"Maiwan ang iba dito, yung natira, sumunod kayo sa akin!"
Magulo ang pagmamadali nilang lumabas ng silid. Naiwan lamang ang tatlong gwardya para bantayan ang katawan ng old Grand Master Zhuge.
Takot na nakatingin kay Chu Qiao ang ibang bata. Siya, na nagawang paalisin ang mga gwardya ng sambahayan ng Zhuge, na may crossbow sa kamay, ay hindi na makikitaan ng takot sa kanyang mukha. Napangiti siya sa mga tagasilbi na sinusuri ang bangkay ng second Grand Master, at may pagka-masaya na napasipol ng malakas. "Hoy! Itigil nyo ang ginagawa niyo."
Nang lumingon ang mga gwardya ay namutla kaagad sila. Ngunit bago pa man sila makasigaw, tatlong pana ang sunod-sunod na napakawalan at sabay-sabay na tumama sa kanilang bungo na parang bulalakaw. Magkakasunod na bumagsak ang kanilang katawan, ang mga dugo ay dumaloy, at matapat na sinundan ang Master Zhuge nila sa impyerno.
"Ahhhhhh!" isang batang alipin ang biglang sumigaw.
Agad na tinakpan ni Chu Qiao ang bibig ng bata. "sumigaw ka dapat agad nung sinabi ko, kaysa ngayon po pa papahirapan ang buhay ko."
Kasing kulay ng luwad ang mukha ng mga bata habang mahinang humihikbi.
Mahabang napabuntong-hininga si Chu Qiao, tapos ay mabagal na sinabi, "kung ano ang susunod na sasabihin ko ay napakaimportante, kailangan nyong maingat na makinig sa akin kung gusto niyo pang mabuhay, naiintindihan nyo?"
Tumigil sila sa pag-iyak habang mulat ang mga matang tumingin sa kanya.
"Isa akong tauhan ni Steward Zhu Shun. Yung matandang hukluban na iyon ay lagi nalang nanghaharass ng mga bata at nawala na ang pagiging makatao niya. Hindi na ito matagalan pa ni steward Zhu Shun kaya pinadala niya ako dito para patayin siya. Para sa ikabubuti ng iba ang ginawa naming ito kaya wala sa inyo ang dapat isumbong si Steward Zhu Shun; kahit anong mang pagpapahirap ang gawin ng sambahayan ng Zhuge sa inyo. Hindi nyo maaaring sabihin. Ililigtas kayo ni Steward Zhu Shun, naaalala niyo ba iyon?"
Agad na tumango ang mga bata na parang mga takot na kuneho.
Marahang ngumiti si Chu Qiao. Nailatag na ang lambak, ngayon hintayin nalang natin na pumasok ang isda. Kung kakayanin ng mga batang ito ang pagpapahirap nang walang sinasabi or meron, pagdududahan ng mga taga Zhuge ang salita nila. Pero lahat ng nasa Qing Shan court ay nakita mismo na ang mga tauhan ni Zhu Shun ang nagdala sa kanya sa court ng Zhuge, at ang katotohanan na ito mismo ang magsisiguro na hindi niya iyon matatakasan. Hindi niya maiiwasan ang kamatayan, ang tanong lang ay kung paano.
Tumingin siya sa pumapatak na orasan. May oras pa para palihim na tulungan si Xiao Ba na tumakas sa likurang bakod. Ngunit nang paalis na siya ng pinto, isang kamay ang biglang mahigpit na humawak sa kanyang paa. Tinignan niya ito at nakita ang gwardya na nasa huling hinga nito.
"Nararapat kang mamatay dahil pinahihirap mo ang trabaho ko." Malamig ang mga matang hinila niya ang pana na nakabaon sa noo ng gwardya. Nangisay pa ng ilang beses ang katawan tapos ay tuluyan na itong tumigil. Nahirapang buksan ni Chu Qiao ang kamay ng lalaki, ngunit hindi niya matanggal ang paa niya pagkatapos ng ilang subok. Sa sobrang inis ay kinuha nito ang espada sa gilid ng bewang ng gwardya at pinutol ang kamay na nakahawak sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" isang mababang boses ang nagsalita, hindi ganoon kalakas pero punong-puno ng malisya. Nakasuot ng mabalahibong kapa na may nagniningas na kulay pula ang nababalutan ng nyebe at sinundan ng maraming tauhan galing sa Qing Shan court, malungkot na tinignan ni Zhuge Yue si Chu Qiao na duguan ang mga kamay, at napapahinto bawat salita.
Napatingin sa kanya si Chu Qiao habang nagtagpo ang kanyang magagandang mga kilay. Bakit nandito si Zhuge Yue? Pero hindi na ito mahalaga sa akin ngayon. Mahinahon siyang tumingin sa kanya, bahagyang ngumiti ang kanyang labi. "Gaya ng nakikita mo, pinatay ko itong nakakadiring lalaki na ito, na karapat-dapat mamatay nang sampung-libong beses pa dahil sa mga kasalanan niya."
Mapanglaw ang mukha ni Zhuge Yue at dumidilim ang kanyang tingin. "Yung nangyari dati, kagagawan mo din ba iyon?"
"Tama ka!" ngumiti ang bata. Ang kanyang inosente at matamis na ngiti ay hindi bagay sa kasalukuyang nangyayari. Habang hawak ang putol na kamay, ngumisi siya at nagsalita, "kaya nga lang para sayo, huli na para malaman mo. Mas maganda siguro kung iisipin mo kung pano mo haharapin ang tanong ng mga pinuno ng sangay ng Zhuge Clan. Pagkatapos ng lahat, isa akong tagasilbi sa iyong court, at sa pagkamatay ni Zhuge Xi, ikaw at ang unang asawa ng sangay ng pamilya ang pinakamakikinabang."
"Men!" sigaw ni Zhuge Yue. "Hulihin siya!"
"Umasa ka pa!" kutya ng bata. Umatungal siya habang umakto na may ibabato, "Etong sayo!"
Ang mga tagapagsilbi ng Qing Shan court ay mabilis na pinalibutan si Zhuge Yue, at patong-patong ang kanilang katawan na pinrotektahan siya. Kahit bata pa, ang martial skills ni Yue Qi ay higit pa sa edad niya kaya nang maglabas siya ng espada ay agad siyang humarap. Parang hangin at ulan ang pagsayaw ng espada niya sa sobrang bilis. May puting ilaw ang kumikislap sa harap niya na gumagawa ng harang, na kahit tubig ay maitataboy kung ito man ay ihahagis sa kanya.
Splat. Isang bagay ang saglit na tumama sa espada ni Yue Qi, at isang linya ng dugo ang tumilamsik sa ere. Ibinaba nila ang tingin at nakita ang isang lasog-lasog na kamay.
Sa labas ng bintana, maririnig ang isang matinis na sigaw ng bata, "Zhuge Yue, hindi mamamatay si Lin Xi nang walang dahilan!" ang sinag ng buwan ay may makapal na tensyong mahihinuha habang ang maliit na katawan ay unti-unting nawawala sa dilim ng gabi.
Mas madilim sa gabi ang itsura ng batang lalaki, ang mga mata ay namumula sa galit habang siya ay nakatayo doon. Takot na tumingin si Zhu Cheng sa kanya, ang boses ay kinakabahan na sinabihan ang mga gwardya, "Ano pang inaantay nyo? Habulin sya!" madapa-dapa nilang hinabol ang bata na parang kakagising lang nila sa isang panaginip.
Sa masukal na bulaklakan sa gilid ng residensya, ang maselan na katawan ng isang bata ay mabilis na dumaan sa kurbadang daan na parang isang civet cat. Noon din, isang grupo ng mga lalaki ang paparating, tumatakbo papunta sa kanya. Walang emosyong ipinakita ang bata nang tumigil siya.
"Oh! Kayo pala!" nang makilala niya ang mga papalapit na lalaki, nagmadaling lumapit ang bata dito. "Nahuli niyo ba yung masamang tao?"
Sumigaw yung namumuno sa kanila nang makita na isa itong humihikbing batang alipin. "Tabi! Hindi ito isang bagay na maaaring mong tanungin, ngayon umalis ka sa dadaanan ko!" habang nagsasalita sya, hahawakan na niya dapat ang balikat ng bata upang itulak ito.
"marami pang assassin sa bahay ang pumatay sa mga tauhan mo. Ang sabi nila ay nagtatrabaho sila sa fourth young master ng Qing Shan court, nandito lamang ako para sabihin ito."
"Ano?" Puno ng gulat na tanong ng lalaki. "Kalokohan, may sa tatlong daang tauhan ang nagtatago din sa labas ng gate, masasabi mo sa isang iglap na hindi sila kasapi ng Zhuge household. Ang mga tauhan natin ay nahihirapang pigilan sila kaya bumalik kami para kumuha ng tulong."
May mga tao sa labas? Posible bang tauhan din sila ni Zhuge Yue? Kumunot ang noo ni Chu Qiao. "Hindi maganda ito, mas marami silang tauhan kaysa sa inyo. Paano kaya kung magtago kayo dito at papalabasin ko sila?"
Natuwa ang lalaki sa sinabi ng bata. Siguro nga at may tapang ang batang babae na ito. "Ayos, pag gumana ito, sasabihin ko sa mga pinuno ko ang totoong nangyari."
"opo." Ngumiti ang bata. "ang tanging hiling ko ay ang mapalaya ako sa aking pagsisilbi.'
Ang mga tauhan sa Qing Shan court ay dumating maya-maya lang. Bago pa sila makapagsalita, sila ay naharang na kaagad ng mga tauhan ng Zhuge sa dilim.
Galit na lumapit si Yue Qi. "Sino kayo? Isa akong tauhan ng second old master at ang personal na gwardya ng fourth young master!"
"Sinong niloloko mo!" ang sagot ng kabilang panig, "Isa naman akong imperial guard ng palasyo ng Sheng Jing! Brothers, lipulin sila!"
Habang nagpapatuloy ang labanan, unti-unting umalis sa digmaan si Chu Qiao. Pagkatapos makarating sa pinakalabas na pader, tumingin sa paligid si Chu Qiao saka hinanap ang wall-climbing equipment. Noon din, may naramdaman siyang hangin sa likuran ng ulo niya. Madaling umikot si Chu Qiao, ang mga galaw ay mabilis at maliksi. Inilabas niya ang crossbow niya at naghandang tumira, ngunit mas mabilis ang kanyang kalaban. Isang kamay na inangat siya ng nakahuli sa kanya at mabilis na tumalon ng ilang beses, na lumapag sa mataas na bakod.
"Yikes! Kabastusan na tinutukan mo ako ng sandata sa oras na nagkita tayo." Nakasuot si Yan Xun ng malaki, purong puti na mabalahibong kapa, na may itim na mga buhok at mga matang parang bituin ang kislap. Tinignan siya nito na may mapaglaro, at halos malanding ngisi sa mga labi.
Sa Zhuge court, may mga nakasinding sulo at nagkakagulong mga tao na nakakalat. Ang mga tao sa loob at labas ng court ay nasa laban. Ang tunog ng laban ay patuloy na narininig. Luminga-linga si Yan Xun at napailing habang napabuntong-hininga. "Tignan mo ikaw, isang bata na gumawa ng malaking gulo. Ang malas ng pamilya ng Zhuge at naging tagasilbi ka nila."
Napasinghal nalang si Chu Qiao. "Bitawan mo ako!" ang saad niya habang nagpupumiglas.
Napatawa ang binata, hindi natatakot na makita ng iba. Lumapit pa siya ng may ngisi, "Babae, hindi ko papansinin na hindi ka sumipot sa pagkikita natin. Pero ngayon may utang ka nanaman sa akin, paano mo ako babayaran niyan?"
"Sinong humingi ng tulong mo? Ang yabang mong b*stardo ka!"
"Hmph! Lagi mo nalang sinasabi yan. Pakiramdam ko napunta lahat ng kabaitan ko sa isang lobong kakagatin din naman ako." Pagrereklamo ni Yan Xun pero agad din namang nagliwanag ang mukha niya. "Pero ayos lang iyon, ginagawa ko naman kung ano ang gusto ko. Ngayon na tapos na ang palabas, mabuti pa at umalis na tayo bago tayo abutan ng apoy. Higpitan mo ang hawak mo!" pagkasabi nya nito, tumalon pababa ng pader ang binata.
Gulat, minura ni Chu Qiao sa ilalim ng kanyang paghinga ang katangahan at kayabangan ng lalaki. Pero sa parehong sandali ay hinigpitan niya ang hawak sa katawan ni Yan Xun. Umasa siya na ang makinang na sining ng Qinggong ay mayroon sa mundong ito, kung hindi ay mamamatay sila sa pagbagsak.
Thump. Humalinghing ang kabayong panggyera nang ang bigat ng dalawang tao ay lumapag sa likod nito. Masayang ngumisi si Feng Mian. "My prince. Kanina ko pa kayo hinihintay."
"Eh di umalis na tayo." Masayang tumawa si Yan Xun habang nakaupo sa kabayo niya.
Sa likod nila ay ang sigaw ng labanan na umabot sa langit sa sobrang lakas. Ang liwanag ng apoy ay aabot sa malayo. Itinaas ng prinsipe ng Yan Bei ang kanyang pamalo at pasulong na kumabig. Mabiis na nawala ang pigura niya sa mahabang lansangan.
Halos sabay na nakatanggap ng isang lihim na mensahe sila Wei Jing at Zhuge Huai. Sa ilalim ng liwanag ng kandila, ang nakakabatang henerasyon ng mga piling tao ng mga nirerespetong pamilya ay mahihinuha ang pag-aalala sa kanilang mukha. Pagkatapos magbigay ng maiikling tagubilin, ay lumabas sila ng kanya-kanyang sambahayan.
Sa kalangitan, nagsama-sama ang mga ulap at napuno ng nyebe ang hangin. Mahinang lumiwanag ang buwan sa mundo ng mga nabubuhay. Sa tabi ng templo ng Bai Liu sa syudad ng Zhen Huang, si Yan Shiqi, isang shadow guard sa court ng prinsipe ng Yan Bei, ang sumalubong sa pandigmang kabayo ni Yan Xun. Makikitaan ng pag-aalala ang mukha nito habang sinasabing, "Si Tenyente Koronel Song na galing sa city-front, Heneral ng Dauntless cavalry ay pinalilibutan ang inyong tahanan. Ang nakakatandang young master ng Zhuge ay nagmamadaling pumunta sa Bai Xing alley kasama ang kanyang hukbo. Ngayon ay paparating na sila dito.
Napasimangot si Yan Xun, malalim ang pag-aalala sa boses nito, "Anong ginagawa ng Dauntless cavalry dito? Nasabihan ba kaagad ng Zhuge family ang konseho ng mga nakakatanda?"
"Prince!" Iyak ni Feng Mian. Maririnig ang ingay ng mga kabayo na mabilis ang paglapit galing sa likod nila. "May nakahabol sa atin!" ang saad ng utusan, na puno ng pag-aalala ang mukha.
"Ilan sila? Mga tauhan ba sila ni Zhuge Yue?" tanong ni Yan Xun.
"No." Nababalutan ng nyebe, nababalisang naggagagalaw ni Feng Mian kaya't nangalaglag ang mga ito sa kanya habang sinasabing, "Sila ay mga tauhan sa bahay ng Wei, nakita ko si Wei Shuye na pinamumunuan sila."
"Ang pamilya Wei?" Napasimangot ulit si Yan Xun, at mas mababa pa sa dati ang tono ng boses nito. "Kailan pa sila nakipagtulungan sa mga tauhan ng Zhuge family? At sa lahat nang iyon, paano nila nagawang masabihan at mapadala ang hukbo ng Wei sa maikling oras?" tinignan ni si Chu Qiao na nakaupo sa giid niya. "Lass, ginalit mo ba ang mga tauhan sa pamilya Wei?"
Nangunot ang noo ni Chu Qiao at malalim na nag-isip, pero agad din naman siyang umiling, "Hindi."
"Eh di hindi ko alam kung bakit," bulong ni Yan Xun.
Luminga si Chu Qiao. "Dapat ay makaya ng isa ang kapalit ng kanyang mga nagawa. Ang bagay na ito ay dahil sa akin lamang. Hindi na kailangan ka pang madamay dito, Yan Xun."
Natigilan si Yan Xun. Ang mukha niya ay sa bata talaga, pero pag makikita ang pagka-kalmado at kahinahunan ng mga salita at ekspresyon niya, hindi niya maiwasang hindi mamangha. "Lass, hindi maipaliwanag ang kagustuhan kong lumapit sayo, kaya sabihin mo sa akin ang katotohanan sa sarili mo, ayaw kong makita na mabihag ka lang ng ganito."
Taas ang kilay at preskong sinabi na Chu Qiao na, "Habang umaandar ang oras, darating ang araw na tayo ay magkikita muli. Isa pa, hindi madali ang hulihin ako. Dahil na rin sa maliit at mag-isa ako, madali akong makakatakas. Sa kabilang banda, dahil sa iyong katayuan sa lipunan, ayokong madamay ka ng walang dahilan."