Chereads / UNordinary (Tagalog) / Chapter 7 - KABANATA PITO

Chapter 7 - KABANATA PITO

****

"Saan ka pupunta?" Napalingon ako sa babaeng nagtanong. Kung hindi ako nagkakamali ay Alison ang pangalan nito. Manipis ang mahaba niyang buhok at hindi maipagkakailang nangingibabaw ang kanyang kagandahan. Dahil pwera sa mala-harina niyang balat ay ginatungan pa nang hubog ng katawan, na siyang bibihag sa kung sino mang lalakeng makakakita.

"Uuwi na," sagot ko rito.

"Bakit? Pinauuwi ka na ba?" mataray nitong tugon. Pero kabaligtaran nang kagandahan ng kanyang panlabas ay ang kapangitan naman ng orihinal niyang pag-uugali.

Sa katunayan, kanina pa ako timping-timpi. Ayoko sa ugali niya. Hindi ko gusto ang tabas ng kanyang dila. Pero dahil mas may utak naman ako, kaya hindi ko na lang siya pinapatulan. At mas mabuti iyon. Hindi ko kasi ugaling patulan ang taong kulang-kulang ang pag-iisip.

Ipinagsawalang bahala ko ang mga sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. I chuckled. Hindi ko alam kung bakit, pero maaliwalas ang pakiramdam na nasa loob ko. Walang bahid ng takot, ng inis, o ng lungkot. Napailing na lang ako sa naiisip.

Binuksan ko ang pintuan na kanina ay iniluwa si Mr. President, at hindi ko maiwasang hindi mapanganga. This is really a mansion. Kung kanina ay magkahiwalay na hagdan ang binabaan ko, ngayon naman ay aakalain mong bababa ako sa pinaka-grand entrance ng sayawan. Ano ba talagang ginagawa ko sa lugar na ito?

Sige. Sabihin na nating dinala ako nang presidenteng iyon. Oh tapos? Uuwi na ako dahil wala naman silang mahihita sa akin. Siguro, dinala niya ako rito dahil wala siyang choice. Nagmamagandang loob lang naman ang tao! Alangan namang iwan niya ako sa lugar na iyon ng tulog. Haist. Bahala na.

Sinabi niyang huwag muna akong aalis dahil may gagawin lang silang importante ng mga kasamahan niya, kung saan ay naiwan naman si Alison na kasama ko, na paniguradong iyon ang ikinasasama ng ugali niya sa akin.

Bumalik ako sa ulirat at medyo nagulat dahil sa presensyang ibinibigay ng pusa sa akin. Napayuko ako at matamang tiningnan ang ginagawa ng pusa. Ikinikiskis niya ang mabalahibo at kayumanggi niyang balat sa aking binti. Anong ginagawa niya?

Napailing na lang ako. Ginilid ko siya gamit ang kanang paa -kung saan niya ako dinadampian ng mabalahibo niyang buhok, bago bumaba sa hagdan. Ilang metro na lang ang layo sa akin ng double door sa harapan ko kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.

Hindi ko iwawaglit sa isipan na, kailangang-kailangan kong umalis sa lugar na ito. Wala na akong pakialam kung magkita man kami ng hindi inaasahan sa susunod na mga araw. Basta ngayon, makaalis lang ako rito ay masasabi ko ng ligtas na ako.

Pero bago ko pa abutin at buksan ang pinto ay kusa na iyong bumukas at iniluwa si Tyler. Napaatras ako bigla. Nagulat siya nang makitang nasa harapan niya ako, pero nagawa niya iyong itago gamit ang isang ngiti.

"Tara, akyat tayo." Hinawakan niya ako sa pulsuhan at nagsimulang maglakad paakyat. Hindi ko alam ang gagawin. Siguro dahil iyon sa pagiging Presidente niya sa eskwelahan kaya nararamdaman ko ang awtoridad ng kanyang pananalita, o baka dahil sa bagong presensyang inilalabas niya.

Sinubukan kong higitin ang sariling kamay, pero hindi ko iyon nabawi. Nagawa naman nitong patigilin ang paglalakad ng lalake, at kunot-noong napatingin sa akin.

"I need to go home," paalam ko. Home? If there's no one else in that fucking house, then they couldn't be called home. Because, the meaning of home is family. Kung wala kang dadatnang isang masayang pamilya, ibig sabihin ay bahay mo lamang iyon. The house of yours -na pagtataguan mo sa tuwing napapasamá ka, sa tuwing nagkakasakit ka at sa tuwing naiisip mo na nag-iisa ka talaga.

At hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang manatili sa lugar na ito. Okay na, nakuha na nila ang sagot na gusto nila. Ano pa ba? Ikikwento ko pa ba?

"Okay. I get it! Salamat. Kalimutan na lang na'tin ang lahat. Kalimutan na'tin 'to. Kakalimutan ko ring may nakita ako. Okay na?"

Bumalik ang dating siya. Hindi nakangiti at aakalain mong napakaseryoso. Pero hindi rin iyon nagtagal. Pumikit siya at huminga ng malalim.

"Let's talk about this after lunch. Alam kong hindi ka pa kumakain."

Napalingon kaming dalawa sa biglang pagbukas ng pintuan. "Sa wakas! Sa tinagal-tagal, makakakain na rin ng matino!"

He's Terence. Nang makita kami ay isang malawak na ngiti ang gumuhit sa kanyang maninipis na labi. Itinaas niya ang dalawang kamay -na bitbit ang dalawang supot ng pagkain. Hindi maiwasang hindi magreact ng bituka ko.

"Sabi ko sa'yo eh! Tara na!" natatawang hirit ni Tyler. Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan na lang na matangay ang sarili sa kung saan man.

Tyler Corpus. Sa eskwelahan, isa siyang kagalang-galang na Presidente. Tahimik at matalino. Palaging pambato sa Quiz Bee at madalas mukha rin niya ang palaging nakikita sa mga bulletin board ng eskwelahang pinapasukan namin, dahil na rin sa mga naiaambag niyang kasikatan at katalinuhan. Hanga ang lahat sa kanya. Pero sa likod nito ay may nakakubli rin pa lang sekreto sa totoo niyang pagkatao.

Pero hindi katulad ko na nagmistulang duwag, at mas pinipiling magtago. Dahil takot ako. Inamin nila ng walang kahirap-hirap ang mga nalalaman nila. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Kaya minabuti ko na lang sanang umalis, nang makapag-isa at makapag-isip-isip.

Hindi ko pansin ang ilang minutong lumipas dahil sa malalim na iniisip. Naibalik na lang muli ang diwa ko nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Kaagad kong hinanap ang boses na hindi naman nalalayo sa akin.

Nakatingin silang apat sa akin. Ang nakakunot-nuong mukha ni Tyler, ang nag-aalalang mukha ni Kagura, ang matatalim na tingin ni Alison at ang napapailing na si Terence. They are all eyed at me na aakalain mong may ginawa akong hindi kanais-nais. Nagtatanong na mukha ko silang tiningnan ng paisa-isa.

"Pati ba naman sa harapan ng pagkain, wala pa ring galang. Tss," bulong ni Alison. Alam ba niya na naririnig ko ang napakahina niyang bulong?

"Shut up, Alison. Kumain ka Furen, later we will discuss everything," maikling pahayag ni Tyler na ikinairap naman ng mata ni Alison.

Bumalik ang lahat sa pagkain, at heto ako, tinitingnan nang maigi ang bawat kanin at karne na nakalatag sa plato ko -na para bang hinihiling ko na lang na sana mabusog ako ng hindi isinusubo ang mga ito. But there's no such thing in this world, na mabubusog ka habang tinitingnan lamang ito. Siguro kung mangyari iyon ay magdadalawang isip na talaga ako kung nasa earth pa ba ako. Pero bakit ko nga ba 'yon pinuproblema?

Bakit ba pati ang pagkain ay pinuproblema ko? Bakit ba lahat ng bagay binibigyan ko na lang ng ibang perspective? Bakit ang hirap-hirap kong pakisamahan? Bakit ang malas-malas kong tao?

➖➖➖➖➖

"Nangyari na ito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango si Tyler. Nasa veranda kami at tulad nga nang sinabi niya kanina ay ipinapaliwanag na niya sa akin ang lahat -that stopped me from thinking.

Paanong nangyari? Wala akong matandaan na nagkita kami maliban sa mga hindi sinasadyang pangyayari sa eskwelahan.

"I deleted your memories to where it started, kaya wala kang maaalala."

I gasped. What? Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili siyang nakatingin sa harapan. Dapat ba akong maniwala sa kanya? Is it possible na mawala ang memorya ng isang tao, dahil sa isang tao rin? Is he really out of his mind?

"Desisyon namin iyon na pinag-isipan naming mabuti. Hanggang sa dumating na ang araw na ito. We didn't expect you here. We didn't expect it to happened again."

Iniwas ko ang paningin at inaahapuhap ang nais na isipin. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi ko na alam kung saan ako dapat lumugar. Masyado ba talagang kumplikado ang buhay ko? Gusto ko lang naman ng isang tahimik na buhay! Bakit mahirap ba iyong ibigay?

"Kailan?" maikli kong tugon.

"Two years ago, it's almost summer. The school was in a field trip to Inuhia City for the celebration of the graduates. But the incident happened. Pauwi na noon ang lahat. Maulan kaya madulas ang kalsada. One of the bus got into trouble handling of the poor road condition -where you were belong to those class. Hindi naman sana aabot sa ganoong senaryo kung hindi lang nawalan ng preno ang kasunod pang bus."

Gusto ko sanang magsalita pero mas pinili kong manahimik at hintayin na lang ang susunod pa niyang sasabihin.

"I was in that field trip too."

Naaalala ko ang mga nangyari noong panahong iyon. I was in my Freshman at hindi ko lubos maisip kung bakit pa ako nabuhay. I was in critical state and the only one who survived in the crushed.

Iniisip ko noong mga panahong iyon ay napakaswerte ko. Nabigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay at maranasan kung gaano pa ito kaganda. Pero nagkamali ako. The life I'd received was giving me a day to day cursed. Walang palya. My life exchanged to my beloved father's life. Hindi ko alam kung gaano katanga ang kapalaran para ipagpalit ang buhay na may kwenta sa walang kwenta.

I remembered every single thing kaya imposible ang sinasabi niyang galing na ako rito.

"Huwag muna nating pagtalunan ang pananatili mo rito, kasi ito ang pinakaligtas na lugar na maaari mong paglagian. Lalo na't mabango ang isang tulad mo na walang alam sa mga nangyayari." Huli niyang sinabi bago kami naghiwalay ng landas.

Umalis siya sa mansion habang ako naman ay gulong-gulo ang isipan. Sa katunayan, walang saysay ang mga sinabi niya kung makakapagdesisyon ako ngayon. After all, this is my life. My own life. Pero kahit hindi ko man aminin ay mas gusto ng diwa ko na manatili rito. Tahimik at walang nakaambang panganib. Hindi tulad sa apartamentong inuupahan ko.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago itinaas ang paningin sa kalangitan. I am all alone. Si papa iniwan na ako at mas pinili ang tahimik na mundo sa itaas kaysa ang makasama ako. Si mama naman wala na nang isinilang ako. I am so pitiful. Hindi ko rin maiwasang maawa sa sarili ko.

Naputol ang pagmumuni-muni ko sa taong dumating. Napalingon ako sa gawi nito.

"Hi," mahinhin nitong bati. May pag-aalinlangan siyang naglakad papunta sa akin at naupo sa inupuan ni Tyler, "how have you been?"

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako okay. Matagal nang hindi ako okay.

Walang ganang inalis ko ang paningin sa kanya. Kung totoo ngang galing na ako rito, ibig sabihin -kilala na ako ng mga taong nabungaran ko kanina -nang babaeng ngayon ay kaharap ko. Kaya ba iba na lang ang naging turing nila sa akin?

Napailing ako at pilit na inaalis ang mga hinuha. Sinimulan kong pagmasdan ang paligid. Nasa harapan ako ng isang bilog na flowerbed -dahil imbis na fountain ang nakalagay rito ay itong maliit lang na halaman na pinaliligiran ng mga bermuda grass, and I must be in the front of this big house. Malawak ang sakop ng harapan at nakikita ko rin ang kalsada na hindi ko alam kung may mga tao o sasakyang nagagawi man lang.

"You'd changed a lot." Natigil ako, "you were not like this before, siguro dahil sa mga nangyari sa iyo. We were sorry kasi hindi ka namin nadamayan noong mga panahong kailangan mo ng kaibigan. Sorry da-"

"Cut the crap! Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari! Lahat na lang kayo sinasabi 'yan! Naririndi na ako!" singhal ko na ikinagulat niya. Naikuyom ko ang mga kamao kasabay ng madiin kong pagpikit.

Bakit ba kasi hindi na lang ako namatay!? Dapat natuluyan na ako nang mahulog ang bwesit na bus na iyon sa bangin! Hindi nga ako namatay, pero mas masahol pa sa nabubulok na bangkay ang buhay ko ngayon!

Naramdaman ko ang isang palad sa balikat ko. Hindi ko siya nilingon. "It's okay, let's wait for him Furen. Siya ang makakaayos nito."

Sana nga. Sana nga maayos pa... Kung totoo man ang sinabi ni Tyler na binura niya ang alaala ko noong mga panahong iyon, hinihiling kong burahin niya muli ang alaala ko ngayon. Ang alaalang hinding-hindi ko panghihinayangan. Mga alaalang nagpapabaliktad sa sikmura ko sa tuwing naaalala ang mga hindi magagandang pangyayari. Para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Calley. Para mabawasan naman ng kahit na kakarampot ang guilt na umaapaw sa katawan ko...

****