Chapter 33 - Lin Wei

Pagkatapos niyang makipag – usap kay Lin Wei at Long Jie, bigla na lamang naalala ni Tangning na pinakiusapan siya ni Mo Ting na ipaalam agad dito kung ano ang kanyang iskedyul kapag natanggap na niya ang kanyang itinerary. Kaya naman, mabilis na ipinadala ni Tangning ang mga detalye ng kanyang shooting sa US kay Mo Ting. Kahit na hindi niya alam kung ano ang pinaplano nitong gawin, alam niya, hindi siya sasaktan nito.

Pagkatapos niyang makita ang itinerary ni Tangning, agad niyang pinakiusapan si Lu Che na alamin kung ano ang flight number nito. Naglakad siya patungo sa giant floor-to-ceiling window ng Hai Rui at tinawagan si Tangning, "Ning…"

"Uh?" simpleng sagot ni Tangning habang iniyuyuko ang kanyang ulo; nasa loob pa ng sasakyan si Lin Wei at hindi pa niya ito lubusang pinagkakatiwalaan, kaya naman kailangan na mag – ingat pa rin siya sa presensiya nito. May naramdaman siyang init na bumalot sa kanyang puso nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mo Ting ng "Ning".

"Inutusan ko si Lu Che na i – upgrade ang economy class ticket mo sa first class, magiging sanhi ba iyon ng anumang abala sa'yo?" tanong ni Mo Ting kay Tangning sapagkat nangangamba siya na baka makaapekto ang kanyang ginawa kay Tangning – paano kung may binabalak pala ito?

"Syempre hindi," Naiintindihan ni Tangning kung bakit nagtatanong si Mo Ting at nakaramdam siya ng tuwa sa pagsasaalang – alang nito sa kanya.

Sa orihinal na plano, dapat kahelera ng upuan niya bukas sa eroplano ang upuan nina Mo Yurou at Han Yufan, pero alam na niya na hindi makakatiis na manahik na maupo sa isang tabi si Mo Yurou. Sa ginawang pagbabago ni Mo Ting, maaari na siyang makasigurado na makapagpapahinga siya ng maayos sa eroplano. Gayunpaman, siya lang ba ang nakakuha ng pag -upgrade sa plane ticket? Paano naman si Lin Wei at Long Jie…

"Kung gayon, pag – usapan nalang natin ang tungkol jan pag – uwi mo sa bahay."

"Sandali lang…" mabilis na tawag ni Tangning.

Nararamdaman ni Mo Ting ang pag – aatubili sa boses nito at alam niya na hindi angkop para rito na magsalita sa pagkakataon na iyon, kaya naman sinabi niya rito na, "Kung hindi mo kayang sabihin ngayon, magpadala ka na lamang ng mensahe sa cellphone ko."

"OK," tumango si Tangning habang ibinababa ang phone. Agad siyang nagpadala ng mensahe kay Mo Ting patungkol sa kanyang mga inaalala. Sinabi niya kay Mo Ting na kahit hindi pa niya lubusang pinagkakatiwalaan si Li Wei, pero dahil nagdesisyon ito na sumunod sa kanya, dapat lamang na itrato niya ito ng katulad ng pagtrato niya kay Long Jie.

Ngumiti si Mo Ting nang mabasa niya ang mensahe ni Tangning. Kahit na ang mga ideya ni Tangning ay komprehensibo, kulang pa rin ang kakayahan nito na tingnan ang sitwasyon sa kabuuhan. Pinupunan ni Mo Ting ang kahinaan na ito ni Tangning kung kaya naman, silang dalawa ay tugma sa isa't isa – may kakayahan siyang ituro dito ang tamang direksyon at pati na rin ang tulungan ito na gumawa ng desisyon.

"Huminahon ka at sumugal. Kahit na tapat sayo si Long Jie, may limistasyon ang pa rin ang abilidad at mga kayang gawin niya para sa iyo. Sa kabilang banda naman, kahit na maraming kapintasan si Lin Wei, mayroon pa rin siyang karanasan na pamahalaan ang ilan sa mga naging sikat na artist – mas mahusay siya kay Long Jie sa lahat ng aspeto. Huwag mo ding kalimutan na ang lahat ng patungkol kay Lin Wei ay hawak natin sa ating mga kamay. Kaya kahit na matalo tayo sa sugal na ginawa natin, ang pinakamasamang maaaring mangyari sa atin ay wala tayong na mapakinabangan."

"Naiintindihan ko, hubby…" nang makita ni Tangning ang sagot ni Mo Ting, agad siyang huminahon.

"Na – upgrade ko na pareho ang kanilang plane tickets, wag kang mag – alala…"

Alam ni Tangning noon pa man na ang kanyang asawa ay tulad ng isang hari na lubos na nauunawaan kung paano gamitin ang kanyang kapangyarihan. Paano naman nito hindi na naisaalang – alang ang ganito kaliit na bagay lamang?

Nang malalim na ang gabi, sa ilalim ng napakagandang ilaw ng kanilang kwarto, nagsimula nang mag – imapake si Han Yufan ng kanyang mga bagahe. Nilapitan siya ni Mo Yurou mula sa kanyang likuran at ibinalot ang mga bisig nito sa katawan ni Han Yufan. Nagsalita ito sa pamamagitan ng napakahina at magiliw na boses, na para bang ibang tao ang nagsasalita kung ikukumpara sa taong naroon sa meeting room ng umagang iyon, "Sorry, Yufan, alam ko na mali ako sa meeting kaninang umaga, hindi ko inalala ang iyong kalagayan."

"OK lang 'yon, marami na tayong taong pinagsamahan, hindi mo ba alam na sanay na ako sa ugali mo? Isipin mong mabuti, kung wala akong pakialam sa'yo o hindi ako nag – aalala sa'yo at sa magiging anak natin, kinakailangan ko pa bang personal na sumama papuntang US?" itinabi ni Han Yufan ang kanyang mga bagahe at tumalikod upang pagmasdan si Mo Yurou, "Simula ngayon, kailangan mo nang kontrolin ang iyong ugali at tigilan ang pakikipag – away kay Tangning, para maiwasan na masaktan mo ang iyong sarili mo."

"Pero, hindi ko mapigilan na mag – alala… mag – alala na baka magbalik ang iyong dating pagtitinginan sa isa't isa!"

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Alam mo naman na ikaw ang mahal ko, tigilan mo nang mag – isip ng kung ano – ano. May mahabang panahon pa tayong pagsasamahan, 'wag nating hayaan na maapektuhan tayo ng sl*t na 'yon." Pag – aalo ni Han Yufan kay Mo Yurou, "Nagdadalang tao ka ngayon, kaya dapat panatilihin mo na 'wag magalit."

"Kung gayon, bukas sa eroplano, hindi ka maaaring tumingin kay Tangning. Papayagan lang kita maging mabait sa akin," hiling ni Mo Yurou kay Han Yufan. Kasabay nito, hinayaan niyang magkalapit ang kanilang mga katawan – sa loob ng kanyang isipan, alam niya, na lahat ng lalaki ay ninanais ang ganitong mga bagay.

"Ok, susundin ko ang hiling mo," tugon ni Han Yufan, habang buhat buhat siya nito papuntang banyo.

Dahil sa pangakong binitawan ni Han Yufan, itong paglalakbay nila sa America ang magiging daan upang mapatunayan ni Mo Yurou kay Tangning kung sino talaga ang tunay na mahal nito. Ipapa – intindi niya kay Tangning na kahit na magbalik siya sa pagmomodelo at maging sikat, wala na itong pag – asa pang maagaw ang puso ni Han Yufan. Si Han Yufan at ang Tianyi Entertainment ay para sa kanya lamang, at si Tangning ay hindi niya bibigyan ng pagkakataon na maagaw ito…

Sa kabilang banda, may pakialam ba sa lahat ng ito si Tangning?

Samantala, sa parehong kondisyon ng mga ilaw, nag – iimpake din ng kanyang mga bagahe si Tangning sa loob ng kanyang damitan. Ngunit, napansin niya na naghanda din ng kanyang ilang mga bagahe si Mo Ting sa kanyang lalagyan ng damit. Kaya naman, pumunta siya ng study room para tanungin ito, "Mo Ting, aalis ka din ba bukas para sa negosyo mo?"

"Yep, bukas ang lipad ko," tumango si Mo Ting ngunit mukha itong abala.

Natatakot si Tangning na baka magambala niya ang pagtratrabaho ni Mo Ting kaya naman tumigil na siya sa pagtatanong ng detalye tungkol sa pag – alis nito bukas, inisip na lang niya na ipapaliwanag ito ni Mo Ting sa kanya bago sila matulog. Gayon pa man, tila ba gabing – gabi na natapos si Mo Ting sa pagtratrabaho at maaga naman ito umalis kinabukasan para pumasok sa trabaho. Binasa ni Tangning ang maikling sulat na iniwan para sa kanya ni Mo Ting at inakala niya na mayroon lang itong mahalagang trabahong kailangang tapusin. Napagpasyahan niya na babalitaan na lamang niya ito kapag nasa US na siya – hindi na siya nag – isip pa kung ano ang ginagawa nito.

Maaga pa lang naghihintay na si Lin Wei sa labas ng gate ng Hyatt Regency. Nang makita niya na hindi pa nababanggit ni Tangning kay Lin Wei ang relasyon nila ni Mo Ting, kaya naman nagdesisyon si Long Jie na manahimik na lang din; agad nalang niya tinulungan si Tangning na ilagay ang mga bagahe nito sa likod ng kotse. Pagkatapos nito, agad na silang nagtungo sa paliparan upang katagpuin ang grupo ni Han Yufan.

Dahil sa medyo maaga pa, walang masyadong tao sa airport. Nang walang pag – aalinlangan, naghawak kamay sina Han Yufan at Mo Yurou sa harapan ni Tangning. Mapang – asar pang tiningnan ni Mo Yurou si Tangning, at sa sobrang inis ni Long Jie kay Mo Yurou parang gusto na niyang sampalin ito sa mukha.

"Long Jie, kunin mo na ang ating mga boarding passes," utos ni Han Yufan.

"Bakit ako ang kailangan kumuha?" alam ni Long Jie sa kanyang puso, na dahil hindi sila magkasundo ni Han Yufan, sinasadya nito na magdulot ng problema sa kanya at kay Lin Wei.

"Long Jie, pumunta ka na …" sabi ni Tangning habang binibigyan niya si Long Jie ng makahulugang mga tingin. Nabigla saglit si Long Jie bago niya naintindihan kung ano ang gustong ipahiwatig ni Tangning, "OK, maghintay kayo dito, babalik din ako kaagad."

Nagkatinginan si Mo Yurou at ang kanyang assistant. Mukhang mayroon na silang tao na maaaring utos – utusan para mag – asikaso ng kanilang mga bagahe sa mga susunod na araw…

Ngunit, hindi nila akalain, nang bumalik si Long Jie… 3 lang ang boarding passes na dala nito.

"Long Jie, ano ang ibig sabihin nito?" pag – uusisa ni Mo Yurou.

"Assistant ako ni Tangning. Ipagpatawad mo, pero ang suweldo ko ay nagmumula kay Tangning at hindi galing sa Tianyi Entertainment, kung kaya… bakit kailangan kong kunin an inyong mga boarding passes? Diba may sarili ka namang assistant?" pangangatwiran ni Long Jie na labis na ikinagalit ni Mo Yurou at ng kanyang assistant.

Pinagmasdan ni Han Yufan si Tangning, pero nagpanggap lang ito na hindi siya nakita habang sinusuot nito ang kayang sunglasses at tumatalikod.

Tiningnan ni Mo Yurou ng masama si Tangning. Maghintay ka lang, kapag nakasakay na tayo sa eroplano, makakaramdam ka ng labis na pagseselos…

8:20. Dumating na ang oras ng pagsakay nila ng eroplano. Dahil may mga nakasalubong si Tangning na ilan sa mga tagahanga niya na nanghihingi ng kanyang autograph, medyo natagalan siya ng ilang minuto. Kaya naunang sumakay ng eroplano si Han Yufan at Mo Yurou, habang nahuli naman si Tangning. Silang tatlo ay magkakahelera dapat ng upuan sa eroplano, pero…

… habang nakapulupot sa braso ni Han Yufan ang mga braso ni Mo Yurou, hinihintay na makita ang reaksiyon ni Tangning, napansin niya na nilagpasan sila nito. Kaya naman minabuti nitong palalahanan si Tangning, "Tangning, dito ang upuan mo."