Sa Feinan world, nakakamangha ang kahit anong may kinalaman sa dragon.
Mayroong mapaminsalang kapangyarihan ang mga dragon. Mahihirapan dispatyahin ng sino man ang mga 'to. Maging legendary level ka man o mas mababa pa.
Mukhang kakaiba pa rin ang dragon strength potion kahit na wala 'tong kaugnayan sa tunay na dragon, dahil may dragon ito sa pangalan.
Isang pangkaraniwang katawagan ang ganitong uri ng potion descriptor sa pag-raranggo ng medisina.
Panandaliang magkakaroon ng mataas na dagadg ang ang attributes ng sino mang gumamit nito.
Malaki ang magiging tulong nito sa isang labanan.
Sa pagtutulungan ng appraiser na si Master Cole at ng wzard apprentice, hindi nasayang ang limang ginto ni Marvin. Nakuha na niya ang impormasyon tungkol sa potion.
[Dragon Strength]: Strength +6, Dexterity +4. Lasts 10 minutes.
Wala nang tatapat pa sa ganitong attribute. Hindi lubos maisip ni Marvin kung gaano siya kabangis kapag ininom niya 'to.
Mahina lang ang kanyang strength kung tutuusin dahil nasa 11 lang ito. Pero pwede itong umabot sa 17 kapag ininom niya ang dragon strength potion.
Halos kapantay na nito ang isang 2nd rank na figther!
Bukod pa rito, mayroon ring dagdag na 4 sa dexterity. Kung magkakaroon siya ng 24 na dexterity, makakakilos na siya kahit paano niya gusto. Sa langit man 'to o sa ilalim ng lupa.
Napakahalaga ng potion na 'to.
Buti na lang at marangal pa rin ang ranger guild. Marami ng natingnang potion na tulad nito si Master Cole at ang wizard apprentice. Pero hindi naramdaman ni Marvin na pinagbalakan siya ng masama ng dalawa hanggang sa maka-alis siya.
Kaya napili ni Marvin ang ranger guild dahil hindi ganon kasama ang mga tao sa malalaking organisasyon.
Kung si Bane 'yon… Mapapigilan kaya nitong wag magkaroon ng masamang balak kapag nakita ang ganitong klaseng kayamanan?
…
Sa Black Horn Eagle Inn.
May inabot kay Marvin na listahan ng mga pangalan.
"labing-limang tao lang?"
Hindi makapaniwala si Marvin.
Inutos niya kay Anna na hindi dapat bababa sa 20 na tao ang kunin.
"Masyadong mataas ang bayad sa mga high level na mga adventurer. At pineperahan lang tayo ng mga pinakamatataas sa lower level. Kaya hindi natin sila kailangan."
"Ang labing-limang 'yan lang ang kailangan natin."
"isa pa, hindi naman totoo na mas mabuti kapag mas marami pagdating sa mga adventurer," dagdag pa ni Anna. "Kahit na pumirma pa silang lahat ng kontrata, kung mahina naman tayo, hindi natin sila kakayaning pamahalaan."
Naiintindihan ni Marvin ang punto ni Anna kaya tumango lang 'to.
Kung aasa tayo sa mga adventurer na 'yan para mabawi ang White River Valley, Baka sila pa ang manakop dito.
Medyo mahina pa ang garrison ni Marvin. Kaya kung kukuha sila ng maraming adventurer at bubuo sila ng isang pwersa, baka sila pa ang kumalaban kina Marvin.
Pinag-isipang mabuti ni Anna ang sitwasyon.
Subalit.
"Mayroong Sorcerer ang mga gnoll." Ika ni Marvin.
"Ano?" Gulat na gulat si Anna, "Sorcerer? Paano nangyari 'yon?"
"Ako mismo ang nakakita. Muntik pa nga niya akong mahuli." Ngumiti ng pilit si Marvin, "Mayroon din silang mga mutated aardwolf. Sobrang hirap kalabanin ng mga 'to. Pero wala namang problema pagdating sa mga gnoll fighter dahil madali lang silang kalaban."
Marami man pakinggan ang 150 na gnoll, per mas mataas ang mga level ng mga human adventurer kumpara sa kanila.
Madali lang para sa isang adventurer na talunin ang dalawa hanggang tatlong gnoll. Basta mawala ang pinuno nila, mawawalan na ng gana at pag-asa ang mga 'yon.
Pero mautak ang Sorcerer na'yon. Malamang magtatago lang ito sa isang sulok, para hindi makita ng sino man, habang nangyayari ang labanan.
Kontrolado niya ang mga mutated aardwolf. Kailangan makahanap ng paraan si Marvin na sugpuin ang mga aardwolf o tapusin ang Sorcerer na 'yon.
Kung hindi, Mahihirapan silang talunin ang mga 'to.
"Noong sinugod nila tayo nakapatay ako ng isa."
Sumimangot si Anna at sinabing, "Walang kritikal na bahagi ang katawan nila; sinaksak ko sila sa puso pero hindi sila namatay.
"Ang mga ganito…"
Hindi pa nasusubukang humarap ni Marvin sa isang mutated aardwolf kaya naman wala siyang kalam-alam tungkol sa mga 'to.
Mahirap talagang patayin ang mga ito. Malalaki ang katawan, mabibilis kumilos, mapaminsala at walang kahinaan.
Kung may mga mapaslang ang aardwolf sa garrison, ayos lang 'to. Ngunit kapag may mapatay ng mga 'to ang mga adventurer, malaking problema ito.
Biglang kumuha ng papel si Marvin habang nag-iisip at may sinulat.
Mahinahong tumayo lang sa gilid si Anna, manghang-mangha siya sa galing magsulat ni Marvin.
'Isang henyo si Master Marvin! Naka-isip na agad siya ng tatlong paraan paano talunin ang mga aardwolf sa loob ng ilang sandali!'
'Mukhang lumabas ang potensyal niya dahil sa mga kamalasang dinanas. Napilitang lumabas ang kanyang lakas at dunong.
Malalim ang iniisip ni Anna.
"Tama, eto ang gagawin natin. Kikilos tayo tatlong araw mula ngayon," sabi ni Marvin.
"Pero paano po ang Sorcerer?" Nag-aalalang tanong ni Anna.
Malakas pa rin na class ang mga Sorcerer kahit na hindi kasing lakas ng mga spell ng mga wizards ang spell ng mga 'to.
"Ako na ang bahala doon." Dinampot ni Marvin ang listahan ng pangalan ng mga adventurer at binasa ito ng mabuti.
…
Mayroong labing-limang adventurer na nahahati sa dalawang grupong may tig anim, at may tatlong nakuha niya na mag-isa lahat.
1st rank na adventurer na walang advanced class silang lahat.
Tama si Anna: kung marami man siyang pera ngayon, masyadong mahal ang presyo ng mga adventurer.
At kung may sumama naman sa kanyang masyadong malakas, manganganib ang kanyang posisyon bilang pinuno.
Ang ikinagulat ni Marvin, kilala sa River Shore City ang isa sa grupo na may anim na miyembro.
[Bramble]
"Medyo sikat ang grupo ng Bramble sa mga low level na advernture circle, isang level 5 na fighter ang namumuno sa kanila." Saglit na huminto sa mga pangalan ng mga miyembre ng Bramble ang mata ni Marvin na para bang tinatandaan ang mga 'to.
"Mukhang sinuswerte tayo," agarang sagot ni Anna. "Kadalasan, hindi sapat ang mga contract fee dahil sa lakas at karanasan na mayroon ang Bramble."
"Pero dahil nagkasakit ang anak na babae ng kanilang boss, kailangan nila ng high level na priest para pagalingin 'to. Kailangan nila agad-agad ng pera kaya wala silang malakihang kontrata sa ngayon, at tinanggap ang inaalok natin."
Tumango si Marvin at sinabing, "Mukhang mapagkakatiwalaan ang mga 'to."
Makikitang pinaghirapan ni Anna na makuha ang mga taong 'to.
Mayroon ding sapat na lakas at mga kagamitang ang isa pang grupong may anim na miyembro. Kahit na bago pa lang ang grupo nila, marami na silang natapos na trabaho base sa mga record nila.
Malalakas rin naman ang tatlong mag-isa. Level 4 na ranger ang isa na mahusay sa paggamit ng pana, ang isa naman ay level 5 na druid na nagpapalit anyo at nagiging brown bear, at ang huli, isang pugilist na bibihira lang makita.
Kahit papano, lahat sila'y kilala sa River Shore City. Base sa kalkulasyon ni Marvin, ang bayad sa tatlong adventurers ang pinakamahal sa lahat.
"Ayos na ang mga 'to. Aalis tayo tatlong araw mula ngayon. Sabihan mo na sila Andre na maghanda."
Nagdesisyon na si Marvin.
Babawiin na nila ang White River Valley sa loob ng tatlong araw!
"Saan tayo magtitipon-tipon?" Tanong ni Anna.
"Sa Night Tide Inn," tugon ni Marvin, na nagbanggit ng nakakagulat na lugar. "Nalaman kong bukas pa ang maliit na inn na 'yon, pagbalik ko. Doon tayo magtitipon."
"Hindi ako sasama kaya ikaw ang mamamahala sa operasyong 'to."
Nagulat si Anna, "Hindi ka sasama?"
Takang-taka siya.
Ngumiti siya, "Hindi ako makakasama dahil isa lang naman akong mahinang noble, pero si Masked Twin Blade, makakapunta.
Huminahon si Anna at napangiti.
Hindi itinago ni Master Marvin sa kanya ang gagawin nito. Masayang-masaya siya dahil dito.
…
Makapalipas ang tatlong araw, sa isang lugar sa labas ng River Shore City, Sa Night Tide Inn.
Ang maliit na inn na ito ay ginawa ng isang baldadong magsasaka para magsilbing lugar kung saan pwedeng magpahinga.
Wala nang gumagamit ng pangunahing kalsadang nagdudugtong sa White River Vally at River Shore City magmula ng sakupin ng mga gnoll ang White River Valley.
Pero bukas pa rin ang Night Tide Inn dahil wala namang ibang pinagkaka-abalahan ang matanda.
Hindi na masyadong inisip ni Marvin ang pagpunta doon. Poproblemahin niya lang 'to ni Marvin kung nagpupunta doon ang mga gnoll.
Pero alam niyang hindi nila ito susubukan, dahil teritoryo na 'to ng River Shore City. Kaya hindi mangangahas na pumatay ng mga gnoll sa lugar na 'to. Dahil didispatyahin lang ang mga 'to ng mga patrol ng River Shore City.
Pero tumanggap ng maraming bisita ang Night Tide Inn.
Dalawampung tao lang ang kasya sa inn na 'to pero umabot ng tatlompu't-anim na tao ang nasa inn ngayon.
At isa dito ay isang babae.
Pero namukhaan ng matandang lalaki ang babaeng 'to. Siya ang butler ng White River Valley.
Nagmadaling umalis ng kwarto ang matanda. Napasaya siya ng pag-aasikaso sa tatlompu't-anim na tao 'to.
Ngunit, may narinig itong kaguluhan sa loob ng sala noong papunta 'to sa kusina.
'Hindi! Hindi naman nila sisirain ang tapiserya ng pamilya ko, hindi ba?'
Nalungkot ang matanda ng tingnan kung anong problema. Isang grupo 'to ng magugulong adventurer. Mayroon sigurong nagaganap.
Ibinaba niya agad ang hawak na mga tinapay at paika-ikang pumunta sa sala.
Sa sala, makikita ang nasa trenta ka-tao na nahahati sa iba't ibang grupo.
Mukhang handa na silang maglaban-laban.