo aakalain nabubuhay pala sa mundong ibabaw.

Lumapit ang isang katulong kay Dad para sabihing dumating na ang CEO ng Lee Real State na si Mikhale Lee. Dali-dali kaming tinawag ni Dad para salubungin ang mga bisita. Nakita ko ang ganda ng ngiti ni Dad nang makitang papalapit ang sasakyan ni Mr. Lee. Gusto ko siyang batukan para ipa-alala na magpakalalaki siya.

Pagdating ng sasakyan sa harap ng kinatatayuan namin bumaba si Mr. Lee at nakipagkamay kay Dad. Kasama ni Mr. Lee ang kaniyang asawa pero walang siyang dalang anak.

"Thank you for accepting my invitation!" Pagbati ni Dad sa bisita. Pero ngayon gamit na niya ang unang boses.

"Of course, I want to see the groom." Sagot ni Mr. Lee sa pagbati ni Dad.

Hindi pa bumababa si Silver mula sa kwarto niya. Pabulong akong inutusan ni Dad para sunduin ang kapatid. Baka raw nag-gown at make-up pa si Silver kaya ang tagal bago makababa.

Umakyat ako sa kwarto ni Silver at nakita kong nagsusuot pa lang siya ng necktie.

"Nand'yan na si Mr. Lee. Bumaba ka na raw sabi ni Dad." Sabi ko kay Silver.

Kinuha niya ang dark blue na tuxedo jacket mula sa kama niya. Lumabas siya ng kwarto niya na parang wala ako doon.

Sinusuot pa lang ni Silver ang tuxedo jacket habang pababa sa hagdan. Tanaw ko na ang magandang ngiti ni Dad nang makita ang pagiging manly ni Silver. Agad sinalubong ni Mr. Lee ng isang magandang bati si Silver. At mukhang masaya siya sa magiging asawa ng anak niya.

"So, when would be the wedding?" Tanong ni Silver at mukhang mayroon pa siyang plano na tumakas.

"Tonight." Sagot ni Mr. Lee.

"TONIGHT!" Biglang sigaw ni Silver na kinagulat ni Mr. Lee.

"Aswang ba ang pakakasalan ko? At para ikasal kami 'TONIGHT'!" Reklamo ni Silver.