Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 31 - Ang Mahiwagang Regalo

Chapter 31 - Ang Mahiwagang Regalo

Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na si Mo Ting sa paghahanda ng kanilang hapunan. Umakyat na ito upang pumunta sa kanilang silid, nang buksan niya ang pinto, natagpuan niya si Tangning na hawak hawak sa kanyang mga bisig ang isang dosenang pulang rosas na binili niya para dito – nasa kalagitnaan ito ng pagbibilang ng mga bulaklak. Ang kanyang mga pisngi ay namumula at ang kanyang mga labi ay bahagyang nagbubukas at nagsasara na kung saan ay labis na kaakit – akit.

"Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng ganito karaming bulaklak!" bulalas ni Tangning, "Mo Ting, nasorpresa talaga ako…"

Pinagmasdan ni Mo Ting ang nasisiyahan niyang ekspresyon habang pabirong sinabi, "Bakit napakadali mong mapasaya? Ang kokonting bulaklak na ito ay sapat na para mapasaya ka. Nakaparami pang bagay ang gusto kong ibigay sayo, pero, ayaw mo namang sabihin kung ano ang mga gusto mo. Bakit ba hindi ka maging katulad ng ibang babae at humingi ng diamond at mga alahas? O kahit kasikatan… at pagiging matagumpay?"

Marahang tumawa si Tangning. Inangat niya ang kanyang ulo at sumagot kay Mo Ting, "Nasa akin na ang buong pagkatao mo, hindi ba masyado na akong sakim kapag ginusto ko pa ang mga bagay na yan?"

"Kasal ka na sa akin, ako na nakakuha ng titulo bilang asawa mo, nasa akin na ang kalahati ng mga ari – arian mo at mayroon pa akong pagkakataon na makasama ka habang buhay. Alahas? Tagumpay? Ang lahat ng ito, kaya kong makuha. Ano pa ba ang mas hahalaga kaysa sa'yo?"

Nagningning ang puso ni Mo Ting habang yumuko ito para halikan si Tangning, "Masyadong matamis ang iyong labi, hindi ko tuloy mapigilang tikman ito."

Hinawakan ni Tangning ang mga balikat ni Mo Ting at inilapit niya ang kanyang sarili dito upang gantihan ang mapusok nitong halik. Sa gitna ng pagdidikit ng kanilang mga labi, natagpuan ng mag – asawa ang kanilang mga sarili sa ibabaw ng kama, nakahiga si Tangning sa ilalim ng katawan ni Mo Ting. Ang pantaas niyang dami ay nahubad na at kasalukyan nakakalat sa sahig – ang lahat ng ito ay naganap ng wala pang isang minuto.

Hindi na mapigilin ni Tangning ang kanyang pananabik na hagkan siya ni Mo Ting, kung kaya naman habang kinokopya niya ang mga galaw ni Mo Ting, unti – unti niyang tinatanggal sa pagkakabotones ang suot nitong damit. Nang tumambad sa mata niya ang matikas na katawan nito, bigla na lamang namula ang mga pisngi niya habang nahihiyang tumingin inilihis ang kanyang mga tingin sa isang sulok ng silid.

Malumanay na tumawa si Mo Ting, hinawakan nito ang leeg ni Tangning at ibanalik ang mata nito sa kanya bago mahinang itinanong, "Gusto mo ba ito?"

"Ikaw ba?" tusong pagbabalik ng tanong ni Tangning kay Mo Ting.

"Alam mo kung ano ang hinihintay ko. Tangning, kapag sinabi mo ito, gagawin ko na …" lumapit si Mo Ting sa tenga ni Tangning habang nanunuksong ibinulong, "manatili ka sa kama ng buong gabi."

Alam ni Tangning kung ano ibig sabihin ni Mo Ting, kaya naman kinakabahan niyang sinabi kay Mo Ting, " Hindi … pa ako 100 % na sigurado sa aking puso, nguint, alam ko sa sarili ko na gusto kitang makasama habang buhay, Mo Ting."

Ang relasyon sa pagitan ng dalawa ay patuloy na bumubuti sa paglipas ng mga araw, ang pag – iisa ng kanilang mga diwa, hindi na magtatagal ay mangyayari na, kaya, hindi na hahayaan ni Mo Ting na pakawalan pa siya sa pagkakataon na iyon. Gusto niya iparanas dito ang pinakarurok ng kanyang pagmamahal dito at para matanggap nito ang kaligayang nararapat niyang matamasa.

Minsan … may iba't ibang paraan upang mapaligaya mo ang iyong kabiyak…

Pagkatapos ang kanilang mainit na pinagsaluhang halik, nahiga ang mag – asawa habang yakap ang isa't isa. Siniksik ni Tangning ang kanyang sarili kay dibdib ni Mo Ting at sinabi, "Nakita ko na bumili ka … ng bagay na 'yon…akala ko…"

"Anong bagay?" nakatungkod ang kanyang kamay ni Mo Ting sa kanyang ulo upang makita ang mukha ni Tangning habang ang kaliwang kamay naman nito ay marahang hinihimas ang likod ni Tangning.

Kinuha ni Tangning sa ilalim ng kanyang unan ang pakete ng Durex. Ibinigay niya ito kay Mo Ting, "Itong bagay na ito. Akala ko pa naman ay handa kanang angkinin ako … naghanda pa naman… tinayak ko pa naman na maligo muna… nakakahiya tuloy!"

Pinagmasdan ni Mo Ting ang maliit na pakete na nasa kamay niya habang taas kilay niyang sinabi, "Hindi ako ganito kaliit…"

Ang Lu Che na yan…

"Itigil na muna natin ang pag – uusap tungkol dito!"

"Wala kang dapat ikahiya," tugon ni Mo Ting kay Tangning habang tumatawa. Ang sulok ng mga labi nito ay umarko papataas na nagpapakita ng napakagwapong anggulo nito, "Lubos akong naakit sa iyong reaksyon."

"Tama na…" Nagtago na sa ilalim ng kumot si Tangning dahil sa sobrang hiya nito.

Mabilis na tumugon si Mo Ting sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kaibig – ibig na asawa at saka niya ito pinakalma, "OK, pag – usapan nalang natin ang trabaho. Diba tinanggap mo na ang photohoot na inalok ng Secret Magazine, tama?"

"Bakit?" inalabas na sa wakas ni Tangning ang kanyang ulo mula sa kumot, "Natatakot ka ba na matalo ako ni Mo Yurou?"

"Kapag kinailangan mo na magtungo sa states para sa photoshoot, at kapag naisaayos na ang iyong mga iskedyul, sabihin mo agad sa akin," sabi ni Mo Ting.

"Ano ang gusto mong gawin?" Mausisang pagtatanong ni Tangning.

Ito ang perpektong pagkakataon upang magawa na niya ang dati pa niyang binabalak, gusto niyang bumili ng insurance para sa mga binti ni Tangning at ang bansang US ang pinakamagandang lugar upang makahanap ng mahusay na insurance company para dito.

"Diba nagkasundo na tayo? Pagkatapos natin umalis ng tahanang ito, ikaw ang boss ng nakararami at ako ay isang modelo ng isang maliit na kumpanya, na hindi tayo manghihimasok sa mga personal na problema ng isa't isa."

"Mrs. Mo, nanghimasok na ba ako sa'yo?" kahit na noong nakikita niya na inaabuso ng Tianyi si Tangning na nakapagpadurog ng kanyang puso na sa puntong nais na niyang kumilos at pabagsakin ang mga ito, ngunit hindi niya ito ginawa sapagkat hindi ito magugustuhan ni Tangning. Kung hindi dahil dito, kayang – kaya niyang pabagsakin ang isang tao na katulad ni Han Yufan sa isang kisap mata lang.

Alam ni Tangning na lubos na ginagalang ni Mo Ting ang mga desisyon niya.

Dahil dito, pinapahalagahan niya din ang bawat araw na ginugugol niya kasama ito.

"Gustong gamitin ni Han Yufan ang kasikatan ko ngayon para tulungan na maiangat ang katayuan ni Mo Yurou sa modeling industry, kaya pinagsama niya kaming dalawa. Kasabay nito, inaasahan niya na hindi ako gagawa ng kahit ano na laban kay Mo Yurou dahil iniisip niya na maaaring magkaroon din ito ng negatibong epekto sa akin."

"Gayunpaman…" pagtatapos ni Mo Ting sa kanyang sinasabi, "… dahil sa iyong kakayahan, kahit na pareho kayong lumabas sa iisang cover ng magazine, gagawin mo lang siyang props mo."

"Ganon ba kalaki ang tiwala mo sa akin?" tanong ni Tangning.

"Naniniwala ako sa'yo."

Nasiyahan si Tangning sa sagot ni Mo Ting. Isiniksik niya ang kanyang sarili sa mainit na yakap nito, hanggang unti – unti siyang nakatulog. Sa kabilang banda, tinawagan ni Mo Ting si Lu Che, "Alamin mo ang iskedyul ng photoshoot ng Secret Magazine, kailangan kong malaman kung kalian pupunta sa ibang bansa si Tangning. Pagkatapos, siguraduhin mong wala akong gagawin sa parehong oras na 'yan… habang ginagawa mo yan, tulungan mo akong gumawa ng appointment sa isa sa pinakamahusay na insurance company sa America…"

...

Nang sumunod na araw, dumating si Tangning sa Tianyi kasama ni Lin Wei at Long Jie. Sa parehong pagkakataon, si Mo Yurou at ang kanyang assistant ay naglalakad din papasok sa main entrance ng Tianyi – ang kanyang dominanteng paraan ng paglalakad ay hindi nagbago. Nang makita ng mga staff ng kumpanya si Mo Yurou, agad nila itong binati. Ngunit, kaballiktaran ito ng pakikitungo nila kay Tangning.

Pinagmasdan ni Mo Yurou si Tangning, pagkatapos ay tiningnan din nito sa Lin Wie na kasalukuyang nasa likod ni Tangning, "Tangning, mag – ingat ka sa mga taong nagtaksil sa kanilang dating amo."

"Naharap ko na nga ang isang kabit na nang – agaw ng fiancée ng ibang tao, bakit pa ako matatakot na pagtaksilan ng isang manager na ipinagkanulo ang kanyang dating amo?" paismid na sagot ni Tangning.

"Inaamin ko, hindi na masama na maraming nakakakilala sa pangalan mo sa ngayon, pero … kahit gaano ka pa kasikat, hindi mo maiaalis sa imahe mo na isa ka lamang anino ko. Hindi ba nasabi sa'yo ni Han Yufan? Ang buong layunin lamang nang pagdalo ko sa photoshoot ng Secret Magazine ay para tulungan ako na makakuha ng suporta para sa Top Ten Model Awards!"

"Kung gayon, hayaan mong batiin ka ng maaga, nawa'y maganap nga ang lahat ng iyong mga plano." Pagkatapos magsalita, pinagmasdan ni Tangning ang mga taong nasa paligid nila sabay sabi, "Kahapon, nilinaw na ng mga abogado ko ang kontrata ko kay Han Yufan. Sumang – ayon na ang Tianyi na itrato ako kung ano ang nararapat na pagtrato sa akin. Ako at si Mo Yurou ay parehong modelo ng Tianyi, kaya naman pag nakita ninyo ako, gawin n'yo kung ano ang dapat ninyong gawin. Simula ngayon, kapag nirespeto n'yo ako, irerespeto ko din kayo!"

Ang mga salitang binitawan ni Tangning ay hindi ganon kahina ngunit hindi din ganon ka dominante.

Agad na napagtanto ng mga staff na itinuring dati na parang hindi nila nakikita si Tangning, na ang babaeng nagsalita ay ang taong hindi dapat nila banggain kalianman…

Kaya naman, agad na tumugon ang mga ito sa pamamagitan ng magalang na pagbati kay Tangning. Sa pagkakataong iyon, mas nilakasan nila ang pagbati kay Tangning kumpara sa ginawa nilang pagbati kay Mo Yurou.

Matapos masiyahan ni Tangning, inangat niya ang kanyang binti at naglakad patungo kay Mo Yurou…

Maging anino ni Mo Yurou?

Nangangarap yata siya!