"Ikaw na ang mauna at maghanap ng mga makakatulong sa akin." sabi ni Yan Xun.
Tinitigan ni Chu Qiao si Yan Xun bago sumangayon sa sinabi niya, "Okay."
Nagsikap na umakyat si Chu Qiao at nang makita niya ang maliwanag na buwan, pakiramdam niya ay na bingit siya ng kamatayan. Dumapa siya sa lupang puno ng nyebe at tumingin pababa kay Yan Xun na naiwan sa baba, "Hintayin mo ako diyan, hihingi lang ako ng tulong."
"Bilisan mo!" sabi ni Yan Xun habang nakangiting kumakaway.
Masakit na ang paa ni Chu Qiao na malamang ay na-sprain matapos nilang malaglag kanina. Iika-ika siyang maglakad nang may pumasok sa isip niya. Napahinto siya sa paglalakad at kinilabutan sa kanyang naisip. Kung aalis siya at iwan si Yan Xun, siguradong mamatay yun sa lamig. Kung ganon, nakapaghiganti na ba siya sa ganitong paraan. Natatandaan niya pa ang unang araw na napunta siya sa lugar na ito. Ang walang tigil na pag-agos ng dugo sa arena, pati na rin ang pag-ulan ng pana—maisip niya lang ito ay bumibilis na ang tibok ng puso niya.
Kahit na sa dalawang kapatid ni Yan Xun sa mga Zhao nanggaling ang pana na nais kumitil sa buhay niya, kahit na ang pana ng Royal Highness ay tumama sa lobo, kahit na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay pangungutya ang tanging natanggap ni Chu Qiao sa kanila. Sa kabila ng lahat ay nagawa ni Yan Xun na pagkatiwalaan si Chu Qiao at nakangiting pa niyang sinabi na bumalik kaagad.\
Nakatayo si Chu Qiao sa gitna ng namumuting lupain, na may di maitago ang pananabik sa kanyang mata.
Isang malaking tangkay ang tinapon ni Chu Qiao kung nasaan si Yan Xun na muntik ng tumama sa ulo nito. Hindi pa sumisilip si Chu Qiao pero maririnig na kaagad ang sigaw ni Yan Xun, "Gusto mo ba akong patayin?"
"Hindi na kita binalikan kung gusto kitang patayin. Bilisan mong umakyat."
Maliksi naman inakyat ito ni Yan Xun. Pinag-aralan niya ang mukha ni Chu Qiao bago nakangising sinabi, "Akala ko iiwan mo na ako doon at di na babalik." masama naman siyang tinignan ni Chu Qiao, "Sinisisi ko na nga ang sarili ko dahil napakabait ko."
Natawa naman si Yan Xun sa sinabi ni Chu Qiao bago pumunta sa harap nito. Naupo siya ata nagsalita, "Gusto ko magpasalamat dahil hindi mo ako iniwan doon kaya hayaan mong karagahin kita sa likod ko."
Hindi naman makapaniwala si Chu Qiao sa sinabi nito. "Magagawa mo yun? Hindi nababagay sa katayuan mo."
"Maganda ang mood ko ngayon."
Akala ni Yan Xun na tutol si Chu Qiao sa sinabi niya dahil nanahimik na ito, pero maya-maya lang ay naramdaman niya ang maliit at malambot nitong katawan sa kanyang likuran.
Kumikinang ang mga nyebeng nasa lupain. Ito ang unang pagkakataon na kumarga si Yan Xun ng ibang tao, kaya naging awkward ang paglalakad niya sa ma-nyebeng daan. Tinapik naman ni Chu Qiao ang leeg niya. "Wag kang malikot! Malalaglag na ako!"
Sandaling tumigil si Yan Xun at binalanse ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Alam mo ba kung ilang oras tayong maglalakad?"
Malumanay namang sumagot si Chu Qiao. "Mas mabilis pa sa pag-ubos ng insenso, kaya aabutin tayo ng dalawang oras sa paglalakad."
Tumango naman si Yan Xan. "Ang pangalan mo ay Xing Er?"
"Paano mo naman nalaman yan?"
"Nung huli, sa may bangin, yan ang tawag nila sayo." Mukhang napakaganda ng mood ng Royal Highness Yan. Napansin niyang hindi umimik si Chu Qiao, kaya nagpatuloy siya sa pagtanong, "Ano ang tunay mong pangalan at apelyido?"
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" sagot nama ni Chu Qiao.
"Hindi mo naman kailangan sabihin kung ayaw mo." tugon naman ni Yan Xun, "Darating din ang araw na ikaw ang magmamakaawang pakinggan kita."
""Kung mahaba ang pasensya mo, edi hintayin mong dumating ang araw na yun."
Napasimagot naman si Yan Xun, "Bata ka pa, pero bakit kung makapagsalita ka daig mo pa ang matanda?"
"Hindi rin naman kayo ganon katandaan pero bakit napakasama niyo?" mapangutyang sagot naman ni Chu Qiao.
Nabigla naman si Yan Xun sa naging sagot ni Chu Qiao pero ngumiti siya. "Nagtatanim ka pala talaga ng galit."
"Wala ka namang itatanim na galit dahil wala ka naman sa posisyon na ikaw ang tatamaan ng mga pana." pagod na sabi ni Chu Qiao.
Nakaramdam ng pagkalamig si Yan Xun sa lakas ng bugso ng hangin. Gusto niya sanang sumagot sa sinabi ni Chu Qiao pero wala siyang masabi. Ang konseptong pinaniniwalaan niya tungkol sa katayuan sa buhay ay parang hindi na naayon matapos niyang marinig ang sinabi ni Chu Qiao. Karamihan sa mga bagay na sinasangayunan ng mas nakakarami ang siyang nagiging tama, mapapniwala ka dito kahit na salungat ito sa tunay mong iniisip.
Maliwanag ang sinag ng buwan habang ang anino ng dalawang bata ay unti-unitng lumiliit. Sa oras na iyon ay bigla nilang narinig sa di kalayuan mga yabag ng kabayo. "Nandito na ang mga tauhan ko." sabi ni Yan Xun.
Kumunot ang noo ni Chu Qiao ng subukan niyang makinig ng maiigi ngunit tanging ingay lang mula sa mga kabayo at mga nagmamadaling lakad ang naririnig niya, isang hukbo ang paparating ang napagtanto niya. Hindi gaano makita ang mga taong parating sapagkat mahamog na. "Mukhang hindi sila ang tauhan mo." taimtim na sabi ni Chu Qiao.
Nagkaroon ng snowstorm dahil sa hanging amihan na siyang naging sagabal para makakita sila.
Madilim na ang kalangitan at minsa'y maririnig ang matinis na tunog mula sa mga kwago. Nagi-inikot din sa kaulapan ang mga ibon na para bang perlas ang Zhen Huang City na nasa kalagitnaan ng puting dagat mula sa paningin ng mga ibon. Isang nakakasindak na tanawin. Ngayon, sa di kalayuan ng perlas ay matatanaw ang isang grupong ibang lahi na may marurungis na damit na isang kabaligtaran ng kung ano ang isang mayabong ng lungsod. Naglalakad sila tungo sa perlas.
Tumatagos sa maninipis at punit-punit nilang damit ang malakas na bugso ng hangin na para bang kutsilyong humihiwa sa kanilang mga balat. Nahirapan silang tiisin ang malakas na hangin lalo na't walang humaharang bukod dito ay dahil nasa kalagitnaan na sila ng talampas. Isang iyak mula sa isang sanggol ang maririnig.
Sa isang saglit lang ay maririnig na ang hagupit ng latigo. Pinuntahan sila ng lider na nakasakay sa kanyang kabayo at galit na sumigaw, "Manahimik nga kayong lahat!" Ngunit nagpatuloy sa pag-iyak ang sanggol na walang kamuwang-muwang sa nangyayari. Lalong nainis ang lider at lumpit dito bago hinablot ang sanggol sa kanyang ina. Inangat niya ang bata pagkatapos ay walang awang binagsak ito sa lupa.
Masamang tinitigan ng lider ang mga refugees na may iba't-ibang lahi na nadaan niya. Natahimik ang lahat samantalang maririnig naman na umiiyak ang isang dalaga. Kinuha ng lider ang kanyang kutsilyo bago hiniwa ang leeg ng dalaga. Namula ang puting lupa matapos magtalsikan ang dugo nito.
Halos malagot ang hininga ni Chu Qiao habang kagat niya ang kanyang labi. Gusto niyang lumapit, gustong niyang tumakbo at tumulong.
"Wala ka na bang paki sa buhay mo?" bulong ni Yan Xun na mahigpit siyang niyakap para pigilan siya sa pagtakbo. "Sila ang hukbo ng mga Wei Fa, wag kang padalos-dalos."
"Ito na," sabi ng lider na may maitim na kuko at may suot ng itim na fur coat sa kanyang mga tauhan. Nagsibabaan sa kanilang mga kabayo ang mga sundalong may suot ng iron helmet at madaling kinuha ang kanilang mga kutsilyo sa kanilang beywang. Natumba ang lahat ng refugees matapos hatakin ang lubid na nagtatali sa kanilang lahat. Makikita sa mata ng lider ang emosyon nito kasabay ng pagguhit ng kanyang labi bago niya sinabing, "Patayin silang lahat!"
Walang awa naman itong ginawa ng mga sundalo na hindi man lang natakot sa nagkalat na pugot na ulo at ang lawa ng dugo na mabilis na natuyo dahil sa lamig.
Sumikip ang dibdib ni Chu Qiao habang kagat-kagat ang labi na pinapanuod ang isang massacre na nangyayari sa kanyang harapan. Kumikinang ang kanyang mata pero ang bigat tignan sa dami nitong sinasabi. Nilalamig na ang kamay ni Yan Xun pero hindi niya binitiwan si Chu Qiao. May matindi siyang nararamdaman pero wala siyang lakas ng loob na tignan si Chu Qiao sa kanyang mata. Ang katawan ng bata na nasa kanyang bisig ay may napakainit na pakiramdam na para bang pumapaso sa kanyang balat.
Ilang beses na siyang nakakita ng mga refugees na pinupugutan ng ulo. Pakiramdam niya ay hindi lang ulo nila ang pinuputol nila kundi pati na rin ang kanyang mga paniniwala. Ang pagmamatigas niya simula pa noon ay unti-unting pinuputol sa kanya hanggang sa wala na siyang mataguan.
Patuloy ang pagpatay at patuloy rin ang pag-agos ng dugo. Hindi makikita ang bahid ng takot sa mukha ng mga refugees pero kitang kita ni Chu Qiao na hindi ito dahil sa hindi sila takot na mamatay, hindi rin ito dahil wala na silang pag-asa o dahil sumusuko na sila―ito ay determinasyon at galit na sagad sa buto. Lahat sila ay tahimik at walang umiiyak o umiimik. Pinanunuod nilang mamatay ang mga kasamahan nila sa kamay ng sa mga taong ito. Malinaw na punong puno ng galit ang kanilang mga mata na kahit sa langit ang mararamdaman ang matinding galit na ito na kahit si Asura ng impyerno ay kailangan magbigay daan.
Ang galit at poot na matagal niya ng itinatago ay makikita na sa kanya na para bang isa siyang lobo na uhaw sa dugo. Isang takbo ng kabayo ang biglang narinig kasabay ng isang galit na sigaw mula sa lalaki, "Tumigil kayo! Lahat kayo ay magsitigil!"
Isang puting kabayo ang dumating at isang binatang lalaki ang bumaba mula dito bago niya walang kagatul-gatol na hinaplit ang mga kamay ng mga sundalo. Tumayo siya sa harap ng mga refugees at ang lider doon bago galit na sumigaw, "Ano sa tingin mong ginagawa mo, Jiang He?!"
"Major General Shuye, sinusunod ko lang po ang utos na patayin ang mga rebelde," nagtataka niyang sagot pero bumaba pa rin siya ng kabayo at yumuko para magbigay galang.
"Mga rebelde?" nagsalubong ang kilay ni Wei Shuye at halos manlisik ang kanyang mata bago ituro ang mga matatanda, ang mga babae at mga bata bago sinabing, "Sino ang mga rebelde? Sila?! Sino ang nag-utos nito sayo?!"
Walang pinagbago sa ekspresyon ni Jiang He. "Major General, utos po ito mula sa Sheng Jin Palace. Galing po ito sa tito mo na inaprubahan ng mga nakakataas. Ang kapatid mo po ang nagbigay ng utos at ang mga nakakatanda sa Wei ang nag-usap at nagplano ng utos na ito. Ginagawa ko lang po ang pinapagawa sa akin."
Nabigla naman si Wei Shuye, tumalikod siya at tinignan ang mga refugees. Mas lalong na puno ng galit ang mga refugees ng makita ang mukha niya. Isang matanda ang biglang tumayo at walang pakialam na sinigawan siya. "Sinungaling ka! Traydor! Matindi ang magiging kaparusahan mo!"
Isang espada ang kumalahati sa kanyang katawan at nagtalsikan ang kanyang dugo. Natumba siya pero gamit ang natitira niyang lakas ay dinuraan niya si Wei Shuye. Tumama ang madugo itong dura sa damit ni Wei Shuye. "Hindi ka makakawala… kahit maging multo ako…"