Tusong Zhuge Yue! Ito ang nasa isip ni Chu Qiao. Kinakabahan syang lumuhod at dali-daling sinabi, "Hindi po maglalakas-loob na magsinungaling si Xing'er."
"Talaga?" Tumungo si Zhuge Yue at marahang tumawa. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito sa akin."
"Noong ika-apat ng nakaraang buwan, si Xing'er at ang grupo ng mga babaeng alipin ay dinala ni young master Huai sa lugar ng pangangaso. Sa huli, tanging si Xing'er ang nakaligtas. Nang nakabalik si Xing'er, sobrang takot si Xing'er. Habang hinihintay ko na gumaling ang mga sugat ko, kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang iempake ang aking mga gamit at nagtangkang tumakas."
"Tumakas?" Taas-kilay na nagtanong si Zhuge Yue, "at saan mo naman balak pumunta?"
"Hindi ko alam. Basta hindi ko gustong maghintay lang doon at mamatay. Maaaring maisip ni Young Master na nagrerebelde si Xing'er sa pag-iisip ng ganoon, gayunpaman, isang beses lamang tayo mabubuhay. Maaaring walang halaga ang turing ng iba sa buhay ni Xing'er, pero para kay Xing'er, ang sarili niyang buhay ay napakahalaga. Subalit noong ako ay patakas na, ako ay nahuli ni Guard Song. Pagkatapos ay malupit nya akong binugbog. Kanina ay nakita ako ni Guard Song, takot siguro siya na ako ay maghiganti sa kanya kaya naman sinisikap niyang saktan ako para mapatahimik ako."
"O talaga? Naiintindihan ko na ngayon. Wala pa rin siyang takot hanggang ngayon." Uminom ng katiting na tsaa si Zhuge Yue at mahinahon na sinabing, "Naaalala mo ba kung ikaw ay sinaktan nya?"
Napatigil si Chu Qiao dahil sa titig ni Zhuge Yue na kasing talim katulad ng sa ahas. Agad na yumukod si Chu Qiao at sinabing, "Hindi pa ito katalagan na nangyari. Kaya naman naaalala pa rin ito ni Xing'er."
"Hindi na masama ang memorya mo." Tumango si Zhuge Yue at sinabing, "Kung gayon, naaalala mo ba kung paano ako pinilit nila Jin Si at Jin Zhu na patayin si Lin Xi? Naaalala mo ba noong ipinagbenta ni Zhu Sun ang pamilya mo? Naaalala mo ba noong may pumatay sa mga kapatid mo?"
Tumigil panandalian ang pagtibok ng puso ni Chu Qiao at iniuntog niya ang ulo sa sahig. "Young Master, naaalala ni Xing'er ang lahat. Malinaw din sa kanya ang kanyang pagkakakilanlan at alam din niya ang kanyang tungkulin pati na rin ang kanyang kapangyarihan."
"Ang ibig mong ipahiwatig ay ang araw na mayroon kang kaparehong kakayahan tulad niya, ay saka mo makakamit ang iyong paghihiganti, tama ba?"
Natatakot na napatingin si Chu Qiao at napasigaw, "Fourth Young Master!"
"Walang saysay kung itatanggi mo ito. Noong una kitang nakita, alam ko na agad na hindi ka isang normal na bata. Nakita kong maraming itinatago ang mga mata mo."
May mga luhang namumuo sa kanyang mga mata, matamang pinagdikit ni Chu Qiao ang kanyang mga labi at sinabing, "Ano sa tingin ni Young Master ang gagawin ni Xing'er? Sa tingin ba nya ay papatay ng tao si Xing'er? O sa tingin nya ay si Xing'er ang nanakit kay Jin Zhu at Jin Cai? Bata pa po si Xing'er. Kahit sya ay punong-puno ng poot, alam pa rin niya ang dapat gawin at hindi dapat gawin. Ang pamilya at ang libong lipi ni Xing'er ay pinatay. Si Xing'er na nirerespetong isang mataas na tao ay naging alipin sa loob ng isang gabi. Kung mayroon man talagang pagkamuhi, hindi ba't ang emperor ng Sheng Jin Palace, ang Presbyterian Church na nagbigay ng utos, at ang Huang Tian army na kumopya sa pamilya nya ang dapat kamuhian ni Xing'er? Young Master, walang ganoong kahusay na kakayahan si Xing'er. Ang gusto ko lang ay masayang mamuhay. Masyadong seryoso ang mga bagay na iyon, hindi mahahawakan ni Xing'er ang ganoong responsibilidad."
Tuwid na tuwid na nakaluhod si Chu Qiao sa lupa, patuloy na nanginginig ang kanyang mga balikat na para bang sobra siyang natatakot, at kahit na ang mga luha ay hindi makalabas.
Ang pababalik-balik na matinding mga titig ni Zhuge Yue sa bata at unti-unting lumambot habang naririnig ang mga nakakaawa nitong pag-iyak. Ibinaba ni Zhuge Yue ang kanyang tasa, sumandal sa kanyang upuan at mabagal na sinabing, "Tumayo ka."
Mahigpit na naisara ni Chu Qiao ang kayang mga labi, ang kanyang namumula at mamasa-masang mga mata ay lumawak.
Tinignan ni Zhuge Yue ang bata sa kanyang harapan. Makikita ang kanyang maliit na pangangatawan, namumulang mukha at ang maliliit na kamaong nanginginig sa kaba tila ba naninindigang wag umiyak, napabuntong-hininga nalang si Zhuge Yue. Nakaranas na si Zhuge Yue ng maraming pagtataksil, kung kaya't sobra niyang pinagdududahan ang lahat mga nangyayari sa paligid niya maski bata ay pinagdudahan nya.
"Okay. Nagkasala ako sayo. Iiyak mo lang iyan." Para sa mga tauhan ni Zhuge Yue, maiikonsidera na itong paghingi ng tawad dahil hindi naman sya naging magalang sa iba, maliban sa batang matigas ang ulong nakatayo nasa harap niya na may malaki, bilugan, na mamasa-masa nitong mga mata.
Bigla na lamang nairita si Zhuge Yue. Ikinumpas nya ang mga kamay at sinabing, "Alis na. Wag ka tumayo dyan habang nakatitig sa akin."
Nang walang sinasabi kahit isang salita, pagalit na tumalikod si Chu Qiao at nagsimulang umalis.
"Tumigil ka!" Biglang sigaw ni Zhuge Yue. Masunuring tumigil si Chu Qiao sa kinatatayuan nya, na nakatalikod sa kanya.
May kinuha si Zhuge Yue na maliit na bote na gawa sa porselana sa gilid na drawer nya at mabagal na naglakad papunta kay Chu Qiao. Hinawakan niya ang balikat ni Chu Qiao at ginustong iharap sya. Ngunit, naramdaman ng mga daliri nya ang tension sa mga balikat nya. Napataas ang kilay ni Zhuge Yue habang nagpupumilit si Chu Qiao na wag humarap sa kanya. Dahil mas matanda si Zhuge Yue sa kanya, na may konting lakas, nagtagumpay syang iharap si Chu Qiao. Isang teary-face na bata ang nakatayo sa harap nya. Nang masilayan si Zhuge Yue, mas marami pang luha ang bumuhos sa mga mata nya.
"Okay na. Tahan ka na. Pinagsabihan lang naman kita ng konti." Saad ng Young Master habang nangungunot-noo. "Ikaw mismo ang nagkamali tapos ay hindi mo inaasahang sisisihin ka ng iba?"
"Wala naman akong ginawang masama. Ang Young Master ang nagsabi sa akin na sumakay ng kabayo. Nag-aaral akong mabuti at wala namang kahit sinong nagsalita." Nailabas ng walong taong gulang na bata ang kanyang galit at nasagot ang kanyang Master. Habang nagsasalita, patuloy syang humihikbi at ang kanyang uhog ay nasa may bibig na nya.
Bahagyang nangunot ang noo ni Zhuge Yue at inilabas ang kanyang panyo para punasan ang luha ng bata. "May lakas ka pa rin ng loob na umiyak? Nawala mo ang kabayo ko noong isang araw, at ngayon isang mahalagang pony na galing sa kanluran ang namatay dahil sa iyo. Hindi mo pa rin aaminin na ikaw ang mali?"
"Hindi naman… Hindi naman ako ang may gusto na sumakay ng kabayo eh. At isa pa, Prince… naisauli na ni Prince Yan yung nawawalang kabayo. Narinig ko yung balita." Matigas na ulong ipinaglaban ng bata ng punto nya hanggang kamatayan, habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga pisngi, at nababasa ang panyo ni Zhuge Yue.
Kukuha na dapat ng panibagong panyo si Zhuge Yue ngunit kinuha ito ng bata at ipinunas sa kanyang ilong upang punasan ang kanyang uhog. Gulat at blankong tinignan ni Zhuge Yue ang madumi at malagkit na panyo. Nagpatuloy ang bata at sinabing, "Kahit yung mahalagang pony ay pinatay mismo ng Young Master."
"So, ang ibig mong sabihin ay walang kang ginawang mali?"
Tumungo ang bata at bumulong, "Totoo naman yung sinabi ko eh"
Sumikat ang liwanag mula sa sulok ng bintana papunta sa kanilang mga balikat. Dahil maliit lang yung bata, kahit na nakatayo sya ng diretso, kapantay lamang siya ng balikat ng Young Master. Ang mukha ng bata ay kasing pula ng mansanas.
"Para sa iyo ito." Inilagay ni Zhuge Yue ang porselanang botelya sa mga kamay ng bata at sinabing, "Umuwi ka na at ipahid ito sa sarili mo."
Pagkatapos ng lahat, maikli lamang ang pansin ng mga bata at madali syang magulo. Tahimik na napangiti si Zhuge Yue habang nakatingin sa bata, na hawak ang porselanang botelya at nagdududang nagtanong, "Ano ito?"
"Gamot para gumaling ang sugat."
Kanina, habang mabilis na tumatakbo yung mga kabayo, nasugatan ang mga palad ni Chu Qiao. Kinagat ng bata ang labi nya, tumango at sinabing, "Fourth Young Master, maaari na po bang makaalis si Chu Qiao?"
Bumalik sa upuan nya ang Young Master na nakatungo ang ulo na may ekspresyon na para bang ayaw na nyang makita pa ang bata. Ikinumpas nya ang kanyang kamay habang sinasabing, "Makakaalis ka na ngayon."
Bubuksan na dapat ni Chu Qiao ang pinto nang biglang sumigaw si Zhuge Yue, "Xing'er, sa susunod na makikita mo si Prince Yan, wag kang lalapit sa kanya."
Naguguluhan na napatingin si Chu Qiao sa kanya.
Frustrated na napasigaw si Zhuge Yue, "Naiintindihan mo ba?"
"Naiintindihan po!" malakas na sagot ng bata at tumalikod para umalis. Ang kanyang maliit na pangangatawan ay tumawid sa mataas na pintuan dahilan para muntikan na siyang matumba.
Nag uumpisa nang lumakas nang lumakas ang loob ng batang ito. Malalim na napabuntong-hininga ang Young Master habang may malungkot na mukha.
Pagkatapos nyang mabuksan ang pinto, nakita nya ang nag-aalalang mukha ni Zhu Cheng's. Nagmamadali syang lumapit, nakita ang mangiyak-ngiyak ni mukha at nag-aalalang nagtanong, "Anong sinabi ng Young Master? Galit ba sya?"
Tumingin sa kanya si Chu Qiao, tumango, at tumungo sa kanyang silid.
Natatakot na pumasok ng silid si Zhu Cheng at nakita si Zhuge Yue na nakatungo. Hindi sya nagtangkang gumawa ng ingay at tahimik lang na tumayo doon. Pagkatapos ng ilang sandali, may isang bagay na biglang papalapit sa kanya. Takot na takot si Zhu Cheng. Hindi rin sya nagtangkang magtago at naisip nalang na mamamatay na sya. Subalit, ang bagay na tumama sa ulo nya ay malambot, kaya't hindi man lang sumakit ang ulo ni Zhu Cheng. Tumingin sya sa baba at nakita na isa itong maduming panyo na may nakaburdang "Yue".
"Itapon mo yan."
Naalala bigla ni Zhu Cheng ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Chu Qiao. Pagkatapos saglit na matigilan, tumango si Zhu Cheng at sinabing, "Opo, Master."
Subalit, noong sya ay paalis na, narinig nya si Zhuge Yue na sinabing, "Sandali lang." Lumingon si Zhu Cheng at naghintay sa susunod na utos na parang isang alipin.
Walang pasabing bigla nalang namula ang mukha ng Young Master. Matagal na nag-isip si Zhuge Yue at walang sinabing kahit ano.
Maingat na iniangat ni Zhu Cheng ang kanyang ulo at nakita ang nakasimangot nitong ekspresyon, na para bang gagawa sya ng isang malaking desisyon. Nakilala ni Zhu Cheng na ang ekspresyon na ito ang ekspresyon lagi ng Young Master pag may mahirap na problema syang nireresolba, kaya naman ay naging alerto si Zhu Cheng habang hinihintay ang utos. Sa wakas, isang maotoridad na boses ang nagsabi ka Zhu Cheng, "Umalis ka na at labhan ito ngayon. Dalhin mo ito sa akin pagkatapos itong malinisan."
"Po?" Gulat na napasigaw si Zhu Cheng.
Nagsimulang tumaas ang galit ni Zhuge Yue. "Ano? Hindi mo ba ako naintindihan?"
"Naintindihan ko po. Gagawin ko na ito ngayon."
Nakatungong naglalakad si Chu Qiao sa koridor habang hindi pinapansin ang lahat ng nakakasalubong nya. Pagkatapos nyang maisarado ang pinto ng silid nya, hindi na mukhang nagawan ng mali ang itsura nya. Napaka kalmado ng kanyang mukha at napaka ningning ng kanyang mga mata. Habang hawak ang dibdib, umupo sya sa upuan at nagsalin ng isang tasa ng tsaa pero hindi ito ininom.
Sa wakas, tapos na ang hamon ngayong araw. Gaano man sya pinagkakatiwalaan ni Zhuge Yue, ligtas ito ngayon.
Nang humangin ng malakas sa kanyang basang damit, nakaramdam sya ng ginaw pababa sa likod nya. Pagkatapos nya uminom ng tsaa, unti-unti syang kumalma. Ipinikit nya ang mga mata at bumuntong hininga.
Kahit ano pa man ito, kailangang matuloy ang kanyang plano dahil hindi na sapat ang oras.
Ang taglamig ngayong taon ay sobrang malamig, kaya't ang hangin ay tumatagos sa balat.
Sa gitna ng madilim na kalangitan, nagniningning ang mga bituin. Nandito ang taglamig at makikita kahit saan ang nyebe. Kakatapos lang ng Yuan Festival at ang Zhen Huang City ay idinaos umpisa ng kasawian.
Ang Zhen Huang City ay nababalutan ng yelo. Ang mga kalsada sa pagitan ng palasyo at mga tahanan ng Presbyterian ay naiilawan ng mga ilaw at abala sa mga karwahe ng kabayo. Ang hukbo na pumunta sa kanluran upang lumaban sa gyera ay natalo at ang kanilang dugo ay maaamoy mula sa ilog na dumadaloy galing sa burol. Lahat ay alam ang tungkol sa pagkatalo.
Dumating ang hukbo ng Quan Rong upang i-provoke ang bansa, dahilan upang magalit ng sobra ang mga noblemen. Pakiramdam nila ay hinahamon ang kapangyarihan nila at nakadama sila ng panganib dahilan upang magsimula ang panibagong gyera. Bago ang lahat, kailangan may maging responsable sa nakaraang pagkatalo upang mapanatili ang dignidad ng imperyo.
Ang utos na nababalot sa ginto ay pinadala galing sa Sheng Jin palace, lagpas sa paghahari ng mga tahanan ng Presbyterian at tungo sa Zi Wei Square, pangunahing kalye ng Ju Wai, altar ng Cheng Tian, pangunahing pinto ng Qian Kun patungo sa hangganan.
Ang gabi bago ang gulo, walang muwang ang mga tao ukol sa umpisa ng gyera at mahimbing na natutulog sa kanilang mga tahanan.