Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 40 - Chapter 40

Chapter 40 - Chapter 40

"Sige," tumawa si Chu Qiao at tinulak si Yan Xun sa harap ng lamesa, nakaturo sa mapa at malinaw na seryosong inisa-isa ang mga detalye ng kanyang paglalakbay.

Ang kalangitan ay maulap at isang malalim na katahimikan ang bumalot sa kanila. Paghigop ng tsaa, nagtala pa muna ng pang huli si Chu Qiao at nag-umpisang magturo sa chart. "Hanggang si General Meng Tian ang namumuno sa Meng Clan, hindi ko kailangan mag-alala sa kanila. Dahil sa kasalukuyang mga pangyayari, imbis na mag-alala tungkol sa palasyo ng Sheng Jin o tungkol kay Wei Fa, kailangan nating mag-alala tungkol sa Zhuge Clan."

Napahawak sa sentido si Yan Xun at sinabing, "Hindi ba't kakaalis lang ni Zhuge Huai sa capital? Nitong mga nakalipas na taon, dahan-dahang umatras sa konseho ng Grand Elders si Zhuge Muqing, ipinahawak kay Zhuge Huai ang mga bagay-bagay sa pamilya. Makikialam ba siya ngayon?"

"Sa tingin ko ay minamaliit mo ang katusuhan ng matandang iyon." Iniling ni Chu Qiao ang ulo. "sa paghahari ng imperyo sa loob ng 300 taon, ang konseho ng Grand Elders ay napangunahan ng iba't-ibang pamilya. Isa sa mga elders na nagtatag, tanging ang Zhuge clan lang ang ipinaglaban ang daan nila palabas ng parang, kasama ang Great Emperor na si Pei Luo. Naiintindihan ng Zhuge Clan ang balanse ng kapangyarihan; ito ang pinakamalaki nilang asset. Hindi nila inilagay ang sarili sa kapahamakan, hindi katulad ng Muhe clan, kung saan sabik na magpasikat. Ang mga bagong emperor ay gustong pagsamahin ang kapangyarihan nila upang patibayin ito, simula sa mga malalaking pamilya. Ito lamang ang tanging rason kung bakit nakakaligtas ang Zhuge Clan sa lahat ng taon. Patuloy na may mga pagtatalo sa loob ng imperyo, kahit na mukhang hindi kumakampi kahit kanino si Zhuge Muqing, iniiwasan ang mga gusot na lumalapit sa kanila. Hindi ito nagkataon lang nangyari. Tignan mo to," tumuro si Chu Qiao sa chart, "Ito ang kaalamang nakalap ko nitong mga nakaraang buwan. Mukhang walang binabalak sa panlabas ang pamilya ng Zhuge, ngunit ang mga gamit, asin, at metal ores, sa hilagang-kanlurang rehiyon ay inililipat paunti-unti. Kahit na hindi madami ang naililipat bawat pagkakataon, ang dalas ng paglilipat ay sobrang taas. Ipinadala sa Xi Han si Zhuge Xi galing sa Song Shui para mangolekta ng buwis sa lupa at mga gamit. Sapagkat, halos dalawang buwan na ang nakakalipas at hindi pa siya nakakabalik. Pakiramdam ng mga opisyal na mahina ang ulo ni Zhuge Xi at walang gaanong silbi. Ngunit, sa opinyon ko, kahit na maliit ang syudad ng Xi Han, katabi nito ang Yang Min Gates, ang isa sa mga lugar na kailangan natin daanan para makabalik tayo sa Yan Bei. Nasa gitna ito ng mga ruta ng mga tagadala ng Yao Shui, Fu Su, at Chi Shui, dahilan para maging importante ito sa stratehiya. Ang syudad na iyan ay hindi dapat makaligtaan."

"Isa pa, tignan mo itong ikawalo ng nakaraang buwan, ang konseho ng Grand Elders ay sumang-ayon na ianunsyo na si Zhuge Ran ang opisyal na call to arms. Hindi pinabalik ni Zhuge Muqing ang kanyang anak sa hilagang-silangang kampo. Bagkus, pinadala siya sa timog-kanlurang kampo para maging heneral. Ang timog-kanlurang kampo ay katabi ang hilangang-kanluran, at ang timog-kanlurang kampo ay nasa loob ng teritoryo na nasa ilalim ng pamamahala ng Bataha Clan. Kung hindi lihim na nakipag-usap ang pamilya ng Zhuge sa Bataha Clan, paanong mapapayagan ni Old Batu na hayaan ang taga-labas na magkampo sa teritoryo niya? Isa pa, ito ang pinakaimportante: napansin mo ba na maaaring malapit nang bumalik si Zhuge Yue?"

Tumango si Yan Xun. "Alam ko lahat ng sinasabi mo. Nagpadala ng tauhan si Lady Yu nung nakaraan para paalalahanan ako tungkol dito."

"Oh?" lumiwanag ang mata ni Chu Qiao. "Anong sinabi ni Lady Yu?"

"Sabi niya na masyado pang maaga para kumilos. Kapag ang iba't-ibang kapangyarihan ay nagsama-sama para ipagdiwang ang kaarawan ng emperor ng Xia, maraming mga bagay na nagpapabago-bago ang kailangan ikonsidera. Sa ngayon, maaari lamang tayong kumilos nang naaayon."

Biglang kumunot ang noo ni Chu Qiao habang tumingin siya kay Yan Xun. Mabagal niyang sinabi, "Yan Xun, sa tingin mo ba ay ayos lang iyon? Natatakot akong baka may dumating na gulo. Sa tingin ko kailangan na natin agad na ihanda ang sarili para makasigurado."

"AhChu, walang perpektong plano sa mundong ito. Tungkol sa paghahanda, hindi ba't naihanda na natin ang sarili nitong mga nakaraang taon?" seryosong tumingin si Yan Xun sa maliwanag nitong mga mata. "Naniniwala ka ba sa akin?"

Tumango si Chu Qiao. "Naniniwala ako."

"kung ganon, dapat ka nang magpahinga." Malambot na tumawa si Yan Xun. "Hayaan mo na ang mga bagay sa ito sa akin. Ang paglalakbay mo sa Nan Ji Mountains ay masyadong pinahirapan yung katawan mo, masyado ka nang pagod para dito."

"Yan Xun..."

"Ayokong bumalik mag-isa sa Yan Bei." Biglang sabi ni Yan Xun sa malalim na tono, "wala na akong natitira pang kamag-anak. AhChu, ikaw ang pinakamahalaga sa akin."

Ang mga kandila ay mainit na umaapoy, ang mga tingin ni Yan Xun ay kasing lambot ng tubig. Itinaas niya ang kamay at hinimas ang pisngi ni Chu Qiao. "AhChu, naaalala mo pa ba yung taon na tumapak tayo sa palasyo ng Sheng Jin na malala ang lagnat ko, at walang gamot para dito? Naaalala mo ba kung anong sinabi mo sa akin?"

Natigilan si Chu Qiao at nagpatuloy si Yan Xun, "Sabi mo na gusto mo akong magpahinga na hindi nag-aalala, na mananatili kang gising hanggang gumising ako. Sa huli, nagising ako pagkatapos ng apat na araw at gising ka pa rin, inaalagaan ako sa lahat ng oras na iyon. Ngayon na mayroon na akong abilidad na alagaan ka, pwede ka nang magpahinga na hindi kailangan mag-aalala. Mananatili akong gising hanggang sa araw na maaari na nating ipikit ang mga mata at makatulog nang mapayapa."

Itinungo ni Chu Qiao ang ulo at bahagyang ngumuso. May mga mainit na apoy ang kumikiliti sa kaloob-looban ng kanyang puso, ang sumisigurado sa kanya sa malamig at madilim na mga gabi ngayong taglamig. "Sige, hindi ako aalis. Mananatili ako sa tabi mo, naghihintay na ilayo mo ako dito."

Tumango si Yan Xun at may maliwanag na tingin. Ang kanyang ngiti ay napaka-init at tila tulad ng isang tunaw na lawa sa marso. Ang pag-aalala na nararamdaman ni Chu Qiao nitong mga nakaraang buwan ay biglang naglaho.

"AhChu, sabay tayong pumasok dito at sabay din tayong lalabas. Kailangan mo akong pagkatiwalaan dahil, sa mundong ito, tayo nalang ang mayroon tayo."

Nang oras na iyon, naiipon ang nyebe sa kalagitnaan ng taglamig habang lumilipas ang kahabaan ng tahimik na gabi. Payapa ang syudad ng Zheng Huang. Ngunit, walang nakakaalam sa malademonyong matatalas na patalim na nakahimlay sa dumadaluyong na alon sa ilalim. Ang kakaiba at hindi mahulaang alon ay tahimik na kumukulo, handang umapaw kahit anong oras, at pupuksain lahat nang nasa daraanan nito. Ang mga tao sa pampang ay maingat nalang na tumatapak, ginagawa ang lahat para mailigtas ang kasuotan sa maputik na tubig. Kung ang isang tao ay hindi kayang labanan ang laki ng tubig, ang maaari na lang niyang gawin ay lumayo dito.

Pagkasarado ng pinto sa silid ni Chu Qiao, nakita niyang namatay na ang ilaw ng kandila sa loob ng silid. Ang mga tingin niya ay lumamig at naging matigas nang itinaas niya ang kanyang ulo, na nakatingin sa direksyon ng Xia Hua hall nang may matinding alaala ang naalala niya. Kinuyom niya ang mga daliri, at naputol ang tuyong maliit na sanga sa kanyang palad. Tumingala siya at isinarado ang mga mata, nang bigang naalala ang isang gabi, maraming taon ang nakalipas.

Nang araw na iyon, siyam na taong gulang lamang si Chu Qiao, at tulirong naghahanap ng gamot na panglunas sa karamdaman ni Yan Xun. Subalit, nalaman ito ni Wei Jing dahil nagmamanman ito sa kanila sa dilim. Sa huli, siya ay hinampas at binugbog ng 20 malaki at mabigat na mga lalaki. Para maiwasan na mapuntirya si Yan Xun sa kadahilanan na iyon, hindi tumakas o lumaban si Chu Qiao. Siya ay sobrang nabugbog, at may mga dugo pang dumadaloy pababa sa kanyang katawan. Nang dumating siya, halos mamatay na ang bata ngunit hawak-hawak pa rin niya ang pakete ng nakaw na gamot.

Tahimik siyang nangako simula ng araw na iyon, hindi niya hahayan na mahiwalay sa tabi niya ang isang taong sobrang mahalaga sa kanya. Wala nang kahit sino pa sa buhay niya na ito na mahihigitan ang kahalagahan ni Chu Qiao. Umasa siyang dumating kaagad ang panahon na ito. Sobrang tagal na niyang naghintay at hindi na makakapaghintay pa.

Iminulat ni Yan Xun ang mga mata, ang kanyang tingin ay kasing linaw ng umaga. Bukas ang oras ng pagbalik ni Zhuge Yue sa capital. Hindi niya nakita ang dating kaibigan sa loob ng pitong taon. Kamusta siya nitong mga nakalipas na taon?

Ang sugat niya sa balikat ay matagal nang gumaling, pero mayroon pa ring konting poot ang nakatanim sa puso niya. Malamig na bahagyang napatawa si Yan Xun nang tumalikod siya at naglakad sa kadiliman.

Simula noong umpisa ng taon, ang capital na syudad ng Zhen Huang ay nakakaranas nang pinakamalakas na pag-ulan ng nyebe sa kanilang kasaysayan. Ang malakas na pag-ulan ay patuloy na bumabagsak sa syudad sa loob ng labing-dalawang araw. Malupit at malamig na hangin ang gumulong sa mga makalumang daan na papunta sa syudad. Isang pangkat ng cavalry, na nakasuot ng itim na baluti, ang tumatakbo sa manyebeng kapatagan habang binibilisan makarating sa syudad ng Zhen Huang.

Ang hukbong ito ay kapansin-pansin, nababalot sila ng ordinaryong asul na mabalahibong kapa. Nakasuot ng mabalahibong sumbrero, ang mga sandata nila ay nakabalot ng cotton habang nakasakbit sa kanilang likuran. Ang sinasakyan nila ay isang lang din ordinaryong kabayo sa Hongchuan. Iisipin nang isa na ordinaryo lamang silang gwardya ng syudad sa isang tingin. Ngunit kung titignang mabuti, makakaramdam sila nang hindi maipaliwanag na awra na nanggagaling sa mga ito.

Ang cavalry ay nilagpasan ang Jiu Wei nang dumaan ang mga ito sa abalang pangunahing kalye, papunta sa likod ng Chi Lake at lagpas sa Zi Jin Square. Tumigil lang sila nang marating nila ang Bai Qiang Gates, ang lugar na ang mga imperyal na gwardya sa loob na syudad lang ang makakapasok. Ang lalaking nangunguna ay nakasuot ng itim na baluti na may itim na mabalahibong kapa na nakabalot sa kanyang balikat. Nang may mahinang tapik, nalaglag mula sa kapa niya ang nyebe at alikabok. Naglakad siya palayo sa hukbo niya na may kasama na ilang tauhan at dumiretso sa mahigpit na binabantayang palasyo ng Sheng Jin.

"Seventh Royal Highness!" sa mga nyebe, ang itinaas ng batang Zhao Che ay mukhang nababalutan ng lamig. Sa ilalim ng kanyang matalas na kilay ay ang malamig at walang emosyong mga mata. Ginugol niya ang nakaraang apat na taon sa mga hangganan. Ang oras niya doon ay parang bato, na pinapatalas ang talim ng kanyang espada. Itinaas niya ang kilay at nagtanong, "Asan ang eight brother ko?"

"siya po ay kinuha ng sambahayan ng estado."

Napahawak sa sentido si Zhao Che at sinabi sa malalim na boses, "Nagtrabaho man lang ba kayo?"

Ang iilang mga tauhan sa harap niya ay agad na lumuhod sa takot, at sabay-sabay na sinabi, "dapat po kaming mamatay."

Nakaupo sa kanyang kabayo, napasingkit ang mga mata ni Zhao Che at sinabing, "Dahil alam niyong lahat sa dapat kayong mamatay, bakit pa kayo pumunta para makita ako?" pagkatapos noon, tumalikod siya at naglakad sa Qian Xi road, iniwan ang mga batang gwardya na nakaluhod sa nyebe.

Ang nyebe ay mas kumakapal sa paglipas nangg oras, ang malakas na hangin ay umiihip. Si Zhao Che at ang iba ay nakabalot ng kanilang kapa at mabalahibong sumbrero habang nagmamadaling makarating sa pagitan ng pulang pader.

"Sino iyan?" matigas na sigaw ng gwardya ng palasyo.

Ang pigura ay natigil sa harap nila. Sa ilalim ng takip ng pag-ulan ng nyebe, ang anyo lamang ng taong ito ang kanilang nakikita. Ang pigura ay hindi ganoon katangkad at napakapayat, ngunit napakatalino. Lumuhod siya nang marinig ang boses at mapagpakumbabang itinungo ang ulo.

"Your Highness, ito po dapat ang tagasilbi ng palasyo."

Tahimik na sumulyap sa direksyon na iyon si Zhao Che, ipinakita ang espada sa kanyang bewang, at agad na iniangat ang sumbrero sa kanyang ulo. Ang kanyang mahabang buhok ay nakatali nang pa man bun, ngunit ang kanyang leeg ay hindi pangkaraniwan na payat at maputi. Itinapak ni Zhao Che ang kanyang bota at tumingin sa taong nakaluhod sa harapan niya. Mabagal niyang sinabi, "Iangat mo ang ulo mo."

Isang mainam at magandang mukha ang bumungad sa kanyang paningin. Ang kanyang itim na mga mata ay kalmado. Kahit na siya ay nakasuot ng panglalaking kasuotan, siya ay maganda. Bahagyang tumaas ang kilay ni Zhao Che ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba din ito na parang may naalala na siya. Nang may mapanutyang ngisi, sinabi niya, "Kapag ang lalaki ay naging makapangyarihan, kahit ang mga alaga nila ay makakatuntong sa langit. Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na kahit ikaw ay malayang makakalakad sa loob ng palasyo ng Sheng Jin?"

Tumungo lang si Chu Qiao at nanatiling kalmado, hindi nagsalita kahit isa.

Lumingon pabalik si Zhao Che at nainis, sinipa pabalik ang kanyang sombrero. Umalis siya nang walang inuusal kahit isang salita.

Patuloy lamang ang pag-ulan ng nyebe at paghangin habang iniangat ng babae ang kanyang ulo, nakikita ang isang malabong pigura na papalayo sa kanya. Subalit, nakaramdam si Chu Qiao ng matinding presyur na nanggagaling sa kanya. Bakit siya babalik sa palasyo sa kalakasan ng pag-ulan ng nyebe? Ang sitwasyon sa loob ng Zhen Huang ay naging mabigat nang walang nakakapansin, kahit na mayroon pang lagpas kalahating buwan bago makabalik ng Yan Bei si Yan Xun.

Nang gabing iyon, sa loob ng palasyo ng Sheng Jin, mayroong engrandeng piging ang isinagawa. Bukod sa Seventh Prince Zhao Che, na kakabalik lang galing sa kanyang krusada, nandoon din ang ikaapat na prinsipe ng pamilya ng Zhuge, si Zhuge Yue, na kakabalik lang mula sa kabundukan ng Wolong pagkatapos ng mahabang pitong taon na pagpapagaling. Siya ay naging deputy commander na rin sa opisina ng militar.

Ang emperor ng imperyo ng Xia, Emperor Zhao Zhengde, ay hindi pumunta sa piging na ito, katulad ng dati. Tanging ang Empress Muhe Nayun ang dumalo bilang isang masimbolong galaw. Pagkatapos ng lahat, ang Prince Zhao Che ay sarili niyang dugo at laman. Lahat ay nagkakasaya habang ang mga tagay ay naaalok sa pagitan ng mga mababait na ministro. Walang kahit anong senyales nang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas, nang ang ikawalong prinsipe, Zhao Jue, ay napalayas mula sa templo ng royal na pamilya Zhao dahil nagalit niya ang emperor. Ipinatapon siya sa mga ordinaryong tao at nasa paglilitis ng gobyerno ng bansa.

"Ang mga bagay na iyon ay parang bato na nasa loob ng lawa; hindi lahat masasabi ang hugis at laki nito. Tanging yung mga may tapang lang ang aabot nito para malaman. Ang lalim ng tubig at kung makakalabas sila ng buhay ay hindi malalaman at kailanman hindi mahuhulaan."