Si Lord Grim ay Level 20 na. Ang pagpapatay ng Level 26 na mga halimaw ay magbibigay sa kaniya ng pinakamataas na experience. Pero ang ibibigay nito'y hindi ganoon ka taas. Kada isang level, ang experience ay tataas ng 2%, kaya ang five level difference ay magbibigay ng extra 10%. Gayunman, sa limang level na ito, ang pagtaas ng difficulty ay hindi kasing simple ng 10%. Idagdag pa, kung ang mga manlalaro'y nagpa-level ng mag-isa, kahit hindi na pagusapan ang mga panganib, ang 10% benefit ay hindi rin mapapansin dahil sa pagtaas sa kinakailangang oras para makakuha ng experience. Ito'y maaring maging hindi mas mabisa kung papatay ka ng mga halimaw na kaparehas mo ng level.
Pero ang kasalukuyang sitwasyon ay espesyal. Hindi pinapansin ni Ye Xiu ang kakarampot na extra experience na ito. Sa halip, ginawa niya ito para maiwasan ang madaming tao at maghanap ng tahimik na lugar para magpa-level. Pagkatapos maiayos ang kaniyang mga gamit, pinagalaw ni Ye Xiu si Lord Grim papunta sa Level 23-26 Area: Boneyard.
Ang Boneyard ay hindi lang pangalan ng leveling area. Ito'y rin ang pangalan ng dungeon. Ito'y parehas sa Frost Forest. Ang mga lugar sa labas ng Frost Forest ay mga Level 20-23 leveling areas at may maraming mga maiilap na halimaw. Sa malalim na sulok ng kagubatan ay naroon ang mga daanan papunta sa Frost Forest dungeon. Katulad nito, ang Boneyard ay may Level 23-27 Boneyard dungeon.
Ang mga manlalarong katulad ni Blue River mula sa Blue Brook Guild. Ang mga katullad niyang high-leveled na manlalaro ay matagal nang natapos ang Boneyard dungeon. Ang mga records ay nagpapakita na ang first clear party ng Boneyard ay nagawa ng Tyrannical Ambition. Nakita ni Ye Xiu na ang pangalan ni Endless Night ay naroon. Para sa tatlong kasamahan niya, sila'y wala roon sa listahan. Mukhang sila'y hindi mga pangunahing manlalaro ng Tyrannical Ambition. Ang Boneyard clear record ay apat na beses ng nasira. Ang pinakabagong record ay hawak-hawak ng Herb Garden.
Tungkol sa tatlong hidden BOSSes ng Boneyard, unang natalo ng Blue Brook Guild ang dalawa sa kanila. Makikitang ang mga dungeon records na ito'y papasa-pasa sa kamay ng Three Great Guilds.
Ito'y hindi masyadong pinansin ni Ye Xiu, si Lord Grim ay mabilis na umabot sa Boneyard, at makikitang walang masyadong manlalaro dito. Sa ngayon, halos lahat ng mga manlalaro ay nasa Level 21 at karamihan sa kanila ay nasa Frost Forest para makipagagawan ng mga halimaw. May mga Level 23 at Level 23 na mga halimaw na nagpipigil sa kanila doon, at ang mga halimaw sa Boneyard ay mas lalong pipigil sa kanila.
Pagkatapos makakuha ng magandang lugar para pumatay ng mga halimaw, niyugyog ni Lord Grim ang Myriad Manifestation Umbrella. Ito'y naging isang battle lance at nagsimulang pumatay. Walong Midnight Cat Fingernails ang naging dekorasyon ng Myriad Manifestation Umbrella, na katumbas sa pagbibigay ng bagong dulo para battle lance. Idagdag pa ang pinalitang linking axle, ang mga pagbabagong ito'y pinataas ang level ng battle lance sa 15. Bukod dito, ang orihinal na hitsura at ang mga armas ng ibang mga class ay nasa Level 5 pa. Natural na sila'y hindi makakakumpara sa pinalakas na battle lance form.
Ang mga halimaw sa Boneyard ay parehas sa Skeleton Graveyard. Sila'y mga undead na halimaw. Zombies, skeletons, skeleton archers, skeleton mages, etc. Ang kanilang mga Levels ay nasa 23-26. Ang kanilang pangunahing feature ay sila'y may matataas na damage at depense, pero medyo mabagal ang kanilang mga galaw.
Sa husay at galing ni Ye Xiu, ang mga NPCs ay walang kahit na anong panganib para sa kaniya. Pagkatapos kinontrol si Lord Grim pasugod, pumili siya ng lugar at nagsimulang patayin ang mga halimaw doon.
Sobrang kaswal ang pagpapatay ni Ye Xiu. Hindi siya masyadong naghabol sa critical hits, combos, juggling, back attacks, at ang mga iba pang effect-inducing attacks. Para talagang magamit ang mga teknikal na galawang iyon, higit pa niyang kailangan na mag-concentrate, at bilisan ang kaniyang galaw. Ang mga gawaing iyon ay nagpapahina lang sa kaniya. Siya'y nagpapa-level lang. Si Ye Xiu ay hindi nagplaplanong makipaglaban gaya nang ginawa niya as Professional Alliance finals.
Pakikipag-away at pagpapahinga, kahit na hindi ganoon ka bilis ang pagpatay ni Lord Grim ng mga halimaw, siya'y napaka-stable. Kung ikukumpara sa mga atake, mas tinuonan ng pansin ni Lord Grim ang maingat na pagilag, kaya hindi na niya kinakailangan pang tumakbo at magpahinga dahil mababa ang kaniyang life. Nagpahinga lang siya nung naubos ang kaniyang mana.
Sa Glory, ang mga foods at potions ay mga recovery items. Ang Food ay walang cooldown, pero hindi magagamit habang nakikipagaway. Malaki at mabilis din ang ibinabalik nito. Ang Potions ay hindi ganoon ka epektibo gaya ng food, pero sila'y magagamit habang nakikipagaway. Sa mga kritikal na panahon, sila'y magagamit bilang huling dulog. Pero kapag mas maganda ang epekto ng potion, mas mataas din ang cooldown. Atsaka, ang potions na nabibilang sa parehong uri ay parehas ang cooldown, kaya hindi maaring uminom ng maraming health potions ng iba't-ibang levels.
Ang mga NPCs ay nagbebenta ng food at potions, pero ito'y mga nasa pinakamababang-level at masyadong mahal. Bukod sa pagkuha sa kanila galing sa mga halimaw, ang mga nasa secondary professions, gaya ng cooks ay nakakaluto ng pagkain at ang mga alchemists ay nakakagawa ng potions. Bawat player ay maaring matuto ng dalawang secondary professions, pero isa lang sa dalawa ang pwedeng mag job advancement. Tama, ang secondary professions ay may job advancements. Kapag ang player ay dumating sa Level 50. Ang secondary profession ay maaaring ma-level lamang pagnatapos ang job advancement.
Sa mga panahong ito, ang bagong server ay dalawang oras palang nalalaruan. Bukod sa mga malalaking guilds, wala pang nagsimulang matuto ng secondary skills. Ang mga alchemists at cooks ng bawat malalaking guilds ay hindi pa kayang tustosan ang kanilang sariling guilds, kaya sila'y hindi nagbebenta ng mga produkto sa market. Walang magawa ang mga manlalaro kundi lamunin ang kanilang galit at bumili ng mataas mula sa mga NPCs. Ang kakaunting perang kanilang nakuha mula sa mga halimaw ay naubos sa potions.
Kabilang na rito si Ye Xiu, talagang kinakailangan ang investment na ito sa maagang estado ng laro. Pero dahil sa kaniyang husay at galing, siya'y nakakatipid sa pagbili ng health potions at food. Ang kaniyang pera'y kadalasang nagagamit para sa mga mana recovery items. Siya'y masyado nang matipid kung ikukumpara sa mga ibang manlalaro.
Pagkatapos pumatay ng mga halimaw sa loob ng isang araw, muling tumakas si Lord Grim sa labanan at uminom para merekober ang kaniyang mana. Si Ye Xiu ay nagsindi ng sigarilyo para magpahinga. Pagkatapos niya magawa ito, isang mensahe ang bumungad. Pagbukas, nakita niyang ito'y isang system prompt: Soft Mist has accepted your friend request.
Pagkatapos ng isang oras, sa wakas ay nakita ni Tang Rou ang friend request ni Ye Xiu. Isa pang mensahe ang dumating: "Sorry, kakakita ko lang."
Si Tang Ruo at Chen Guo ay talagang magkaiba.
Hindi siya parehas ni Chen Guo na aktibong naghahanap ng mga kaibigan. Hindi niya masyadong tinatrato ng maganda ang mga tao, ngunit hindi din niya tinatratong mali ang mga tao. Kapag ikaw ay nagsalita, mararamdaman mong siya'y nakikinig; kapag siya'y nagsalita, mararamdaman mong siya'y nagsasalita sa iyo. Kapag ang paraan ng pakikipag-usap ni Chen Guo sa ibang tao ay parang napaka-wild at kaswal, si Tang Rou ay matino, mahinhin, at may dangal.
Bukod noong siya'y medyo nawalan ng kontrol at sampung beses na pinaulit-ulit ang "Again", wala siyang nakikitang mali sa kaniya.
Si Ye Xiu ay naniniwalang babaeng ito ay talagang may background at kinagisnan niya. Ang ganitong pagtitimpi at ugali ay nagpapakita ng magandang edukasyon. Atsaka, mabilis ang kaniyang mga kamay.
Nung tinanong ni Ye Xiu kung paano niya sinanay ang mabilis niyang mga kamay, siya'y nagatubili. Ito ang nagkombinse kay Ye Xiu na ang kaniyang hand speed ay hindi galing sa kaniyang talento, kung hindi isang resulta sa kaniyang mga pagsasanay. Ito'y makikita rin sa kaniyang mga kamay. Siya'y kahawig ni Ye Xiu. Siya'y sobrang maingat sa kaniyang mga kamay at inaalagaan sila.
Kung tama ang kaniyang hula, si Ye Xiu ay naniniwalang ang kaniyang mabilis na kamay ay nasanay sa pamamagitan ng isang instrumento.
"Hindi na problema yun. Kung may mga tanong ka, sabihin mo lang sakin." Nakita ni Ye Xiu na si Tang Rou ay hindi isang ordinaryong babae, pero hindi siya masyadong interesado na buksan ang kaniyang background. Sa totoo lang, siya mismo ay kailangan pang hanapin kung ano talaga ang kaniyang magiging kinabukasan!
Isinara ang chat box ni Tang Rou, kokontrolin na sana ni Ye Xiu si Lord Grim para pumatay ulit ng mga halimaw ng biglang, nakarinig siya ng mabibilis na yapak mula sa kaniyang headphones. May taong mabilis na lumampas kay Lord Grim. Sa isang hampas ng pole, ang halimaw na aatakehin na niya sana, ay lumipad sa hangin.