Chereads / Anak ng Bakla / Chapter 4 - The Silver Wedding

Chapter 4 - The Silver Wedding

(Silver Steele)

"TEN. TEN.TENEN.TEN.TEN.TENEN." Pang-asar ni Nickel.

Bwisit. Habang tumatagal lalong lumalala ang araw ko ngayon. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ni Dad para ibenta ako sa aswang. Ang punto ko, sino ba naman ang gustong ikasal sa ilalim ng kabilugan ng buwan bukod sa aswang. Siguro para sa iba ang romantic pero hindi ako kasama sa 'iba' na 'yon.

Itong si Silver Steele ay magiging isang walk-away groom kapag ang pakakasalan ay hindi mukhang tao. Judgmental na kung judgmental pero ayaw kong ikasal ako sa taong hindi mukhang tao. Nakakasira ng buhay ang fixed marriage at mas lalong makakasira kung sira na ang mukha ng fiancé na araw-araw mong makikita.

Nagsimula na ang rehearsal ng wedding. Nasa tabi ko si Nickel bilang best man. Sa totoo lang mas gusto ko pa na si Copper ang nasa tabi ko. Mabuti 'yon tahimik lang, itong si Nickel kasi hindi mauubusan ng sasabihin. Pati instruments na maririnig ginagaya.

"Tingin mo maganda siya?" Tanong ni Nickel.

"Aba malay ko? Hindi ko nga alam pangalan niya." Sagot ko sa tanong niya.

"Sapphire Lee daw." Sabi ni Nickel.

"Walang may paki." Sagot ko.

"Bakit galit ka? Share ko lang naman." Sabi ni Nickel.

"Kapag ikaw nasapak ko dito, ikaw ang star sa kasal ko. Witness si God." Banta ko kay Nickel.

Bumukas ang pinto sa dulo ng simbahan pumasok ang ilang mga taong may mahahalagang trabaho sa kasal. Puro mga hindi ko naman kilala ang mga ito. Nagsimulang tumunog ang mga kampana ng simbahan at nagsimulang tumugtog ang wedding song. It all started like it's an actual wedding.

Nang maubos ang mga taong naglalakad mula sa pinto ng simbahan. May isang babaeng nakatayo sa dulo. Nakasuot siya ng isang casual white dress. Patuloy ang pagtunog ang kampana ng simbahan at wedding song. Nagsimula siyang humakbang papalapit sa altar ang babae kasama and magulang nya.

Bigla akong sumigaw nang matanaw ko na ang itsura ng babae.

"SANDALI!" Sigaw ko na sobrang lakas.

Tumigil ang lahat maliban sa wedding song. Tumakbo ang isang lalaki para patayin ang wedding song. Hinintay ko muna mawala ang nakakairitang kanta bago magalit.

"Ganitong babae ang magiging asawa ko? DAD!!! Mukha siyang isda na dinikdik sa harina at sinipsip ng suction machine ang bibig!" Reklamo ko.

"Hindi naman siya ang magiging asawa mo." Sabi ni Dad.

"Bawal magkita ang bride at groom before the wedding. Makikita mo lang ang bride mamaya sa actual wedding. Rehearsal pa lang ito, anak." Paliwanag ni Mr. Lee.

Did he just called me 'son'?

"Excited ka kasi masyado." Bulong ni Nickel.

Humingi ako ng pabor na baka pwede akong magsuot ng blind fold para lang hindi ko makita ang nakakatakot na mukha ng bride's representative. Nagpatuloy ang rehearsal hanggang sa maging perfect ito.

Dumaan ang buong araw na lahat ng tao sa paligid ko ay may ginagawang trabaho. Kahit saan ako magpunta kaliwa't kanan ang paghahanda para sa wedding.

Napagod na ako maglakad lakad at medyo masakit na rin ang lalamunan ko dahil sa rehearsal kanina. Pinili ko na lang ang manatili sa kwarto ko. Humarap ako sa salamin kung saan nakikita ko ang reflection ko.

I am Silver Steele, the oldest son of the CEO of Steele Corporation. In the next half hour I'll be the new CEO of Steele Corporation. Maybe I should try to gain this girl's trust and love so she can give up the Lee Real State under my name. It's being greedy but it is worth it.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tinawag ako ni Iron sa tonong patanong at tinanong kung nandito ako. Pinapasok ko si Iron.

Si Iron ang tipo ng kapatid na magpapakita lang kapag naipit ka na sa problema. Hindi nga lang s'ya nakakatulong sa problema. Ang mahalaga naman ay and'yan siya.

"Kamusta? Halos hindi na kita nakita buong araw." Sabi ni Iron.

"May iniisip lang ako." Sagot ko kay Iron.

"Iniisip mo ba ang itsura ng magiging asawa mo?" Tanong ni Iron.

Umiling ako bilang sagot pero tinawanan lang ako ni Iron. Sinabi niya sa akin na alam niyang mataas ang standard ko. Aaminin ko naman na isa sa iniisip ko ang magiging itsura ng asawa ko. Pero mas iniisip ko pa rin ang makuha ang dalawang company.

Nagkaroon kami ng ilang mga pag-uusap. Sa gitna ng pag-uusap namin ni Iron kumatok ang isang katulong sa pinto. Sinabi niya na kailangan ko na maghanda dahil malapit na mag simula ang kasal. Nagpaalam na si Iron sa akin para makapag-ayos na ako.

Pagpasok sa simbahan nakita ko ang dami ng mga tsismosa na gustong masaksihan ang business contract ng Steele Corporation at Lee Real State. Halos mapuno ang simbahan sa dami ng audience. Bukod sa audience sa simbahan nakasubaybay rin ang buong bansa dahil pumayag si Dad na ipa-live broadcast ang wedding nationwide.

Katulad nang rehearsal kanina. Sa ikalawang pagkakataon ay bumukas ang pinto sa dulo ng simbahan para sa pagpasok ang ilang mga taong may mahahalagang trabaho sa kasal. Kasabay ng pagpasok nila ay ang pagkanta ng isang international singing sensation ng wedding song.

Nang maubos ang mga taong naglalakad mula sa pintuan ng simbahan. May isang babaeng nakatayo sa dulo na kasama ni Mr. Lee at Mrs. Lee. Nakasuot siya ng isang nakakasilaw na wedding gown. Sa pagtunog ng kampana nagsimula na silang maglakad papalapit sa pwesto ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Buong rehearsal naka-suot ako ng blind fold siguro nasanay ako na walang makita. Lumakas din ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko naman ito naramdaman kanina sa rehearsal. Habang nakapikit ako, ipinagdarasal na sana mukha tao ang magiging asawa ko. At syempre hindi mawawala ang non sense conversation ko sa madaldal na si Nickel.

Pagbukas ko ng mga mata ko natanaw ko ang babae. Nakatingin siya sa pari na para lang akong hangin dito. Teka, siya pa ba ang lugi? Siguro, tulad ko napilit din siya ng tatay niya sa fixed marriage na ito.

Mukha naman siyang tao o siguro naka-'filtered' dahil may suot siyang kulambo. Kaya ko na siguro pagtyagaan ang babaeng ito. Basta wag lang siya magiging pabigat sa akin at maging harang sa Steele Corporation ko.

Inabot sa akin ni Mr. Lee ang kamay ng bride at mabilis kong naramdaman ang lamig ng palad niya. Dinala ko siya sa harap ng pari at nagsimula ang seremonyas.

"Dearly beloved, we have come together in the presence of God to witness and bless the joining together of this man and this woman. The bond and covenant of marriage was established by God in creation, and our Lord Jesus Christ..." Blah blah blah ang haba ng drama ng pari. Yan din naman ang drama niya kanina habang nasa rehearsal.

"Sapphire, will you have this man to be your husband; to live together with him in the covenant of marriage? Will you love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health; and, forsaking all others, be faithful unto him as long as you both shall live?"

"I... I..." Hindi masagot ng bride ang tanong.

"Iha?" Bulong ng pari.

"I do."

"Silver, will you have this woman to be your wife; to live together with her in the covenant of marriage? Will you love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health; and, forsaking all others, be faithful unto her as long as you both shall live?"

"I do." Na lang, wala naman akong ibang pwedeng isagot.

Now. The vows. Humarap ako sa bride. I want to ask her if she's okay. Ang lamig kasi ng kamay nya daig pa ang yelo na kalalabas lang ng freezer. Nag-aalala din ako na baka mapaano siya't. Lalo na't maraming matang nakabantay. Baka kasi makadagdag sa issue na ididikit sa pangalan ng Steele.

Kinuha ko ang kanang kamay niya na kasing lamig ng yelo. Sinimulan ko na i-kwento ng vow. Oo, kwento kasi mahaba.

"In the name of God, I, Silver, take you, Sapphire, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part. This is my solemn vow."

Kinuha naman niya ang kamay ko at nagsimula na siyang banggitin ang vow. "In... the... name of God.., I, hmm... Sap...Sapphire." Nahihirapan siyang banggitin ang bawat salita.

Nagsimula nang magbulunggan ang mga audience. Tinignan ng bride ang audience at nakikita kong natatakot na siya sa mga kritisismo ng mga audience.

"Hey?" Sabi ko at inilipat niya ang attention niya sa akin.

"Are you okay?" Sa wakas natanong ko rin siya kung okay lang ba siya.

Tumunggo siya at ipinagpatuloy ang vow. "Take you.., Silver, t..to be... my... husband, to have... and to hold... form this day forward.., for bet..ter, for worse, for richer.., for poorer, in sick...ness and in health, to... love and to cherish..., t...'til death do us... part. This... is m...my solemn vow." Bigla niyang binitawan ang kamay ko matapos niyang bigkasin ang vow.

Nagulat ako nang biglang magsalita ang pari.

"Bless, O Lord, these rings as a symbol of the vows by which this man and this woman have bound themselves to each other; through Jesus Christ our Lord." Sigaw ng pari na kinagulat ko. Lumapit ang isang batang lalaki na may hawak ng unan.

"Amen" Sagot ng audience.

"I give you this ring as a symbol of my love." Akala mo naman may 'love' talaga. "And with all that I am, and all that I have, I honor you, in the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit." At isinuot ko sa kaniya ang sing-sing.

Napansin ko na ang ganda ng sing sing sa daliri niya. Na parang kaya kong titigan buong araw ang sing sing.

"I... g...give you this... ring as a symbol of m...my love, and with all... all that I am, and all... that I... have, I... honor you, in the... Name of the Father..., and of the Son.., and of the Holy Spirit." Sabi niya habang isinusuot sa akin ang sing-sing.

Agad niya rin binitawan ang kamay ko matapos niya ilagay ang sing sing sa akin.

"I pronounce that they are now husband and wife." Ito na siguro ang worst line na maririnig ko ngayong gabi.

"You may kiss the bride." Okay, my mistake. Ito ang mas worst sa worst.

Inangat ko ang kulambo sa ulo niya, belo pala na nakaharang sa mukha niya. Medyo nag-alangan ako pero inisip ko na lang na 'everyone is watching'.

"Natatakot ako. Hindi ko alam kung tama ba ito?" Bulong ni Sapphire.

Hinawakan ko ang kamay nya at sinabing "Wag ka mag-alala nandito lang ako."

Kahit ako ayaw ko na ituloy ang kasal pero kailangan para sa company. Para sa pangalan ko na rin. Hinalikan ko ang bride para matapos na ang kalokohan na ito.

Matapos kong halikan ang bride bigla siyang na out balance. Mabuti na lang at hawak ko siya. Syempre kani-kaniyang bulungan ang audience. Sa pilipinas mas mabilis ang tsismis kaysa sa internet connection.

"Sabi ko na nga ba mabaho hininga ni Silver." Sabi ni Nickel.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag