Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 36 - Three moves

Chapter 36 - Three moves

Napamura sa kanyang sarili si Cat nang marinig si Rock.

Halatang nananamantala ang lalaking 'to. Kinakantsawan nito ang mga tauhan niya para tingnan kung makakaisa to sa kanila. 

Madiskarte ang pugilist na 'to.

Pinanuod lang ni Anna ang walang kwentang usapan na 'yon. Ang tanging ikinatuwa ni Anna ay matapos magdesisyon ng pinuno ng mga Bramble, hindi na umalma pa ang iba pa nitong mga miyembro.

Pero hindi sila umalis at tumayo lang doon, na parang gustong panuorin ang magaganap.

Kung sabagay, lahat sila'y gustong makita kung gaano talaga kalakas ang biglang sumikat na si Masked Twin Blades.

Hindi alam ni Cat kung ano ang gagawin. Kung aatras siya ngayon, siguradong masisira ang plano ng taong nagbayad sa kanila.

Malaking man ang multa, sapat naman ang ibabayad sa kanila para dito. Kaso ang reputasyon naman nila ang kapalit nito.

Kung may magagawa sila para masabotahe ang planong pagbawi ng White River Valley, 'yon na lang ang maari nilang gawin.

Hindi man 'yon ang pinagamagandang gawin, pero wala na silang magagwa kundi piliting maging pabor sa kanila ang sitwasyon.

"Green" sabi ni Cat.

Isang tahimik na lalaking may kulay tsokolateng buhok ang lumapit nang tawagin ni Cat.

May suot itong maayos na leather armor at sable ang dala nito hindi isang dagger gay ani Marvin.

Ang sableng 'to ay halos katulad ng katana ng Japan pero mas makapal at mas malapad 'to kumapra sa katana. Ibig-sabihin malakas na atake ang ibibigay nito kapag may kalabang halimaw.

Isang mahusay na blade master si Green. Hindi na mabilang ang mga halimaw at mga adventurer na namatay dahil sa sableng 'to. Karamihan dito ay sa isang kakila-kilabot na paraan.

Isang hiwa lang ay nagdudulot ng dalwang sugat.

"[Wandering Fighter]?"

Tiningnan ni Marvin ng mabuti ang pagkilos ni Green. Isang 2nd rank class na wondering fighter lang ang gumagamit ng ganitong klaseng sable.

Halata mang hindi pa ito 2nd rank na wandering fighter sa ngayon, mukhang 'yon nga ang nais maabot ng taong 'to.

May nakakamanghang dexterity at strength ang mga wandering fighter. Kapag may sapat na bwelo 'to kaya niyang hatiin sa dalawa ang isang tao.

Sikat sa mga manlalaro, sa dating buhay ni Marvin, ang mga ganitong klaseng mga atake.

Pero para sa ganitong class… alam ni Marvin kung pano sila tatalunin.

"Miss Anna kahit na sinabi mong hindi kami ang haharap sa caster, kailngan pa rin naming malaman kung gaano kalakas 'tong si Masked Twin Blades. Hayaan mong labanan niya ang level 5 na fighter namin, para makasigurado kami. 

"Ayo slang naman kay sir Masked Twin Blades, hindi ba?" Tanong ni Cat.

"Kapag nanalo kami, mananahimik ka." Sabi ni Anna sa mas nakakatakot na boses. "Tapos kayo na ang magdesisyon kung magbabayad kayo at aalis, o tutulungan niyo kaming palayasin ang mga gnoll." Dagdag pa nito.

"Sige!" Direstahang sagot ni Cat. Kung magpapakita ng sapat na husay si Masked Twin Blades para makumbinsi si Cat, walang problema sa kanyang ibahin ng kaunti ang mga plano nito.

Mabuti rin kung makakasama at matatapos nila ang misyon. Kung sinabihan siya ng taong 'yon na kasama pala ang Masked Twin Blades, hindi n asana siya nagpunta.

Padalos-dalos talaga ang batang lord ng White River Valley. Naglakas-loob siyang kumuha ng isang criminal para bawiin ang kanyang teritoryo.

Base sa impormasyong nakuha ni Cat, hindi ganoon kasimple ang kanilang gagawin. Maraming interesado sa White River Valley.

Kung mabawi man niya ang kanilang teritoryo, malamang maraming panibagong suliranin ang haharapin ng batang lord.

Gumaan ang kalooban ni Cat nang maisip ang mga bagay na 'to.

Pero biglang sinabi ng Masked Twin Blades na, "Hindi ako nakikipaglaban lang, pumapatay ako."

Natahimik ang buong kwarto.

'Masyadong mayabang ang taong 'to!'

Galit na hinawakan ng mahigpit ni Green ang kanyang sable, at agad na sinugod na parang gustong patayin si Marvin na nakasandal sa may dingding.

Nagulat si Anna at si Andre. Gusto man nila itong pigilan pero huli na ang lahat.

Tinuon ni Anna ang tingin kay Marvin, hindi dahil nag-aalala siyang baka masaktan ito kundi dahil baka patayin talaga nito si Green.

Ngayon pa nga lang ay mahirap nang mabawi ang White River Valley. Lalo pa silang mahihirapan kapag sila'y nabawasan kaya malaking kawalan sa kanila ang sino mang mababawas sa kanilang pwersa.

Nanlisik ang mat ani Marvin na nakasandal sa dingding.

Hindi siya gumalaw hanggang sa nasa harapan na niya si Green. Saka lang siya gumalaw.

Dahil naabot na niya ang 20 na dexterity, nagkaroon siya ng pambihirang abilidad sa pagkilos. Hindi na inalis ni Marvin ang tingin niya sa balikat ni Green.

Eto ang bahagi ng katawan na mauuna kapag sumusugod ang kalaban!

Nanginginig ang kanang balikat ni Green, nangangahulugan na gumagamit 'to ng strength!

Umabante ang katawan ni Marvin at sa isang iglap nasa harap na siya ni Green.

Nabigla silang lahat.

"Ang ganito kabilis na pagkilos pati na ang ganoong klase ng galaw…'

Hindi na inintay ni Marvin ang reaksyon ng mga tao. Isang "clang" ang maririnig mula sa pagbunot niya ng dagger sa kanyang baywang.

Ito ang kanyang kanang dagger. Dahil kanang kamay din ang gamit ni Green, at mas mataas ang strength nito kaysa kay Marvin, kaya kailangan niya itong maunahan sa pag-atake.

Kahit na binibigyan si Marvin ng parehong skill proficiency kay Green ng [Two-Weapon Fighting], malaki pa rin ang agwat ng kanilang lakas.

Nagulat si Green. Bago pa man niya mai-angat ang kanyang sable nasaksak na siya sa likod ng dagger ni Marvin.

"Aray!" Hiyaw ni Green, bago umatake pabalik.

Agad siyang sumugod pailalim, tinutok niya ang talim ng kanyang sable sa bandang baba ni Marvin.

Ngumisi si Marvin, 'Mukhang alam na alam na nito ang mga ganitong klaseng galawan!'

Second stab!

Kaliwang kamay.

Isang simpleng pagsalag ay hindi kinailangan gamitan ng skill. Basta mahanap niya ang kahinaan ng sable nito, kayang-kaya niya itong pigilan.

Hindi problema kay Marvin ang ganitong pagkilos.

"Clang!"

Nasalag ni Marvin ang pag-atake ni Green.

Pero kasabay nito, pasimula na ang ikatlong pag-atake ni Marvin!

Ganito kalakas ang Two-weapon fighting, kayang pagsabay-sabayin ng isang tao ang pag-atake.

Pinang-sasalag niya ang kaliwa niyang kamay, at pinang-a-atake niya ang kanan.

Tuloy-tuloy ang pagsasalubong ng mga patalim.

Ang leeg ni Green ang pinupunterya ng dagger ni Marvin.

Kahit na naka-leather armor si Green, hindi niya kakayanin ang dagger ni Marvin. 

Nakatulala lang na nanunuod ang iba, halos hindi sila makahinga.

Ang bilis at kilos ni Marvin ay tila alam na niya kung ano ang gagawin ni Green.

Tatlong galaw!

Tatlong galaw lang ang kailangan niya para tapusin si Green!

Nabigla si Cat, pakiramdam niya pinagbubuhol ang bituka niya sa pag-sisisi.

Kung tumuloy ang dagger na 'yon.. Si Green..

"Tama na!" Sigaw ng isa sa kanila.

Si Anna pala 'yon.

Sa isang iglap, bumagal ang dagger ni Marvin bago tumama ng bahagya sa balikat ni Green.

Clang!

Pinagpawisan si Green. Binitawan niya ang kanyang sable at nalaglag sa sahig.

Nabigla ang lahat. Kilala si Green bilang isang expert sa mga low level na adventurer sa River Shore City.

Pero tatlong galaw lang ang kailangan gawin ni Masked Twin Blade para matalo ito. Kitang-kita rin sa mukha nito ang pagkabigla.

Isang Fighter na hindi kinaya ang isang dagger combo.

Kung hindi dahil kay Miss Anna, malamang…

Lalong sisikat ang pangalan ng Masked Twin Blades sa River Shore City.

Habang si Green naman.

Isang malaking dagok ang nangyaring 'to sa kumyansa ng isang taong nagnanais maging isang wandering fighter.

Matagal-tagal bago niya ito malilimutan. Ang tanong ay kung makakabangon pa ba siya mula dito.

Tahimik na pinuri ni Marvin si Anna dahil saktong-sakto lang ang pagsigaw nito.

Kung hindi kailangan niyang tapusin si Green para lang mapanatili ang reputasyon ni Masked Twin Blades.

Pero planado naman ang lahat ng 'to.

Si Marvin ang bahalang manakot sa kanila at si Anna naman ang bahalang magpakalma sa kanila.

Nang sa gayon, matutong lumugar ang mga magugulong mercenary.

Di nagtagal, may lumapit kay Green para tulungan 'tong tumayo. Napansin ni Anna na pinagpapawisan ang lalaki.

Halatang kinabahan siya sa mga nangyari.

Si Rock na nakatayo lang sa gilid ay hindi rin nagsalita. Hindi maipinta ang pagmumukha ng pugilist na 'to.

Mas kapansin-pansin ang takot sa mukha nito ng titigan 'to ni Marvin.

Paniguradong matatalo ang isang pugilist kapag dagger ang gamit ng kalaban nito. Napagtanto ni Rock na mamatay siya kapag kinalaban niya si Masked Twin Blades.

Napakahusay ng blade skills ng taong ito.

Kahit na hindi ganoon kaperkpekto ang kilos nito, malinaw na kakaibang nilalang ito.

"Mayroon pa bang mga katanungan?" Ngumiti si Anna.

Hindi nagsalita ang mga adventurer na nasa sala.

Naghain na ng pagkain, kape, at iba pa ang matanda na nakita ang buong pangyayari.

Humupa rin ang tensyon nang kumain na ang lahat.

Hindi na muna niya pinapasok sa inn ang mga adventurer pagkatapos maghapunan. Sinimulan na agad niya ang pagpaplano.

Una sa lahat, ang papasok ng White River Valey ay mayroong apat na gnoll, dalawa dito'y mga archer.

Wala namang problema sa mga 'to.

Ang anim na mutated aardwolf ang kailangan nilang problemahin.