Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 40 - Overwhelming Assault

Chapter 40 - Overwhelming Assault

"Mag-ingat ka!" Sigaw ni Gru.

Napansin din nito ang apoy sa aardwolf!

Kahit n amalakas ang Masked Twin Blades, maari siyang mamatay kapag hindi siya nag-ingat!

Dahil sa ilang taon nilang karanasan, hinayaan ni Gr una magdesisyon ang mga miyembro niya kung anong gagawin nila.

Mukha namang masusunog na rin ito hanggang sa mamatay. Kailangan lang nilang iwasan ito hanggang sa tuluyang mamatay na ito.

'Bakit ba padalos-dalos si Masked Twin Blades?' Pag-iisip ni Gru.

Iwinasiwas niya ang kanyang espada na kasing bilis ni Marvin.

Sa mga oras na 'yon, napunta na sa harap ng nagliliyab na aardwolf si Marvin.

Napakahinahon niya at bigla na lang itong tumalon ng napakataas!

Nagpaikot-ikot ito sa ere para maiwasan ang nagliliyab na aardwolf. Walang awa niyang isinaksak ang dalawang curved dagger sa leeg nito.

Pero hindi pa ito sapat!

Pagtapos nito, inapakan niya ang parehong hawakan ng mga daggers!

Itinulak niya gamit ang kanyang mga paa ang magkabilang daggers na agad bumaon!

"Plop!"

Tumalsik sa paligid ang dugo!

Nalaglag ang ulo ng aardwolf sa lapag!

Bumaba naman si Marvin sa likod nito na parang walang nangyari. Ang mutated aardwolf na lumabas mula sa nag-aapoy na butas, ay agad na namatay matapos ang pagsugod ni Marvin!

[You did a normal attack on the target...]

[Your hit crippled the target, normal attack turned into crippling attack]

[Target died… You gained 120 battle exp]

Masayang tiningnan ni Marvin ang battle log. Kakaiba siguro ang mutated aardwolf na 'to kumapara sa iba.

Dahil hindi naman siya magkakaroon ng karagdagang exp tulad ng nauna niyang napatay kung pareho lang ang mga 'to.

Sa kasamaang-palad, namatay ang iba pang aardwolf na walang nakukuhang experience si Marvin sa mga ito. Marami na sana agad siyang nakuha dahil sa mga 'to.

Namangha ang lahat sa ginawa ni Marvin.

"Naiintindihan ko na ngayon kung paano niya natalo si Diapheis…" Ika ng isang miyembro ng Bramble.

Natameme ang iba; si Gru na sinubukan ring sumugod, nakatayo na lang sa di kalayuan at di makapaniwala sa nakita.

Hindi kapani-paniwala ang ganitong klase ng lakas!

Hindi na lang ito usapan ng lakas ng katawan; naabot niya ang ganitong lakas dahil sa dami ng karanasan sa pakikipaglaban, malakas na pag-iisip, at perpektong pag-kontrol sa kanyang katawan.

'Gaano karaming training ba ang ginawa ng taong 'to para umabot sa ganitong level..' Hindi nila mapigilang isipin ang mga ganitong bagay.

Ang di nila alam, mahilig lang talagang maglaro si Marvin. Gustong-gusto nito ang "Feinan Continent". Dahil bawat detalye nito ay parang totoo. Komportableng-komportable sa loob ng laro lalong-lalo na kapag nagpapataas ng level at PK.

Nakalaban na niya ang halos lahat ng legendary sa abwat class. Kabisado na rin niya ang lahat ng mga class.

Pinakikilos ng utak niya ang kanyang katawan. Hinasa niya ang sarili niya sa pamamagitan ng mga PK at death.

Hindi madali ang pagiging isa sa pinakamalakas sa mga assassin.

Dahil sa mga karanasan niya at kontrol sa kanyang katawan, magiging isa sa pinakamalakas na nilalang siya dito sa Feinan Continent. 

Pero kailangan niya pa ng oras para maabot 'yon. Kailangan pa niya ng oras para magpalakas.

Subalit, oras ang pinakasalat sa kanya ngayon. Dahil malapit na ang Great Calamity!

Tumaas ang respeto ng Bramble team kay Marvin dahil natalo nila ang anim na mutated aardwolf na walang nalalagas sa kanilang pwersa.

Ganoon talaga ang mga adventurer.

Mag-iiba ang tingin nila sayo kapag nagpakita ka ng pambihirang lakas.

Kahit na si Anna ang bumuo ng plano, kung hindi sa agarang desisyon ni Marvin na pumatay ng isang mutated aardwolf, pati na ang matapang nitong pagsagupa sa nagliliyab na aardwolf, baka napahamak o namatay na ang iba sa kanila.

Walang sina-santo ang labanan, kahit sino maaring mamatay!

Sa kabilang banda, wala namang naging problema ang grupong humarap sa apat na mahihinang gnoll.

Kahit na nagbabalak pa rin gumawa ng gulo si Cat, kapag nabalitaan ng madla na hindi nadispatya ng siyam na expert ang apat na gnoll, papanget ang reputasyon nila at wala ng kukuha sa kanila.

Pagtapos siyang pagbantaan ni Marvin kagabi, ni hindi na siya makapag-isip ng masamang gawain.

Lalo pa at tuluyang ng sumapi sa kanila ang kabilang grupo. Napansin ni Cat na nagbago ang pagtingin ng mga ito kay Marvin.

Ito ang uri ng paggalang na mahirap ipaliwanag.

Para bang nakumbinsi niya ang mga ito dahil sa lakas niya.

Hindi alam ni Cat kung ano ba ang nagyari sa loob ng gubat pero mukhang nagpakita ng pambihirang lakas si Masked Twin Blades. Dahil hindi naman magiging ganito ang tingin ng mga mapagmataas na Bramble kay Marvin kung hindi.

Napagtanto ni Verne na hindi kasing lakas ng kabilang grupo ang grupo niya. Kaya naman wala na siyang balak gumawa ng gulo.

Mas mabuting tapusin na lang nila ang kanilang misyon. Mukhang hindi na niya makukuha ang pabuyang inalok ng kanyang kausap.

Nagbago na ang isip niya kaya naman naging maagap na ito uli. "Anong susunod na gagawin? Pupuslit papasok sa palasyo?'

"Pupuslit?" Umiling si Anna, "Hindi, susugod na tayo."

"Pero hindi ang palasyo, ang minahan sa dakong hilaga!"

Sa minahan, dalawang mutated aardwolf ang hindi mapakiling nagbabantay ng kapaligiran.

Walang kaalam-alam ang dalawang gnoll na naroon sa kung ano ang paparating.

"Kalahati lang sa inyo ang susugod," Sabi ni Anna na sinusunod ang plano ni Marvin. "Papatayin natin silang lahat bukod sa isang patatakasin natin."

"Patatakasin?" Hindi makapaniwala ang lahat.

'Hahayaan nating tumakas ang isa para ipaalam kung ano ang nangyayari?'

'Mas mabuti ba 'yon kesa palihim tayong umatake?'

"Ahh. Naiintindihan ko na." Ika ng kapitan ng mga Lynx na kilala sa pagkakaroon ng mabilis na pag-iisip. "Kalahati lang ang pasusugurin natin para hindi nila malaman ang tunay na dami at lakas natin. Bilang isa itong caster, mayabang 'to. Mamaliitin tayo nito dahil sa isang nakatakas."

"Dahil dyan, hindi na natin kailangan sugurin ang palasyo. Sila na mismo ang pupunta sa minahan para hanapin tayo!"

Tumango si Anna. "Tama, ganoon na nga."

"Pero teka! Paano kung hindi pala ganoon kayabang ang gnoll Sorcerer? Sasayangin natin ang pagkakataon ng isang lihim na pag-atake?" Tanong ni Verne.

"Kung hindi gumana ang patibong na 'to. May isa pang planong binigay sa akin si Lord Marvin." Mahinahong paliwanag ni Anna, "Gawin na muna natin ang naunang plano."

"Kami na muna ng garrison ang bahala dito."

Nang marinigi ito'y hindi na maawat ang mga kabataang mula sa White River Valley.

Gustong-gusto na nilang makapaghiganti sa mga gnoll.

Napilitan silang lisanin ang kanilang lupain at manirahan sa mga bayan sa bundok dahil sa mga gnoll. Hindi naiintindihan ng mga adventurer ang nararamdaman ng mga 'to.

Pera lang ang dahilan kung bakit sila nandito.

Pero para kina Andre at iba pa..

Nandito sila para sa kanilang lord, at para sa kanilang dignidad!

"Mga kasama!"

Itinaas ni Andre ang kanyang espada gamit ang dalawang kamay. Isa rin siyang fighter gaya ni Gru. Mas mababa nga lang ang kanyang level dahil level 4 lang siya.

Halos pare-pareho namang mga level 3 hanggang level 4 class holder ang iba pang mga miyembro ng garrison. Ang kanilang koneksyon sa isa't isa at ang magaganda nilang kagamitan ang kanilang lamang sa iba pa.

Mga hand equipment na galing sa defense army ng River Shore City. Kahit na medyo may kalumaan na ito, maayos pa naman ang mga 'to.

Wala ng ibang nasabi si Andre kundi:

"PATAYIN SILA!"

Nabuhayan ng loob ang mga miyembrong nasa likuran niya!

Kay tagal nilang hinintay ang pagkakataong ito!

Halos hindi na sila makahinga sa tagal!

Ang mga putanginang gnoll na sumakop sa kanilang tahanan!

Kung hindi lang dahil sa utos ng kanilang lord ay handa silang makipaglaban hanggang kamatayan sa mga ito.

Ngayong ibinigay na ng kanilang kapitan ang utos, wala ng pumipigil sa mga 'to.

Dalawang salita lang!

Patayin sila!

Nagulat ang mga gnoll fighters nang biglang lumabas mula sa kagubatan si Andre at ang garrison.

"HAAH!" Sigaw ni Andre habang iwinawasiwas ang kanyang espada na hinawa na parang gulay ang dalawang gnoll na nakabantay.

Ganito rin ang iba pang gwardya na matapang na sinalakay ang iba pang mga kalaban.

Dumanak ang dugo!

Tatlong minuto lang ang itinagal ng labanan!

Natapos agad ito.

Parehong namatay ang mutated aardwolf sa saksak dahil kina Anna at Andre. Habang nagkalat naman ang bangkay ng mga gnoll.

Isang gnoll lang na mas mabilis tumakbo kumapara sa iba ang nakatakas. Ngunit, sadya naman talaga itong pinalusot.

Ang mga gnoll na nasa labas ng minahan ay natalo sa isang iglap!

Sunod na dito ang pag-iimis. Kahit na mahirap lang ang mga gnoll, baka mayroong kapaki-pakinabang na mga bagay silang dala.