Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 37 - Tactics

Chapter 37 - Tactics

Ang mga mutated aardwolf ang pinakamalakas sa buong tribo ng mga gnoll.

Hindi nila minamaliit ang mga ito, kahit na ang mga Bramble.

Lumapit ang dalawang kapitan, na napapalibutan ng kanilang mga miyembro. Lumapit rin ang tatlo pang mga adventurer.

"Ayon sa impormasyong nakuha ko, nandito ang mga sentry. Bukas ng gabi, kailangan natin tambangan ang lugar na ito. Hindi natin maaring hayaang makatakas ang kahit na sinong gnoll o aardwolf."

"Mayroong dalawang fighter na gnoll habang archer naman ang dalawa pa. Madali lang naman talunin ang mga 'to. Ang mahirap kalabanin ay ang anim na mutated aardwolf."

Naglabas si Anna ng isang lumang mapa at sinulat ang sitwasyon sa isang sulok nito.

Maayos ang kanyang oagkakasulat. Ilang pangungusap lang 'to pero naipaliwanag na nito ng mabuti ang sitwasyon.

Kahit ang dalawang kapitan ay hindi mapigilang mamangha. Tunay ngang talentado ang half-elf na 'to.

"May mga sentry sa magkabilang dulo ng kagubatan. Pwede nating gamitin ang kagubatan para magtago, pero malakas ang dexterity ng mga aardwolf na 'to. May iba ba kayong naiisip na paraan?" Tiningnan ni Anna ang dalawang kapitan.

May plano naman na talaga si Marvin. Gusto niya lang tanungin muna ni Anna ang mga adventurer.

Gusto niyang malaman kung may mga talentadong tunay sa mga ito.

Hindi nagsalita si Cat. Katatapos lang talunin ni Masked Twin Blades ang isa sa mga tagasunod niya kaya wala siyang gana magsalita.

Kung titingnan ang sitwasayon, hindi nila masisira ang misyong ito ng hindi nahahalata.

Wala na siyang magagawa kundi magdasal na magkamali sila at matalo sa labanan.

Nang sa gayon, makuha pa rin nila ang bayad at hindi masisira ang kanilang reputasyon.

Kaso nga lang, may naisip na ibang paraang ang isa pang kapitan.

Bilang kapitan ng Bramble, maraming karanasan pagdating sa ganito si Gru. Bumulong siya saglit bago tuluyang magsalita, "Baka pwede tayong gumamit ng mga patibong. Mahirap kalaban ang mga mutated aardwolf na to kaya hindi natin sila kayang labanan ng harap-harapan. Pero pwede natin silang painin para mahulog sa patibong natin."

"Kadalasan na nasa level 2 ang isang pangkaraniwang gnoll, at malamang mas mataas ang level ng mga aardwolf kumpara sa kanila. Ibig sabihin, hindi ang mga sentry ang nagmamanipula sa kanila."

Makikita ang ngiti sa mukha ni Anna. Mukhang tunay na maasahan ang mga Bramble.

"Pareho tayo ng naisip mister Gru. Ganyan din ang binabalak ko. Una, pasusunurin natin ang anim na aardwolf patungo sa mga patibong na ilalagay natin sa gilid ng gubat. Pagkatapos, tsaka natin sila papatayin gamit ang pamamaraan na naisip ng aming lord."

"Pwede nating pagusapan ang mga detalye mamaya. Mister Verne, total ang aming garrison at ang Bramble ni Mister Gru na ang bahala sa anim na mutated aardwolf, kayo na ng Lynx ang bahala sa apat na gnoll. Ayo slang ba 'yon?"

Nginitian ni Anna si Cat.

Walang nagawa si Cat.

May masasabi pa ba siya tungkol ganitong klaseng plano?

Kaya naman siguro ng magagaling na Lynx ang ang apat na gnoll, hindi ba?

Kung sa ganoong paraan nila sisirain ang plano, mapapahiya sila at masisira ang pangalan nila sa River Shore City.

Wala namang kailangan gawin ang talo pang adventurer para sa unang laban.

"Medyo gabi na, pwede na kayong bumalik sa kwarto niyo mister Vern at iba pang mga Lynx para magpahinga."

At pinaalis na ng ani Anna ang mga miyembro ng Lynx.

Halata naman ang ibig niyang mangyari. Ang garrison at ang Bramble ang magtutulungan para dispatyahin ang anim na aardwolf. Kaya naman kailangan nila ng matinding plano.

Subalit, ayaw ni Anna na marinig ng mga miyembro ng Lynx ang kanilang gagawin.

Nag-iba ang mukha ni Verne, pero bigla ring tumayo si Masked Twin Blades at umakyat sa ikalawang palapag.

Bumalik na rin ang tatlong adverturer sa kanilang mga kwarto.

Walang ibang nagawa ang mga napahiyang miyembro ng Lynx kundi umalis na rin sa sala.

Tanging si Anna at Gru na lang ang natira para pag-usapan ang kanilang gagawin bukas.

Medyo marumi ang banyo sa ikalawang palapag. Hindi na ito gaanong nalilinis ng matanda dahil wala naman masyadong bisita ang pupumunta sa inn.

Bumalik na ang ibang miyembro ng Lynx sa kanilang kwatro kaya mag-isa na lang na nagtungo sa banyo ang malungkot na Cat.

"Pucha! Nahirapan pa kami eh dapat madali lang ang lahat."

Malungkot siyang pumasok ng banyo.

Nang biglang, may dagger na biglang tinutok sa kaniyang leeg.

May taong nakatago sa dilim ng banyo.

Masked Twin Blades!

"Anong kailangan mo?" Gulat na tanong ni Cat.

Alam niya kung gaano kahusay ng hiding skill ng mga ranger dahil isa rin siyang ranger.

Pero hindi niya inakala na magtatago ang Masked Twin Blades sa banyo para lang tambangan siya.

"Ano bang iniisip ng taong 'to? Papatayin niya ba talaga ako?"

Pinagpawisan siya ng matindi habang iniisip 'to.

"Wag kang gagawa ng kahit anong katangahan." Nakakatakot sa sabi ni Marvin.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Nanigas si Cat. Napansin ni Marvin ang patago niyang pagbunot ng kanyang sariling dagger.

"Hindi dapat nangingielam ang isang basurang tulad mo sa labanan ng mga makapangyarihang tao ng River Shore City." Sabi ni Marvin. "Alam ko ang tungkol sa taong nag-utos sayo. … Iniisip niyang si baron Marvin ay isa lang batang noble. Hindi niya alam na hindi ganoon ka-simple ang mga bagay."

"Ituring mon a pagmamagandang loob ko ang pagbibigay ko ng babala sayo. Kapag may ginawa kang isang bagay na magiging dahilan para hindi mabawi ang White River Valley, at pumalya ang aking misyon, hindi mo rin makukuha ang pabuyang pinangako sayo."

"Maniwala ka sa akin, maliit na bagay lang 'to. Madali lang ang pumatay para sa akin."

"Blag!"

Itinulak ni Marvin si Cat at itinago na ang dagger saka umalis ng banyo.

Pawis na pawis si Cat. Nagpapaulit-ulit na parang sirang plaka ang mga pagbabanta ni Marvin.

Nakakatakot siyang nilalang.

Nagdalawang-isip siya dahil sa sinabi ng Masked Twin Blades sa kanya.

Gipit na gipit na ang noble na si baron Marvin. Kaya paano siya nakakuha ng isang napakalakas na expert?

Hindi kaya may sumusuporta sa kanya?

Nanginginig sa tako si Cat sa dami ng kanyang iniisip.

Hindi dapat nakikisawsaw ang maliit na grupo gaya nila sa gulo ng mga mga makakapangyarihang tao. Baka mamatay lang sila kapag hindi sila nag-ingat.

'May nabanggit ng Masked Twin Blades na isang misyon.. hindi kaya mayroon ding nag-uutos sa kanyang bawiin ang White River Valley? At mukhang hindi si Marvin 'yon.'

'Siguradong makapangyarihan ang taong 'yon para makapagpadala ng ganoon kalakas na expert. Malaking gulo ang ginawa ng Masked Twin Blades sa loob ng siyudad pero hindi pa rin ito nahuhuli hanggang ngayon.

'Wag mong sabihing…!?'

Biglang may naisip si Cat! Halos mamatay siya sa takot!

Mga wizard!

Biglang nag-anunsyo ang mga napakalakas na mga wizard na wala silang nakitang bakas ng may pakana ng pagkamatay ni Miller. Isang malaking kalokohan 'yon.

Magmula ng pagharian ng mga wizard ang era na 'to. Alam ng lahat na kaya nilang gawin ang kahit ano.

'Imposible namang hindi nila mahanap ang pumatay, hindi ba?'

Buko na lang kung nagtatrabaho ang Masked Twin Blades para sa hepe ng wizard regiment!

Magiging malinaw ang lahat kung ganito nga ang nangyari!

Pambihira ang pag-iisip ni Cat. Naisip na niya lahat 'to sa loob lang ng ilang sandali.

'Diyos ko! Kung ganoon, kakampi pala ng mga City Lord si Masked Twin Blades.'

'Hindi lang pala ang munisipyo ang tuta ng City Lord! Muntik ko nang kalabanin ang isang City Lord!"

'Diyos ko, 'yon pala ang nangyari..'

Sampung minutong nakatayo at nag-iisip lang si Cat sa may pintuan ng banyo.

Nang biglang dumating si Gru mula sa baba at tiningnan ng kakaiba si Cat.

Biglang napagtanto ni Verne na kakaiba ang kinikilos niya. Tahimik siyang bumalik sa kanyang kwarto.

Bumalik rin si Grus a kanyang kwarto. Bago pa man niya maisara ang pinto may naramdaman siyang mali kaya kinuha niya ang malaking espadang nasalikuran niya.

Mayroong mali!

May ibang tao sa kwarto niya.

"Wag kang matakot." Biglang sumindi ang isang kandila. Nakaupo lang si Marvin habang tinitingnan si Gru. "Gusto lang kitang makausap."

Hindi pa rin nagpakakampante si Gru. Sino ba naman ang magiging kampante kapag kasama niya ang Masked Twin Blades?

Hawak pa rin nito ang kanyang mabigat na espada, at handing umatake ano mang oras.

"Anong pag-uusapan? Hindi naman tayo magkakilala." Sabi ni Gru.

"Pag-usapan natin ang anak mo. Gusto kong malaman kung ano ang sakit niya," seryosong tanong ni Marvin.

Natulala si Gru.