Lagi namang lumalabag sa batas ang mga adventurer, pero mapagkakatiwalaan sila.
Dahil umaasa ang karamihan sa katanyagan nila para mabuhay. Kahit na hindi pa gaanong maayos ang komunikasyon sa mundong 'to. Bilang lang ang mga adventurer na hindi tumutupad sa usapan.
Tulad na lang ng paghingi ng karagdagang bayad bago pa man magsimula ang laban.
Galit na tinitigan ni Anna ang anim na lalaki.
Nasa likuran na ni Anna ang buong garrison ng White River Valley. Namumula na rin sa galit ang mukha ni Andre. Kung hindi lang siya pinigilan ni Anna, nakipagtalo na ito sa mga adventurer.
Minabuti na lang ng siyam na iba pang adventurer, ang Bramble at ang tatlong pa, na manuod na lang.
Mukha namang tutupad ang mga 'to sa usapan.. pero alam ni Anna na kapag hindi niya napigilan ang kabilang grupo kakailanganin niyang makipagkasundo sa mga 'to.
At kapag nangyari 'yon, hihingi rin ng karagdagang bayad ang iba pa.
Makatwiran naman 'to.
"Napag-usapan na natin 'to." Sinubukang manatiling mahinahon ni Anna habang kausap sila. "Pumirma na kayo at alam niyong masisira ang pangalan niyo kapag hindi kayo tumupad sa usapan."
Ang nagsisimula ng gulo ay ang isa pang maliit na grupo bukod sa Bramble. Nakilala lang ang grupong ito noong mga nakaraang anim na buwan dahil sa dami ng natapos nilang misyon.
Galit na galit na si Anna; gusto nilang baguhin ang kontrata at humingi ng mas mataas na pabuya.
Doble ang presyo na hinihingi nila!
Hindi 'to kapani-paniwala. Hindi naman ganito umasta ang mga low level na adventurer. Hindi siya tanga. Naramdaman niyang mayroong mali.
Hindi lang 'yon ang pakay ng mga adventurer.
'Mukhang gusto nilang maantala ang operasyon.'
Naramdaman 'to ni Anna sa mata ng pinuno ng mga [Lynx].
'Mayroon kayang nag-utos sa kanila na tanggapin ang alok naming at hindi tumupad sa usapan? Para hindi matuloy ang pagbawi saWhite River Valley.' pag-iisip ni Anna.
…
"Miss Anna, mapagkakatiwalaan mo kaming Lynx."
Isang ranger na may albinism ang pinuno ng Lynx. Masama man ang panlabas niyang anyo, pambihira naman ang galing nito.
Verne ang pangalan ng taong 'to pero Cat ang palayaw niya.
Siya ang pinuno ng Lynx.
Mahinahon niyang sinabi, "Wala namang kaming angal sa nauna nating pinag-usapan."
"Eh bakit ayaw niyong tumupad sa kontrata?" Tanong ni Anna.
"Dahil napag-isipan naming hindi makatarungan ang naunang kontrata," sabi ni Cat. "May lumapit sa aking kaibigan na nagbigay ng impormasyon. Sinabi niyang mayroong Sorcerer ang mga gnoll na nasa White River Valley!"
"Normal lang naman na taasan naming ang presyo dahil caster ang kakalabanin natin, hindi ba? Miss Anna? Kaya dapat nating ibasura ang naunang kontrata at gumawa ng bago."
"Imposible!" Galit na sabi ni Anna.
Nanlisik ang mat ani Cat. Dama ang tensyon sa buong kwarto.
…
Sa mga oras na 'yon, nagsalita na ang pinuno ng mga Bramble, "Kung mayroon ngang caster, dapat lang na ulitin ang kontrata. Pero hindi ko naman alam kung totoo ang impormasyong 'to kaya walang kakampihan ang Bramble sa ngayon."
"Ang gusto ko lang ay kung dodoblehin ang bayad sa mga Lynx, dodoblehin rin ang sa amin. Ayos lang ba?"
Pareho rin ang kagustuhan ng tatlo pang adventurer.
Kung dodoblehin ang bayad sa mga Lynx dapat lang na dagdagan rin ang bayad sa kanila.
Kung hindi, mawawalang sila ng gana magtrabaho.
Huminga ng malalim si Anna at biglang ngumiti.
Kahit na bwisit siya sa paghingi ng karagdagang bayad ng mga Lynx, hindi na siya nagulat. Inasahan na rin ni Marvin na mangyayari 'to.
Naisip n ani Marvin nab aka gamitin 'to ng mga adventurer para magsimula ng gulo.
Parehong magagaling ang Bramble at ang Lynx. Kung ang dahilan ng Bramble ay ang may sakit na anak ng pinuno nila, hindi talaga sila makakatanggi sa kontratang 'to. Pero ano ba ang rason sa pagpayag ng Lynx?
Pinag-isipan at pinaghandaang mabuti 'to ni Marvin.
Habang iniisip to'y biglang sinabi ni Anna na, "Oo, toto. Mayroong Sorcerer na kasama ang mga gnoll na sumakop sa White River Valley. At isa itong level 2 na Sorcerer.
Hindi mapigilang ngumiti ng mga Lynx.
'Pumapayag na ba ang babaeng 'to?' nanlilisik pa rin ang mga mat ani Cat at alam naman ng mga tao kung anong ibig sabihin ng reaksyon nito.
"Kung ganoon, pag-usapan na natin ang panibago nating kontrata."
Ngumisi ito habang naglalakad., 'Wala naman talaga kaming pakielam sa bagon kontrata. Hindi naman talaga naming 'to tinaggap dahil sa pera.'
Kailangan nilang bumalik ng River Shore City para gumawa ng panibagong kontrata. Mauubos ang oras sa pagbalik pa lang.
May kumausap sa kanila na wala na silang ibang dapat gawin kundi pigilan ang misyon at makakatanggap na sila ng kabayaran.
Kitang-kita ang ngiti sa mukha ni Cat.
…
"Panibagong kontrata?"
Tumawa si Anna, "Ay pasensya na! Wala kaming balak pumirma ng panibagong kontrata."
"Kung hindi kayo tutupad sa usapan, kailangan niyong bayaran ang multa."
'Ano?'
Nagulat ang buong Lynx.
'Nagmamatigas pa rin siya?'
Kahit ang pinuno ng Bramble ay hindi napigilang tumayo at magsalita, "Miss Anna, kung tunay may Sorcerer nga talaga, naging mas mahirap na ang misyon. Kaya kailangan natin muling pagusapan ang mga bagay."
Ayaw niyang magsimula ng gulo, pero bilang pinuno, kailangan niyang manindigan para sa kanyang mga kasamahan.
Bilang isang adventurer na maraming karanasan. Alam niyang mahirap kalabanin ang mga caster kahit pa gnoll lang ito.
"Ganito kasi 'yan, Sorcerer talaga ang pinuno ng mga gnoll. Pero may kinuha na kaming expert para humarap sa Sorcerer na 'to." Sabi ni Anna.
"Makukuha ng lahat ang kabayaran para sa pagdispatya sa iba pang mga gnoll."
Isang expert?
Masama ang kutob ni Cat.
Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyayari.
Biglang may sumupot na payat na anino.
Mayroong siyang suot na maskara at may twin daggers na nakasukbit sa kanyang baywang.
"Pasensya na ngayon lang ako dumating." Sabi ni Marvin gamit ang malalim na boses.
Masked Twin Blades!
Biglang lumala ang tensyon sa loob ng sala.
…
Mahinahon lang na nakatayo si Marvin pero nakakatakot ito.
Isa-isang napatayo na may takot sa mukha ang mga adventurer.
Lahat sila'y mga 1st rank na adventurer at alam nila na mas nakakatakot si Masked Twin Blades na iniligpit ang Acheron Gang ng mag-isa.
Isang 2nd rank expert ang pinuno ng Acheron Gang.
Siya rin ang may kinalaman sa pagpatay sa pamilya ni Miller.
Napakahirap pumatay sa loob ng wealthy district.
Pero nagawa 'yon ng taong 'to.
Naging kilala na agad sa buong River Shore City si Masked Twin Blades.
"
Hindi nagsalita si Marvin. "Si Masked Twin Blades na ang bahala sa Sorcerer. Habang ang iba pang mga gnoll ang sa inyo. May problema pa rin ba kayo sa kontrata?" Tanong ni Anna.
Tinitigan ni Anna si Cat. Nakakatakot ang tono nito.
Natameme ang buong Lynx.
Akala nila 'yon na ang pinakamagandang dahilan para humingi ng dagdag na bayad.
Pero nasira ang plano nila dahil sa pagdating ni Masked Twin Blades.
Pinagpapawisan si Cat habang nag-iisip.
…
"May naglagay ng malaking patong sa ulo mo." Ika ng isa sa tatlong adventurer. "Balak mo pa ring sumama sa amin?"
Ang nagsalita ay ang boxer. Matipuno ang katawan nito at mayroong suot na knuckles.
The Rock" ang palayaw nito hindi dahil s amalakas ang depensa niya, kundi dahil kahit gaano pa katigas ang bat, kaya niya itong basagin.
"Subukan mo ko."
Hindi lang siya ang tiningnan ni Marvin kundi, lahat ng naroon.
Tinitigan niya ng mas matagal ang ibang miyembro ng Lynx.
Biglang natigilan ang lahat.
"Kung ganoon, wala ng reklamo pa ang Bramble." Pinangunahan na ng pinuno ng Bramble ang uspan at sinabing, "Dahil hindi naman kami ang haharap sa caster, patas pa rin naman ang nakalagay sa kontrara."
Tiningnan nito si Marvin at sinabing, "Wala rin kaming interes sa pabuya para sayo. Gusto lang naming matapos ang misyon."
"Teka, Sandali!" Hindi mapigilan ni Cat ang kanyang sarili.
"Kaya niya ba ang isang 2nd rank na Sorcerer? Kung pumalya siya hindi ba kami ang haharap dito?" ika niya.
Ngumisi ang pugilist na si Rock at sinabing. "maganda nga ang reputasyon ng Masked Twin Blades pero gaano ba talaga siya kalakas?"
Biglang nagbago ang tono ng pananalita nito, "Sir Verne, hindi ba mas makakabuti kung titingnan siya ng mga tao mo?"
"Nabalitaan kong gumagamit din ng dagger si mister Green na miyembro niyo? Mukhang mas mabuti kung makikita kung ganoon ba talaga siya kagaling."