Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 44 - Wall of Fire

Chapter 44 - Wall of Fire

Nagsimula na ang laban. Sinimulan na ng mga gnoll ang paglusob.

Kasabay ng pagputok ng araw sa kalangitan, anim na aardwolf ang kumaripas pasugod. Kasunod ng mga ito ang di mabilang sa dami na mga gnoll.

Kikilabutan ang sino mang makakita nito.

Kahit na hindi ganoon kalakas ang mga gnoll, sapat na ang bilang nila para matalo ang sino man.

Mahirap kalabanin ang ganoong kadaming gnoll kung wala ang tulong ng mga sundalo ng River Shore City.

Nag-aabang na ang lahat sa likod ng kanilang barikada.

Pinili nila ang pasukan ng minahan dahil ito ang pinakamalapit sa dulo.

Mayroon itong burol sa kaliwa habang may gubat naman sa kanan. Kaya mas madali itong depensahan.

Mahigpit na hinawakan ng mga kabataang lalaki ng garrison ang kanilang mga sandata. Handang harapin kung ano man ang gagawin ng mga gnoll.

Noong huling beses nilang ginawa ito, inutusan silang umatras dahil lamang sa bilang ang kalaban.

Pero hindi na sila aatras sa pagkakataon ito!

Ito lang ang paraan para mabawi ang kanilang tahanan!

"Kailangan ko ng oras!"

Nang marinig ng archer na si Joey na tinatawag siya ni Masked Twin Blades, agad itong kumilos at hindi pinahirapan si Marvin.

Alam ng lahat ng beteranong adventurer ang mga dapat gawin sa isang labanan.

Kahit na napagusapan na si Marvin ang haharap sa gnoll Sorcerer, isa lang siyang lone Ranger. Magiging madugo ang laban kapag hindi nila nahanap ang Sorcerer.

Kagilas-gilas talaga si Joey. Hindi naman siya makikilala sa River Shore City kung hindi siya magaling.

Hindi lang sa paghuli sa mga taong gumagamit ng stealth ang kanyang farsight, nagagamit din ito para sa pagmamatyag.

Kahit na medyo madilim pa, nahanap niya agad ang maliit na gnoll!

Nakatayo sa isang burol sa timog-silangan ang maliit na gnoll. May ilang dosenang gnoll ang nakapalibot dito para bantayan.

Hindi sila sumamasa paglusob kasama ng iba pa. Naroon lang sila nakatayo.

Nahati naman sa tatlong pangkat ang pagsugod ng mga gnoll. Pantay ang pagkakadistansya ng mga ito sa bawat isa.

'Mukhang may alam na taktikang pang military ang mga gnoll!' isip ni Marvin. 'Mukhang mataas talaga ang intelligence ng lalaking 'to.'

Kadalasan, magulo at labo-labo ang mga gnoll kapag lumulusob. Pero mukhang mas organisado sila dahil s autos ng Sorcerer.

Hindi magiging madali ang pakikipagsagupa sa mga ito.

Mabilis ring nahanap ni Marvin ang Sorcerer sa tulong ni Joey.

Basta mapatay niya ang gnoll na 'yon. Mapapadali na ang labanan.

Mayroon lang isang problema.

Malayo sila sa isa't isa. Nakatago sa kampo si Marvin habang nakatayo naman ang matalinong Sorcerer na 'yon sa isang malayong burol sa dakong timog-silangan.

Binabantayan rin ito ng iba pang gnoll.

Hindi gagana ang stealth sa sitwasyong 'to. Mayroong eye of pain ang Sorcerer na ito, kaya kung sino mang gimamit ng stealth ay siguradong mahuhuli.

"Joey, tulungan mo ko!" Pinagisipang mabuti ni Marvin bago niya tawagin ang archer.

Agad namang pinuntahan ni Joey si Marvin.

Maingat siyang kumilos kaya hindi siya napansin ng mga gnoll.

"Papatayin ko ang gnoll Sorcerer na 'yon."

"Pero kailangan ko ng tulong mo. Kailangan muna natin silang ikutan."

"Kaya mo bang mag Stealth? Di bale na pala, hindi naman natin kailangan lumapit ng sobra. Limitado lang ang saklaw ng eye of pain." Mabilis na ipinaliwanag ni Marvin ang kanyang plano.

Panandaliang nag-isip si Joey nang marinig ito, pakiramdama naman niya kaya naman nila itong gawin.

Sumenyas si Marvin kay Anna, saka gumamit ang dalawa ng stealth at nagtungo sa silangang bahagi ng kanilang kampo.

Para naman sa mga nasa unang hanay ng depensa, malapit nang maabot ng anim na mutated aardwolf ang kampo nila.

"Nanigas na bas a takot si Anna?"

"Nagsimula na ang laban pero hindi pa rin niya tayo tinatawag."

Tinitingnan lang ni Cat mula sa loob ng kweba ang sitwasyon. Hindi na siya makapagpigil.

Hindi na rin mapakali ang iba pang miyembro ng Lynx.

Sa tingin nila, hindi kakayanin mag-isa ng garrison ng White River Valley ang pagsalakay na ito.

Kapag natalo sila, malalagay rin sila sa panganib.

Dapat pinadispatya na sa kanila ang mga gnoll na 'yon.

Bakit hindi pa binibigay ni Anna ang utos?

Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari.

Sa kabilang banda, kalmado naman ang isa pang kapitan na si Gru.

Pinapanuod niya lang rin ang aganapan habang mahigpit na hawak ang kanyang mabigat na espada. Isa lang ang sinabi niya sa mga miyembro niyang hindi rin mapakali:

"Maghintay pa tayo ng kaunti."

Agad namang huminahon ang mga miyembro ng Bramble.

Sa dami ng kanilang pinagdaanang laban, may tiwala na sila sa salita ng kanilang kapitan.

Walang problema sa kanila ang maghintay pa ng kaunti dahil sa kapitan nila ito nanggaling.

Pero nagtataka rin naman sila. Pagkatapos itayo ang mga barkada at kanilang kuta kahapon, bigla na lang nawala ang ibang miyembro ng garrison. Walang nakaka-alam sa kung saan sila nagpunta o ano ang ginawa nila.

Paano nila kakalabanin ang mga napakalakas na aardwolf?

Nakuha rin nila agad ang sagot sa tanong nila.

Noong malapit na sa kanilang kuta ang mga aardwolf, si Andre, na pinapanuod rin ang nangyayari, ay biglang sumigaw ng: "Ngayon na!"

"Blag!""Blag!"

Biglang umalingawngaw ang ingay sa buong kagubatan!

Natulala ang lahat.

Biglang napukaw ang atensyon ng mga adventurer. Hindi nila alam kung ano ang nangyari. May mga lubid na nakatali sa dalawang malaking puno na nasa labas ng minahan.

Nakatali rin ang lubig sa iba pang malalaking puno.

Inutusan ni Andre ang dalawang miyembro ng garrison na nakatago sa gubat na putulin ang mga lubid na 'yon.

"Tsak!"

Biglang nagsimulang tumumba ang mga puno!

At pabagsak ito sa direksyon kung saan nangyayari ang laban!

Nagulat ang mga mutated aardwolf. Sinubukan nitong bagalan ang kanilang takbo pero sa sobrang bilis nila hindi na sila nakahinti.

Dalawang Segundo lang ang lumipas at tuluyan ng bumagsakng ang dalawang malaking puno sa lupa kasabay ng malakas na ingay!

"Bugush!"

Nagkalat ang alikabok sa paligid.

Nayanig ang lupa!

"Kaya pala!"

"Pinutol na ang punong 'yon at nanatili lang nakatayo dahil sa mga tali. Hindi ito napansin ng mga gnoll."

"Isang henyo ang nakaisip nito."

Kuminang sa pagkamangha ang mat ani Verne habang patuloy ang kanyang pagpuri sa nakaisip nito.

Manghang-mangha rin ang iba pang mga adventurer. Para sa kanila, napakahusay na matalo ang kalaban ng hindi ka nakikipagsagupaan.

Natakot ang mga gnoll sa pagbagsak ng mga puno!

Maririnig ang mga alulong ng mga mutated aardwolf na napisa dahil sa pagbagsak ng mga puno.

Habang ang isa pang aardwolf na hindi agad nakatigil sa pagtakbo ay pumutok ang ulo sa bilis at lakas ng pagbangga ang ulo nito sa puno.

Sa kasamaang palad, sinwerte ang iba pang mga aardwolf na nagawang pabagalin ang takbo at natalunan ang mga puno!

Pero biglang nagbato ng sulo ang isang miyembro ng garrison!

Nahulog sa puno ang sulo. Agad na nagliyab ang trosong ballot ng pine grease!

Dalawang pader na apoy ang nagliyab sa gitna ng mga nasa kampo at ng mga gnoll.

Ang dalawang Mutated aardwolf na tumalon sa mga puno ay nasunog ang mga balahibo.

Natakot ang dalawa na ituloy ang paglusob.

Mas natakot naman ang mga gnoll na hindi alam ang kanilang gagawin.

Habang nabuhayan naman ang mga tao dahil sa nagtagumpay na plano!

Itinaas ni Anna ang kanyang espada at sumigaw ng, "Gru! Verne!"

"Ngayon na!"

Agad na lumabas ang dalawang kapitan mula sa minahan.

Ang dalawang aardwolf na tinalunan ang pader ng apoy para maiwasan ito, ay agad namang pinalubutan ng mga adventurer at pinatay.

Nagbago na ang sitwasyon!

Sa labas ng minahan, napukaw naman ang atensyon ng Sorcerer sa taktika ng White River Valley garrison na putulin at silaban ang puno.

Kitang-kita ang gulat sa mukha ng payat at maliit na gnoll Sorcerer.

Hindi niya naisip na gagamit ng ganitong stratehiya ang kalaban.

Umatungal agad ito ng ilang beses, sinamantala ang kanyang racial skill na [Communicatot] para utusan ang lahat ng mga gnoll.

Ang [Communicator] na skill ay isang likas na skill. Mas mabilis nakapagbibigay ng utos ang gnoll Sorcerer dahil dito.

Wag niyong pansinin nag pader ng apoy. Ikutan niyo. Tapusin sila!

Eto ang kanyang mga inutos!

Sa utos ng gnoll Sorcerer, naghanap ng madadaanan ang mga gnoll para masunod ang utos ng Sorcerer. Dumaan ang mga ito sa dakong silangan para malusob ang kampo ng kalaban.

Biglang may dalawang taong naka-Stealth ang tumigil 80 metro mula sa burol.

"Malapit na tayo," bulong ni Marvin. "Mpapansin na niya tayo kapag lumapit pa tayo. Gawin mo ang makakaya mo para gumana ang plano."

Tahimik na inilabas ng archer na si Joey ang kanyang pana at seryosong sinabing"

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."