Nakaramdam ng konting init sa puso si Chu Qiao na tinatapik-tapik ang balikat ni Zhao Song. "Wag kang mag-alala, may paraan ako para harapin iyon." Saad niya.
Sigh. "Dahil lagi ka namang may plano, nag-alala ako sa wala."
"Hindi, hindi ka nag-alala sa wala." Tumawa si Chu Qiao nang sinabi ito, "Sinabi mo na nag-aalala ka para sa akin, ibig sabihin tinuturing mo pa rin akong kaibigan. Nagpapasalamat ako para doon."
"Talaga?" Biglang naging masaya si Zhao Song, isang ngiti ang kumalat sa mukha niya. "Eh di wag ka nang bumalik sa Yan Bei kasama si Yan Xun. Bagkus, manatili ka sa capital kasama ako?"
"Hindi." Buo ang loob na sagot ni Chu Qiao. "Papayag ako sa kahit ano, pero hindi iyan."
Napabuntong-hininga nanaman si Zhao Song at napababa ang balikat niya, may 'sabi na nga ba' na ekspresyon sa kanyang mukha.
Anim o pitong taon na nilang kilala ang isa't-isa. Nang pumunta si Yan Xun sa palasyo, lahat ay inakalang babaeng gwardya niya si Chu Qiao. Walang nagtaka sa kanyang pagkatao, o tinignan ang nakaraan ng bata. Lahat ng nakakaalam ng kahit ano kay Yan Xun ay naglaho na. Wala ni sino sa pamilya Zhuge ang may pagkakataong makita siya sa palasyo. Ang tanging tao na nakakaalam ng lahat ay si Zhuge Yue, ngunit sa kung ano mang kadahilanan ay walang sinabi tungkol doon. Isang buwan pagkatapos ang insidenteng iyon, iniwan niya ang Zhen Huang at pumunta sa Wolong Mountains at hindi bumalik simula noon.
Lahat ng mayayabang na aristokratang ito ay nakita na siya simula noong umpisa sa lugar ng pangangaso, pero hindi sila mag-aabalang tignan pa ulit ang isang mababang alipin. Kahit na galit na galit sa kanya si Wei Jing, nakikita lang siya nito bilang isang tagasilbi ni Yan Xun. Sa tuwing gusto niyang maghiganti, didiretso siya mismo kay Yan Xun pag walang ibang tao.
Subalit, ang tahimik na buhay nila Yan Xun at Chu Qiao ay natuldukan pagkatapos nilang makilala si Zhao Song. Ang batang prinsipe na ito ay nakilala ang batang tagasilbi sa ZHuge household na paulit-ulit na siyang pinagtawanan sa isang tingin. ngunit wala siyang sinabi na kahit ano. Kahit na gusto ng mga aristokrata na ilubog pa si Yan Xun, palihim niyang tinutulungan sila Yan Xun at Chu Qiao na malagpasan ang mga pagsubok nila, simula sa isa hanggang sa mga susunod. Sa isang seryosong usapin, siya lang ang nag-iisang kaibigan ng dalawa sa capital.
Sayang nga lang na si Zhao Zhengde ang kanyang ama at siya ay prinsipe ng imperyo ng Xia. Ito ang bagay na hinding-hindi mapapalagpas ni Yan Xun.
"AhChu," iniabot ni Zhao Song sa kanya ang kahon at sinabi, "Para sa iyo ito."
Nagulat si Chu Qiao. "Paano ko ito matatanggap? Isa itong kayamanan."
Tanggapin mo nalang." Inilagay na ni Zhao Song ang kahon sa kanyang mga kamay nang wala nang sinasabi. "Wala itong silbi sa akin. Kilala mo ako, makakasawaan ko din ito. Dahil mapupunta din naman ito sa iba, mas gugustuhin kong ibigay ito sayo. Mahina ang katawan mo at masyadong malamig ang puso ni Yan Xun, ipinapadala ka niya sa mga lakad kahit na napakalamig. Narinig ko na kakabalik mo lang galing sa hilagang rehiyon, diba?"
"Opo." Tumango si Chu Qiao at sinabi, "Pumunta ako doon para gawin ang maliit na trabaho para sa prinsipe."
"May mga mabalahibong kapa ako na dala ng mga taga Si Se Ee, sobrang init nito. Uutusan ko ang mga tagasilbi ko na dalhin ito sayo. Tandaan mong kailangan mong isuot iyon."
"Sige." Ngiti ni Chu Qiao. "Salamat."
"Kung gayon, uuwi na ako."
"Hindi ka ba magpapartisipa sa pangangaso mamaya?" saad ni Chu Qiao na parang tulala.
Iniling ni Zhao Song ang ulo at sinabing, "Ang pangangaso ay magtatagal ng ilang araw at ang pinaka ganap ngayon ay ang pangangaso ng tao. Papanoorin ang mga taong tinitira ng palaso ang mga batang alipin, hindi ko nakikita ang saya doon. Pumunta lang ako para hanapin ka. Dahil nakita na kita, uuwi na ako."
Tumango si Chu Qiao. Nang magsasalita na sana siya, may narinig siyang matinis na sigaw sa kanyang likuran, "Aiyo! Aking batang ancestor, hindi po ganoon ang ibig kong sabihin!"
Pareho nilang inilingon ang ulo, diretsong nakatingin sa dalawang binatang nasa labing-anim hanggang labing pitong taong gulang na nakatayo sa harap ng tolda ni Zhao Song. Magkasing-balikat ang tayo nila, at ang tabas ng kanilang pigura ay malalim at magkamukhang-magkamukha sila. Ang isa sa kanila ay may makapal na palumpon ng kilay na may istriktong tingin. Nakasuot siya ng asul na roba na may kapa sa kanyang baikat, nagmumukha na parang kasing lakas niya ang leopard. Ang isa ay may malaking, kulay grey na mabalahibong kapa na mukhang luma na, at umabot lang sa gitna ng kanyang hita; mukha itong maliit para sa kanya. Ang kanyang tingin ay malamig at istrikto. Sa likod nila ay ang kaunting tagasilbi, na walang karwahe sa loob ng tolda.
Ang binata na nakasuot ng asul na roba ay malamig na tumingin sa batang eunuch ng pangalawang uri at galit na sinabi, "kung hindi ganoon ang ibig mong sabihin, ay ano ang gusto mong iparating?"
Ang batang eunuch ay sinipa papunta sa gilid, muntik nang mabali ang kamay sa malakas na pwersa. Habang umiiyak siya sa sakit ay nagsalita siya, "Ang ibig ko pong sabihin ay para sa thirteenth highness ang kampong ito, aking sixteenth highness, hindi niyo po maaaring gamitin ang kampong ito."
Ang boses niya ay malalim at tagos buto ang pagkalamig nang marinig ang sinabi ng eunuch. Sa isang hablot, hinawakan niya ang batang eunuch sa kwelyo ng kanyang leeg at hiningi, "kung gayon saan ako nakatalaga?"
"Kayo po... kayo po ay nakatalaga sa kanlurang parte ng gubat."
"Talaga?" singhal ng binata. "Magandang lugar ba iyon? Kung hindi ako nagkakamali, katabi nito ang kwadra ng mga kabayo at may mga hayop dito."
"ito...ito...mag-iingat po kami para hindi maistorbo ng mga hayop ang pahinga ng sixteenth highness sa gitna ng gabi."
"Yu Delu!" Nanlaki ang mata ng binata at nagngalit na sumigaw, "Pangahas ka!"
"Sixteenth!" isang malalim na boses ang biglang narinig. Ang binata na nasa tabi niya na nakagrey na mabalahibong kapa ay pinigilan siya at sinabing, "Wag ka gumawa ng gulo."
"Paano ako gumawa ng gulo?" nagngitngit ang binata. "Fourteenth Brother, hindi ko maintindihan. Anak tayo ng ating ama, paanong ang iba sa atin ay paborito, habang ang iba sa atin ay itinatapon sa isang tabi? Ang mga tagasilbing ito ay minamaliit tayo!"
"Tigil." Tumalikod ang ika labing-apat at kinausap si Yu Delu, "Eunuch Lu, maaari mo bang ituro sa amin ang daan papunta sa aming kampo?"
"Opo, opo." Nagmamadaling tumayo si Yu Delu at para maitinuro ang daan sa kanila.
"Sandali!" biglang sigaw ni Zhao Song at lumapit.
Nang makita siya ng ikalabing-anim, masama niyang tinitigan si Zhao Song at gustong tumakbo papunta sa kanya. Ngunit, hinila siya ng ikalabing-apat.
"Thirteenth brother." Tumango si Zhao Song at kinausap si Yu Delu, "Eunuch Lu, hindi ako magpapartisipa sa pangangaso ngayon, hayaan mong gamitin nila ang tolda ko."
Mukhang tulala si Yu Delu habang maingat sa sumulyap kay Zhao Song. "Kung ganoon po, paano ang kinabukasan at sa susunod na araw pa? Hindi na po ba babalik dito ang thirteenth highness?" tanong nito.
Napatawa si Zhao Song at sinabi, "Pag-usapan natin iyon bukas. Kahit na kailangan kong mamalagi sa tabi ng mga hayop, ayos lang iyon sa akin. Wag mong kalimutan na natulog ako sa kwadra nung bata ako. Ayos lang iyon."
"ito..." nang magsasalita na dapat si Yu Delu, biglang sumingit ang fourteenth brother niya, "salamat, thirteenth brother, sa iyong kabaitan. Si sixteenth brother ay bata pa at walang muwang. Ang kampong ito ay sa iyo pa rin. Sixteenth, halika na." Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na siya at umalis, hila-hila niya ang ikalabing-anim na prinsipe. Natigilan pa rin si Yu Delu ngunit dali-daling humabol sa kanila.
"iyon ang fourteenth brother ko, ang pangalan niya ay Yang. Masyado siyang mahirap harapin. Maaaring hindi mo pa siya nakita dati. Ito ay dahil ang ina nila ay ang babaeng regalo ng mga taga Han Jia sa emperor. Kaya, ipinanganak silang may mababang-antas at laging gumagala sa palasyo ng Xi Wu, at hindi pa napupunta sa inyong tinutuluyan."
Tahimik na tumango si Chu Qiao.
"Osya, kailangan ko nang umalis. Bumalik ka na kay Yan Xun. Iwasan mo si Zhuge Yue, nakita ko siya noong hapunan kagabi. Hindi na siya katulad nung dati, kailangan mong mag-ingat."
"naiintindihan ko." Saad ni Chu Qiao at tumango.
Tinawag na ni Zhao Song ang kanyang mga gwardya nang sumakay siya sa kanyang kabayo. Lumingon siya at hindi nakalimutang paalalahanan si Chu Qiao, "kung wala namang kailangan gawin, sikapin mong huwag gumala. Si Jing Han at ang iba ay nakita ka na dati. Wag mo hayaang makita kanila dito. At saka, nakabalik na si Wei Jing. Kailangan niyong maging kalmado ni Yan Xun kapag nakita niyo siya. Kung ano man ang mangyari, magpadala kayo ng mensahero sa akin agad."
Walang nagawang napabuntong-hininga nalang si Chu Qiao at sumagot, "Alam ko, humayo ka na."
"kung may mangyari man, magpadala ka agad ng magbabalita sa akin. Wag ka maging hangal at ayusin ito mag-isa"
Hindi alam ni Chu Qiao kung matatawa ba siya o maiiyak, "kung magtatagal ka pa bago umalis, gagabihin ka na." Saad nito.
"hmph." Umalis na si Zhao Song gamit ang kabayo niya habang bumubulong, "alam ko namang gusto mo na akong umalis. Bakit napakawalang-puso mo? Hindi magtatagal, mapagtatanto mo kung sino ang pinaka nag-aalala sayo." Malapit na nakasunod kay Zhao Song ang mga tauhan niya.
Nakatingin lang si Chu Qiao sa pigura nitong papalayo na. Bigla niyang naramdaman ang init ng papalubog na araw sa kanluran, nakalimutan ang napakalamig na hilagang hangin.
Nang pabalik na siya, napadaan siya sa sa kanlurang kagubatan. Sa hindi kalayuan, nakita niya ang fourteenth prince na si Zhao Yang, at ang sixteenth prince na si Zhao Xiang, na itinatayo ang tolda nila kasama ang mga tagasilbi. Sinigurado ni Chu Qiao na matatandaan niya ang mga ito nang sumulyap siya, pagkatapos, naglakad na siya ulit pabalik sa kampo ni Yan Xun.
Nang binuksan niya ang mga tabing, ang bango ng bluegrass ang sumalubong sa kanyang ilong. Hindi tumingala si Yan Xun dahil parang may sinusulat ito. Kalmado itong nagtanong, "nakaalis na si Zhao Song?"
Tumingin si Chu Qiao kay Yan Xun nang makaupo siya sa tabi ng pugon para painitin ang kamay. "Aba, ang talino mo."
Mahabang napabuntong-hininga si Yan Xun at ibinaba ang mga dokumentong kakasulat niya lang. Nang ibinaba niya ang kanyang panulat ay nagsalit siya, "hindi na niya gusto ang ganitong klaseng laro simula noong bata siya. Hindi na nakakapagtakang umalis siya."
Nang marinig niyang binanggit ni Yan Xun ang salitang 'laro' para ilarawan ang pangangaso, hindi batid sa kanya na nakaramdam siya ng panlalamig sa kanyang puso. Iniangat niya ang ulo at nagtanong, "Hindi niya maaatim na maglaro ng ganitong laro. Ikaw ba?"
Napasimangot si Yan Xun at nagtanong, "tinutukoy mo ba yung nakaraan, o yung ngayon?"
"lahat ng iyon."
"AhChu," lumapit si Yan Xun kay Chu Qiao at lumuhod sa tabi nito, "Alam mo ba kung bakit nabigo ang aking ama?"
Nag-angat ng ulo si Chu Qiao ngunit nanatiling tahimik.
Bahagyang tumawa si Yan Xun na may mapait na ngiti at bahid ng pagkauhaw sa dugo. "natalo siya dahil masyado siyang mabait at masyadong mataas ang tingin sa pagkakaibigan. Nagkaroon siya ng pagkakataon na patalsikin ang emperor at kuhanin ang trono, upang ibalik ang angkan ng Yan sa lahi ng Zhao. Pero hindi niya ginawa. Pagkatapos noon, may pagkakataon siyang patayin si General Meng Zhen na pinangunahan ang isang panunupil laban sa kanya, pero hindi niya ginawa. Sa huli, pinatay ni Zhao Zhengde ang buong pamilya niya at pinugutan siya ng ulo ni Meng Zhen. Noong unang beses akong tumapak sa palasyo ng Sheng Jin, nangako akong hindi tutulad sa kanya."
Ang batang Yan Xun ay matalino at diretsong ang tindig na tumayo, ang kanyang tingin ay madilim katulad ng malalim na dagat nang ito ay naglakad palabas. Tumigil siya nang maiangat ang mga kurtina. "kung hindi mo ito matanggap, manatili ka sa tolda ngayong gabi. Wag kang pumunta at manood." Saad niya sa malalim na tono.
Mayroong bilog na buwan ngunit bibihira ang bituin. Sa pinaka hunting arena, ang tunog ng musika at sayaw ang dumagungdong sa hangin. Nirerespeto ng imperyo ng Xia ang martial arts at malalakas ang mga ito. Para gunitain ang lagalag na ispirito ng kanilang mga ninuno, ang imperyo ay nagsasagawa ng dalawang pangangaso sa isang taon, isa sa tagsibol at isa sa taglagas.
Subalit, kaagahan pa ngayon ng tagsibol. Sa Hong Chan, ang nyebe ay patuloy ang pagbagsak hanggang Mayo o Hunyo kada taon. Ang taglamig nila ay sobrang haba, samantalang ang kanilang tag-init ay sobrang ikli. Sa malapit na gubat, may kalat-kalat ng tunog ng satsatan. Alam ni Chu Qiao na ito ang mga sundalo na nangangaso ng mga tigre at oso, para maging ligtas ang pangangaso bukas.
Nakasuot siya ng puting mink na panlamig na may mabalahibong kapa sa kanyang mga balikat. Ang kanyang mga bota ay puti rin, ginagawang mas maitim ang kanyang buhok at tingin. Nag-umpisa na siyang seryosong tumanda. Kahit na hindi pa ganoon kahinog ang kanyang itsura, ang mukha ni Jing Yu'er ay siguradong magiging maganda, at naglalabas ng malinaw na awra ng alindog at ganda.
Sa loob ng tolda, mainit ang mga braziers; ngunit mayroon siyang hindi maipaliwanag na pagkamuhi sa loob niya. Naglakad siya hanggang sa hilagang-kanlurang dulo ng kamping at hindi mapakali nang makarinig ng musika sa hindi kalayuan. Mayroong magkasalungat na damdamin sa loob niya na naipon sa matagal na panahon.