Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 56 - Hindi Madaling Magpa-level

Chapter 56 - Hindi Madaling Magpa-level

Pagkadaan ni Ye Xiu sa reception deskt, nakita niyang nakaupo si Chen Guo na may hawak na mini Whack-a-Mole sa kaniyang mga kamay. Sa kaniyang mukha'y bakas ang pait, kaya hindi na siya nangumusta at pumunta na sa smoking area para maghanap ng kompyuter.

Sa kasalukuyan, ang Lord Grim ni Ye Xiu ay hindi lang kilala sa laro. Si Ye Xiu ay kilala rin sa loob ng Internet Cafe. Halos lahat ng mga manlalaro sa Glory ay alam na si Lord Grim ay ang manager ng Internet Cafe na ito. Siya rin ay may self-made Silver weapon. Halos lahat ng manlalaro sa smoking area ay kilala si Lord Grim. Madami sa kanilang ang naglaro sa hapon pagkatapos ng trabaho. Nung nakita nilang lumapit si Ye Xiu, sila'y nangumusta sa kaniya.

Kaswal na kumaway si Ye Xiu sa mga taong bumati sa kaniya. Pagkatapos mailagay ang sigarilyo sa kaniyang bibig, ito'y kaniyang sinilaban, at pumasok sa laro. Siya'y mabilis na nakatanggap ng maraming mga mensahe. Pagkatapos mag-online sa loob ng limang minuto, ang message prompt ay paulit-ulit na umiilaw, umiilaw, at umiilaw.

Pagkatapos makita ito, kaniyang nalaman na ang mga mensahe'y puro kadalasang pambabati. Si Seven Fields at ang iba pa niyang kasamahan ay nagsabi, "Kuyang mahusay, nandito ka na." Si Immersed Jade, "Ako'y sumasamba sa Diyos." Ang kinatawan ng Blue Brook Guild na si Blue River ay inimbitahan siya para magpa-level. Ang kinatawan ng Tyrannical Ambition na si Endless Night ay inimbita siya para sa ilang mga dungeon...

Isa-isang sumagot si Ye Xiu sa kanilang mga mensahe. Si Seven Fields, Immersed Jade at ang mga iba pa'y binigyan niya ng smiley face. Ang imbitasyon nila Blue River at Endless Night ay mahinhin niyang tinanggihan.

Bawat isa sa mga manlalarong ito'y maingat na nagpadala ng kanilang mga mensahe kay Ye Xiu. Pagkatapos silang matugonan, sila'y temporaryong natahimik. Pero madaming mensahe nanaman ang lumitaw. Bulto bultong friend requests ang tumambak sa screen.

Ganiyan na ako ka sikat? Napakamot si Ye Xiu. Tumulong lang naman siya para magtatag ng bagong clear record at wala nang iba pa. Ang mga malalaking guilds ay kinilala na siya ay isang eksperto, pero hindi naman siguro dapat na sila'y lumuhod at sambahin siya, hindi ba?

Hindi pinansin ni Ye Xiu ang mga notifications na ito. Sa huli, ang katabi niya'y kinalabit siya: "Kuya, hindi pa pwedeng maging magkaibigan tayo?"

"Huh?" Bumaling si Ye Xiu at nakita niyang ilang mga bisita sa Internet Cafe ang lumakad papunta sa kaniya, at nagwawagayway ng kanilang kamay: "Kuya, maging magkaibigan tayo!"

Sigurado ako na ang mga friend requests na ito ay galing sa Internet Cafe na ito! Pinagpawisan si Ye Xiu. Dahil sa pagbubukas ng bagong server, ang mga manlalarong nasa ikasampung server sa Internet Cafe ay medyo madami. Halos lahat sa kanila'y naglalaro lang para maglibang at hindi sineseryoso ang laro. Pero ilan sa kanila'y gustong makipagkaibigan sa mga dalubhasa. Kung magiging magkaibigan sila ngayon, ang kanilang relasyon ay magiging mas matatag. Ang resulta, mga ilang tao rin ang gustong makipagkaibigan kay Ye Xiu.

"Oh? Anong mga pangalan ninyo?" Sa harapan nila, siya'y masyadong nahihiyang tanggihan silang lahat. Tinanong ni Ye Xiu ang kanilang mga game ID at idinagdag silang lahat bilang kaibigan. Pagkatapos ng ilang mga minuto, may 37 ka-tao na sa friends list ni Lord Grim. Idagdag pa, wala sa kanila ang offline. Bukod sa mga taong nakilala na niya noon kagaya ni Seven Fields, ang natitira'y mga bisita sa Happy Internet Cafe. Kahit na halos lahat sa kanila'y galing sa smoking area, may mga ilang tao din ang pumunta pa sa kaniya para makipagkaibigan.

Sa taas ng listahan, hindi maparehas ni Ye Xiu ang mga totoong tao sa kanilang ingame characters. Kasabay ang alon ng kasiyahan, isang manlalaro ang nagbiro: "Dahil nasa isang Internet Cafe lang tayo. Dapat ay sabay-sabay tayong gumawa ng guild."

Walang masyadong sumagot sa kaniyang sinabi. Sa ngayon, kung susumahin ay may sampung server ang Glory. Kung idagdag pa ang communal na Heavenly Domain. Hindi bihirang makakita ka ng taong nasa parehas na server. Bukod pa sa kasikatan ni Ye Xiu bilang isang dungeon record holder, silang lahat ay nakipagkaibigan sa kaniya dahil sila'y may alam na hindi alam ni Blue River at ang mga kasamahan niya: Si Lord Grim ay may Silver weapon.

Ang bagay na iyo'y mas nakakaakit pa kaysa sa isang dungeon record. Kung alam ni Blue River at ng mga iba pa na si Lord Grim ay may tinatagong ganon. Sila'y mas gaganahan pang akitin siya.

Ang panukala na magtatag ng guild ay nakatanggap lang ng ilang mga hindi naaaliw na tawa. Ang kaibigang nagpanukala nito'y napahiya, kaya tinikum niya ang kaniyang bibig, at nagpatuloy sa paglalaro. Ang lahat ay sinuot ang kanilang mga headphones at muling binaling ang kanilang sarili sa mundo ng paglalaro. Sa kabilang dulo, si Ye Xiu ay nagpadala ng friend request sa isang tao.

Soft Mist.

Ito ang in-game name ni Tang Rou. Hindi alam ni Ye Xiu kung ano ang ibig sabihin nito. Napaisip niyang kinuha niya ang "Mist" mula sa "Chasing Haze", at kinuha ang Soft mula sa kaniyang pangalang Tang Rou at patukmo-tukmo niya itong ihinalo. (TLNote: Haze is made up of two words in Chinese. Mist is one of those words. Rou from Tang means soft.)

Pagkatapos pinadala ang request, wala siyang natanggap na sagot. Naisip ni Ye Xiu na ang babaeng iyon ay hindi gaanong pamilyar sa laro na hindi manlang mahagilap ang ganoong system message. Ang pagpapadala pa ay hindi gagana. Ang pagpapadala ng isa ay kaparehas lang kung magpadala ka ng walo. Ang resulta, pansamantalang hinayaan niya ito. Pagkatapos ayusin ang kaniyang items sa inventory. Naghanda si Ye Xiu na pumatay ng mga halimaw at magpa-level.

Ang pinakamalaking problema sa beginner village ay ang sobrang daming tao. Pero pagkatapos umalis as beginner village, sa estado ng Level 20, ang pinakamalaking problema parin ay ang sobrang daming tao.

Madaming beginner village para paghati-hatiin ang server traffic, pero pagkatapos ang beginner village, ang lahat ay nagsama-sama sa isang lugar. Kahit na ang lugar na ito'y nakailang patong na mas malaki pa sa beginner village, lahat ng Level 20 ay pumunta dito pagkatapos umalis sa beginner village. Sa huli, ang sitwasyon ay pare-parehas lang din sa beginner village. Maraming ring tao sa mga lugar sa paligid ng Bulls.

Kagabi, ginawang pakinabang ni Ye Xiu ang madaling araw, para kumuha at tumapos ng ilang mga quest. Pero ngayon ay ang kasukdulan ng aktibidad sa Internet, kaya ang pagkukuha ng quests ay pababagalin lang ang pagpapa-level. Ang pagtanggap at pagtapos ng isang quest ay kinakailangan ng pagpila. At ang pagpapatay ng halimaw ay kailangan pang mag-agawan. Nangilabot siya matapos maisip ang lahat ng ito. Sa halip na quests, mas mabuti pang maghanap ng lugar na may mapapatay kang halimaw at magpa-level.

Sa panahong ito, saang leveling area ang walang maraming tao? Syempre iyon ang mga high-leveled areas. Ang mga manlalaro'y nawawalan ng experience pag namatay sa Glory, kaya kadalasan sa mga manlalaro ay hindi gustong ipanganib ang sarili. Mas gusto nilang pumila para sa quests, pumila para sa mga halimaw, at magpa-level ng maayos. Kung hindi sila mga dalubhasa, ni hindi nila maiisip na pumunta sa mga high-leveled areas para magpa-level.

Sa Glory, ang dungeons ang pinakamabilis na paraan para magpa-level. Ang pangalawang pinakamabilis ang pagtatapos ng quest lines. At ang pinakamabagal ay ang pagpatay sa mga halimaw. Pero sa kasalukuyang sirkumstansya, wala na siyang natitirang dungeon entries at kailangan niyang pumila para sa quests, kaya ang pagpapatay ng mga halimaw ang pinakamainam na mapipilian.

Hindi ramdam ni Ye Xiu ang mga paghihirap. Sa kaniyang husay at galing, basta ang level ng NPC ay hindi masyadong mataas sa kaniya, walang magiging problema.

Ang mga experience na nakukuha sa pagpapatay ng mga halimaw ay naka-depende sa level difference. Ang difference ay gumagamit ng five bilang standard. Kapag ang mga halimaw ay five levels na mas mataas o mas mababa kaysa sa level ng manlalaro, ang manlalarong iyon ay makakatanggap lang ng pinakamababang experience. Kung ibabase dito, kung mas malaki ang level difference, mas malaking experience ang makukuha. Ang resulta, ang mga halimaw na may limang levels na mas mataas kaysa sa manlalaro ay nagbibigay ng pinakamataas na experience.

Ang limang levels ay parang hindi ganoon ka dami, pero sa Glory, ang bawat pagtaas sa level ay may kaakibat na problemang tinatawag na Level Suppression.

Sa Glory, ang mga levels ay hindi lang ginagamit bilang sukatan sa mga manlalaro, Physical attack, magic attack, Bleed, Stun, Root at ang mga iba pang status effects ay may levels din.

Kapag ang system ay hindi pinapakita ang kaibahan ng levels, ang mga levels na iyon ay parehas sa level ng manlalaro.

Sa madaling salita, ang level ni Lord Grim sa kasalukuyan ay Level 21. Kapag gumamit siya ng Double Stab para ma-Bleed ang isang hidden BOSS, ang level ng Bleed ay magiging 21.

Level 21 damage o ang Level 21 Bleed ay may mas mababang epekto sa mga Level 22 at pataas na halimaw. Kung mas mataas ang agwat sa level, mas makikita ang pagbaba. Ang sitwasyon na ito'y tinatawag na Level Suppression.

Ang diperensya sa pagiging high-leveled at low-leveled ay hindi lang sa kaibahan ng attributes at equipmet. Ang mga nakatagong kalkulasyon ng Level Suppression ay dumaragdag sa hirap ng panghahamon doon sa mga mas mataas ang level.