(Silver Steele)
Kasama ko ngayon si Sapphire sa kwarto at nandito kami sa bahay na pinag-ipunan pa raw ni Dad at Mr. Lee. Kumpleto na ang gamit at lahat ng kailangan namin para sa isang bahay.
Kagabi ipinadala na rito ni Mr. Lee ang lahat ng gamit ni Sapphire. Ganoon din si Dad para sa mga gamit ko. Kaya medyo tambak ng gamit ang sala ng bahay.
"Oo Dad, okay na raw si Sapphire, maraming salamat." Sabi ko habang kausap si Dad sa kabilang linya.
Katatawag lang ni Dad at tinatanong ang lagay ni Sapphire. Plano nya mag pa dala ng doctor dito para matignan sya. Pero sabi ni Sapphire ay okay siya, pero tulala. Pabor naman sa akin ito, ibig sabihin hindi ko na siya kailangan intindihin. Mapapatakbo ko ang Steele Corporation ng walang problema.
Pero nakaka-awa siya dahil mukha siyang katatapos lang umiyak nang isang taon. Siguro tutol talaga sya sa kasal. Umupo ako sa kama at iniisip ko kung paano sisimulan ang conversation. Baka kasi sa huli kakausapin ko lang ang hangin o sarili ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya.
Ibinalik niya sa akin ang tanong. Tinanong niya ako kung okay lang ba sa akin ang nangyari. Kung okay lang ba sa akin ang pakasalan siya lalo na't hindi ko pa siya kilala. Inamin ko sa kaniya na hindi ko tanggap ang magkaroon ng on the spot fiancé. Hindi naman dahil hindi ko siya type pero dahil ang company ang prize pumayag na akong maging 'husband'.
"I'm sorry." Sabi ni Sapphire at nagsimula na siyang umiyak.
Wrong topic. Dahil mukhang iniyak nya yung mga luha na pinigilan nya during wedding. Niyakap ko na lang si Sapphire bilang pampalubag loob. Hindi ako marunong mag-comfort ng babae through words. Kaya dinadaan ko na lang sa yakap.
Tinanong ko si Sapphire kung ano ang problema. Sinabi ko rin na baka makatulong ako bilang asawa niya. Hinayaan ko siyang umiyak at hinintay ko siyang magsabi ng problema. Mukhang mapapadali nito ang pagkuha ko sa Lee Real State.
"Buntis ako." Biglang lumabas sa bibig niya na kinagulat ko.
Okay, i didn't expected that kind of answer. Napanganga ako sa sinabi nya. Kaya pala kakaiba ang mga kinikilos niya. Kung bakit malamig siya kagabi. Kung bakit siya nahilo kagabi. Kung bakit ayaw niya magpa-checkup kagabi. Kung bakit alam niyang okay lang siya. At kung bakit siya nakatulala kanina.
Habang umiiyak na kwento niya sa akin na hindi tanggap ng boyfriend niya ang baby. Pinapalaglag ng boyfriend niya ang baby. Sa takot niya, kinausap niya ang tatay niya na ipasok siya sa fixed marriage. Hindi niya ako pinakasalan dahil sa pera o company. Natatakot siyang iluwal ang baby ng walang ama. Natatakot siya sa pwedeng maging tsismis ng ibang tao sa pag dadalang tao nya.
"Alam ba ng parents mo yan?" Tanong ko.
"Wala silang alam sa bata. Itatakwil nila ako pag nag kataon. Maawa ka sakin. Lahat gagawin ko tanggapin mo lang kami." Umiiyak na nagmamakaawang sagot ni Sapphire.
"Tumahan ka na. Kailangan ko malaman kung alam ng parents mo, kasi gusto kong palabasin sa lahat na ako ang ama ng bata" Sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang luha nya.
Ibibigay nya daw lahat. Magiging madali lang pala 'to sa akin. Pero wag ka mag-alala hindi naman kita bibiglain. Para naman conscious ka kung paano ko kukunin ang Lee Real State sa iyo.
Humihingi siya ng tawad sa akin na kulang na lang ay lumuhod na siya sa harap ko para mapatawad ko. Pero pinapakita ko na hindi ako galit. Kailan makita nya na sincere ako sa sinasabi ko.
"Nagpa-checkup ka na ba sa ob-gyn?" Tanong ko kay Sapphire.
Umiling si Sapphire kaya sinabihan ko na ipatingin na sa ob-gyn ang bata. Naiyak sya lalo at paulit-ulit ang 'thank you' niya. Niyakap nya ako at nababasa ng luha ang damit ko.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Mahirap tanggihan ang isang bata. Pero mas mahirap tanggihan ang isang ina." Sabi ko sa kanya.
Mahirap tanggihan ang isa pang company na pwedeng mapunta sa akin. Hinalikan ko siya sa nuo. To let her guard down.
"Mag-almusal muna tayo." Sabi ko kay Sapphire.
Pinunasan nya ang mukha nya at tumunggo sa akin bilang pag sang-ayon. Bumaba kaming dalawa sa kusina at nagpresinta siya na maghahanda ng tanghalian mamaya para sa unang araw namin bilang mag-asawa.
Pero inimbitahan kami ni Dad na sa bahay mag-lunch. Kaya naki-usap ako na dinner na lang siya magluto. Pero inimbitahan din pala kami ng tatay niya sa dinner. May bukas pa naman.
Sa kusina binuksan ko ang ref at wala itong laman. Literal na wala talagang laman.
"Bibili na lang ako ng tinapay at gatas para sa almusal natin." Sabi ni Sapphire habang nagsusuot ng jacket para matakpan ang katawan niya.
Naisip ko na samahan na lang si Sapphire sa kalsada dahil alas quatro pa lang ng madaling araw. Natatakot ako na mapaano si Sapphire at baka pati ang plano ko ay mawala. Naghanap ako ng jacket sa mga gamit ko na nakatambak sa sala para makasama kay Sapphire.
Sa bakery bumili kami ng dalawang sterilized milk at tinapay. Medyo mabagal ang tindera marahil siguro ay kagigising lang niya't may muta pa. May dumating na tatlong lasing at bumibili sila ng alak. At dahil mabagal ang tindera mabilis na uminit ang ulo ng lasing.
"HOY! UNAHIN MO MUNA KAMI! MABIBITIN KAMI SA ALAK!" Reklamo ng lasing sa tindera.
Pumayag ako na unahin sila at umatras muna kami ni Sapphire. Napansin ng isang lasing si Sapphire at sinabing "Pre, chix oh," at lumapit kay Sapphire.
"Hi, miss." Sabi ng lasing sa pag-aakala na nakaka-akit siya.
Pero sa nakikita ko, mukha siyang aswang na manyak o hindi kaya manyak na donkey. In short, hindi mukhang tao.
Nagtago si Sapphire sa likod ko dahil sa takot. Ramdam ko rin ang kaba ng takot sa dibdib niya.
"Ayan na ang alak nyo." Sabi ko sa lasing para mabaling ang atensyon niya.
"Kilala mo ba ako!" Sigaw ng lasing.
"Notorious ako sa lugar na ito. Iwan mo itong babae kung gusto mo pang mabuhay!" Utos niya.
Notorious daw? Hindi siya mukhang notorious mukha siyang malnourished. Parang isang taon siyang pinagkaitan ng kanin. Baka hindi pa niya alam ang ibig-sabihin ng salitang 'notorious'.
Hinawakan ng lasing sa braso si Sapphire at hinila papalapit sa kaniya. Naalala ko si Mom. Hinawakan ko ang braso ng lalaki para mapigilan siya sa paghila kay Sapphire.
"Bitawan mo ang asawa ko." Utos ko sa lalaki.
Binitawan ng lasing si Sapphire at sinapak ako. Ayaw ko na sana patulan dahil mga lasing sila. Pero sinapak ko ang lasing at agad naman siyang tumalsik.
Sumugod ang isa para ipagtanggol ang so called 'boss' niya at sinipa ko sa ari kaya namilipit siya sa sakit. Nagpagulong-gulong na lang siya sa kalsada. Hindi ko alam kung technique niya yan para makaiwas sa pwede kong gawin sa kaniya.
Ang ikat'long lalaki naman ay sumugod din. Lumapit siya sa akin para sapakin ako pero sinalo ko ang kamao niya at binali ang kamay niya.
Lumapit ako sa tindera para bayaran ang mga binili namin.
Ibinalik ko ang tingin kay Sapphire at nakatulala siya sa akin. Tinanong niya ako kung bakit ako magaling makipagbasag ulo. Gangster daw ba ako?
Nanapak lang gangster agad? So, kapag ba nagluto, chef na agad?
Habang kumakain ng almusal na kwento ko kay Sapphire ang sinapit ng Mom ko at ng panganay naming kapatid na si Cobalt. Ang dahilan kung bakit ipinasok kami sa isang school. Kung saan kailangan namin mag-aral kung paano depensahan ang sarili. At yun din ang dahilan kung bakit nagawa ko lumaban kanina.
Napag-usapan din namin ang planong lakad ngayong araw na ito. Mula sa lunch namin sa bahay hanggang sa dinner namin sa bahay nila. Kailangan din namin maglaan ng oras para sa pagpapatingin niya sa doctor. Gusto ko rin siya samahan para maramdaman niya talaga na sincere ako sa pagtanggap sa kanilang mag-ina.
At ang pinaka-una sa listahan ng mga gagawin namin ay ang paglinis ng mga gamit namin sa sala.