Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 31 - Nobility

Chapter 31 - Nobility

"Gagawin? Sa akin? Sa katawan ko?"

Napatalon sa takot si Lola. Kung ano-ano agad ang naisip niya.

Pero walang ginawang masama si Marvin. Umupo lang siya sa harap nito at sinabing, "Ituro mo sa akin lahat ng alam mo sa lenggwahe nila."

"Haa?"

Natulala si Lola. Hindi niya naisip na sa lahat ng hihilingin nito ay ito pa ang ipapagawa ni Marvin sa kanya."

Gusto niya lang matutunan ang lenggwahe ng mga gnoll?

"Pagpasensyahan niyo po sana ako." Nahihiyang sabi ni Lola, "Kahit na simple lang ang lenggwaheng 'to, hindi 'to mabilis matutunan."

Ayaw magsalita ni Marvin masyado. Binunot niya ang kanyang curved dagger at inilapag sa gilid.

"Basta magturo ka, makikinig ako."

Halos maiyak si Lola pero walang luhang lumalabas.

Kailangan niya lang turuan si Marvin ng lenggwahe ng mga gnoll.

'masama talaga siyang tao.'

Pero kahit ano pang tingin niya kay Marvin kailangan niya pa rin ibahagi lahat ng nalalaman niya tungkol sa lenggewahe ng mga gnoll.

Kahit na mas simple ang lenggwahe ng mga ito kumpara sa iba, lenggwahe pa rin ito. Hindi ito madaling matutunan.

Umabot ng dalawang oras ang pagtuturo ni Lola ng lahat ng nalalaman nya patungkol sa lenggwahe.

Tiningnan niya si Marvin at takot na sinabing, "Naituro ko na po lahat ng nalalaman ko. 'Yon na po lahat 'yon.

Nanatiling walang kibo si Marvin.

Di nagtagal biglang bumuka ang bibig ni Marvin at naglabas ng isang kakaibang tunog.

Nagulat si Lola sa kanyang narinig.

"Pagkain" ang ibig sabihin ng tunog na 'yon sa lenggwahe ng mga gnoll.

'Paano nangyari 'yon? Lagpas isang taon kong inaral 'yon, pero siya, kaya na niya agad magsalita gamit 'to matapos lang ang dalawang oras ng pakikinig?'

Parang nananaginip si Lola.

Nang biglang nagsalita si Marvin gamit ang lenggwahe. "Mahusay ang ginawa mo. Malaking tulong 'to sa akin, pero hindi pa kita pwedeng paalisin."

Tumayo siya at itinali si Lola sa kama.

Pagkatapos mag-iwan ng ilang piraso ng tinapay, binarikadahan ni Marvin ang mga bintana at pinto saka siya umalis.

Natulala lang si Lola na para bang nakakita ng multo.

Hindi man lang siya pumalag!

Kung sabagay, wala rin naman palang mangyayari kahit pumalag siya.

….

Natutunan na nga ni Marvin ang lenggwahe ng mga gnoll.

At dalawang oras lang ang inabot nito. Tila isang himala pero nagawa niya talaga ito.

Pagkatapos niyang dispatsyahin si Miller, bukod sa pag-abot sa pagiging isang level 5 na ranger, tiningnan rin niya ang kanyang original na class.

Ang Nobility.

Maari ring pataasin ang life class na ito para maging Baron. Maaring umabot ng level 4 ang isang noble sa rank na 'to, pero hanggang doon na lang ito at hindi na tataas pa. Naisipan kasi ni Marvin na kakailanganin niya ng mas mataas na nobility title.

Dinagdagan ni Marvin ng 10 general exp ang Nobility exp niya na dating nasa 40 lang para tumaas ang level nito.

Umabot na ng level 4 ang Noble class niya!

Pagtungtong niya ng level 4, nalaman niyang bukod sa 20 noble special skill points, nagkaroon din siya ng isang extra skill.

[Quick Study] (Level 4 Nobility Specialty): Kapag ginamit ang specialty na ito, maari mong matutunan ang anong mang kaalaman sa loob ng maikling panahon.

Pwedeng gamitin ito sa loob ng tatlong oras kada buwan.

Maari mong aralin ang kahit anong lenggwahe, heograpiya, kultura, at kung ano-ano pa. Kasama na rito an lenggwahe ng mga gnoll.

Dahil sa specialty na ito kaya pinagturo ni Marvin si Lola ng lahat ng nalalaman nito sa lenggwahe ng mga gnoll.

Naging matagumpay ito.

[You used a specialty – Quick Study]

[You are learning new knowledge…]

[Study finished – Knowledge +1]

[Knowledge – Language (Gnoll Language)]: Natutunan mo na ang elementaryang lenggwahe ng mga gnoll. Maari ka nang magkaroon ng simpleng usapan sa mga 'to.

Matagumpay niyang natutunan ang lenggwahe ng mga gnoll. Kahit na ito pa lang ang pinakasimple, sapat na ito para magamit.

Nandito siya para magmanman kaya dapat naiintindihan niya kung ano ang sinasabi ng mga gnoll.

'May silbi rin naman pala ang Nobility bilang life class. Nabalitaan kong mayroon ding ganitong skill nag mga scholar ng pearl tower. Mabilis nilang natututunan ang kahit ano. Hindi ko alam na mayroon rin palang ganitong skill ang mga noble.'

Ngunit, base sa palagay ni Marvin, hindi palaging nandyan ang abilidad na 'to.

Lahat ng noble sa mundong ito ay mga wizard o di kaya'y wizard ang mga ninuno. Kakaiba ang dugong dumaladaloy sa katawan ng mga 'to.

Dahil dito, may pagkakataon silang matuto ng hindi pangkaraniwang mga specialty kapag naglevel-up ang kanilang Nobility.

At kapaki-pakinabang na specialty ang [Quick Study].

Hindi na nagdalawang isip pa si Marvin matapos matutunan ang lenggwahe ng mga gnoll. Ginamit niya ang ambon para makapagikot, nagpunta siya sa paanang pader ng palasyo sa dakong silangan.

Mayroong tagong lagusan dito.

Ang lagusang ito'y patungo sa ilalim ng kama na nasa kwarto ng lord. Kumakain si Marvin kaya hindi niya nagamit ang lagusang ito para tumakas.

Dahil dito mukhang hindi pa natutuklasan ang lagusang ito.

Sinamantala ni Marvin ang paggamit ng stealth at clever movements para hindi makita ng mga gnoll na sentry na nasal abas ng palasyo.

Inangat niya ang isang tabla na nasa ilalim ng damuhan para mabuksan ang daanan papasok sa lagusan.

Nasa loob ng void conch ang sulo ni Marvin kaya kahit umaambon ay nasindihan niya ito nang makapasok na siya sa loob.

Napakaliwanag ng apoy na nagmumula sa sulo at mukhang maayos naman hangin.

Pagkapasok ni Marvin, tinaklob na muli niya ang tabla para maitago muli ang lagusan, saka siya naglakad patungo sa loob.

Iba ang halumigmig sa loob. Tuyong-tuyo ang loob ng lagusan.

At kahit na maalikabok, komportable pa rin ang basing-basang si Marvin.

Umasa siya sa alaala niya para mabilis na baybayin ang lagusan.

Nahati na sa tatlo ang daaanan.

Ayon sa kanyang alaala, mayroong hagdan sa pinakakaliwang daan na patungo sa labasan at selyado naman ang daan sa pinakakanan.

Mayroon naming malaking baton a nakaharang sa isa pang daan.

Bigla namang naalala ni Marvin na bago mamatay si Miller ay mayroong 'tong nabanggit na sikretong lagusan na mayroong lamang kayamanan.

'Nasa likod kaya ng malaking bato 'yon?'

Natuliro si Marvin. Hindi na niya ito masyadong inalala dahil kung mayroon mang kayamanan sa loob nito, hindi naman 'to makakalabas mag-isa.

Kailangan muna niyang tapusin ang pagmamanman, saka na niya ito ulit poproblemahin.

Malaking bagay para sa isang labanan ang pagmamanman.

Dahil malaki ang posibilidad na manalo kapag marami kang nalalaman tungkol sa iyong kalaban. Hindi panatag si Marvin kung iba ang gagawa nito kaya siya na mismo ang nagpunta.

Maingat niyang sinundan ang lihim na daan patungo sa lord's room.

Sinwerte siya dahil wala siyang naririnig na mga boses.

Pinasok ni Marvin ang palasyo at gumamit ng stealth. Naging maingat siya sa bawat hakbang na ginawa niya.

Isa-isang naglitawan ang mga anino ng mga gnoll sa kabilang dako ng palasyo.

Lalo siyang nababahala habang tinitingnan ang mga 'to.

Hindi fighters ang mga gnoll na 'to!

Mga common gnoll na walang fightring strength lang ang mga 'to. Karamihan pa sa mga ito ay matatandang babae at mga bata.

Lagpas sa 200 ang mga gnoll!

Ibig-sabihin nito'y nasa katamtaman ang laki ng tribo na 'to. At humigit-kumulang na 150 sa mga ito ay mayroong mga combat class.

Hindi ito kakayanin ng isang garrison na 20 katao lang. lalo pa kung isama pa ang mga mutated aardwolf.

Maingat siyang nagpaikot-ikot sa palasyo.

Buti na lang kabisado niya ang mga pasikot-sikot dito at mahina ang perception ng mga gnoll. Kaya nagawa niyang makaalis ng maayos.

Pero ang ipinagtataka niya, nakita niya ang karamihan sa mga gnoll pero hindi niya nakita ang kanilang pinuno.

Nasa 150 ang fighters ng gnoll tribe na 'to at anim dito ay mga level 3 Petty Officers habang dalawa naman ang level 4 na Adjutants.

Siguradong isang rank 2 na class-holder ang pinuno nila.

Napansin din ni Marvin na hindi nakikinig sa mga ordinaryon gnoll o kahit sa mga adjutant ang mga mutated aardwolf.

Mukhang kontrolado ang mga 'to ng mas makapangyarihang nilalang.

"Hindi kaya ang pinuno nila 'yon?'

Hindi mapakali si Marvin at parang gusto pang lalong magsiyasat.

Subalit, noong mga oras na 'yon, may mga paparating na gnoll na may kasamang isang payat at maliit na lalaki.

Tiningnan ni Marvin ng mabuti at nagulat sa nakita!

Malilit naman talaga ang mga gnoll pero kakaiba talaga ang isang 'to.

Parang itong isang batang nasa limang taong gulang. Makinis at maayos ang balahibo nito. At makikita ang paggalang sa kanya ng mga gnoll na nakapalibot sa kanya.

'Diyos ko! Totoo ba 'to?'

'Ang mga gnoll na kilalang mga bobo at tanga, nakapag-anak ng isang Srocerer?!'

Dahil sa mabilis niyang pag-iisip, agad na umalis si Marvin doon.

Ang [Eye of Pain] na isa sa mga likas na spell ng mga Sorcerer, ang kahinaan ng lahat ng stealth techniques.

Mag-isa siya sa teritoryo ng kalaban kaya hindi siya maaring manatili roon!