Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

Galit na galit si Wei Shuye sa nakakadiring dura na kumapit sa damit niya. Gayunpaman ay tikom ang bibig niya at tinignan ang mga patay na katawan na nagkalat at mas lalong napuno ng galit ang mata niya.

"Major General," sabi ni Jing He bago naglakad papalapit sa kanya, "Walang maibibigay na pera ang bansa natin para sa kanila. Wala rin sa mga nakakataas ang maglalabas ng pera para magpatayo ng matitirahan nila. Ikaw ang apo ng mga Wei, kailangan mo respetuhin ang kagustuhan ng pamilya mo at itago ang iyong interes."

Nakaramdam ng matinding init sa kanyang dibdib si Wei Shuye. Namumula ang kanyang mata at wala siyang masabi. Kumunot ang noo ni Jiang He bago sumenyas sa kanyang mga tauhan, ikinumpas niya ang kanyang kamay at tumango. Naintindihan agad ito ng kanyang mga tauhan at bumalik sa kanilang ginagawang pagpapatay.

"Mga salbahe kayo!" malakas na sigaw mula sa likod ng mga refugees. Nagmula ito sa isang bata na sa bisig ng kanyang ina na pulang pula ang mata ngunit walang bahid ng luha ang makikita. "Sinungaling! Nangako kang dadalhin mo kami sa isang bansa na mabibigyan kami ng matititrahan! Sinabi mong hindi kami mamomroblema sa pagkain o damit!, sabi mo…"

Isang pana ang nagpatigil sa kanyang pagsasalita at agad na dumaloy ang dugo sa kanyang bibig. Saktong sakto na tumama ang pana ni General Jiang He sa ulo ng bata.

"Ipagpatuloy niyo!" galit na utos ni Jiang He habang binabalik ang kanyang armas.

"Tumigil kayo!" sigaw ng Major General na si Wei Shuye habang tumatakbo papunta sa bata at tinulak ang mga sundalong nakaharang sa daraanan niya.

Ikinagalit naman ito lalo ni Jiang He, "Pigilan niyo siya!" agad naman siyang nahuli at nagpatuloy ang karumal dumal na pagpapatay nila. Sa kalagitnaan ng massacre na ito ay maririnig ang matining na iyak ng agila. Sadyang nakakatakot ang pangyayari kasama na ang simbulo ng kamatayan na nag-iinikot lang sa kalangitan. Isang malaking butas ang hinukay at doon tinapon ang mga patay na katawan. Agad nilang tinabunan ito ng lupa at sumakay ang mga sundalo sa kani-kanilang mga kabayo, pabalik-balik nilang pinatakbo ang mga kabayo dito. Sa bilis ng pagbagsak ng nyebe, agad na natabunan ang sahig na puno ng dugo. Ilang sandali pa ay natabunan na ang lahat ng bakas ng kasuklam-suklam na massacre.

Ang gwapong bata na mula pa sa isang tanyag na pamilya ay halos mawala na sa kanyang sarili sa harap ng kanyang mga tauhan dahil sa mga taong iyon.

"Major General," naglakad palapit si Jiang He matapos makitang tulala lang ito at nakatingin sa lupa. "Hindi ka dapat ganyan, silay ay mula sa mga mababang lahi na may mabababang dugo. Pero hindi sapat na dahilan iyon para sumuway sa mga utos. Mataas ang tingin ng tito mo sayo. Kung wala ka, walang mamumuno sa mga kapatid mo. Hinihintay nila ang pagbabalik mo."

Matagal na nakatayo ang binata doo habang lumalakas ang snowstorm. Napakalamig ng naging lantern festival sa taon ngayon. Nagulat ang dalawang batang nagtatago ng makita nila na ang marangal na Major General ng Wei Fa ay lumuhod at nag-kowtow sa mga patay bago siya umalis sakay ang kanyang kabayo.

Matapos ang ilang oras ay hindi pa rin tumitigil ang pagbagsak ng nyebe. Ginalaw ni Chu Qiao ang kanyang naninigas na paa.

Nagulat naman saka si Yan Xun, "Anong ginagawa mo?"

Kalmadong humarap sa kanya si Chu Qiao pero may iba sa kanyang mata. "Mula ako sa isang mababang lahi na may mababang dugo na nananalaytay sa akin. Hindi ka dapat narito sa tabi ko. Dahil magkaiba rin naman ang pupuntahan natin, bakit hindi tayo maghiwalay dito pala."

Matagal na nakatayo si Yan Xun at nakatitig sa kanya. Sa lupang puno ng nyebe ay makikita na habang tumatagal ay papalayo ng papalayo ang bakas na iniwan ng kanilang mga paa pabalik sa Yan Empire.

Sa likod ng vermilion gates ng mga mayayaman, nasasayang ang mga karne at alak samantalang nanlalamig hanggang sa buto ang mga mahihirap. Gaya ng sabi n Xia Dynasty, walang perang maibibigay para sa mga ibang lahi kaya minabuting patayin nalang sila habang nagsasaya ang lungsod. Ang mga "masisipag" na stesmen ng Xia Dynasty ay nagsasaya sa mga binibining napakanipis ng beywang na may napakakinis na kutis at napakatamis na ngiti. Binigyan sila ng mga kababaihan ng isang napakagandang alaala.

Sa labas ay namuo na ang yelo at naipon na ulit ang mga nyebe. Ang lantern festival ay isang panahon para magsaya ang lahat. Sa oras na ito ay naudlot ang magandang panaginip ni Wei Guang na lead master ng mga Wei ng marinig ang mga yabag ng mga kabayo. Pinaalis matandang may puting balbas na pero maganda pa rin ang itsura ang lahat ng mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang tasa na may tsaa bago sumandal sa kanyang kama. Mabagal na lumabas ang usok sa burner na para bang isang marikit na dragon. Nakakaantok na panuorin ito.

Isang magalang na boses ang narinig mula sa labas, "Master, nandito na po si Master Shuye."

Dapat nandito na siya. Tumaas naman ang kilay ng matanda. Maaga siyang nakabalik kaysa sa inaasahan kaya nasayang ang oras na pinasaya siya ng mga babae. "Papasukin mo siya," sabi ng matanda na may mababang boses.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang binatang lalaki sa pinakamamahaling silid sa prostitute den. Ang kulay buwan niyang robe ay napaksimple na hindi mo aakalain na isusuot ng isang maharlika. "Bakit?" walang ganang tanong ni Wei Shuye.

Alam naman ni Wei Guang ang nais niyang sabihin. Nanliit ang mga mata niya bago nagsalita ng hindi man lang siya tinitigan, "Hindi mo binabati ang mas nakakatanda sayo. Yan ba ang itinuro ko sayo?"

Napasimangot naman si Wei Shuye. Mabagal na lumipas ang oras, sa huli ay yumuko rin ang binata bago bumati, "Tito."

"Hindi lahat ng bagay ay mapagbubukod mo sa tama o mali. Mas bata si JIng Er sayo pero kailangan mong matutunan yan sa kanya."

"Kung ganon, bakit mo ko pinadala doon? Nangako ako sa kanila…"

"Ikaw ang hahalili para pamunuan ang Xia Dynasty, dugong maharlika ang dumadaloy sayo. Kabilang ka sa pinaka nirerespetong pamilya sa buong bansa, hindi mo kinakailangan na mangako sa mga katulad nila. Walang silbi ang buhay nila pagdating ng panahon. Hindi ka nagkamali kaya wala kang rason para makaramdam na nagkasala ka, at hindi mo dapat ako kinukwestyon kagaya nito," striktong sabi ni Wei Guang na pumutol sa sinasabi ni Wei Shuye.

"Tito, hindi ito ang tinuro mo sa akin," kunot noong umiiling si Wei Shuye.

"Dahil kagaya mo ngayon ay naging tanga rin ako sa nakaraan, at kamatayan ng iyong ama ang naging resulta at naging sanhi ng gulo sa pamilyang ito." Nagmulat ang mata ni Wei Guang at mapapansin ang pagbasa nito. Humarap siya kay Wei Shuye bago malumanay na nagsalita, "Ang mga nananalo ay iyong mga mandaragit, samantalang ang mahihina ay mananatiling biktima lamang. Ganoon ang mundo Yue Er, sa tagal ng panahon hindi mo pa rin ba ito naiintindihan?"

"Tito, kailangan natin ng mga taon pupunta pakanluran para maging atin ang lupain doon. Naniwala sila sa akin kaya sila nagpunta. Bakit hindi sila kayang asikasuhin ng mga nasa taas? Malayo ang nilakbay nila para lang sundan ako dito dahil nangako ka na pwede akong magtayo ng matitirahan nila. Nilisan nila ang mga tirahan nila, iniwan nila ang lagalag na pamumuhay dahil lang nangako ako sa kanila!" emosyonal na inangat ni Wei Shuye ang incense ni Wei Guang na nasa lamesa bago sumisigaw na nagpatuloy, "Ang sabi mo wala nang pera ang bansa natin para mabigyan sila ng mga pangangailangan nila, pero ano ito?! Itong incense na galing pa sa Song Empire. Isang bungkos nito ay naghahalaga na ng dalawang daang gold coins! Dalawang daang gold coins na bubuhay sa kanilang lahat ng sampung taon!"

Wala namang nagbago sa ekpresyon ni Wei Guang na taimtim na nakikinig kay Wei Shuye. Matagal tagal din bago nagsalita si Wei Guang, "Ye Er, sumama ka kay Major General Zhi Lu para tapusin ang civil discord na hindi maganda ang kinahinatnan. Hindi pa rin alam kung patay ba siya o buhay pero kaya mo pang makipagtalo sa akin ngayon? Ano sa tingin mo?"

Ikinagitla naman ito ni Wei Shuye at makikita ang kahihiyan sa mukha niya, parang naputol ang dila niya at wala siyang maisagot.

"Ang tanging rason kung bakit nandito ka pa ay dahil bitbit mo ang pangalan na 'Wei'. Alam kong naiintindihan mo sila at kinamumuhian mo ang ideya ng diskriminasyon. Pero kahit na kaayawan mo ang katayuan mo, hindi mo mababago na isa kang 'Wei" at pamangkin kita. Ang mga bagay na natanggap mo simula pagkabata ay mga bagay na binigay sayo ng pamilyang ito. Lahat ng meron ka ay galing sa pamilyang ito at hinding hindi mo mababago yun. Ikaw na nakatanggap ng ganitong pribilehiyo ay walang karapatan na sumpain ito." napabuntong hiniga si Wei Guang at muling napasandal, mapapansin sa mababa niyang boses na nahihirapan siya, "Lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Sa ngayon, ang rason kung bakit namatay ang mga Biantas sa kamay ng mag Wei ay dahil ipinaglalaban natin ang paglago at kasaganaan ng ating pamilya 300 taong nakalilipas na. Taltong daang taon ang nakalipas, pinrotektahan ng mga Wei ang lupain ng ating imperyo at nanalo sa napakaraming digmaan. Habang naghahanap na matitirahan ang mga Biantas, inaaral na nga mga anak ng Wei ang pakikipaglaban, ang negosyo at lumalaban sa mga pumupuntirya sa kanila. Parte ang Wei sa pitong naglalakihang pamilya samantalang sila ay paubos na. Ye Er, patas ang kalangitan, wala silang pinapaburan. Ang dahilan kung bakit sila ay natalo ay marahil di sapat ang naging paghahanda nila. Hindi kailanman dapat sisihin ng mga mahihina ang malakas dahil ang tanging magagawa nila ay magpalakas para hindi maging biktima. Ngayon kinaaawaan mo sila. Kung ang mga lahat ay ganyan din mag-isip, ang mga namatay ngayon ay maaring mga kapatid mo."

Nanatiling nakatayo si Wei Shuye at tensyonado. Hindi niya masambit ang nais niyang ipahayag.

Tumayo si Wei Guang at tinapik ang kanyang balikat. "Ye Er, matanda na ang tito mo at hindi na ako magtatagal para protektahan kayong lahat. Kapag wala na ako, sino ang magpoprotekta sa pamilyang ito? Sino ang magpoprotekta sa mga anak ko laban sa iba? Sino ang maninigurong hindi maloloko ang mga babae kong anak? Sino ang kayang pumrotekta sa lahat? Ikaw ba yon, Ye Er?

Bumukas ang pinto at pumasok ang magandang musika at lumayo si Wei Guang sa kanya. Tumindig ng diretso si Wei Shuye bago pinakiramdaman ang mainit niyang balikat. Dumadagok sa kanya ang napakabigat na responsibilidad na gusto man niyang takasan ngunit hindi niya magawa.

Madilim na ang kalangitan ngunit hindi ito kasing itim ng kanyang puso. Para bang binubulungan siya ng demonyo na hindi mawala wala na kumakain sa kanyang moralidad. Wala siyang magawa, at wala rin siyang masabi.