Sa Glory, sampu ang limit ng miyembro sa bawat grupo. Ang bawat miyembro ng party ay maaaring bumuo ng sarili nilang party na may limitasyon na sampung party sa bawat grupo.
Pagkatapos sumali ni Ye Xiu sa partido, nalaman niya na may eksaktong sampung miyembro dito. Nakilala niya ang karamihan sa kanila: Blue River, Bound Boat, Flower Lantern, Thundering Light, Lunar Grace, Returning Cloud. Dati pa silang magkakakilala kaya isa isa silang nag-kamustahan. Hindi pa niya nakita yung tatlong iba dati: Blowing Clouds, Spitfire Class; Endless Flow, Launcher Class; At ang isa na masasabi mong bulgar base sa pangalan. Groping Haven, isang Cleric. (TLC: Sacred Light Gropes You)
Isa-isa silang pinakilala ni Blue River. May dalawa pang partido na may dalawampung tao, pero hindi na sila pinakilala nito. Kung tutuusin, kung ginusto nilang patayin yung Blood Gunsman Yagg, higit sa sapat na ang isang partido na may sampung tao. Ngayon, nagdala sila ng tatlumpung tao, ito ang nagpakita ng hirap ng pangunahing suliranin: pag-kill steal sa wild BOSS. Masasabing nilabas ng Blue Brook Guild ang lahat ng kanilang elite sa laban na ito. Ang tatlumpung iyon ay na sa pinakaharap ng current level leader board ng tenth server.
Tumingin si Ye Xiu sa kanila ay sinabing: "Kinuha ko ba ang posisyon ni Thousand Creations?"
Nagulat si Blue River. Hindi niya inaasahan na nakikinig ng mabuti si Ye Xiu. Totoo 'yun. Tinawag talaga si Thousand Creations para maghanda para sa panghuhuli kay Blood Gunner Yagg, pero nagkita sila ni Lord Grim.... Nakita ito ni Blue River na isa pang tsansa para ilinaw ang mga bagay-bagay at sinabing: "Huwag mo na siyang alalahanin. May sari-sarili tayong inaasikaso."
"Kailan nag-respawn ang Blood Gunner?" tanong ni Ye Xiu kay Blue River.
"Natanggap namin ang imppormasyon limang minuto pa lang ang nakakalipas, kaya nagtipon agad kami. Naghintay kami ng sandali bago pumunta."sabi ni Blue River.
"Kailangan natin lahat ng tao na 'to?" tumawa si Ye Xiu. Kahit sa pag-kill steal, hindi nila kinailangan ng ganito karaming tao. Sa dami ng tao na pumapalibot sa target, marami ang hindi makaka-damage.
"Para maiwasan ang mga insidente!" mensahe ni Blue River.
Alam ni Ye Xiu na ito ay hindi upang maiwasan ang anumang gagawin ng BOSS, ito ay upang protektahan sila mula sa ibang mga tao. Hindi NPCs ang pinakanakakatakot na aspekto sa laro. Ito ay ang mga manlalaro.
"Kung nakuha natin ang impormasyon, sigurado ako na nakuha din 'to ng Herb Garden at Tyrannical Ambition." sabi ni Blue River. Bukod sa labanan para sa dungeon records, ang Three Great Guilds ay nakatutok din sa wild BOSS records. Matagal nang pinaalala sa kanila ng guild ang tungkol sa importansya ng wild BOSS records.
"Nandito na sila." Tumingin si Ye Xiu sa kaliwa't kanan. Nadiskubre niya na malapit sa kanila, may kumpol ng manlalaro na bahagyang nagmamadali. Malinaw na papunta din sila sa direksiyon ng hukbo ng Blue Brook Guild.
"D*mn!" Nakita din ito ni Blue River. Medyo nakilala ang ilang mga pangalan: "Mula sila sa Herb Garden."
Hindi mapigilan ni Ye Xiu na purihin siya. Tinignan niya ang ibang mga ID at para sa kaniya, mukhang pare-parehas lang sila. Para kay Blue River na kilala ang mga pangalang ito, karapat-dapat siyang tawagin na isang sanay na karibal. Medyo magkakakilala sila.
Nung nakilala ni Blue River ang kabilang grupo, nakilala din ng kabilng grupo ang Blue Brook Guild. Nakakuha agad si Blue River ng mensahe galing sa lider ng Herb Garden tenth server guild, Plantago Seed: "Old Blue, kung meron kang panloob na kalidad sa iyo, makikita mo ng malinaw na kami ang nauna dito." Alam ng dalawang grupo ang lokasyon ni Blood Gunner. Kasalukuyan, malinaw na mas malapit dito ang Herb Garden. Medyo parehas ang kanilang mga antas at kagamitan. Hindi malaki ang pag-asa ng Blue Brook na manguna.
"Umalis ka na." sagot ni Blue River. Kailanman ay hindi first come first serve ang mga Wild BOSS, pero mahilig magsabi ng ganitong kalokohan si Plantago Seed.
"Ilan ang dinala mong mga tao?" tanong ni Plantago Seed.
"Parehas sayo." sabi ni Blue River.
"Gusto mong magkampihan?" tanong ni Plantago Seed.
"Anong ibig sabihin mo sa makipagkampihan?
"Parehas tayong dumating, kaya hindi malayo ang Tyrannical Ambition. Paano kung magpapadala tayo ng konting manlalaro para harangan sila. Tapos, aasa tayo sa sarili nating kapangyarihian para paghatian ang BOSS?"
"Okay!" sagot ni Blue River ng hindi pinag-iisipan 'yun.
"Ilang tao?"
"Kalahati!"
"Okay."
Paglipas ng kalahating minuto…..
"Asan yung mga tao mo?" tanong ni Plantago Seed.
"Sayo?" sagot ni Blue River.
"Napili ko na sila, hinihintay kita!"
"Ako ang naghihintay sayo!"
Isa nanamang kalahating minuto ng katahimikan.
"Mukhang hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Makikipag-kamihan na lang ako sa Tyrannical Ambition." Sabi ni Plantago Seed.
"Gawin mo na. Kung tutuusin, may usapan na kami ng Tyrannical Ambition. Na sa harap sila naghihintay na palibutan kayo. Mag-ingat kayo." sagot ni Blue River.
Hindi sumagot si Plantago Seed.
Walang magawa ang dalawa. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita sila. Ang Three Great Guilds ay naglalaban maraming taon na ang nakalipas. Kung gusto nilang magtulungan, tapos palagi nilang sinisiraan ang isa't isa. Hindi posible sa kanila na matapos sa kaunting usapan. Hindi nila pinagkakatiwalaan ang isa't isa. Makikita na sa kaunting taon, hindi sila nagkulang sa pag-away, pag-laban, o sa pag-gulo sa isa't isa.
Kasalukyang medyo mas mabagal ang Blue Brook Guid sa Herb Garden, but that small amount didn't count for anything. Kahit na maunang dumating ang Herb Garden, maaring hindi sila makalaban agad. 'Pag inatake sila mula sa likod, anong gagawin nila? Don't look at how their messages to each other were so friendly. If the they truly wanted to fight, they wouldn't show any mercy. Ganito ang mga laro. Masaya at masakit.
Ang dalawang grupo ay pinanatili ang kanilang distansya at isa-isa nilang narrating ang lokasyon ng Blood Gunner. Gayunpaman, nang makarating sila roon, isa pang pulutong ng mga manlalaro ang nakatayo doon. Gayunpaman, nang makarating sila roon, isa pang grupo ng mga manlalaro ang nakatayo doon. Hindi inaasahang mas mabilis sa kanila ang mga manlalaro ng Tyrannical Ambition. Kaso, hindi pa kumilos ang Tyrannical Ambition. Sa sandaling ito, mayroong maraming mga hindi kilalang manlalaro na nakikipaglaban sa Blood Gunner. Ngunit sa isang tngin pa lang, malinaw na ang mga ito ay mga hindi kilalang partido na natuklasan ang Boss na ito, sumusubok. Si Blue River ay tumingin ng sandali at pagkatapos ay nagpasya: "Sila ay pakikipagsapalaran kamatayan!"
Nakabalot sa puting leather armor si Blood Gunner Yagg. Ang kaniyang kulay abo na mukha ay hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon. Malinaw na ito ay isang Undead monster. May revolver siya sa kaniyang kamay at sobrang tulin niyang gumalaw, tumatakbo sa paligid at nagpapaputok. Sa sandaling iyon, ang grupo ng basta-bastang pinagsama na manlalaro ay natamaan at sumigaw sa malaking takot. Wala silang paraan upang lumaban at ang mga mangangaso ay naging biktima.
Kanina pa dumating ang Tyrannical Ambition, pero nakatayo lang sila sa gilid habang pinapanood ang eksena. Nasa labas sila ng attack range ni Blood Gunner. Pagkatapos dumating ng Herb Garden at Blue Brook Guild, ginaya nila ang ginawa ng Tyrannical Ambition. Wala silang pake kung nabuhay o namatay ang mga manlalarong iyon. Hindi lang man nila tinignan ang Blood Gunner; nakatutok ang kanilang atensyon sa isa't isa.
Nang nakita nilang dumating na ang dalawa pang grupo, ang isang manlalaro sa Tyrannical Ambition ay lumabas at naglakad papunta sa Blue Brook Guild.
Gusto niya bang makipagsapalaran sa atin? Tahimik na inisip ni Blue River. Hindi niy mapigilan na tumingin sa Herb Garden. Hindi din sila gumagalaw at base sa kanilang paninindigan, malamang pinapanood nila yung manlalaro ng Tyrannical Ambition na naglalakad papunta sa Blue Brook Guild.
Sa huli, lumakad ang manlalarong iyon. Nang babatiin niya na siya, narinig niyang sumigaw yung manlalaro: "Lord Grim, bakit ka nandito?"
"Para makita ang kasiyahan." Sagot ni Ye Xiu.
"Hindi masyadong maganda diyan. Gusto mo bang pumunta sa amin?"
Ang kalabasan, ang walang-hiyang tao na ito ay si Endless Night.
Puputok na ang baga ni Blue River sa galit. Tinatrato sila nito na parang sila ay hangin. Hindi maganda sa amin? T*ngna din ng lugar nyo. Ang buong lugar na ito ay isang sirang libingan. May mga damo, patay na puno, baluktot na puntod, sirang kabaong; pare-parehas lang ang mga lugar. Anong mabuti o masama?