Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 60 - Wild Boss

Chapter 60 - Wild Boss

Si Thousand Creations ay miyembro ng Blue Brook Guild. Kahit na pinagmukha siyang tanga ni Ye Xiu, siya'y matatawag na isang mailap na eksperto kasama ng ibang mga manlalaro. Ang kaniyang lakas ay hindi matatalo laban sa Five Great Experts.

Para makakuha ng pangalang kagaya ng Five Great Experts, ang manlalaro'y dapat magkaroon ng pambihirang lakas. Pagkatapos, kailangan din nila ng pambihirang kasikatan. Kapag marami na ang taga-suporta, ang Five Great ay nagawa. Pero si Thousand Creations? Mayroon siyang kasikatan, pero may malaki rin siyang kasalanan: Mahilig siyang mag-kill steal.

Ang Blue Brook Guild ay isa sa Three Great Guilds. Pero dahil dito, mataas ang kanilang inaasahan mula sa kanilang mga miyembro. Kahit na hindi sinabihan ang kanilang mga miyembro na maging mahinhin, pero ang kill stealing, ang ganoong nakakahiyang pag-uugali, ay ipinagbabawal ng guild. Walang makakapagreklamo sa ganoong kautusan.

Ang mga malalakas pero maangas at naghahari-hariang guild para mag-kill steal ay nakatakdang bumagsak. Ang pangloob na pag-uugali ng kanilang mga miyembro ay masyadong masama.

Pero sa kasamaang palad, mayroong ganoong hilig si Thousand Creations. Bukod dito, siya'y isang eksperto, isang napakamailap na eksperto pa. Hindi siya ginusto ng guild dahil sa kaniyang pag-uugali, pero dahil sila'y hindi gustong umayaw sa isang ekspertong kagaya niya. Sa huli, kinailangan nilang magbulag-bulagan sa kaniyang mga gawain. Ang maganda, ang mga ginagawa ni Thousand Creations ay matatawag na maingat. Kapag may gagawin siyang mali, hinding-hindi niya pinapakita ang pangalan ng guild, kaya marami sa mga nabiktima ni Thousand Creations ay hindi sinisi ang Blue Brook Guild.

Sa panahong ito, nung binuksan ang ikasampung server, walang nakakaalam kung bakit biglang gustong sumama ng taong iyon. Kahit na wala naman siyang binibigay na problema sa guild, ramdam nilang siya'y parang isang time bomb. Nung makita na gusto niyang pumunta sa bagong server, agad-agad inaprubahan ng guild leader at tinaasan pa ang kaniyang mga gantimpala. Sa huli, ang time bomb na ito'y nasipa kay Blue River, at naging dahilan kung bakit siya'y nagdarasal ang hindi sasabog ang time bomb.

Naiyak si Blue River! Ang pagbubukas ng bagong server ay ang mga panahong ang mga manlalaro ay kadalasang pumapatay ng mga halimaw para magpa-level up. Ang time bomb ay parang naluluto sa loob ng isang stove!

Mabuti nalang, ang bagong server ay punong-puno ng tao sa simula, kaya ang lahat ay nag-agawan. Si Thousand Creations ay nasayahan sa pagpapakitang gilas niya sa kaniyang lakas at talagang hindi siya sumikat. Para sa hinaharap, naisipan ni Blue River na ilagay siya sa isang party habang nagpapa-level. Titingnan siya, para maiwasan ang probabilidad na siya'y umalis para mag-kill stealing.

Pero sa huli, ang pangalawang araw sa pagbubukas ng bagong server ay hindi pa nga natatapos at ang time bomb ay sumabog na. At hindi lang iyan, ito'y sumabog sa kanilang pinakaimportanteng talento, Lord Grim.

Medyo nagalit si Blue River. Ang guild ay nagbabala sa kaniya na ang ganitong talento na ito ay dapat maakit. Kapag may nakakita sa kaniya, kailangan nilang subukang laliman ang kanilang relasyon at makipagkaibigan sa kaniya. Siguradong nakita ni Thousand Creations ang ganoong mensahe, pero ang paraan ng pakikipagkaibigan para sa batang ito ay ang p*tanginang kill stealing?

Alam ni Blue River na hindi ito ang panahon para maguluhan. Dahil si Lord Grim ay isang tao na talagang gusto niyang mahatak sa guild, hindi niya pwedeng pagtakpan si Thousand Creations. Kung pagtatakpan niya ito at nagkunwaring hindi niya ito kilala, papaano nalang sa hinaharap? Ang tangang iyon.

Napamura si Blue River at tumakbo papunta kay Lord Grim. Siya'y malakas na tumawa at bumati: "Anong pagkakataon! Bakit nandito ka rin?"

"Magpapa-level!" Sagot ni Ye Xiu.

"Ha ha. Wag mong intindihin ang batang iyon! Sa loob ng dalawang araw, lahat ng nasa guild ay hangang-hanga sa iyong galing. Malamang sumama ang pakiramdam ng batang iyon, kaya sinadya niyang hanapin ka at makipaglaban." Sabi ni Blue River.

Magaling ang pagmanipula ni Blue River sa sitwasyon. Una, tinakpan niya ang intensyon ni Thousand Creations para mag-kill steal. Sinabi niyang nagseselos si Thousand Creations sa kasikatan at lakas ni Lord Grim, at naging dahilan kung bakit sinadya niyang hanapin siya, at makipaglaban. Ito'y madaling maintindihan. Idagdag pa, hindi sinasadya niyang ipinakita ang paghanga ng guild para kay Lord Grim. Pinuri niya siya nang walang pagaatubili.

Sa kasamaang palad, alam ni Ye Xiu na nagnakaw ng kill si Thousand Creations. Pagkatapos niyang makita kung sino ang kaniyang ninakawan, naging mitya ang pagkainggit kaya siya'y hinamon niya ng pakikipagtagisan. Pero iyon ay pagkatapos niyang manakaw ang kill. Mabuti nalang, hindi ramdam ni Ye Xiu na makialam dito, kaya siya'y kaswal na tumawwa: "Ang batang iyon ay talagang napakapilyo!"

"Yeah, yeah! Tingnan mo, tumakbo pa nga siya, takot na pagalitan ko." Sagot ni Blue River. Kung napalitan si Thousand Creations ng ibang tao, tatawagin niya ang taong iyon para huming ng tawad. Pero si Thousand Creations, hinayaan niya siya. Kung siya'y isang taong nakikinig sa iba, matagal na sanang nagamot ang kaniyang napakasamang hilig na pagki-kill stealing.

"Um, gusto mong sumama at magpa-level kasama kami?" Tanong ni Blue River.

"Hindi na kailangan, kaya kong magpa-level ng mag-isa." Sagot ni Ye Xiu.

"Sa totoo lang, hindi kami pumunta dito para magpa-level." Tugon ni Blue River.

"Oh?" Napaisip si Ye Xiu. Ang araw ay malapit nang matapos. Imposibleng hindi pa naabot ni Blue River at ng mga kasamahan niya ang entry limit para sa Boneyard dungeon. Kung wala sila rito para magpa-level at dungeon clearing, maari bang...

"Blood Gunner Yagg." Sabi ni Ye Xiu.

Tama! Kinompirma ni Ye Xiu ang kaniyang hula.

Si Blood Gunner Yagg ang wild BOSS ng Boneyard.

Kahit na ang mga wild BOSSes ay nagre-respawn, sila'y mas mahalaga pa kaysa mga hidden BOSSes dahil ang mga BOSS na ito'y nagpapakita lang isang beses sa isang linggo.

Ang mga Wild BOSSes ay may kani-kanilang leaderboards. May mga first clears at may mga kill number. Ang first clear ay maaring mabigay lang sa isang party. Ang kill number ay parehas sa clear records. Ipapakita ng leaderbords ang unang tatlo sa ranggo.

Sa ngayon, wala pang napapatay na wild BOSS sa ikasampung server. Sa kasalukuyan, mayroong dalawa lang sa kanilang level range. Isa ay si Blood Gunner Yagg ng Boneyard at ang isa'y si Goblin Merchant Lorraine ng Frost Forest. Ang beginner village ay walang mga wild BOSSes.

Si Ye Xiu ay may kinakailangan din mula sa mga wild BOSSes, pero ang mga bagay na ito'y nadidiskubrehan lang at hindi nahahanap. Hindi ito hahanapin ni Ye Xiu ng mag-isa. Orihinal na nasa plano niyang kumuha ng items galing sa mga wild BOSSes sa markets. Pero kapag nakakita siya ng isa, mas mainam na subukan na niya rin.

Pero ang pinakaimportanteng parte ng pagpatay sa wild BOSSes ay hindi ang pagpatay dito, kung hindi ang pag nakaw dito. Ang mga manlalarong pumunta para pumatay ng wild BOSSes ay ang mas delikadong kalaban. Kahit na ang mga wild BOSSes ay mahirap, sa huli, sila'y mga halimaw galing sa system. Ang mga experienced na manlalaro ay may abilidad na pumatay habang hindi namamatay. Pero bawat oras na may namamatay na wild BOSS, mayroon talagang namamatay na mga manlalaro. Ito'y dahil sa kaguluhan na nagagawa ng mga taong nagaagawan para rito.

Kahit na may kakayahan si Ye Xiu na labanan ito, walang posibleng paraan na mananakaw niya ang BOSS mula sa kamay ng isang buong guild. Ang item drops mula sa mga BOSS ay may ibang kalkulasyon kung ikukumpara sa mga maliliit na halimaw. Ang mga wild BOSSes ay may pinakanakakatakot na dami ng health sa lahat ng BOSSes sa parehong level at kinakailangan ng mataas na damage output. Kapag ang first hit at ang last hit ay 2/3 ng experience at items, walang gustong gawin ang mapait na trabaho sa gitna nito.

Kaya ang mga wild BOSSes ay nakadepende sa total damage para malaman ang paghahatian. Kahit na gaanong kalakas ang isang manlalaro, imposibleng mas mataas pa ang kaniyang damage kaysa sa isang buong party.

"Kaibigan, interesado ka bang tingnan?" Pagpapatuloy ni Blue River.

"Sige!" Masayang pagtanggap ni Ye Xiu.

Masayang tumawa si Blue River at nagpadala ng party invite. Pagkatapos sumali si Lord Grim sa kanilang party, siya'y naghihinayang na nagsabi: "Kung alam ko lang sana, mas mabuti pang hindi ka nalang umalis ng guild."

Sa Glory, pagkatapos umalis ng guild, ang isang player ay hindi makakapasok sa ibang guild sa loob ng limang araw.