Hunghang!
Yan ang tanging masasabi ni Ye Xiu sa mga kill stealer na kagaya nito.
Walang masyadong tao sa Boneyard. Maraming mga halimaw ang nandito para mapatay ng mga manlalaro, pero ang taong ito'y bigla-biglang ninakaw ang kaniyang target. Ang tipo ng kill stealing na ito'y kadalasang ginagawa lang para magpasikat.
Ang manlalarong ito'y may hawak na pole sa kaniyang kamay. Umaanod ang Magic mula sa kaniyang mga paa. Siya'y isang totoong Battle Mage. Ang umaanod na Magic sa kaniyang paa ay isang buff galing sa signature skill ng Battle Mage, Chaser.
Ang Chasers ay maaring magamit sa pamamagitan ng ilang mga iba't-ibang Battle Mage skills para sa kabuuan ay lima. Pagkatapos magamit ang Chaser, sila'y magpapaikot-ikot sa katawan ng Battle Mage sa loob ng 30 segundo. Sa loob ng 30 na segundo na yun, ang Chaser ay makakalipad at atakihin ang target. Pagkatapos masugatan o mapatay ang target, ang karakter ay mabibigyan ng buff sa loob ng 20 segundo.
Napakahusay ang Battle Mage sa paggamit ng skill na ito. Pagkatapos paliparin ang halimaw sa hangin, siya'y mabilis na dumating sa likod ng halimaw at sinaksak ito gamit ang Dragon Tooth, isang aerial attack at back attack. Depende kung paano ginawa ang atake, may mga iba't-ibang deperensya ang mga Chasers: small, medium, large. Kahit na ang size ay hindi nakakaapekto sa binibigay na buff, naapektuhan nito ang damage ng Chaser. Sa glory, ang mga Battle Masters ang pinakamadaling gamitin, pero mahirap gamitin ng tama. Ang paggamit ng Chasers atsaka ang kinakailangang teknikal na galing para sa Battle Spirit ay naging dahilan kung bakit mahirap itong paghusayin.
Ang taong ito'y bumaling at saktong-saktong kaharap si Lord Grim. Kahit pagkatapos ng kill stealing, ang taong ito'y gusto pang magpakitang gilas sa harap niya.
Nung tiningnan ni Ye Xiu ang taong ito, napagtanto niyang siya'y hindi ordinaryo. Bukod sa kaniyang pagpapasikat, makikita niyang siya'y hindi talagang ordinaryo sa pamamagitan ng kaniyang mukhang may panghahamak. Anong napakapangit na mukha! Kahit ang appearance editor sa laro o ang random creation ay makakagawa sa mukhang kagaya niya.
Napailing si Ye Xiu. Hindi niya inakalang siya'y magkakaroon ng problema kasama ang isang hari ng pasikat para lamang sa isang maliit na halimaw. Sino bang nakaisip na pagkatapos bumaling ang hari ng pasikat at dalawang beses na nagpasikat kay Lord Grim, siya'y makakagawa ng pagkakamali. Ang halimaw, na orihinal na nasa ere, ay bumagsak sa lupa.
Hindi mapigilang tumawa ni Ye Xiu. Nung papaalis na siya, narinig niyang binanggit ng taong iyon ang kaniyang pangalan: "Lord Grim?"
"Yeah?" Narinig ito ni Ye Xiu at ipinaikot si Lord Grim. Ang taong iyon ay lumakad papunta kay Lord Grim habang hinahabol siya ng halimaw.
"So ikaw pala iyon." Nagsalita ang kabilang dulo.
"Ikaw ay?" Tiningnan ni Ye Xiu ang ID ng taong ito. Thousand Creations, wala akong alam. Siya ba'y galing sa Internet Cafe na kanina lang ay kaniyang ginawang kaibigan? Binuksan ni Ye Xiu ang kaniyang friends list at papatingin na sana, nung ang tao'y biglang nagsalita: "Narinig kong ika'y mahusay? Halika dito, magtagisan tayo."
"Sino ka ba?" May mga tatlumpung tao sa kaniyang friends list. Mabilis na tiningnan ito ni Ye Xiu, pero hindi niya nakita ang pangalang Thousand Creations.
"Hindi iyan importante, ang importanteng punto ay gusto kitang makalaban." Sagot ni Thousand Creations.
Walang kahit na anong sinabi si Ye Xiu at pinaikot si Lord Grim para umalis.
"Hoy, wag kang umalis!!" Mabilis na sabi ni Thousand Creations, pero ang halimaw na inatake niya kanina ay hinahabol pa rin siya. Gumamit si Thousand Creations nang Sky Strike para paliparin ang hlimaw sa itaas at gumamit ng Falling Flower Palm. Ang halimaw ay tumilapon at eksaktong papunta ito kay Lord Grim.
Pagkatapos umalis sa beginner village, ang system ay hindi na pinoprotektahan ang mga manlalaro, kaya maari nang magpatayan ang mga manlalaro. Nung makikitang tatama na ang halimaw kay Lord Grim, bilang inikot ni Lord Grim ang kaniyang katawan. Inilabas ang kaniyang battle lance, ang halimaw ay nasaksak habang nasa hangin. Sa isang kumpas ng kaniyang kamay, ang halimaw ay nahulog sa lupa. Agad siyang gumamit ng "Circle Swing" para tapusin ang combo, at pinatay ang halimaw na tinapon ni Thousand Creations sa kaniya.
"Talagang mag kakayahan ka. Pero sasabihin ko pa rin na pumunta tayo sa Arena, para hindi ka mawalan ng experience." Sinabi ito ni Thousand Creations, pero ang kabilang dulo ay hindi sumagot. Ginawa ng kabilang dulo ang kaniyang ginawa. Gumamit siya ng Sky Strike sa isang halimaw at gumamit ng Falling Flower Palm para paliparin ang halimaw sa kaniya. Pero sa oras na ito, mas mabilis nagamit ang Falling Flower Palm at ang halimaw ay lumipad papunta sa kaniya.
"Hmmph!" Mapanghamak na singasing ni Thousand Creations. Sinaksak niya ito gamit ang kaniyang pole at gagawin sana ang ginawa ni Lord Grim. Gumamit rin siya ng Circle Swing para patayin ang napalipad na halimaw.
Madali niya itong nagawa. Nagsimula ng sambahin ni Thousand Creations ang kaniyang sarili, at napaisip na ang kaniyang nagawa ay parang astig. Pero sinong nakaisip na ang halimaw na papalipad sa kaniya ay biglang nahulog sa lupa. Ang pole ay hindi inaasahang sinaksak ang hangin.
Nagulat si Thousand Creations.
Kung sinadya ito, ang taong ito'y totoong gumamit ng Falling Flower Palm gamit ang eksaktong lakas at kinalkyula pa na gagamit siya ng Circle Swing para saluin ito. Ang resulta, ang halimaw ay lumipad lang sa eksaktong labas sa range ng Circle Swing, at naging dahilan kung bakit hindi tumama ang kaniyang pole. Anong nakakatakot na pag-mimicro 'to?
"Marami ka pang kailangan malaman!"
Nung marinig ito ni Thousand Creations, agad-agad niyang ginalaw ang kaniyang kamera. Si Lord Grim ay paalis na at naglalakad para abalahin ang kaniyang gagawin, habang siya'y inatake ng halimaw na hindi niya tinamaan.
"Huwag kang aalis!" Ang mga taong mahilig magpasikat, ay syempre, isa sa mga taong takot na mapahiya. Ngayong siya'y pinaglaruan at hinahamak, hindi siya patatawarin ni Thousand Creations. Muli niyang pinalipad ang halimaw at hinabol siya, sa parehong oras.
Ipinakita nanaman ni Lord Grim ang kaniyang husay at galing. Itinaas niya ang kaniyang kamay at gumamit ng Dragon Tooth. Ang halimaw na papalipad sa kaniya ay natigil sa ere. Pagkatapos ay gumamit siya ng Sky Strike, pinalipat niya ang halimaw sa hangin at gumamit ng Double Stab. Ang halimaw ay binuksan ang kaniyang mga kamay para yakapin si Thousand Creations.
"P*ta!" Si Thousand Creations na masyadong mabilis ang pagtakbo, ay nawalan ng oras para mag-react. Hindi niya naisip na si Lord Grim ay lalaruin muna niya ang halimaw bago ibinalik sa kaniya. Ang lumilipad na halimaw ay tumama sa kaniyang mukha. Mula sa first person view, ang buong screen ay natatabunan ng nakakapandiring, naglalagas na katawang ng zombie, talagang nakakadiri. Si Thousand Creations ay natumba sa lupa dahil sa zombie.
Pagkatapos tinulak ang zombie, agad-agad siyang tumayo. Pero nakita niyang ang zombie ay nakakapit sa kaniyang paanan at binuksan ang kaniyang naglalagas na bibig para kagatin ang kaniyang hita. Binugbog ito ni Thousand Creations gamit ang kaniyang pole. Pagkatapos patayin ang zombie na may paghihirap, nakarinig siya ng tunog ng mga buto sa kaniyang headphones. Hindi niya alam kung kailan, pero may isang skeleton na nag-aggro sa kaniya. Ang skeleton ay itinaas ang kaniyang machete at sumugod sa kaniya.
"Hindi ba't gusto mong mag-kill stealing? Take your time." Sigaw ni Lord Grim. Si Thousand Creations ay agad-agad na bumaling sa kaniya. Ang taong ito'y mabilis na nakatipon ng apat na halimaw sa loob ng maikling panahon na iyon. Sa mga panahong ito, isang Falling Flower Palm ang sumabog at ang apat na halimaw ay lumipad papunta kay Thousand Creations.