Chereads / UNordinary (Tagalog) / Chapter 2 - KABANATA DALAWA

Chapter 2 - KABANATA DALAWA

****

"Calley?"

Nagtataka ako sa babaeng nakatayo sa gitna ng high-way. Malabo ang imahe nito sa paningin ko dahil ilang metro din ang layo ng posisyon ko sa posisyon niya. Kasama nito ang ilang mga taong naghahandang tumawid sa kabila at hinihintay na lang ang pagiging green ng stop light para sa mga maglalakad.

Nakatalikod siya, pero alam ko na siya iyon dahil sa buhok at sa hubog ng katawan. Sinubukan ko siyang tawagin pero parang wala siyang naririnig. Nagsimulang maglakad ang mga tao sa gitna kaya kaagad ko siyang hinabol. Pero kahit anong habol ko ay hindi ko siya magawang abutan. Pakiramdam ko ay may malaking sagabal na nakaharang sa pagitan ko at sa pagitan niya, kung kaya't hindi ko siya maabot-abot.

Napabuga na lang ako sa hangin nang hindi ko na makita ang likuran niya dahil sa natatabunang mga taong naglalakad. Ikinibit-balikat ko na lamang iyon, dahil siguro ay hindi niya talaga ako naririnig.

Lumiko na ako sa isang pedestrian lane at maayos na isinukbit ang bag sa balikat. Muli kong ipinilig ang ulo sa direksyong tinahak ni Calley. Wala na siya roon pero nararamdaman ko pa rin ang isang presensyang hinihigit ako papunta roon. Weird.

Tumawid na ako nang makita ang kulay berdeng ilaw para sa mga taong tatawid. Bago pa ako tuluyang makaliko sa masikip na eskinita para sa mas mabilis na daan ay humarang na sa akin ang dilaw na sticky note ng mga pulis. Don't cross the line!

Nagkukumpulan ang mga tao sa pabilog nitong hugis habang abala naman ang dalawang pulis sa pagsasaway sa mga pilit na lumalapit.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang mga tao nga naman talaga ngayon. Hindi naman sila kailangan kung bakit pilit pa rin sila ng pilit na maki-esyoso. Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero hindi rin iyon tumagal. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa isang bagay.

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo upang tingnan ang babaeng dalawang dipa ang layo mula sa akin. Tahimik at seryoso siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi man nakatingin sa akin pero nararamdaman ko pa rin ang tagusan niyang mga titig. Na animo'y isa lang akong hangin na hindi niya nakikita.

Bumalik ang diwa ko sa panandaliang pagkamanhid. Naririnig ko na ang mga taong nag-uusap-usap. Ang naiiritang boses ng babae na nakikiusap na huwag ng mas lumapit pa. At ang kaharap ko na bigla na lang naglaho...

Muntik na akong mapatalon dahil sa pag-vibrate ng cellphone sa manipis na pants ko. Kinilabutan ako. May maliliit na kuryenteng nagpagala-gala sa kalamnan ko upang buhayin ang maliliit kong balahibo. Mahina akong napamura at padabog na kinuha ang cellphone.

Minerva is calling...

Huminga muna ako ng malalim bago iyon sinagot.

"Nasaan ka na?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Papunta na, m-may may dinaanan lang," sagot ko rito at nagpatuloy na sa paglalakad. Nanatiling nasa ibaba ang paningin ko at hindi ko na susubukan pang lumingon sa mga pinagkukumpulan ng mga tao. Dahil ayoko.

Nakalabas ako sa eskinita at malamig na hangin ang bumungad sa akin na siyang ikinatigil ko.

"Sige, bilisan mo. Kanina ka pa namin hinihintay ni Calley."

Katanghaliang-tapat pero bakit nakikita ko ang panginginig ng mga kamay ko 'sa aninong nakalapag sa ibaba?

Ilang minuto akong natigilan. Isa lang ang tumatakbo ngayon sa isipan ko, at ayoko noon. Namalik-mata lang ako, di'ba? Nagkamali lang ako. Maraming tao ang magkakatulad, maraming tao ang magkakahawig. Posible iyon. Hindi pwede. Hindi siya 'yon!

Tumakbo ako pabalik. Wala na akong pakialam kung makita ko ulit ang nilalang na iniiwasan ko dahil ang mas kinatatakutan ko ay ang maaaring mangyari sa kanya. Sa kaibigan ko.

Pinilit ko ang sarili na tumakbo pa nang mas mabilis kahit na ilang beses pa akong muntik ng masubsob. Lumiko ako sa masikip na eskinita para ma-short cut ko ang daan sa kabila.

Nang makalabas ay kaagad na iginala ko ang mga mata habang naglalakad paabante. Sa kaliwa ako nanggaling kanina, at ang direksyong kanan ang pinuntahan niya. Muli akong tumakbo sa direksyong iyon at pilit na hinahanap ang likod ng babaeng kanina ay abot-kamay ko na sana.

Pero wala na akong makita. Wala na ni isang bakas niya.

Napaupo na lang ako sa upuan. Anong gagawin ko? Si Calley. Bakit si Calley pa? Anong mangyayari sa kanya? Bakit siya ang nakita ko? Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko dahil sa daming katanungan na pumapasok dito. Naihilamos ko na lang ang mga palad. Hindi 'to maaari.

"Good Morning, Ma'am! Can I take your order?"

Inis na nilingon ko ang babaeng nakasuot ng unipormeng pang-waitress. Malawak itong nakangiti at inaabot ang menu sa akin.

Muli kong tiningnan ang mukha niya bago sumagot. "Tubig," at ibinaling na sa iba ang atensyon.

Nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa labas ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya, kaya hindi na ako magtataka kung bakit nasa harapan ko ang babaeng ito. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang kumpol ng grupong naglalakad sa kabilang kalsada.

"...." Halos hindi ko na maintindihan ang ibang sinasabi ng babae dahil sa pumapasok ngayon sa utak ko.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Karamihan sa kanila ay kilala ko. Hindi man sa pangalan pero sa mukha ay siguradong-sigurado ako. Hanggang ngayon ay puno pa rin ako ng mga katanungan.

Patuloy ang naging daloy ng mga sasakyan sa pagitan namin, pero hindi ko hinayaang mawala ng kahit na isang saglit ang paningin ko sa direksyon nila.

Not now, because I know what is really happening. I know what truly they are. Pero bakit kasama nila si Calley?

Tumigil ako sa kumpol na mga tao at nakisabay sa pagbaybay ng kalsada sa kabila. Nang makatawid ay kaagad kong sinundan ang naiwan nilang mga bakas. Ngayon ko lang din ito nakita sa tanang-buhay ko dahil hindi ko ito binibigyan ng halaga kahit na minsan.

Dahil hangga't maaari ay gusto kong maging isang normal. Normal na tao at normal na babae. Yumuko ako at tiningnan ang mga bagay na bigla nalang lumitaw. There's some blue-ish foot prints sa sahig na nanggagaling sa mga lugar na dinaanan nila. Nagtataka man ay hindi ko na ito binigyan pa ng pansin dahil si Calley ang mas inaalala ko.

Nagpatuloy ako sa pagsubaybay sa bawat galaw na ikinukumpas nila. At katulad ng inaasahan, para silang mga robot na kinukontrol ng kung sino man. Iisang direksyon lang ang naiisip ko.

Ang huling lugar na pupuntahan ng mga kaluluwa bago humiwalay sa sarili nilang mga katawan...

Tumawid kami sa maliit na tulay kung saan pinaghahati nito ang lugar para sa mga sambahayan ng Footbridge at para sa mga pampublikong lugar. Magkalapit lang ang apartmento na tinutuluyan ko sa bahay ni Calley kaya kung minsan ay nagkakasabay kaming pumasok.

Tinahak nila ang direksyon ng daan sa bahay ng kaibigan ko. At ang mga kasama niya ay ang mga taong kalapit-bahay ng tinitirhan nila. Ibig bang sabihin, malaki ang magiging sakop ng insidente? Pero ano 'yon?

Lumiko sila sa huling kalye. Bago tuluyang sundan ay tumigil ako sandali. Huminga ako ng malalim. Ito ang unang beses sa tanang buhay ko na magiging matapang ako kung kaya't may lakas ng loob akong suongin ang ganitong uri ng panganib.

Dahil kahit kailan ay hindi ko sinubukang sundan o pakialaman ang mga bagay na nakikita ko. Pero, nandito ngayon si Calley. Kasama nila ang kaibigan ko.

Muli kong pinagmasdan ang nagliliwanag nilang mga bakas. Parang hindi iyon kukupas kung hindi ko susundan. Humugot muli ako ng malalim na hininga bago humakbang patungo sa lugar na mas nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Nandito sila. Nakatayo at nakaharap sa dingding. Nakatalikod sila sa akin kaya malaya kong napagmamasdan ang kabuuan nila. Anong mangyayari sa kanila? Bakit ganoon sila karami? Napaatras ako bigla. Ang nanginginig na mga kamay ay lumaganap na sa buo kong katawan. Na ni ang paghakbang ng kasunod pa ay nakalimutan ko na kung paano gawin.

I can't move. My body frozed. This is really ridiculous! Even the time I felt like it is no longer moving.

Nakikita ko ang lahat, pero hindi magawang mag-react ng katawan ko. Dahil sa iisang tao lang naka-focus ang paningin ko. I would rather close my eyes than to witness this scenario. Because right now, I am facing the reason why I am here. I'm in front of Calley. In front of my friend soul...

"Furen," rinig kong tawag sa akin ng katabi kong humihikbi, "bakit nangyayari 'to? Bakit si Calley pa? Bakit ang kaibigan pa natin?"

Iminulat ko ang mga mata at bumungad sa akin ang puting kabaong na walang kadise-disenyo. Nasa inuupahang apartmento kami ng Tita ni Calley, para sa paghahandang libing mamaya sa sementeryo.

Patuloy ang paghikbi ni Minerva. At wala akong alam na gawin para gumaan man lang ang kalooban niya.

Kinabukasan ng pangyayaring insidente ay dumating ang mga magulang ni Calley, na nanggaling pa sa probinsya. Nakakuha siya ng full scholarship mula sa kanilang bayan kaya nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral dito sa syudad. Pero lahat ng iyon ay nabaliwala na lang. Ang pangarap niya, ang buhay niya.

Namatay siya limang minuto matapos siyang ma-recover sa CR. Hindi na niya kinaya dahil sa usok na bumalot sa maseselang internal organs niya. Lumobo ito kasabay ng sakit niyang umatake habang nangyayari ang insidente.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman. Paunti-unti ng nawawala ang mga taong mahalaga para sa akin.

Nalaman ko kung paano namatay si Calley. At wala akong nagawa sa bagay na iyon. Dahil hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Natatakot ako. Nalilito. I am asking myself, why I need to suffer this kind of curse. Bakit ako pa ang nakakakita sa mga bagay na hindi nakikita ng karamihan?

Gusto ko ng makalaya sa sakit na ito. Gusto ko nang tahimik na buhay. Pero paano? Kung sa tuwing idinidilat ko ang mga mata ay nasasaksihan ko ang mga bagay na taliwas sa dapat nalalaman ng mga pangkaraniwang tao. Paano naman ako? Paano naman 'yong mga pangarap ko?

****