"Ang Jiu You ay isang banal na lugar sa loob ng Zhen Huang. Prince Yan, kung hindi mo sasabihin ang intensyon mo sa pagpunta sa lugar na ito, hindi ka makakapasok, kahit na ikaw pa ang execution official. Tatanungin pa ulit kita ng isang beses. Prince Yan, nandito ka ba para kilalanin ang mga kriminal?"
Lumipad ang mga bandila sa hangin. Ang atmospera ang sobrang tahimik sa ibaba. Yung binata, na may malamig na tingin sa kanyang mga mata, mabigat na ipinahid ang kamay sa kanyang labi, at mababang sinabi, "Scram!"
Sa isa pang tunog ng kulog, kasunod ng nakakabinging thud, napaalis nanaman sa platform si Yan Xun.
"Yan Xun!" hindi na mapigilan pa ni Chu Qiao ang sarili. Sumigaw siya, "baliw ka na! Gusto mo na bang mamatay? Bumalik ka na!"
Wala na siyang marinig pang tunog kahit sa mga dagundong na umaalingawngaw sa kanyang tainga. Ang kanyang mga mata ay mapula at namamaga, ang kanyang mukha na puno ng hiwa na gawa ng dumi at buhangin. Ang kanyang kamay ay babad sa dugo, para bang siya ay naligo nito. Ang mga sugat sa kanyang dibdib ay malala, kapareho ng epekto na gawa ng malaking bato. Para bang may tumatawag sa kanya, ngunit wala siyang marinig. Tanging tunog lang ng Yan Bei ang nanatili sa kanyang isip. Para bang narinig niya ang masayang tawa ng kanyang ama, ang walang humpay na pagpapaalala ng kanyang nakakatandang kuya, ang kanyang third brother at second sister na hinahabol siya na may pamalo, ang tiyo niyang tumutugtog ng musika ng Yan Bei, at ang mga tauhan ng kanyang ama, na isinakay siya sa balikat na parang pagsakay sa kabayo simula noong bata siya.
Subalit, unti-unti silang lumalayo, ang mga mukha ay hindi makita. Ang kalangitan ay madilim, at maraming malamig, monotone na boses ang tinatawag siya sa kanyang isip. Ang sinasabi nila ay, "Yan Xun. Tumayo ka. Tumayo ka, kung paano tatayo ang lalaki sa Yan Bei."
Lahat ng mata ay lumaki sa gulat, habang tinitignan ang binata—ang dating pinahahalagahang maharlika—na basang basa ng dugo. Bawat tapak, nag-iiwan siya ng duguang bakas ng paa sa itim na baitang. Ang repleksyon ay nakakasilaw.
Napasimangot ang general. Tinignan niya ang binatang umaakyat sa platfom, hindi alam ang sasabihin. Ang tanging nagawa niya ay sipain siya sa huling segundo.
May maririnig na mahinang hikbi sa kumpol ng tao. Ang mga hikbing naririnig galing sa mga sibilyan ay unti-unting lumakas. Ang mga mababang tao na ito ay nakatingin sa square, hindi mapigilan ang kalungkutan sa kanilang mga puso. Pagkatapos ng lahat, isa lamang siyang bata. Pinatigas ng mga maharlika ang kanilang labi. Maging sila ay nadala ng eksenang ito.
Nagpatuloy na umihip ang malamig na hangin. Hindi na makatayo ang binata. Ang First Marshall ng royal empire na si Meng Tian, ay isang dakilang kalaban na nagtatagal ng pambihirang lakas. Minsan na niyang kinalaban ang mahigit 200 hukbo sa highlands sa kanlurang disyerto at nagtagumpay. Ang mahampas niya ay mabilis na kamatayan. Subalit, walang nakakaalam kung anong klaseng pwersa ang sumusuporta sa binata. Gamit ang puno ng dugo niyang mga kamay, mabagal siyang bumalik paakyat sa platform.
Pagkatapos ibigay ang huling sipa kay Yan Xun, napasimangot ang general at inutos sa mga gwardyang katabi niya, "Hindi n kailangan pang gawin ang pag-identipika. Hulihin siya at ipagpatuloy ang pagbitay!"
"General Meng Tian!" napasimangot si Wei Jing. Tumayo siya at sumagot, "nakakatakot ngunit hindi ito sumasang-ayon sa panuntunan. Ang utos ng palasyo ng Sheng Jin sa kanya ay kilalanin ang mga bangkay, paano mo ito nagawang tratuhin ng ganyan?"
Napasimangot si Meng Tian at lumingon, tinitignan ang batang pinuno ng angkan ng Wei. Tinuro niya si Yan Xun at sinabing, "sa tingin mo ba ay masusunod pa niya ang utos sa lagay niyang ito?"
Walang may gusto na sundin niya ang utos. Humahanap lamang ng magandang rason ang palasyo ng Sheng Jin para puksain siya. Sa pagbagsak ng Northwestern pass, ang royal empire at konseho ng Grand Elder ay ibibigay ang sisi sa hari ng Yan Bei, sa gayon ay malipol ang buong pamilya nito. Siya nalang ang natitirang myembro ng pamilya na nabubuhay.
Dahil matagal na namuhay si Yan Xun sa capital, hindi siya nasama sa ganoong bagay at hindi maaaring idamay. Dahil sa pagkamatay ni Yan Shicheng, si Yan Xun ang karadapt-dapat na susunod na mamuno. Ngunit, paano gagawin ng royal empire ang panganib na pakawalan siya? Kaya, ginawa nila ang patibong na ito para sa kanya. Kung hindi niya susundin ang royal decree, siya ay paghihinalaang suwail na traydor na hindi tapat. Kung sumunod naman siya, siya ay makikita bilang isang duwag, at hindi mabuting anak. Kahit anong mangyari, isa itong sitwasyon na siguradong ikamamatay niya.
Ang galaw na ito ng royal empire ay para sagutin ang mga sibilyan at ibang feudal lord—para manahimik sila. Sino bang hindi makakaalam ng intensyon nila?
Ngunit, ang rason na ito ay hindi maaaring sabihin. Si Wei Jing, medyo naaasar, tumingin kay Yan Xun at malamig na sumagot, "General Meng, sa paggawa nito, hindi ka ba natatakot na galitin ang emperor at konseho ng Grand Elder?"
"kukuhanin ko lahat ng responsibilidad sa mga mangyayari. Hindi mo na kailangan mag-alala." Tumalikod si Meng tian at tinignan ang nahuling bata. Napabuntong hininga siya, at bumalik, ipinagpatuloy ang pagbitay.
Sa sandaling iyon, isang matandang boses ang umalingawngaw. Huang Qizheng, ang assistant execution ofiicial, ay mabagal pumunta sa harapan. Marahang sumulyap, mahinay siyang nagsalita, "General Meng, sa utos ni Elder Muhe, heto ang sulat para sayo, kung sakaling hindi masunod ang lahat sa plano."
Tinanggap ni Meng Tian ang sulat. Nang tinitignan niya ito, ang ekspresyon niya ay lubhang nagbago. Ang general ay matagal na tumayo sa platform, bago lumingon kay Yan Xun. Marahang niyang sinabi, "Prince Yan, pakiusap wag ka nang magpatuloy sa pagtigas ng ulo. Oo o hindi, kailangan mo lang itango ang ulo mo. Sila ang tunay mong pamilya at tanging ikaw lang ang karapat-dapat na kilalanin sila."
Nasa sahig pa rin si Yan Xun, malayo ang itsura sa confident nitong pigura dati. Ngayon, kamukha ang ang demonyo na nanggaling sa impyerno, kinain ng pagkamuhi, at uhaw sa dugo.
Tumingin si Meng Tian sa mata ng binata, na hindi nagpakita na nawala na ang tigas ng ulo nito. Walang magawa siyang napabuntong-hininga at nagpatuloy, "Dahil ayaw sundin ni Prince Yan ang decree, pagpasensyahan niyo na ako kung susunod ako sa nakalagay sa libro. Men! Dalhin siya!"
"Sandali lang!" sa gitna ng walang tigil na hangin at madilim na ulap, isang malutong na boses ang biglang narinig. Lahat ay lumingon sa pinanggalingan ng boses, para lamang marinig ang tunog ng yapak ng kabayo mula sa kung nasaan ang purplish-golden na gate. Isang babae, nakasuot ng puti na may itim na buhok, ang lumapit sakay ng kabayo niya, at sinabing, "Ako ang kikilala sa kanila!"
"Ina?" ang binata, nakahiga pa rin sa lawa ng dugo, ay biglang tumingin sa babaeng nasa kabayo. Ang babae, na nakasuot ng puti, ay nagbigay ng eleganteng awra. Ang kanyang mukha ay sobrang ganda. Para bang may bumabang diyosa sa mortal na mundo.
Bumaba ang babae sa kabayo niya at naglakad papunta kay Yan Xun. Ang mga gwardya sa parehong gilid ay natigilan; walang nagmadaling lumapit para pigilan siya.
Inilagay ng babae ang ulo ni Yan Xun sa kanyang bisig, gamit ang manggas upang punasan ang dugo sa kanyang mukha. Ngumiti siya ng malapad at malumanay na nagsalita. "Xun'er."
Nag-umpisang tumulo ang luha ni Yan Xun. Ang binatang ito, walang ekspresyon kahit kaharap ang libong royal troops, ay malakas na umiyak. Nakahawak ng mahigpit sa manggas ng babae, sumigaw siya, "Ina, bakit? Anong nangyari?"
"Xun'er," marahang pinunasan ng babae ang isa pang mantsa ng dugo sa kanyang mata, "naniniwala ka ba sa tatay mo?"
Nabulunan si Yan Xun at tumango. "oo."
"kung ganon, wag kang magtanong ng kahit ano." Hinawakan ng babae ang bata, ang kanyang mata ay sinusuri ang mga maharlika na nasa platform. Marahan siyang nagpatuloy, "Hindi lahat sa mundong ito ay malinaw na maipapaliwanag. Katulad ng kung paano mamili ng biktima ang ilang mandaragit, walang malinaw na rason kung bakit."
"Ina!" tumalikod si Yan Xun at tumingin sa may nakasisilaw na kasuotan na mga maharlika. "Sila ba iyon? Sinaktan ba nila ang Yan Bei?" ang tingin sa mga mata ng binata ay sobrang lamig. Sa oras na iyon, para bang naglunsad siya ng isang malamig na digmaan sa mga maharlika. Tumingin sila sa magandang babae, tinitignan ang kanyang ngiti habang pinupunasan ang luha ng bata. "Xun'er, wag kang umiyak. Ang supling ng pamilya Yan ay dugo ang inilalabas, hindi luha."
Napasimangot si Meng Tian. Nang mapatingin sa babae, kahit siya ay hindi makapagsalita. Ang mga magaganda at pangit na alaala ay lumitaw sa kanyang isip. Naaalala pa rin niya ang nangyari ng taong iyon. Iyon ay tagsibol. Si Shi Cheng, kasama siya at ang lalaking hindi man lang mabanggit ang pangalan niya, ang nakasalubong sa babae habang sila ay napunta sa malinaw na lawa sa Tang Empire. Mga bata pa sila noon. Ang babae, na nakasuot ng berde, itinaas ang laylayan ng kanyang patalon, naipapakita ang kanyang makinis na binti. Sumigaw siya sa tatlong binata na natulala sa ganda niya. "Hoy! Kayong tatlong malaking lalaki ay gusto bang sumakay sa bangka?"
Sa isang iglap, 30 taon ang nakalipas. Napagdaanan na nila ang lahat, sa lahat ng madugo, mga kamatayan, at pagpaplano. Noon, hindi nila maiisip na pagkatapos ng 30 taon, ay makakaharap nila ang ganitong sitwasyon. Kung alam lang nila, magdudusa ba sila sa pait at ginhawa, nang nagkakaisa, handang mamatay para sa isa? Lahat ng ginawa nila sa nakaraan...para lamang ba habulin nila ang ulo ng bawat isa?"
Mabagal na napabuntong-hininga si Meng Tain. Malalim siyang sumagot, "Hindi ka na dapat pumunta."
"Nabanggit niya dati na hindi niya hahadlangan ang kalayaan ko sa loob ng capital. Basta hindi ako tatapak sa labas ng Zhen Huang, walang makakapigil sa akin. General Meng, isa itong royal decree, hindi mo ito maaaring suwayin. Tulad ng kung paano mo nilusob ang Yan Bei, pero ginawa mo pa rin ito kahit ayaw mo man o hindi." Bahagyang iniangat ng babae ang kanyang palda, paakyat sa baitang ng platform. Ang kanyang mga galaw ay napaka-elegante, ngunit ang kanyang mga yapak ay parang mabigat.
"Ina!" nagulat si Yan Xun at tinangkang lumakad pasulong. Ngunit bago pa man siya makalakad, mabigat siyang bumagsak sa lupa, dumadaing sa sakit.
Nakawala si Chu Qiao sa mga sundalong nakapalibot sa kanya. Nagmadali siyang lumapit, hawak ang katawan ni Yan Xun. Balisa siyang nagtanong, "Kamusta ka?"
Patuloy na bumabagsak ang nyebe. Ang hilagang hangin ay sumisipol, na may mga iyak ng buwitre sa himpapawid na maririnig. Sariwang dugo ang bumalot sa mayelong lupa na may nakakalat din na punit na mga bandila at bumagsak na braziers. Lahat ay nakatingin sa babaeng umaakyat sa platform. Ang hangin ay pinapalipad sa ere ang kanyang manggas, tulad ng puting ibon na umiikot sa hangin.