Halatang hindi pwedeng mapunta ang agro ng Blood Gunner sa Herb Garden. Sa katotohanan nga'y hanggang ngayon, hindi pa rin gaano karami ang damage na nakuha nito. Pagkatapos makakuha ng tatlong atake mula kay Lord Grim: Sky Strike, Falling Flower Palm, at Fling, kay Lord Grim na ang agro nito. Nang itinapon siya sa lupa, hindi siya napatumba. Gumulong ito palaya at ssaka tumayo.
Ang tawag sa skill na ito ay Quick Recover. Isa itong common passive skill na parehas sa Swift Run at Roll. Pagkatapos i-learn 'to, pwede na siyang gamitin. Sa oras na mapapatumba na ang player, gagamit kaagad ang player ng roll. Sa ganitong paraan, hindi tuluyang mapapatumba ang player at sa halip ay mapatayo pabalik.
Kailangan ng sskill na ito ng sapat at maayos na technique para maisagawa. Kapag nahawakan na ng player ang lupa, kailangan agad ng player ng roll para maka-Quick Recover. Ngunit may mga konting skills na hindi pwedeng magamit ang Quick Recover. Halimbawa, Circle Swing ng mga Battle Mage, Back Throw ng Grappler, at Punisher ng Sharpshooter ay nakakapampawalang bias ng Quick Recover.
Kaya rin ng Blood Guneer ang Quick Recover, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon. Sa oras na ito, pagkatapos makatanggap ng tatlong atake mula kay Lord Grim, direkta itong gumulong at nag Quick Recover bago itaas ang kanyang gun, handa nang bumaril.
May malakas na tunog mula sa isang baril at ang kanang kamay ni Blood Gunner, na may hawak ng baril, ay gumalaw paurong. Ang sumunod sa kislap ng bala sa nguso ng baril ay ang pangalawang pagputok ng baril.
"Bwisit!" Iyak ng isang Herb Gardenn member dahil sa takot at saka agad yumukod. Nagasgasan ng bala ang kanyang ulo. Tapos, may narinig siyang panglawang tunog "Bwisit!" mula sa likod nito. Walang oras ang panglawang player upang makailag kaya natamaan ito mismo sa kanyang noo. Bayolenteng tumutulo ang kanyang dugo at ang life niya ay bumaba sa kalahati. Agad siyang sinagip ng mga Clerics ng Herb Garden. Ngunit sa sandaling ito, walang nakagalaw kaagad nang biglang itinutok sa kanila ng Blood Gunner ang kanyang baril.
Ngunit mula sa mata ng Blue Brook Guild, klarong-klaro nila itong nakikita. Ngayon lang, pagkatapos iwinaksi ni Lord Grim ang lood Gunner, hindi nila alam kung paano ngunit nagkaroon ng baril si Lord Grim. Ang unang tunog ng baril ay hindi mula sa Blood Gunner. Baril ito ni Lord Grim. Natamaan ng bala ang kanang kamay ng Blood Gunnner dahilan ng pag-ugoy ng baril palikod. Nagkatao lang ba ito? O sinadya niya ito? Hindi rin alam ng mga Blue Brook players. Ngunit alam nilang ang atakeng iyon ay parehong atake at depensa. Hindi lang nito natamaan ang kmay ng Blood Gunner, ngunit tinanggal din nito ang posibilidad ng Blood Gunner returning fire. Ang headshot naman ng isang player mula Herb Garden, baka nagkataon lang iyon.
Ngunit ang nangyaring iyon ay dahilan ng matinding kasiyahan ng Blue Brook Guild players.
"Ano ang sinusubukan niyang gawin?" Habang nanunuya ang lahat sa akssidenteng headshot ng isang miyembro mula Herb Garden, napakunot ang noo ni Bound Boat. Hindi niya makita ang intension ni Lord Grim.
"Iniisip niya ba talgang patumbahin ang Blood Gunner sa harap nating lahat?" Nasambit na lang rin ni Flower Lantern.
Pareho silang pumunta sa harapan ni Blue River.
"Puta! Aerial Circle Swing! Ang galing!" Karaarating lang nila sa harap ni Blue River nang marinig nila ito.
Hindi alam ng dalawa ang gagawin. Ngayon ba talagaa aang oras para hangaan ang kapabilidad niya?
Pagkatapos gisingin si Blue River, naisip niya rin ito ngunit walang magawa niyang sabi: "Kung hindi gagalaw ang ibang guild, paano naman tayo?"
Nagulat si Bound Boat.
"Pwede bang gusto niyang gamitin ang oras na nililimitahan ng Three Great Guilds ang issa't isa sa halip na mag-kill steal?" Saad ni Bound Boat.
Tumingin si Blue River sa kaliwa, direksiyon ng Herb Garden. At sa kabila kung nasaan ang Tyrannical Ambition. Nakita niyang pasimple ding tumitingin sa kaliwa't kanan ang kapwa niya guild leaders para tignan kung ano ang gagawin ng iba.
Sigurado na nga. Sa sandaling ito, walang sumubok na gumawa ng galaw.
Dahil kung sinnuman ang susugod ay ang magiging mantis na bbinabantayan ang mga cicada. Ngunit may malaki ring oriole sa likod nila. Hindi. Dalawa para mas sakto.
"Ito…" Napansin ni Blue River na nakakailang ang sitwasyon nila ngayon.
Agad siyang nagpadala ng mensahe sa Herb Garden at Tyrannical Ambition: "Kayong dalawa. Papanoorin na lang ba nating matalo ang BOSS sa harap natin?"
"Tandang Blue, natutunann mo na rn saw akas kung paano manaksil?" Sagot sa kanya ni Plantago Seed.
"Ayoko nga. Mas maganda kung Blue Brook Guild na lang ang pumunta para hulihin ang BOSS habang maghihintay ang Tyrannical Ambition ko sa labas ng range para control natin ang sitwasyon. Ano sa tingin mo?" Sagot naman sa kanya ni Clod Night ng Tyrannical Ambition.
Walang masabi si lue River. Hindi man lang siya pinagkatiwalaan ng mga ito. At ang pinakamalaking dahilan na nagimpluwensya ng tingin ng dalawang grupo ay hindi sila naniniwala sa kakayahaan ni Lord Grim; hindi sila naniniwalang kayang patumbahin ni Lord Grim ang Blood Gunner.
Ngunit kumalma siya at pinag-isipan ito. Ramdam niyang ito rin ang tunay na kaso.
Kahit na tinulungan sila ni Lord Grim na magtakda ng bagong dungeon recors at direktang nakita ang kakayahan ni Lord Grim, kahit na umaasa siya sa bukod-tangi niyang kapabilidad para kalabanin ang Blood Gunner, walang may kayang tumalo dito mag-isa sa kanyang level. Kahit ang pinakamataas na klase ng professional ay hindi kayang gawin ito.
Dahil paniguradong hindi makakahabol ang kanilang mana.
Dahil sa laki ng life ng Blood Gunner at DPS ng player sa ganitong level, imposileng may makakatalo sa Blood Gunner kapag wala silang mana. Kahit na may daa pa silang maraming potions, hindi pa rin nila ito magagawa. Pagkakita pa lang nila sa bilis ng pagaba ng life ng Blood Gunner dahil kay Lord Grim, alam nilang hindi sapat ang beginner's village level one potions.
Hindi pwedeng gamitin ang sskills kapag walang mana. Kung hinddi gagamit ng skill ang isang player, ang pagasa sa normal attacks ay hindi kayang pumatay ng BOSS. Kapag pinaghambing ang skills at normal attack, maliban sa mas mataas na damage, ang pinakaimportanteng diperensya ay aang kanilang crowd control effects.
Halimbawa, Knock Up ng Sky Strike, Short Stun ng Dragon Tooth, Blow Away ng Falling Flower Palm, at No-Quick-Recover Throw ng Circle Swing. Ang ganitong klse ng mga special effect ay hindi kayang gawin ng mga normal attacks at may epekto sa pagkontrol ng galaw ng kalaban.
Pagkaisip nito, kumalma muli si Blue River. Ang pinkamalaking banta ngayon ay ang dalawa pang guild. Hindi niya mapigilang tumingin sa kanyang kaliwa't kanan.
Ang limang normal na players ay nakikita nila bilang mga patay na tao, sobrang normal sa puntong hindi inaakala ni Blue River na sasamahan sila ni Lord Grim. Nang umalis si Lord Grim, wala naman siyang magagawa para pigilan siya kaya tinawag niya na lamng si Thousand Creation para sumali ng party.
Bakaa si Ye iu lang ang pumansin sa kanilang lima. Ang mga chain attacks na hindi kayang gawin ng limang players ang tumakot at nanggulat sa mga players. Gumamit bigla ng Circle Swing si Lord Grim para itapon ang BOSS ssa harap ng limang players.
"Nanonood pa rin kayo? Atake!" Sigaw sa kanila ni Ye Xiu.
Nagising ang limang players at agarang dumiretso para batiin ang Blood Gunnner gamit ang kanilang mga sandata.
"Huwag kayo basta-basta umaatake. Makinig kayo sa akin." Habang sumigaw si Ye Xiu, hindi tumigil ang mga atake ni Lord Grim mula sa umpisa hanggang sa huli.
Ang limang walang muwang na players ay may napansin.
"Lord Grim. Siya si Lord Grim!"
Hindi lang Three Great Gulds ang nakapansin kay Lord Grim. Pati ang mga players mula sa Happy Internet Café ay nagulat nang makita nila ang sikat na pangalan ni Lord Grim. Ang limang players na nagimbita sa kanya para sumali ng party at pinanood ang pakikipaglaban ni Lord Grim sa Blood Gunnerm ngayon lang nila napansin ang ID ni Lord Grim sa tuktok ng kanyang ulo.
Ang Lord Grim na nakuha ng tatlong first clears sa beginner's village!"
Ang Lord Grim na tinulungan ang Blue Brook Guild para makakuha ng bagong clear record sa Frost Forest.
"Berserker, Gore Cross." Sabi ni Lord Grim habang gumamit ng Dragon Tooth para saksakin ang Blood Gunner.
Hindi naman mabagal ang paggalaw ng beerserkerat agarang inilabas ang kanyang Greatsword. Habang naka-stun pa rin ang Blood Gunner at walang kakayahan upang umilag, hiniwa niya ang dulo ng kanyang espada para gumuhit ng cross. May dumuyan playo na cross ng dugo.
"Brawler, Sand Toss." Sigaw ni Ye Xiu habang gumamit siya ng Sky Strike para ipadala sa ere ang Blood Gunner.