Chereads / UNordinary (Tagalog) / Chapter 6 - KABANATA ANIM

Chapter 6 - KABANATA ANIM

****

I'm a little bit dizzy, trying to figure out the situation. And this unusual feeling got over my head. I woke up and stayed in the room for almost a couple of minutes.

Nagtataka na inilibot ko ang paningin. Nasaan ba ako? Kaninong kwarto ito?

Base sa arketiktura ay babae ang nagmamay-ari nito. Simula sa kulay ng dingding hanggang sa mga gamit na nakasabit at naka-display. Sa malambot na kamang kinauupuan ko at sa mismong liwanag na ibang-iba, kung sa kwarto ko ikukumpara. Ito na marahil ang masasabi kong pang-prinsesang imprastraktura, na napapanuod ko lang noon sa mga pelikula.

The window has a pink drapes curtain hanging on the other side of them, so that the sunlight could stream through -kaya itinataas ko ng kaunti ang kanang binti upang salubungin ang mainit-init nitong dala.

Pero bakit nga ba ako nandito?

Pumikit ako at pilit na inaalala ang mga pangyayari. Pero nagpapaikot-ikot lang iyon sa lugar kung nasaan ako noong isang araw. Iyon lang ang naaalala ko at marahil ay iyon din ang huli kong mga alaala. Dumilat ako at nagpakawala ng malalim na hininga. Ilang araw na ba akong tulog? Ilang araw na ba akong nandito?

Si Minerva. Noong isang araw pa siya naghihintay sa akin pero ni hindi ko siya magawang siputin. Alam kong nag-aalala siya at hindi ko iyon binibigyang halaga. I've got a lot of messages from her, and even a single feedback I won't allow myself to send it. Kasi alam ko na kaya ko. Kaya ko ang sarili ko. Indeed, I am strong compared to her, kaya siya ang dapat nag-iingat. Ganoon naman siya palagi. Palagi na lang ibang tao ang iniisip niya, pero ang sarili niya hindi man lang niya maasikaso. Ang akala niya siguro alam niya na ang lahat.

Muli, huminga ako ng malalim bago napagdesisyunang tumayo. Kailangan ko nang umuwi. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan, at tumigil sa harapan noon. Hinawakan ko ang seradura at sinubukang pakiramdaman ang maaaring mangyari sa oras na lumabas ako. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa labas. Hindi ko man aminin pero mas nananaig ang kagustuhan kong mahiga na lang at hintayin ang maaaring mangyari sa akin.

Pero hindi pwede. Mahigpit na hinawakan ko ang seradura at dahan-dahan itong pinihit. May kalakasan ang paglangitngit ng pintuan kaya nakakaramdam ako ng pagkabahala. Ang sino mang nilalang na sakop ng sampung metrong layo mula sa akin ay maririnig ang dahan-dahan kong pagpuslit.

Nang magkaroon na ako ng pagkakataon na lumabas sa saktong siwang na inihanda ng pinto ay kaagad na bumungad sa akin ang balustre at ang makitid na daan, pero malawak na hangganan. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng pinto ay nakikinita ko na kung gaano kaganda at kagara ang bahay na inaapakan ko ngayon.

Malawak ang espasyo na nasa harapan ko. Ang tema ng mga disenyo na humahati paibaba dahil sa balustreng nakaharang. The color indigo heavy woven fabric used to cover the floor a steps away from me. The aura. Wala na akong iba pang naiisip kundi ang iisang katanungan lang kung bakit ako naririto. Bakit nga ba ako nandito?

Hindi pa ako nakakabalik sa ulirat ng may sumulpot na isang babae sa harapan ko. May maikli itong buhok na umaabot ang dulo sa balikat, at bilugang mga mata na pinaparesan din ng bilog na salamin. Nakaipit ang ilang hibla ng buhok sa tuktok ng kanyang ulo at suot ang gusot na gusot na pangtulog.

Walang isang segundo nang magpalit siya ng emosyon. Ang seryosong mukha ay kaagad na naglaho at pinalitan ng isang malawak na ngiti.

"Halika rito." Gumilid siya para bigyan ako ng daan habang ang mga palad naman niya ay itinuturo ang daan na tatahakin ko. Hindi na ako nakaramdam ng pagdadalawang-isip dahil sa iisang dahilan. Kung sino man siya, at kung bakit ako nandito ay may dahilan. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi ang makisama.

Sabay kaming naglakad. I stole a glance around the place. Mayroong dalawang hagdan at nakakabit iyon sa magkabilang gilid ng lugar. The black and white linoleum floor glowed as the lights came over, obviously what I expected to a mansion?

The walls are milkish dover with silver brush swipes crossing over it, creating a shimmering effect. Not too dark but it affects my passion style.

Bumaba kami sa hagdan na mas lalong ikinamangha ko. Malawak ang kwartong ito pero kaunti lang ang nakikita kong espasyo dahil sa okupado ng kung anu-ano ang lugar. Dinala ako ng babae sa isang sala na nasa bandang kaliwa, ilang hakbang lang mula sa hagdan na pinagbabaan namin.

Pero hindi napigilan noon ang paglilibot ng mga mata ko sa buong kapaligiran. Nasa harapan ko ang isang malaking green baroque fireplace, na mas kumikinang ang ganda ng bato sa tuwing nagri-reflect ang liwanag na nanggagaling sa nakasinding mga panggatong. Nasa harap nito ang isang lameseta at dalawang pares na armchairs. Bukod pa roon, ay kapansin-pansin din ang buhay na buhay na mga bulaklak na nakabitin sa balustre ng magkahiwalay na hagdan.

"Ehem..."

Nakarinig ako ng pagtikhim sa kalapit kaya naantala ang pagbisita ng inosente kong mga mata -sa mga antik at mamahaling muebles na nakikita ko sa buong silid. Lumingon ako sa gilid at napansin ko ang ilang pares ng mga matang nakatitig sa akin. Isa-isa kong pinasadahan ang mga taong ngayon ko lang napansin -dahil sa pagiging abala ng inner consciousness ko sa mga nakakaakit na kagandahan sa lugar.

"Hi Furen," ani ng isang lalakeng nakaupo sa maliit na sofa.

Mas lalong nangunot ang mukha ko nang makitang kakaiba ang mga tingin nila sa akin. Hindi ko alam, pero mas tumindi ang kabang nararamdaman ko. Sino sila? At bakit nila ako kilala?

Napapansin ko ang mahinang pag-uusap ng dalawa sa kanila dahil na rin sa katahimikang namamayani sa buong silid. Na para bang, sa isang salitang bibigkasin ko man lang ay magdu-doble-doble na ang boses ko. Malawak ang lugar pero pakiramdam ko, nasa pagitan ako ng mga nagsisiksikang mga matatabang tao, na walang ibang choice kundi manatili na lang sa pwesto.

"Okay guys! So, anyway Furen... Are you okay? May masakit ba sayo? Gutom ka ba? Or do you need anything? Water? Juice?" ani pa nito.

Nanatiling tikom ang bibig ko. Gustuhin ko mang sagutin siya na kailangan ko ng pagkain at tubig ay hindi ko magawa. Gutom na gutom na ako. Pakiramdam ko ay isang buong linggo akong hindi nakakain, kung kaya'y nararamdaman ko na ang pag-aalburoto ng tiyan ko sa usaping pagkain.

"Sino kayo?" tanong ko at isa-isa silang tiningnan. Inilibot kong muli ang paningin sa buong silid, "nasaan ako?"

Nilingon ko ang babaeng sumagot na siyang sumulpot sa harapan ko kanina. "Nasa bahay ka namin, at ahm-..." Naputol ang susunod niyang sasabihin kaya nangunot ang nuo ko. Lumingon siya sa mga kasamahan niya na aakalain mong humihingi ng maisasagot.

Bakit? Mahirap ba ang naging tanong ko? Sino sila at kung nasaan ako. Iyon lang naman. Wala akong balak alamin kung bakit ako naririto dahil pakiramdam ko ay hindi iyon magandang balita.

Bigla kaming napalingon sa bagong dating na iniluwa ng pinto. Ganito ba lahat ng pintuan dito? Malayo ka pa lang ay magiging alerto ka na sa maaaring lumabas sa pintuan na iyon. Tulad kanina, kaya siguro sumulpot ang babae dahil sa alam na lalabas ako.

Hindi nagtagal ang pangungunot ng nuo ko dahil sa gulat. Pagkagulat ang namutawi sa aking isipan, pilit na inaalala ang isang imahe na unti-unting nabubuo sa tuwing tinitingnan ko ang bawat anggulong mayroon ang mukha ng taong papalapit sa amin.

Sabi, walumpong porsyento raw ng chances, na magkakaroon ka nang pitong magkakamukha at isang porsyento naman kung makikita mo ang isa sa kanila. At sa sitwasyon ngayon, imbis niya siya ang makadiskubre ay bakit ako pa?

Halos walang pinagkaiba ang himig ng mga mata nila. Parehas silang nangungusap pero sa pagkakataong ito ay nakikita ko na ang tunay na kabuuan. Wala ang nakatapal na salamin at wala ang mabuhaghag niyang mga buhok.

Hindi naging maayos ang paghinga ko hanggang sa makarating siya sa kinalalagyan namin. Naupo siya sa isang upuan na katapat ng mahabang sofa at tumingin sa akin. Hindi natinag niyon ang pagkakatitig ko sa kanya dahil sa pangyayari. Naaalala ko na. Bumalik ang mga senaryong hinahanap-hanap ko kanina pa. Kaya pala pakiramdam kong parang may mali.

Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa ko rito?

Mas nadagdagan ang pagtataka ko nang ngumiti siya. Hindi lang isang simpleng ngiti dahil napapaisip talaga ako kung kailan pa siya nagkaroon ng lakas ng loob na ngumiti ng ganyan. Akala mo ay hindi siya dumaan sa pagiging emo.

"Explain it to her. Kasi parang mas naging weird siya ngayon," anang boses na nanggaling sa lalake -sa likod nila.

Nagtataka naman akong lumingon dito, at sa mga kasamahan niya. Anong ibig niyang sabihin? Napalitan ng seryosong mukha ang ipinapakita ni Mr. Corpus. Tumikhim siya ng hindi nilalayo ang paningin sa akin.

"Why are you here?" tanong nito.

Hindi ko mapigilan ang sariling maningkit. Tarantado ba siya!? Bakit ako ang tinatanong niya? Malay ko ba kung paano ako nakarating dito. Malay ko ba kung anong nangyari nang mga oras na iyon!

Napapikit ako at napatiim-bagang. Nanggigigil ako pero hindi ko iyon ipinahalata. Ibig sabihin lang noon ay hindi umubra ang ibinigay kong palusot!

Tangina Furen! Ano bang pumasok sa kokote mo at sinundan mo siya! This is shit!

Huminga ako ng malalim bago nagmulat. Diretsong tiningnan ko ang mga mata ni Mr. Corpus na hindi man lang kumukurap, at ganoon din siya. Patagalan at ni isa sa mga kasamahan niya ay hindi kami inabala. Umabot iyon ng dalawang minuto bago siya sumuko. Napabuntong-hininga siya at kibit-balikat na tiningnan ang mga katabi.

"Fine." Muli siyang tumingin sa akin. "Bakit mo ako sinusundan? Anong mga nakita mo?"

"Wala," mabilis kong tugon. Makahulugan ang ibinibigay niyang tingin sa akin, na parang kinakalkula ang bawat salitang lalabas mula sa bibig ko, "napadaan lang ako."

"Sigurado ka?"

"Nagtataka lang ako kung anong ginagawa ng isang president council sa loob ng subdivision-ng iyon," pilit kong paliwanag.

Wala akong sasabihin. Wala akong aaminin. Pangangatawanan ko ang desisyong pinili ko, kahit na pakiramdam ko ay hindi nalalayo ang tulad niya sa akin.

Pero paano nga ba nangyari iyon? Ang pagkalaban niya sa halimaw na katulad ng halimaw na nakita ko noong isang araw. Bakit walang epekto iyon sa kanya? Bakit hindi siya natatakot? At saan naman nanggaling ang patalim na ginamit niya sa pagpatay? Hindi ko masyadong maaninagan pero lumabas iyon at bigla na lang ding naglaho.

Tumango-tango ito na animo'y naging kumbinsido sa sagot ko. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag, pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang sasabihin.

"So, you saw it."

****