Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 45 - Earth Puppet

Chapter 45 - Earth Puppet

Halata naman kung para saan ang pader ng apoy. Ito'y para mahadlangan ang pag-atake ng mga gnoll.

Pero pinagpapaliban lang nito ang mga kaganapan. Hindi rin nito masasaktan ang mga gnoll.

Habang patuloy ang pagdagsa ng mga gnoll mula sa silangang bahagi, pabigat ng pabigat ang naka-atang sa balikat ng garrison.

Pero buti na lang makipot ang daang pinanggagalingan ng mga gnoll dahil sa naglalagablab na pader ng apoy. Kaya naman hindi sila nadudumog ng mga ito.

Sa mga ganitong pagkakataon, mas lamang ang mga tao dahil mas malalakas sila.

Si Gru, bilang sita ang kapitan ng natural lang na talentado siya.

Siya lang halos ang tumapos sa mga naunang pumasok, sa bawat pag-atake ng kanyang malaking espada, dalawa o higit pang gnoll ang kanyang napapatay!

Hindi kapani-paniwala ang kanyang lakas!

Ginagawa naman ng iba pang mga adventurer ang kanilang trabaho.

.

May kanya-kanya silang mga kakayahan. Mahirap man itong ipamalas sa isang labanan pero dahil maliit lang ang kanilang espasyo, nasusulit nila ang kanilang mga abilidad.

Pinag-isipang mabuti ito ni Marvin.

Hindi magagamit ang mga adventurer bilang mga military, pero mahusay sila sa maliliit na labanan.

Katulad na lang ngayon, hindi pa nila kailangan ang tulong ng garrison. Kinaya na ng Lynx at ng Bramble ang mga gnoll.

Pero panandalian lang ang ganitong sitwasyon.

Dahil malakas man ang mga adventurer, mapapagod at mapapagod din ang mga ito.

Lalo pa at mas marami ang mga gnoll.

.

Kung hindi nila mababasag ang kumpiyansa ng mga gnoll… matatalo sila.

'Kailangan mong umabot!'

Sinaksak ni Anna ang puso ng isang gnoll gamit ang kanyang espada at bahagyang tumingin pa-silangan.

Mabagal ang kilos ni Joey.

Dahil kahit sa distansyang ito, baka mapansin ng Sorcerer ang ano mang paggalaw.

Hindi na niya balak atakihin ng palihim ang Sorcerer. Dahil walang kwenta rin ito.

Mayroong nakapalibot sa lalaking ito, at ang ganitong klaseng harang na maaring ibahin ang direksyon ng pana ay ang kahinaan ng mga archer.

Habang mortal na kalaban naman ng mga assassin ang eye of pain.

Mahirap patayin ang gnoll Sorcerer na ito dahil sa dalawang bagay na ito.

Kailangan ng matining koordinasyon ni Marvin at Joey para magtagumpay.

Huminga ng malalim si Joey at naglagay ng palaso sa kanyang pana!

Hindi matukoy ang direksyon ng ihip ng hangin.

Tutok ang atensyon ng gnoll Sorcerer sa labanan.

Mukhang hindi niya napansin ang dalawang nagbabalak umatake ng palihim.

"Swerte…"

Inasinta ni Joey ang pakay niya saka tuluyang pinakawalan ang pana.

Woosh!

Natunton si Joey nang lumipad na ang palaso.

Napansin agad ng mga gwardya ng Sorcerer na may mali, ngunit nag mapansin nila, nakalampas na sakanila ang palaso.

Nagulat ang Sorcerer at bahagyang napaatras, pero sa di inaasahang pagkakataon, hindi diya ang inaasinta ng palaso.

Sa halip, sinadyang hindi siya ang inasinta at tanging sa paanan niya lang ito itinira.

'Ang bobo naman ng human archer na 'yon.'

Ang mga Sorcerer na nagulat ay biglang tinawanan ang pagasinta ni Joey.

Pero biglang umatungal ng kakaiba ang Sorcerer!

Nalaman nitong may taling nakapulupot sa dulo ng palaso!

Napansin din ng Sorcerer na mayroong aninong gumagapang sa di kalayuan. 60 metro ang layo mula sa kanya.

Mabilis na binigkas ni Marvin ang isa incantation!

Buhay pala ang tila ordinaryong lubid, kusa itong humiwalay mula sa palaso at mabilis na pumulupot sa mga paa ng Sorcerer!

Wishful Rope!

Kahit na uncommon item lang ito, kung mahusay ang pagkakagamit dito sa isang labanan, maapektuhan nito ang kalalabasan ng isang laban.

Namutla sa takot ang Sorcerer!

Bumulong siya ng spell para subukang matanggal ang tali.

Pero kahit na mabilis ang kanyang casting speed, mas mabilis pa rin si Marvin!

Hinila niya ang tali at nagbigkas muli ng isa pang incantation!

Nagsimulang lumiit ang tali!

Natumba ang Sorcerer, bumagsak sa lupa at kinaladkad palayo.

Dalawang segundo lang ang lumipas, nasa tabi na siya ni Marvin.

Nagulat ang mga nakabantay na gnoll. Maririnig ang isang malakas na pag-atungal

Pero huli na ang lahat.

May kalmadong ngiti sa mukha ni Joey.

Sinimulan na niyan isa-isahin ang mga gnoll na nakabantay.

"Tapos."

Naisip niya.

Hindi kailanman nagpakakampante si Marvin sa tuwing mayroon siyang kalaban.

Mabilis ang pagkilos ng gnoll Sorcerer, pero mas mabilis pa rin ang twin daggers ni Marvin!

Isa lang ang kahahantungan ng isang caster na ganito kalapit sa isang ranger sa isang laban, kamatayan.

"Plak! Plak! Plak!"

Tatlong atake lang gamit ang dagger, nasira na agad ni Marvin ang barrier ng Sorcerer. Umatake pa ng isa si Marvin para malaslas ang lalamunan ng Sorcerer!

"Klak."

Kakaiba ang tunog ng paghiwa ng leeg ng Sorcerer.

'Sadalai…'

Biglang sumama ang kutob ni Marvin!

'Ang katawang ito…'

Sa mga susunod pang sandali nagsimulang maabo ang katawan ng gnoll Sorcerer. Sa isang iglap naging isang earth puppet ito na kahugis ng isang gnoll.

"Punyeta!" Napamura si Marvin, "Earth puppet lang pala! Tanginag Sorcerer 'yan! Nalinlang ako dun ah!"

Hindi pa napapatay ni Marvin ang gnoll Sorcerer!

Isa lang itong earth puppet na nag-anyong gnoll Sorcerer!

Nagtatago pa rin ang tunay na gnoll sa iba pang mga gnoll.

Nakita ni Joey ang buong pangyayari at nagulat.

Pero sa pagkakataong ito, ilang boses ang maririnig mula sa likod ng burol!

Pinapangunahan ng isang gnoll adjutant na nakasakay sa isang mutated aardwolf ang isa pang kupunan ng mga gnoll na pasugod!

Si Marvin ang pakay nila!

'Patay na kami nito.' Eto na lang ang tanging naisip ni Joey.

"Joey! Mauna ka nang bumalik!" Sigaw ni Marvin.

Gumawa siya ng isang desisyon sa kritikal na pagkakataon at binigay ang kautusan.

Masyadong malapit si Marvin. Hindi na siya makaktakbo sa gnoll adjutant at ang sinasakyan nitong mutated aardwolf.

Di tulad ni Joey na nasa malayo, kung ibibigay niya ang lahat ng lakas niya sa pagtakas, maari niya tong magawa at makabalik sa kanilang kampo.

Nagbalak na ang archer na umalis at tumakbo!

Tutal mismong ang Masked Twin Blades na ang nagsabi, wala na siyang rason para manatili pa roon.

Pumalya na ang plano.

Talagang tuso ang gnoll Sorcerer.

Pero bago pa man ito tumakbo, tinuro nito ang paparating na hukbo ng mga gnoll!

Isang Malabo at pimipitik-pitik na liwanag ng sinag ng liwanag, at isang malaking symbol ng dalawang espadang naka-krus, ang dumapo sa isang maliit na gnoll.

Ito ang tunay na gnoll Sorcerer!

Ipinamalas na ni Joey ang kanyang lakas. 

Sapat na ang kanyang kinalalagyan kung gusto niya pang ituloy ang plano.

Matapos ang 'yon, agad ng lumikas palayo ang archer.

Tanging si Marvin na lang ang naiwan para harapin ang sisentang mga gnoll!

Kasama pa dito ang tatlong mutated aardwolf at isang Sorcerer.

Mukhang mayroong kaguluhan sa kampo.

Humihina na ang apoy sa pader na apoy, kaya mas lumalaki ang panganib na kinakaharap ng grupo.

Sa katunayan, maraming adventurer ang nasaksihan ang pangyayari matapos pakawalan ni Joey ang palaso.

Masaya silang nagdiwang noong matagumpay na naipulupot ang wishful rope sa paa ng gnoll Sorcerer.

Akala nila'y panalo na sila.

Wala ng silbi ang mga gnoll kapag nawala ang gnoll Sorcerer na namumuno sa kanila.

Siguradong panalo na sila!

Pero hindi nila inasahan ang mga susunod na nangyari.

Kahit na halos di na nila ito makita dahil sa sobrang layo nito. Pero masama ang ibig-sabihin ng pagtakas ni Joey kasama ng paglitaw ng isa pang hukbo ng mga gnoll mula sa burol.

Hindi nagtagumpay si Masked Twin Blades!

Eto ang naisip ng lahat.

Hinati ng gnoll Sorcerer ang kanyang mga sundalo. Ang dalawang naunang pag-atake ay pain lamang.

Layunin lang nitong piliting lumabas ang alas ng mga ito.

At kitang-kitang naging matagumpay 'to.

Pinanghinaan ng loob ang mga adventurer.

Naaninag nilang mag-isa na lang nakatayo si Marvin sa paanan ng burol na haharapin ang higit sa 60 mga gnoll.

Tanging isang 2nd rank na may bukod-tanging defensive melee ability lang ang maaring mabuhay sa paglusob na gaya nito.

Isang ranger? Kahit na panlahatan ang ganitong class, hindi nito kakayanin ang ganitong klaseng sitwasyon.

Kahit na si Masked Twin Blades pa siya, siguradong patay siya!

Kinalat ni Verne ang kanyang paningin, nag-iisip na ito ng paraan para makatakas.

Nabigo na ang misyon.

.

Hindi naman sa mahina ang kanilang grupo, sadyang tuso lang ang gnoll Sorcerer.

Pero kahit na malapit ng sumuko ang mga adventurer, Hindi pa rin natitinag ang White River Valley garrison.

Binantayan nila si Marvin at sumigaw si Marvin ng napakalakas, "Tulungan natin siya!"

Hindi inaasahang tumango ang kapitan ng Bramble at sinabing, "Sang-ayon ako."

Ayaw niyang may mangyaring masama kay Masked Twin Blades. Kung talagang nagkaron ng plague ang kanyang anak… Baka hindi siya mapagaling ng kahit isang high level na priest.

Pero mahinahong sinabi ni Anna:

"Hindi pwede!"

"Ipagtanggol niyo ang lugar na ito."

"Walang aalis. Dito lang kayo."

Gulat na tiningnan ng lahat si Anna.

Balak kaya niyang hayaang mamatay ang Masked Twin Blades sa kamay ng mga gnoll?

"Manuod kayong mabuti." Sabik na sinabi ni Anna.

"Minsan lang mangyari ito sa buhay ninyo. Wag niyong palalampasin."