Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 2 - Ang Lalaki sa Kanyang Panaginip

Chapter 2 - Ang Lalaki sa Kanyang Panaginip

CHAPTER 2: Ang Lalaki sa Kanyang Panaginip

Napabuntong hininga si Huo Mian nang nakita niya kung sino ito. "Lingling, papatayin mo ba ko sa takot?!"

"Akala ko ba nagkasundo tayo na aantayin mo muna ako sa may pinto para sabay tayong papasok. Di ako makapaniwalang nauna kang pumasok kaysa sakin," sabi ni Lingling habang kumukuha ng upuan at umupo sa tabi ni Huo Mian.

"Dapat talaga aantayin kita kaso may nakita akong dati nating kaklase sa may pinto. Sabi niya lahat daw ay nasa taas na kaya umakyat na ako," malumanay na ngumiti si Huo Mian.

Si Zhu Lingling ang bumati sa kanya, siya ang bestfriend niya simula high school at ngayon ay isa nang flight attendant sa isang international airline. Isang magandang babae ito at ang tanging babaeng malapit kay Huo Mian. Katulad ni Huo Mian, siya ay mabait at may magandang kalooban.

"Lingling, akala ko ba busy ka nitong mga nakaraang araw. "

"Paano ako hindi magiging busy? Napakabusy ko kaya! Dapat lilipad kami ngayon sa Xing City pero dahil ayokong mapalampas tong reunion natin, nakiusap ako sa kasamahan ko na siya muna magcover ng shift ko. Oo nga pala, yung doctor? Bakit di mo sinama?" sagot ni Lingling.

"May naka-schedule siyang surgery ngayon kaya hindi siya makakapunta."

"Hindi na rin masama. Nakikita kong maganda ang future niya. Siya nga pala, kamusta ang paghahanap mo ng bahay?"

"Malapit na matapos. Sa tatlong apartments na pinuntahan namin, may isa doon na parehas naming gusto. Pag-uusapan pa namin kasama ng parents niya bago kami gumawa ng huling desisyon."

"Wow, ang bilis. Saan nakatayo? Big deal kaya ang pagbili ng bagong matitirhan kaya dapat pagisipan muna ng mabuti," sabi ni Lingling.

"Nasa may 3rd Ring Road ito kaya medyo lagpas ng 20 minutes yung pagpunta ko sa trabaho pag naka-bus. Kaya malaking tulong siya," nakangiting tumugon si Huo Mian.

"Nice, sa pagkakarinig ko yung mga apartments sa 3rd Ring Road ay karaniwang nagkakahalaga ng 8,000 Yuan per square meter. Paniguradong may savings ang boyfriend mo!" sinabi ni Zhu Lingling ng may paghanga.

"Hindi naman siya isang bayaran lang. Downpayment palang muna, at unti-unti naming babayaran yung natitirang mortgage. Bata pa naman kami at madaming oras."

"So... pagkatapos niyo bilhin yung apartment, magpapakasal na kayo?" Tanong ni Zhu Lingling habang inaabot ang kamay ni Huo Mian.

"Mukhang ganoon na nga, kapag walang nangyaring hindi inaasahan." Tumango si Huo Mian.

"Mian."

"Bakit?"

"Sigurado ka na ba talaga na gusto mo na… magpakasal ng ganito lang?" Biglaang seryosong tanong ni Zhu Lingling.

"Sa point na 'to, mahalaga pa ba kung gusto ko o hindi?"

"Mian, alam ko namang naiintindihan mo kung bakit ko ito tinatanong. Nakalimutan mo na ba talaga siya?" Binabaan ni Zhu Lingling ang kanyang boses hanggang sa ito ay maging pabulong ngunit narinig ni Huo Mian ang bawat salitang sinabi niya. Makikita mong may lungkot sa kanyang mga mata at may halos hindi kapansin-pansin na pighati.

"Ano pa ba ang point? Ano naman kung ayaw ko? Ganito talaga ang buhay at sumusuko na ako. Sumuko na ako 7 years ago," sabi ni Huo Mian nang may pait sa kanyang pangiti.

Bago pa may masabi si Zhu Lingling, nagbukas ang mga pinto ng private room, na naghuhudyat na tumayo ang lahat. Sumunod sila Huo Mian at Zhu Lingling at tumingin sa entrance. Masaya siyang nakita ang dati nilang Homeroom teacher na si Ms. Yao, ang kanyang mga buhok ngayon ay halos namumuti na at ang katabi niya ay... siya?

Yung lalaking nawala na parang bula 7 years ago at ang lalaki na dating pinaka-importante sa buhay ni Huo Mian… Parang isang panaginip ang makita siya sa harap niya nang ganito, ni hindi man lang niya nahanda ang sarili sa ganitong pagkakataon.

"Bigla nalang hindi maramdaman ni Huo Mian ang kanyang buong katawan at nagsimulang ma-blangko ang kanyang utak…"