Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 28 - Chapter 28

Chapter 28 - Chapter 28

"Ibaba nyo ang sandata nyo!" ang malakas na bugso ng hangin ay nag-iba ng direksyon at sumama ang nyebe dito. Agad na itiningala ni Chu Qiao ang kanyang payat, na mallit na mukha at matalas na sinabing, "Kung hindi ay papatayin ko siya!"

"Ibaba niyo ang sandata niyo!" nakasimangot at pasigaw na sagot ni Wei Shuye.

May isang tili. Isang palaso ang eksaktong bumaon sa ulo ng pandigmang kabayo ni Wei Shuye, pumasok mula sa kaliwang mata at lumabas sa kana. Kumalat ang dugo at utak nito habang nasasaktang umiyak. Matisod-tisod namang natumba si Wei Shuye paalis sa kabayo niya. At nakakaawa itong makita.

Nakaluhod ang isang paa sa lupa, hawak ni Chu Qiao sa kaliwang kamay ang kutsilyong nakatutok sa leeg ni Wei Jing. Sa kanang kamay, hawak niya ang kanyang crossbow, na kasing taas ng balikat niya. Itinagilid niya ang kanyang ulo at gamit ang bibig na kumuha ng palaso galing sa quiver sa kanyang likuran. Magkatulong ang kamay at bibig niya na ikinarga ang palaso. Nakataas ang kilay at malamig niyang tinignan si Wei Shuye, tapos ay madahang sinabi, "ang susunod kong palaso ay hindi na tatama sa kabayo, kaya payo ko lang na wag kang gagalaw."

Sa loob ng isang sandali, lahat ng mata nila ay parang tuliro, lahat sila ay nanigas sa hindi inaasahang panahon. Libong piling mga sundalo ng Zhen Huang, ang mga prinsipe at tagapagmana ng mga malalaking marangal na pamilya, at ang mga top-tier generals na naglilingkod sa Imperial Military Assignment Center ay nakasimangot nilang tinignan ang bata na wala pang tatlong pulgada ang tangkad. Malinaw na malaki sa kanya ang suot niyang baluti. Ang kulay teal na leather collar ay pinoprotektahan ang kanyang matulis at payat na mukha. Isa itong mukha na mas maliit pa sa palad ng isang may sapat na gulang. May malinaw siyang pares ng mga mata at ang kanyang maliit, at mainam na ilong ay bahagyang nakapataas. Ang mga kamay ay napakapayat na tila ba mababali ito kung lalagyan ito ng lakas ng iba. Ang buong pagkatao niya ay makikitaan ng hindi maikakailang kahinaan at kahilawan.

Ngunit itong bata na ito mismo, na mukhang tatangayin ng hangin, ang nakasira sa depensa ng mga piling sundalo ng Wei household. At sa oras na ito, nakaluhod ang isang paa sa lugar na ito, walang takot niyang hinarap ang libong mga sundalo. Kinakalaban niya ang desisyon na ginawa ng konseho ng Grand Elders, kinakalaban niya ang may-ari ng palasyo ng Sheng Jin, kinakalaban niya ang buong Great Xia Empire. Pinagbantaan niya ang lahat sa pamamagitan ng paghostage sa pinuno ng kalaban, ang mukha niya ay malamig at nakakatakot.

Ito ang unang beses na kakalabanin Chu Qiao ang maawtoridad na pamumuno ng Great Xia Empire sa publiko, at mababa ang tingin sa kapangyahiran ng imperyo. Simple lang ang nasa isip niya. Tatakbo siya malayo dito at kasamang dadalhin si Yan Xun habang tumatakas.

"Bitawan ninyo ang mga armas niyo at buksan ang gate. Wag niyo nang hayaang ulitin ko ito." Malalim ang boses nito habang mabagal na tinitignan ang mga tao. Habang mabagal na umiikot ang kanyang katawan, ganoon din ang crossbow na nakalagay sa balikat niya. Na para bang isa rin itong mata niya na uhaw sa dugo ang tumututok sa nakapalibot sa kanila na nakakapagpadagdag ng takot ng mga ito.

"Gawin niyo na!" Biglang iyak ni Wei Jing. Dahil ipinanganak siyang nakalalamang at namuhay ng marangya, hindi na matagalan ng prinsipe ng imperyo ang kahihiyang pinagbabantaan siya ng isa lamang hamak sa alipin. Matigas ang ulo niyang tumingala, hindi natatakot na humiwa sa leeg niya ang kutsilyo, at galit na sinabi, "Itumba niyo sila!"

Thwack. Bago pa man matapos ni Wei Jing ang sasabihin, dalawa sa daliri niya ang pinutol ni Chu Qiao. Hindi handa sa sakit, napaatungal siya sa hirap, ang dugo ay bumubuhos galing sa kanyang sugat at tumutulo sa lupa.

"kung ako sayo tatahimik ako, batang Wei." Malamig ang ngiting tumingin si Chu Qiao sa mga sundalo ng Wei. "Hindi niyo ba naintindihan ang sinabi ko? O balak niyong sumuway? Siguro may iba pang nag-uutos sa inyo?" dumako ang tingin niya kay Wei Shuye. "dahil patay na ang kakompitensya mo, ikaw na ang magiging sunod na tagapagmana ng pamilya nyo. Major General Shuye, sino ba bukod sayo ang susunod na magiging Elder Master ng pamilya ng Wei?"

"Scum!" puno ng poot ang boses ni Wei Jing. "Wag ka na magtangka, ang samahan naming magkapatid ay matibay."

"Kailangan muna itong masubukan bago masabi kung gaano katibay ito." Ngisi ni Chu Qiao. Nakakasindak at nakakatakot ang ngiti, talagang hindi bagay sa isang walong taong gulang na bata. Nakasalubong ng mga mata niya ang mata ni Wei Shuye nang umakto siyang hinihiwa ang leeg ni Wei Jing.

Mabilis na kumilos ang mga kamay niyang tinalian si Wei Jing. Sa kabila nang kanyang maliit na pigura at mahinang lakas, ang kahusayan at ang uri ng pagtaling ginamit niya ay gumana. Napigilan niyang makatakas si Wei Jing sa kabila ng lakas nito.

"Sakay sa kabayo," utos niya. "Nais kong samahan pa muna kami ng batang Wei sa paglalakad."

Kumapal na ang mga ulap na wala nang makikitang kislap ng bituin kahit ang maliwanag na sinag ng buwan ay unti-unti na ring nawawala.

Hindi sumakay sa sinasakyang kabayo ni Wei Jing si Chu Qiao, bagkus ay nag-iisa sa isa pang kabayong pandigma. Buong tiwala at tapang siya sumakay, na dalawang kabayo ang agwat niya sa likod nito. Hinawakan niya ang maliit na crossbow, ang mga mata ay nakamamatay na nakatingin lamang sa lalaking nakatali sa kabayo na nasa harapan niya, at nanatili na preparadong ibigay ang huling tira kung kakailanganin man, "Yan Xun, tara na."

Sumulyap si Yan Xun. Tumaas ang isang bahagi ng labi at masayang tumawa. Tamad siyang sumaky ulit sa kabayo niya, pinangungunahan ang kanyang mga tauhan pasulong, at walng pakialam sa mga kalaban sa gilid nila. Nanguna si Chu Qiao at naglabas ng isang malamig ay madilim na pakiramdam na imposibleng hindi pansinin sa kabila ng maliit nitong katawan. Saan man siya pumunta, hile-hilera ng mga sundalo ng Zhen Huang ang umaatras na parang tubig baha na gumagawa ng daan.

May tunog na nagbukas ang gate ng syudad. Maliwanag na nag-aapoy ang mga sulo, na iniilawan ang kalangitan at kinunulayan ito ng pula. Ang mga usok sa hilaga ng imperyo ay patuloy na umuusok. Ang laban ay nakaapekto ng sampung-libong mamamayan ng Xia at ang dugo ay sinipsip ng bawat pulgada ng lupa sa Yan Bei Plateau. Ngunit, sa oras na ito, ang batang lalaking napangalanan ng imperyo na ulo ng rebelyon, anak ng hari ng Yan, na si Yan Xun, ay nakalabas nang walang humahamon sa mga pader ng syudad ng Zhen Huang. Ang tanging magagawa ng mga pinaka piling sundalo ng Xia ay manood nang may blankong ekspresyon, na hindi na maaari pang baguhin ang kinahinatnan.

Ang gilid ng mga labi ni Zhuge Huai at napataas, na nagiging isang ngiti na hindi masyado napapansin.

Para sa pamilya ng Zhuge, hindi na importante kung nakabalik si Yan Xun sa hilaga. Ang importante ay ang iniatas ng palasyo ng Sheng Jin sa pamilya Wei ang bagay na ito, at nabigo sila.

Wala nang iba pang balita ang mas nakakatuwa bukod dito, ito ang naisip ni Zhuge Huai. "Sabihan ang fourth young master na umuwi agad. May mga bagay akong kailangan pag-usapan kasama siya." Ang utos niya sa gwardyang nasa gilid niya.

Yumuko ang gwardya at lumapit. "Ang fourth young master ay umalis po ng syudad."

"Ano?" nabigla sa narinig si Zhuge Huai. "Umalis ng syudad?"

"Kakaalis lang niya galing sa hilagang gate. Ang sabi po niya ay may huhulihin siyang alipin na nakatakas sa household."

"Isang nakatakas na alipin?" napasimangot si Zhuge Huai. "anong klaseng alipin ang kailangan pa niyang pagtuunan ng pansin?"

"Hindi po ako sigurado. Titignan ko po ito agad."

"sana ay hindi na siya gumawa ng gulo," bulong ni Zhuge Huaihabang siya ay tumingala at napasulyap sa kulay itim na panggabing kalangitan.

Isang oras ang makakalipas, sa isang matanda, at walang taong daan, pinakawalan ni Yan Xun si Wei Jing sa pagkakatali nito. "Dahil nangako akong papakawalan ka, makakaasa kang gagawin ko iyon. Makakaalis ka na," malamig niyang saad.

Puno ng galit pa siyang tumingin ng huling beses kila Yan Xun at Chu Qiao, na nakatayo sa likod niya, tumalikod siya at umalis. Bumalik siya sa direksyon ng Zhen Huang City.

"Hindi mo siya dapat pinakawalan," saad ni Chu Qiao sa likod niya, ang kanyang boses ay nanlalamig. "Hindi mo ba nakita yung mga mata niya? pag binuhay mo siya ay magkakaroon ka ng mas malaking gulo sa hinaharap."

Habang nakatingin sa papawala nang anino ni Wei Jing, umilling si Yan Xun, at marahang nagpaliwanag, "Pag pinatay ko siya, ibig sabihin ay nagtaksil talaga ang Yan Bei. Hindi ko pa alam ang nangyayari sa aking bayan, kaya hindi ako maaaring magbasakali." Umikot sya, "Ano nang gagawin mo ngayon? Hindi ka hahayaang makatakas ng bahay ng Zhuge. Sumama ka sa akin sa hilaga."

Tinignan siya ni Chu Qiao at marahang napatawa, "Salamat sa pag-imbita, pero marami pa akong kailangan gawin."

Napasimangot si Yan Xun. Nang may malalim na boses, "Anong klaseng mga bagay naman ang kailangang gawin ng isang bata?"

Napataas naman ang kilay ni Chu Qiao sa sinabi ni Yan Xun. "Pagkatapos mo akong makilala ng matagal, anong parte sa akin ang mukhang bata?"

Walang masabi, nagkabuhol-buhol ang dila ni Yan Xun sa pagtry na mabigyan ng hustisya ang kanyang mga salita. Kung iisispin mo nga ito, parang hindi bata kung kumilos ang batang babae. Nagtagpo ang mga kilay ng prinsipe ng Yan at matagal na nag-isip, tapos ay hinila ang kamay ng bata sa pagkayamot. "mukha kang bata sa akin. Tignan mo ang kamay mo, ang maliit mong mga braso, ang maliit mong mga binti, maliit na ulo, at maliit na pigura. Siguradong bata ka. Kahit gaano ka pa kalupit, bata ka pa rin," Matigas na ulo niyang saad.

Tinanggal ni Chu Qian ang kamay ni Yan Xun, at napabulong, "ang peste naman nito."

"Hoy!" tumakbo si Yan Xun para harangang ang dadaanan ni Chu Qiao, "Aalis ka ba talaga?"

"Kailangan kong umalis."

"Anong kailangan mong gawin? Hindi ba pwede sa iba ko nalang ipagawa ang gagawin mo?" malakas na tanong ng prinsipe ng Yan, napahiya sa pagtanggi niya.

Tumalikod si Chu Qiao. Tumingin siya sa malinaw na mga mata ng binata at seryosong sumagot, "Yan Xun, hindi tayo parehong klase ng tao. Sa tingin ko sapat nang matagal tayong nagkasama."

Nanatiling tahimik na nakaupo sa kabayo niya si Yan Xun.

"Para sa pagkakakilala ko sayo, sasabihin ko ito: mahirap mahulaan ang mangyayari sa hinaharap. Mag-ingat ka," ang sabi niya nang may tono ng matanda. Tapos, pinaikot niya ang kabayo, ang kanyang pamalo na kumupumpas sa ere habang siya ay papalayo.

Nang wala ang ilaw ng buwan at mga bituin, ang bata at ang kabayo niya ay unti-unting nawala sa ulan ng nyebe. Nawala sa pagmumuni-muni agad na hinabol ni Yan Xun ang bata ngunit nauwi lamang ito sa wala. Habang nakaupo sa kabayo niya, isinigaw niya sa bata na nawala sa pag-ulan ng nyebe, "Hoy! Hanapin mo ako sa Yan Bei kung sakaling kailanganin mo ako!" ang boses niya ay tumatagos sa malakas ng ulan ng nyebe at maririnig sa kailaliman ng gabi. Matagal pa bago mag-umaga, ang tanawin ay kulay itim at nanunuot sa buto.

Sa isang madilim na labas ng syudad ng Zhen Huang, ang isang anino ay mabilis na dumadaan sa traveler's road sa labas ng silangang gate. Isang oversized leather coat ang tumatakip sa katawan at mukha nito. Ang maliit na lalagyan na gawa sa balat ng mink ang nakalagay sa likod nito, ang malaking itsura nito ay nagpapahiwatig ng bigat nito.

Patuloy na lumalakas ang pag-ulan ng nyebe at ang umiihip na hangin ay bahagyang pinapayagan ang sino man na bksan ang mata. Isang tao ang nagpatuloy sa paglalakad kahit na nahihirapan, para bang may isang mabagsik na hayop ang humahabol dito.

Sa sumisipol na hangin, may maririnig na yapak ng kabayo. Sa hindi kalayuang kapatagan, isang purong itim na kabayong pandigma ang mabilis na lumalapit. Ang bata na nakasakay dito ay payat ang pigura, hindi na lalagpas sa pito o walong taong gulang, at nakasuot ng uniporme ng isang gwardya ng Yan. Ang pares ng kanyang itim na mga mata ay pinag-aralan ang tanawin na sa harap niya na parang isang lawin. Nakita niya ang mag-isang naglalakad at agad na masayang binilisan ang takbo niya palapit.

"Xioba!" tawag pansin ni Chu Qiao. Mas nagwala pa ang hangin at mabilis na nawala ang boses niya. yung indibidwal na naglalakad ay mukhang wala talagang narinig at nagpatuloy sa paglalakad, ang mga ulo ay nakatungo. Mas binillisan ni Chu Qiao ang paglapit, tapos ay huminto sa harap nung tao. Nakasimangot, nagsalita siya sa mababang boses, "Xiaoba?"

"Hehe," isang paos at mababang boses ang sumagot sa kanya at ang maliit na pigura ay nag-angat ng tingin. Ang mukha niya ay kulubot at walang kahit anong itsura ng bata. Isa itong dwende na halos apatnapung taong gulang!.

Sa isang iglap, isang boltahe ang lumabas mula sa manggas ng dwende at dumiretso sa mukha ni Chu Qiao. Ang dulo nito ay matulis at malamig. Nabigla sa nangyari, napaungol si Chu Qiao, tapos ay nalaglag ang katawan sa kabayo.

Isang paos na tawa ang narinig, sobrang nakakatakot sa malamig na gabi. Itinapon sa gilid ng dwende ang hawak niyang sako at mabagal na lumapit, ang isang paa ay sinipa ang binti ng bata. Saka lang bahagyang naupo ang dwende para tignan ang pulso ng bata ng makitang parang isang bangkay na ito na hindi gumagalaw.

"sobrang nainis siguro ang master para ipadala ako para sa isang bata lang." Suminghal ang dwende at itinalikod ang batang nakahiga sa lupa. Ngunit sa isang iglap, ang hindi gumagalaw na katawan ng bata ay biglang tumayo. Ang pares ng mga mata ay parang mga bituin ang kinang at ang kanyang mga galaw ay malakas at may pwersa. Sa isang kurap ng mata, ang bata na nasa awa ng dwende ay nabaligtad ang pangyayari. Walang awa niyang sinaksak sa ugat sa leeg ng dwende ang malamig na dagger at itinapon sa lupa ang boltahe na galing sa manggas ng dwende.