Chapter 5 - Gulo

CHAPTER 5: Gulo

Bago pa magkaroon ng pagkakataon si Huo Mian para itulak siya, binitiwan nito ang mga kamay niya. Ngumiti ito ng masama habang inaangat ang mga pisngi ni Huo Mian.

Gamit ang kanyang mapang-akit na boses, sinabi niya, "Huo Mian, nagbalik na ako."

Di mapigilang manginig ni Huo Mian pagkatapos marinig ang boses niya, at pagtingin niya sa mga nang-aakit na mga mata nito, nagbalik ang mga bagay na matagal na niyang binaon sa limot.

Hindi na niya matandaan kung pano siya nagmamadaling umalis sa washroom, o kung paano niya mali-maling binuksan ang pinto ng paulit-ulit. Sa ngayon ang alam niya lang ay nawawala siya sa ulirat.

"Mian, anong problema? Bakit… ang putla mo?" Mabilis na tumayo si Zhu Lingling at tinulungan agad si Huo Mian.

"Ayos lang ako." Halatang sobrang putla ng mukha nito kahit sinabi niyang walang problema.

Pagkatapos niya makapag-isip, nagdesisyon na siyang umalis. Sumandal si Huo Mian kay Ms. Yao at bumulong, "Sorry Ms. Yao pero kailangan ko nang umalis. Pupunta nalang po ako magisa para bisitahin kayo next time."

Tiningnan ni Ms. Yao si Huo Mian at tumango, "Okay, ingat ka pauwi."

Kinuha ni Huo Mian ang kanyang bag. Wala na siyang pakialam sa tingin ng iba at umalis. Sobrang bilis ng pag-alis niya na kahit si Zhu Lingling ay naguluhan.

"Napakayabang at pakitang tao naman ni Huo Mian, wala siyang pinuntahan na kahit anong high school reunions. Masyadong agaw pansin! Sabi na nga ba may dahilan bakit siya pumunta ngayon. Nalaman niya siguro ng maaga na darating si Qin Chu at ngayon aalis siya ng maaga para akitin siya. Isang oportunista! Ginagamit na naman niya yung cat and mouse trick na ginamit niya kay Qin Chu dati para maakit siya. Nakakadiri," walang tigil na sabi ni Liu Siying.

Walang masabi ang iba nilang mga kaklase dahil 7 years na din ang nakalipas simula noong naging sila Qin Chu at Huo Mian.

Alam ni Huo Mian na masyadong delikado lumapit kay Qin Chu lalo na parehas pa din sa dati ang paghanga niya dito. Akala niya nakalimutan na niya lahat ng pinagsamahan nila pero bakit ganun pa din ang nararamdaman niya sa pagkikita nila ngayon.

Ang mga alaala niya ay mistulang baha na umaagos nang mabilis palabas ng isang sirang dam.

Madaming nangyari noong gabi ng graduation nila 7 years ago na nagpaniwala sa kanya na di na niya ulit makikita si Qin Chu.

Pagkatapos noon, bigla nalang siya nawala na parang bula at wala man lang may alam kung saan siya nagpunta. Ngayon, bigla nalang siyang bumalik na parang magic. Sobrang di kapani-paniwala.

Ordinaryong namuhay naman si Huo Mian kaya bakit kailangan niya pagdaan ang ganitong paghihirap?

Kahit anong mangyari, hindi na ulit makikipag-usap si Huo Mian kay Qin Chu. Katulad lang nito yung mga nangyari 7 years ago, na kahit gaano nila kamahal ang isa't isa, hindi sila pwede magkatuluyan kailanman dahil sobrang layo ng kanilang mga mundo. Hindi niya nga inakalang magtatagpo ulit ang mga landas nila pagkatapos ng insidenteng yun. Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, ang tanging pangarap na lang niya ay makapangasawa ng isang stable na lalaki at mamuhay ng mapayapa sa mga natitira niyang taon.

Pagkatapos niya umalis ng hotel at sumakay sa taxi, di tumitigil sa pag-ring ang kanyang cellphone at lahat ng tawag ay galing kay Zhu Lingling. Hindi sinagot ni Huo MIan ang mga tawag dahil hindi niya rin alam ang sasabihin. Masyadong magulo ang isip niya kaya hindi siya makapag-isip.

Malapit na mag-eleven nung nakarating siya sa bahay niya. Binuksan ni Huo Mian ang pinto at sobrang dilim sa loob.

Binuksan niya ang mga ilaw at napansin na walang tao sa loob at labas ng kwarto. Mukhang hindi pa nakakauwi si Ning Zhiyuan sa night shift niya.

Ang kanyang boyfriend, si Ning Zhiyuan, ang nagrenta sa two-bedroom apartment na'to pagka-graduate nila. Dito na siya tumira dahil mas madali niyang naaalagaan si Ning Zhiyuan at malapit din ito sa pinagtatrabahuan niyang ospital. Hindi na niya kailangan mag-bus at pwede pa siya matulog nang mas matagal. Maganda rin naman ang paligid nito at pasok sa budget ang renta. Laging naiisip ni Huo Mian na maganda tumira dito habang di pa sila nakakabili ng sarili nilang lugar at kahit wala si Ning Zhiyuan, pakiramdam pa rin ni Huo Mian ay isa itong bahay.

Ang tagal na rin nilang nagsama at sa totoo lang, alam ni Huo Mian na more on mutual reliance ang turingan nila kaysa love.

Mabilisang naghot shower si Huo Mian, nagpalit sa kanyang pajamas at bumalik sa kanyang kwarto para magpahinga.

Nang biglang nagring ulit ang cellphone niya at pagkatingin niya isang unfamiliar number ang lumabas.