'Isang +1 na item!'
Kahit na isang uncommon item ang turing rito, hindi ganoon karami ang tao sa Feinan na kayang mag-enchant ng isang item!
Masaya si Marvin. Hindi niya mapigilang matuwa at paglaruan ang Kingfisher Jade Dagger habang hawak-hawak ito.
[Kingfisher Jade Dagger (+1)]
Quality: Uncommon
Attack: 6 – 9
Effect: Armor Break +5
Enchantment (+1): Parry +5
…
Mukhang ginagamit ng Shepherd ang dagger na 'to para protektahan ang kanyang sarili. Magkaibang-magkaiba ang armor break at parry.
"Dagger na kayang mag-parry…"
Hindi mapigilang matawa ni Marvin sa enchanter na naglagay ng parry sa isang dagger. Pero kung iisipin nga naman, kapaki-pakinabang din naman ang parry na 'to depende sa sitwasyon.
Dahil hindi thief si Marvin, kahit na mananatiling maayos ang kanyang opensa at galing kapag hawak ang isang curved dagger sa kanang kamay at isa pang dagger sa kaliwa, mapapahina pa rin nito ang kanyang two-weapon fighting na skill.
At dahil dito, maari na lang niyang magamit ang dagger na ito bilang ikatlo niyang dagger.
Pinalitan niya ang isang common dagger sa kanyang baywang ng kingfisher jade dagger na nakuha niya. Para sa oras na kailanganin niya ito, bibitawa niya lang ang kanyang curved dagger saka ito gagamitin.
Dumami ang mga taktikang maari niyang gamitin sa pakikipaglaban.
Kaso nga lang, wala siyang nakuhang curved dagger mula sa baul.
Kung isang curved dagger ang nakuha niya, tataas sana ng isang rank ang kanyang fighting attribute.
'Kapag nabawi ko na ang teritoryo ko, kailangan makabili na ko ng magandang mga curved dagger.' Naisip ni Marvin.
Ang mga dagger ang ginagamit ng mga dual wielding ranger sa paghahanap-buhay. Nakakahiya naman kung isang pares lang ng common daggers ang kanyang gamit.
…
Bukod sa bote at dagger, mayroon pang lamang sobre ang baul.
Selyado ang sobre. Tutal patay naman na ang shepherd na 'to, binuksan ni Marvin ang sobre matapos tingnan kung mayroon ba itong patibong o sumpa.
May laman itong liham na nakasulat gamit ang espesyal na lenggawahe ng mga Shepherd.
Kaya tiningnan ni Marvin ang kanyang Noble's language mastetry, ngunit wala ito dito kaya hindi niya ito mababasa.
Hindi na niya ito ikinagulat.
Pawang mga masasamang element ang organisasyon ng mga Shepherd, kasama na ang mga tagasunod ng Plague God, pati na ang Twin Snakes of Doom. Mayroon silang lihim na paraan ng pakikipag-usap. At sino mang hindi isang shepherd ay mahihirapang basahin ang kanilang kasulatan.
Mortal na kaaway naman ng mga ito ang [Migratory Bird Council] sa dakong hilaga. Isa silang makapangyarihang kupunan na binuo ng mga druids na nasa legendary ang level.
Nagtatanim ang mga shepherd kung saan-saan ng mga nakakalasong binhi. Binabagabag naman ng mga binhing ito ang ano mang nilalang. Kaya naman nagalit ang mga druids dahil dito.
Bilang sila ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan ng kalikasan, nais nilang mapuksa ang lahat ng mga shepherd.
Marahil kayang mabasa ng mga druids ang lenggwahe ng mga shepherd.
…
Matapos makuha ni Marvin ang mga nasa loob ng baul, wala ng dahilan para manatili pa siya sa loob ng minahan.
Pagkatapos niyang siguruhing wala siyang nakaligtaan, sinumulan na niyang maglakad palabas ng minahan.
Sa pagkakataong ito, wala na siyang nakasalubong na mga earth spirit.
Subalit pagbalik niya, nakita niyang gising na ang lahat at handa ng makipaglaban!
Nagtago ang karamihan ng mga adventurer sa mga puwang sa pader ng lagusan o di kaya ay sa mga bagay na nasa kampo nila.
Tanging ang garrison lang ng White River Valley ang naka-abang sa likod ng barikada sa kanilang kuta.
May itinaas na sulo sa gitna ng dilim sa malayo. Maaaninag ang ilang nagliliwanag na mga mata kasama nito.
Dumating na ang mga gnoll!
…
'Ang bilis nilang bumalik!'
'Akala ko aabutin man lang sila ng hanggang tanghali bukas. Di ko inakalang di magaalinlangang sumugod agad ang gnoll Sorcerer.'
Tahimik na pumunta si Marvin sa tabi ni Anna. Nagtanong siya para maintindihan kung ano ang nangyayari.
Kadarating lang ng mga gnoll.
Mabuti na lang at may dalawang ranger na nagbabantay. Isang archer na nagngangalang Joey ang isa sa kanila.
Mayroon din itong kaparehong class pero mayroon siyang espesyal na katangian: ang [Farsight].
Matalas ang kanyang mga mata. Kaya niyang maaninag kahit ang mga nagtatagong gnoll scout sa dilim.
Hindi sila natambangan ng mga gnoll dahil sa taong ito.
Mayroon daw apat na gnoll scout ang dahan-dahang papalapit sa kanilang kampo.
Pero agad na pinana ni Joey ang mga ito!
Tumaas ang tingin ni Marvin sa kanya dahil dito.
Tunay ngang may angking galing ang mga taong ito.
"Gumamit siya ng six-arrow scatter shot; apat dito ang tumama sa mga gnoll," bulong ni Anna. "Bibihira ang ganitong marksmanship kahit sa mga pureblood elf."
Tumango si Marvin.
Hindi na kailangan ipaliwanag ni Anna dahil alam niyang kakaiba nga ang ganitong kakayahan.
Siguradong mayroon pa itong ibang espesyal na katangian bukod sa [Farsight], dahil hindi niya ito magagawa ng iyon lang ang mayroon siya.
'Napakagaling na tao..' Isip ni Marvin.
"Ano na ang gagawin natin? Matapos pumalya ng patagong paglusob ng mga gnoll, nag-ingat na ang mga ito at di na sumubok ulit." Pabulong na tanong ni Anna.
Pinagtago niya ang mga adventurer sa minahan para hindi sila makita ng mga gnoll.
Para hindi agad matukoy ng mga gnoll ang kanilang buong pwersa. Tanging ang mga miyembre ng garrison lang at si Joey ang nakita nila.
Mahusay na istratehiya ito.
"Mga gaano karami ang mga gnoll?" Tanong ni Marvin.
Nasa 0 lang kasi ang kanyang paningin dahil nakatago ang buwan ngayon gabi. Hindi niya makita ang dami ng mga kalaban.
"Hindi ko rin alam." Nababahalang iling ni Anna.
Walang sino man sa kanilang grupo ang mga dark vision.
.
Umasa lang si Joey sa kanyang perception para mapansin ang mga scouts. Hindi niya mabilang kung ilang gnoll ang nagmamasid sa kanila.
"Di bale na, malapit na rin naman magbukang-liwayway. Kung di ako nagkakamali, susugod ang mga gnoll na ito pagputok ng araw!"
"Susundin pa rin natin ang orihinal na plano," sabi ni Marvin matapos mag-isip.
Matapos 'yon ay naghanap na ng lugar si Marvin para magpahinga.
…
Bakit naman maghihintay ang mga gnoll na pumutok ang araw?
Simple lang ang sagot dito. Katulad ng mga mata ng lobo ang mga mata nila. Nagliliwanag ng kulay berde ang mata nila sa dilim.
Kaya nakakapagtago ang mga tao sa dilim.
Kaya mas madali silang matutunton kapag hindi palihim ang pagsugod ng mga ito, Mas maraming mamamatay sa kanila.
Hindi tanga ang gnoll Sorcerer. Sa kabilang banda, magaling ang isang sorcerer na kayang pamahalaan ang isang tribo ng mga gnoll.
Malinaw na hindi niya sasayangin ang buhay ng kanyang mga tauhan.
Pagputok ng araw sila sasalakay. Ito na ang pinakamagandang plano.
Ang hindi niya alam, may hinandang malaking patibong si Marvin.
…
Nangyari ang lahat ayon sa inaasahan ni Marvin. Hindi na nagtangkang sumalakay ang mga gnoll dahil pumalya ang pananambang nila.
Nagpahinga na muna ang mga ito sa dakong hilaga ng minahan. Bukod sa paminsan-minsang pag-alulong ng mga mutated aarfwolf, nag-abang lang ang mga gnoll.
Bibihira ang ganitong mga sitwasyon.
Dahil taliwas ito sa karaniwang asta ng mga gnoll.
Natuwa si Marvin dahil isa lang ang ibig-sabihin ng pagiging maayos ng kadalasang magugulong gnoll.
Kasama ng mga ito ang gnoll Sorcerer.
'Sumama nga siya. Wag mo ng subukang tumakas!'
Hindi na makapaghintay si Marvin kahit na umiidlip pa siya.
May kahirapan ang pagpatay sa isang 2nd rank Sorcerer ng isang 1st rank na Ranger. Idagdag mo pa ang magulong labanan.
Kumulo ang dugo niya habang iniisip ito. Kakailanganin pa rin niya ng swerte kahit na malakas siya at may karanasan sa ganitong bagay.
At kung pumalya man ito, may naisip ng paraan si Marvin.
Malaki ang tiwala niya sa kaniyang lakas at talento, pero mas malaki ang tiwala niya sa kanyang talino.
Para kay Marvin, hindi magdadalawang-isip ang isang tunay na expert sa tuwing nakikipaglaban ito.
Sa halip, matatag niyang iaangat ang kanyang sandata at nakaisip na ito ng maraming taktika bago pa man magsimula ang laban…
Ganoong klaseng tao si Marvin.
…
Mabagal ang pagtakbo ng oras, at sa wakas malapit ng magbukang-liwayway.
Isa-isang dinampot ng mga miyembro ng garrison ang kanilang mga sandata at naghanda. Sila ang bahala sa malapitang pakikipaglaban. Dalawa lang ang archer sa kanila.
Kung sabagay, mahal ang pagsasanay ng isang acher, bukod dito, kailangan pinanganak rin silang may angking galing. At isa pa, mahal ang mga pana.
Mabuti na lang at isa ring archer si Joey. Bukod sa kamangha-mangha niyang talento, malaking tulong rin ang magagawa nito.
Hindi na mapakali ang mga gnoll.
Nang biglang anim na aardwolf ang umalulong at biglang kumawala at sumugod.
"Tuso!"
"Ginagamit niya ang mga aardwolf para sirain ang aming depensa sa isang bagsak."
Biglang may naisip si Marvin.
Tunay ngang napakalakas ng mga mutated aardwolf pero may naisip na siyang paraan para kontrahin ito!
Bigla itong tumakbo at sumigaw kay Joey ng. "Tulungan mo kong hanapin ang Sorcerer sa kanila!"