****
Unlike usual, the sun is shining brightly. And I feel that something's definitely strange today. Yeah! -really really strange, because I woke up in this bed again. Isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi panaginip ang mga nangyari kagabi. Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga palad bago napagdesisyunang tumayo. Tinungo ko ang shower room at malayang isinabay ang antok sa buhos ng tubig.
Pagkatapos ko ay kaagad na isinuot ko ang damit na ipinahiram sa akin ni Kagura. Isang maluwag na T-shirt at maong na hanggang tuhod ang haba. Sinuklay ko ang tumutulo ko pang buhok at tiningnan ang sarili sa oblong na salamin.
Dalawang sakong eyebags, maiitim na ilalim ng mga mata, nagbibitak-bitak na mga labi at dry na dry kong balat. Ano pa ba ang maiko-complement ko sa sarili ko?
Napailing na lang ako saka lumabas ng kwarto. Tulad ng inaasahan ay ang malakas na tunog ng pintuan ang maririnig sa buong pasilyo. Dahan-dahan ko iyong isinara at dumangaw sa hagdan. I am still amused by the presence of this classical european mansion. Pakiramdam ko ay nasa revival era ako kung saan ay nakatiwangwang ang ilang mga sandata -na kung pagsusumahin ay desenyo lamang. Halong antik na kahoy at bakal ang mapapansin sa mga kasangkapan. Mayroon ding dalawang mukhang mga manikin, the one was like a samurai with his red armor clothes and a thorn in his head, while the other one was wearing his big silver armor. Hindi rin pinalampas ang pagkakaroon ng isang mini bar.
Ang kanang bahagi ng lugar na nasa harapan ko ay isang leather type na sofa kung saan ako dinala ni Kagura kahapon. Sa kaliwa naman ay ang malaki at magarbong dining area, na kung saan ay nakatambak din ang ilang mga prutas, may kandila at ang kaakit-akit na vase na nakapatong din sa gitna.
"Hey!"
I snapped. Napalingon ako sa kanan ko at ang nakasimangot na si Alison ang nabungaran ko. Ipinilig niya ang ulo papunta sa kabilang hagdan -na nagpapahiwatig na sundan siya. Napabuntong-hininga na lang ako bago naglakad sa direksyon na iyon. Dumaan pa ako sa isang pinto kung saan siguro siya nanggaling.
Mahaba ang hallway na nagdudugtong sa carpeted floor na ito at makikita sa pinakadulo ang isa pang nakasaradong pintuan. Bumaba na kami. Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad hanggang sa muli kaming bumaba sa unang palapag. Lumiko kami sa kanan at pumasok sa isa pang pinto.
"Oh hi! Good morning Alis, good morning Furen!" nakangiting bati ni Kagura na nakasuot ng apron. Dala-dala niya ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain at inilapag iyon sa mahabang lamesa sa gilid. Napansin ko rin ang nilalang na lumingon matapos kaming batiin ni Kagura.
"Good morning, pretty ladies!" masiglang bati ni Terence na ipinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo. Nakaupo siya sa isang kulay asul na sofa na gawa sa kahoy.
"Walang maganda sa umaga kung ikaw kaagad ang makikita ko." I didn't think if it was a good joke. Yeah, I am mean sometimes. Pero hindi naman tulad niya. Walang ganang naupo siya sa harapan ng lamesa at humalumbaba. So, this table is also for dining? Siguro iyong nasa taas ay pang formality lamang.
Naudlot ang pag-iisip ko nang may humila sa akin. Nilingon ko iyon at nakangiting Kagura ang nasilayan ko, bitbit niya sa kabilang kamay niya ang isa pang tray ng mga pagkain.
"Sit." Ihinila niya ako ng upuan tsaka kaagad na iniupo -beside of this girl Alison, "I'm not yet done. Mayroon pa ritong dishes na siguradong magugustuhan mo."
"Wow! Really? Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ha!" hirit ni Terence na naupo na sa upuan na kaharap ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Like duh! Dream on Mr. Elemento! This is not for you!" balik na singhal ng babae sa likod. This was the girl behind those innocent appearance, like Tyler. Hindi ko lubos maisip na sa ganitong pagkakataon pa kami magkakasama. Isang biro ba ito ng kapalaran? Ilang beses na kaming nagkakabunggo sa eskwelahan, and he even talked to me at the library. So, ibig sabihin kilala niya na pala ako all this time?
At ako naman itong walang kaalam-alam at iniisip na palaging coincidence lang ang nangyayari? And speaking of that man, nasaan na ba siya? Umalis siya kahapon at hindi ko na muling nakita pa ang mga bakas niya rito. Mayroon ba siyang ideya kung ano ang mararamdaman ko dahil sa pang-iiwan niya sa akin sa mga taong hindi ko naman lubos na kilala?
"I am happy to see you again." Natigilan ako. Doon ko lang napansin na nasubrahan na nang ilang minuto ang pagkakatitig ko sa mukha ng lalakeng kaharap ko. Actually, he almost got a perfect shape of a so-called-handsome. This smiling face boy has beautiful and captivating green eyes, an olive complexion, and I know he is terrible at keeping secrets because of his talkative features. But who am I to judge?
Iniwas ko ang paningin mula sa kanya. Ayokong pag-usapan ang mga bagay na hindi sakop ng memorya ko. At kung totoo man ang sinasabi nila, I think I should be thankful dahil nagbawas sila ng mga nakakapangilabot na pangyayari sa buhay ko.
"Breakfast is ready!" muling tugon ni Kagura bago inilapag ang umuusok pang ham na nasa plato at isang tray ng ilang pirasong kape. Napalingon na lang ako sa mukha niya. She has her own beauty. Maganda siya at maamo ang mukha. Suot-suot pa rin niya ang kakambal ng kanyang mga mata. And it's really suit. Maganda siya sa ganyang hitsura.
"Nasaan na ba si Tyler?" biglang tanong ni Kagura, na para bang sa sarili niya itinatanong.
"I am here! I've done with the ornamental hedge to be polished, haist! It's your turn Rence!" That voice caught my attention. He is here. His voice sounded like irritated but still cool. Liningon ko siya na ngayon ay nakarating na sa gilid ko. And it's his dragon belt I saw first that helps his maong pants to be fitted. My eyes looked up to him like I was wanted to see the sky. And I never like the idea for looking him back.
Hindi mapigilang hindi mag-init ng pisngi ko. Kaagad kong naiiwas ang paningin. What the hell is this? Bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko? It's like I was being captured for stealing a thing. Huh. It's really creepy. Or maybe kasi ngayon lang ako naka-encounter ng lalake na sobrang lapit sa akin. I almost smell his aroma. Biglang nahiya tuloy ang pagiging babae ko. He's damned sweaty but still his scent... Urgh. Whatever!
"Hey! Can you please put your shirt on!?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang tinitingnan ko. I know, I looked pale, like a ghost, like dead. Ano ba talagang nangyayari sa akin?
Nagpatuloy ang oras na pinipilit kong maging maayos. Being surrounded by this people it's makes my adrenaline went up. Parang pakiramdam ko, kailangan kong pag-aralang mabuti ang bawat galaw na gagawin ko. I'm a little bit scared, pero may parte sa puso ko na basta makita ko lang siya ay alam kong hindi ako masasaktan. And because of this weird feeling, I felt that they're not into something. Siguro kung may kailangan man sila sa akin ay dapat kahapon pa nila iyon ginawan ng hakbang. Pero hindi ko rin alam. Malay ko sa itinatakbo ng utak nila.
Umalis ang lahat maliban kay Kagura. Dinala niya ako sa isang kahon-kahon na mga libro. Not totally a boxes, but a bunch of books. Halatang mahilig sa libro ang nagmamay-ari ng mansion, dahil maliban sa ilang bookshelves na nasa unang palapag ay mayroon pa sa pangalawa, which is the library itself. The place was like a living room for those who love reading. A comfortable green armchairs, a soft sofa. This is perfect for sleeping. Pero sa katulad nitong mansion, Kagura's bed is the best.
Natapos ang maghapon sa ganitong sitwasyon. I was busy with the book I chose and Kagura was busy with her notes. Paminsan-minsan ay nagdadala siya ng makakakain at inilalapag lang sa lamesa. Hinayaan naming ang mahabang katahimikan ang mamayani habang nilulunod namin ang sarili sa kanya-kanyang ginagawa.
We ate for dinner with a silence approached us. Naghintay lang ako hanggang sa matapos siya para makatulong naman kahit papaano sa paghuhugas. At tulad kanina ay walang nag-abalang magsalita man lang.
At ano naman ang pag-uusapan kung magkataon? We're not close after all. Walang istorya na mabubuo sa pagitan namin dahil hindi naman namin lubos na kilala ang isa't-isa. And I am sure that I'm not the one who open up with conversations. Pero natigil na lang din ako ng panandalian nang sa wakas ay magsalita siya.
"You've changed."
Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang paghuhugas. Nananatili siya sa pwesto niya. Hindi ko alam kung ano bang nabago sa akin. Mayroon nga ba? Pero ako na ito. Namulat akong ganito na...
Kinabukasan ay agad na kinumpronta ko si Tyler. Kaagad ko naman siyang nahanap sa labas -na nakaprenteng nakaupo at nagkakape. Nang makita ako ay kaagad niya akong iginaya sa upuang kaharap pero hindi ako natinag -nanatili akong nakatayo -nakatitig sa aliwalas ng kaniyang mukha.
"Kailangan. Ko. Ng. Umuwi." Matigas kong wika.
Binawi niya ang kamay sa pagkakaturo at sumimsim ng kape bago isinandal ang likod sa upuang kumportableng-kumportable siya.
"The sunrise and the cold wind, makes the coffee tastier."
Ngayon ko napansin kung gaano kaaga ang mga oras na ito. Bigla kong naramdaman ang lamig ng hamog na bumalot sa akin. Napayakap ako sa sarili.
"Sit," anito. Dahan-dahan niyang inilapag ang tasa niya sa lamesa at nag salop ng isa pang kape . The coffee was already made. Nasa mababasaging waring maliit na pitsel. Inilapag niya iyon sa harapan ko.
Pinagmasdan ko ang mga usok nitong sumasayaw sa hangin at bigla na lang nawawala. Pero nandito ako hindi marahil sa kapeng inaalok niya. Nandito ako dahil sa pakay ko.
"You should drink it," putol nito sa katahimikan. Nagtatakang tiningnan ko siya na ngayon ay sa ibang direksyon nakatingin. "Maybe your wish will be granted."
Muli kong tiningnan ang kape na ngayon ay mas inaarok ang sikmura ko upang siya'y tuluyang amuyin. Ito ang gusto ko 'di ba? Ang makalimutan ang lahat. Ang kalimutan ang mga nilalang na nakikita ko. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon.
Itinaas ko ang kamay upang mahagkan ng palad ang hawakan. Nang mahawakan ito ay mas humigpit ito ng kusa. Masaya ako 'di ba? Hindi na ako magtatago at magkukulong. Hindi na ako matatakot makita ang liwanag. Tama. Masayang-masaya ako.
Hindi na ako nag-atubili pang hindi inumin iyon. Walang kagatul-gatol na nilagok iyon ng isahan. Bitter but sweet.
Nakapikit kong inilapag iyon. Maybe, when I open my eyes, I forget everything. Maybe, when I open my eyes I am ready to face the consequence to forget everything. Pero naghintay ako. Ilang segundo, ilang minuto. Nararamdaman ko pa rin sa aking balat ang malamig na samyo ng hangin. Ang tinig ng mga sumasayaw na halaman -na nagsasabing nandito pa rin ako.
Sa dahan-dahan kong pagmulat ay nabungaran ko ang makahulugang ngisi ng kaharap ko. Biglang bumugso ang kaba sa dibdib ko. Kaba ba ito dahil mas mabilis pa sa tibok na ito ang nangyayari sa akin noon? O inis at galit dahil nandito pa rin ako sa harap ng lalakeng gusto ko ng pagpipirasu-pirasuhin?
"Look, behind you." Kahit na hindi sinasang-ayunan ng kalooban ay wala pa rin akong nagawa. He seems go be commanded. Nilingon ko iyon. At masasabi kong ang inis na nag-uumapaw ay paunti-unti na ring humuhupa.
I was lost in myself. I stared out in a morning sky. Mellow blues and pinks blurred together in a silver mist to create another gorgeous day. Sunlight filled the sky, a pure scattered light. Kung isa lang sana akong ordinaryong tao -ay masasabi kong isa itong magandang umaga.
Gumuhit ang pait na ngiti sa aking labi. Sunsets is a gift from loving nature. They are the proof that no matter what happens in a whole tiring day, still a day can end beautifully. And this is the result. A unique canvas that no one can replace it with a fake pencil and paper.
****