Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 45 - Chapter 45

Chapter 45 - Chapter 45

Hindi maiwasan ni Chu Qiao na magulat at sinabing, "Malaki ang nagastos ni Ji Wenting ngayon."

Tumalikod si Yan Xun at naglakad palapit sa lamesa niya na walang sinasabi.

"Kung gayon, aalis na ako."

"Sandali lang." Na para bang may naalala siya, may iniabot sa kanyang parsel si Yan Xun at sinabing, "Muntik ko nang makalimutan, ipinadala ni Zhao Song ang mga tauhan niya para dalhin itong parsel na ito."

Kinuha ni Chu Qiao ang parsel at tinimbang ito sa kamay niya, nalaman niya kaagad kung ano yung nasa loob. Nang aalis na siya, nagtanong si Yan Xun, "Hindi mo ba ito bubuksan para makita ang nasa loob?"

"Isa itong mabalahibong kapa mula sa mga taga Si Se Ee. Sinabi niya na bibigyan niya ako nung isang araw. Hindi ko lang inaasahan na ipapadala niya ito dito."

"Oh." Tumango si Yan Xun at sinabing, "Ang ama ko ay may malalim na ugnayan sa mga taga Si Se Ee sa nakaraan. Subalit, noong may ibang mga bansa ang nakakaranas ng kaguluhan, kami ay nasa espesyal na sitwasyon. Kahit na isa lang itong kapa, baka makakuha ito ng suspisyon."

"Naiintindihan ko." Saad ni Chu Qiao na tumatango, "Matagal ko na itong naisip. Hindi ko lang matanggihan ang thirteenth highness. Alam mo naman na isa siyang may mabuting puso."

"Ginagawa mo naman ang lahat nang may pag-iingat. Hindi ko kailangan mag-alala sayo. Gabi na, magpahinga kang mabuti."

"Sige. Magpahinga ka na rin ng maaga." Pagsang-ayon ni Chu Qiao at lumabas na.

Pagkatapos ng ilang minuto, balisa na nagmamadaling pumasok si AhJing sa silid at nagtanong kay Yan Xun, "Your Highness, bakit po dinala ni Miss ang damit na iyon? Dinala po ni Mr. Wu ang bihirang damit na iyon mula pa sa Bei Ming Yuan. Hindi po ba't balak ibigay ng prinsipe ang damit na iyon para sa kaarawan ni Lady Shang ng Dong Yue?"

Patuloy lamang na nakatingin si Yan Xun sa libro nang sumagot ito, "Humanap nalang kayo ng panibago. Kung wala, eh di walang regalo para sa kanya." Nagulat si AhJing dito. Bago pa man siya makapagsalita ulit, umalis na si Yan Xun sa lamesa at pumunta sa pinakaloob ng tolda para matulog.

Nagpatuloy sa pagbagsak ang nyebe sa labas ng tolda. Nang gabing iyon, bukod sa kampo ni Yan Xun, walang kahit na isang makatulog ng maayos. Kahit na ang pinakahaligi ng lakas sa loob ng angkan ng Muhe ay bumagsak, ang pangangaso na isinagawa ng imperyo ng Xia ay nagpatuloy ayon sa plano.

Ang lupain ng Zhen Huang ay matatagpuan sa kapatagan ng Hong Chuan, kung saan dumadaloy ang ilog ng Chi Chui. Ito ay malawak at walang hanggan, lagpas sa kung hanggang saan kaya maabot ng mata. Ang kapatagan ay talagang maganda para sa pangangaso pati na ang pagsakay sa kabayo. Sa ilalim ng mga bituin sa panggabing kalangitan, iilang mga apoy sa kampo ang makikita sa malawak na manyebeng lupain, pinapaliwanag ang campsite na umaabot ng milya. Maganda ang panahon dahil walang hangin at umuulan na nyebe. Ang temperatura ay tumataas dahil sa sampung libong mga piling sundalo ng imperyo ang nakakalat sa hunting grounds, nag-iihaw at sumasakay sa kabayo, nagpapaligsahan sa pagtira at pakikipaglaban ng espada, umiinom at sumasayaw. Sobrang napakasigla nito. Ang tanging naririnig ay ang tunog ng mga tula at grass harps. Ang hangin ay puno ng amoy ng nilulutong mga karne.

Si Chu Qiao ay nakasuot ng kasing puti ng nyebe na mabalahibong kapa at puting bota na nakasakay sa kanyang kabayo, ang kanyang buhok ay simpleng nakatali at may ferret hat sa kanyang ulo, tanging pinapakita ang kanyang payat at pinong mukha. Ang makikinang niyang mata ay kumikislap na parang bituin sa kalangitan.

Lumingon si Yan Xun para harapin siya at tinignan simula ulo hanggang paa. "Malaki na din si AhChu." Saad niya na tumatawa.

Napataas ang kilay ng dalagita na tumingin kay Yan Xun. "Gaano ka na katanda? Tigilan mo na ang pag-akto na parang sobrang tanda mo na sa harap ko."

Tumawa si Yan Xun. Nang magsasalita na sana siya, nakarinig siya ng mga yabag ng kabayo na mabilis na papalapit sa kanya. Si Zhao Song, na nakasuot ng pine-green na manto na pumapagaspas sa kanyang likuran, ay sumisigaw habang mabilis na lumapit sa kanila, "AhChu, AhChu!"

Napasimangot si Yan Xun. "Bakit ka niya tinatawag noon?" tanong niya sa naiinis na tono.

Bahagyang napasinghal si Chu Qiao, "Natutunan niya sayo."

Kasama ang dalawampung tauhan, nakalapit si Zhao Song na parang bugso ng hangin, na nakangiti na binati sila, "Nandito rin pala kayo."

"Lahat ay nandito sa piging." Ang boses ni Yan Xun ay nanatiling mainit at malumanay, ngunit ang kanyang tono ay parang hinaharangan na sila mula sa libong milyang layo.

Lumingon sa kanya si Chu Qiao na may naguguluhan na tingin at bahagyang napasimangot. Buti nalang, hindi nahalata ni Zhao Song ang galit sa boses ni Yan Xun nang tinignan mula ulo hanggang paa si Chu Qiao. "AhChu, bakit hindi mo sinuot iyong mabalahibong kapa na binigay ko sayo? Hindi ba iyon ganun kainit?" tanong nito.

Tumango si Chu Qiao at mainit na ngumiti. "Mainit talaga iyon. Subalit, hindi naman ganun kalamig ngayong gabi kaya hindi ko ito sinuot."

"Oh." Tumango si Zhao Song nang mapagtanto ito. "pero ang ganda mong tignan sa kapang ito." Puri niya.

"Narinig ko kay AhJing na kasalukuyang nangyayari ang kompitesyon sa pagsakay sa kabayo at pagtira. Your Thirteenth Highness, hindi po ba kayo titingin?" biglang saad ni Yan Xun.

Natigilan si Zhao Song at biglang namula. Paano niya sasabihin na isinuko niya ang kompitesyon niya para tumakbo dito dahil lang nakita niya si Chu Qiao? "Hindi naman iyon ganoon kasaya. Gayon pa man, nagsawa na ako doon. Mas maganda pang hangaan ang milya-milyang nagyelong tanawin mula rito. Mas magandang lugar ito para magpahinga." Saad niya.

"Talaga?" Biglang ngumiti si Yan Xun at nagpatuloy, "nagkataon na gusto na naming bumaba para manood. Dahil nandito ang thirteenth highness, gusto sana namin kayong ayain. Ngunit mukhang wala na kaming pagkakataon para gawin iyon."

"Ah?" lumaki ang mata ni Zhao Song sa gulat. "Bababa na kayo?" nagkakandabuhol-buhol ang dilang saad niya.

Nailang si Chu Qiao at palihim na hinila ang manggas ni Yan Xun. Sinong mag-aakala na gagamitin ng lalaki ang oportunidad na ito para hawakan ng mahigpit ang kamay niya? Sa isa niyang kamay, hinila niya ang renda at sinabi, "Hindi na namin iistorbohin ang inyong pahinga, Your Highness." Pagkatapos, umalis na siya kasama si Chu Qiao.

"Hoy! Hoy!" sigaw ni Zhao Song. Ngunit ang tanging nagawa nalang niya ay tignan silang maglaho na may bakas ng alikabok.

"Anong ginagawa mo?"

Nanatiling tahimik si Yan Xun na nakatingin kay Chu Qiao at mahigpit na nakasara ang bibig. Mukhang natutuwa siya sa sarili niya. habang nakatingin si Chu Qiao sa kanya, yung awang nararamdaman niya para kay Zhao Song ay nawala din.

Hayaan mo na nga, matagal na noong huling naging isip bata at sumaya si Yan Xun. Napabuntong-hininga at walang magawa kung hindi sumunod nalang siya sa likod nito.

Sa mismong oras na iyon, malulutong na yabag ng kabayo ang maririnig nanaman. Parehong napatigil si Chu Qiao at Yan Xun. Nang lumingon sila, ang tanging nakita nila ay si Zhao Song na pinangungunahan ang grupo ng mga tauhan, na papunta sa kanila. Umakto siyang nagulat nang nagsalita, "Oh, nandito rin kayo? Masyadong malakas ang hangindoon sa itaas, at gusto kong bumaba para gumawa ng apoy. Dahil nandito na kayo, maglakad tayo."

Kahit sa magandang asal na mayroon siya, hindi maitago ni Yan Xun ang madilim na ekspresyon. Napatawa si Chu Qiao dito. Alam ni Zhao Song na ang dahilan niya ay hindi kapani-paniwala. Napatawa siya at tumakbo papalapit, umaaktong parang gabay nila Yan Xun at Chu Qiao.

Ang malaking kampo ay puno ng tawanan. Ang mga siga ay makikita sa paligid, at ang mabangong amoy ng lutong karne ang pumupuno sa hangin. Silang tatlo ay naglakad sa mga kumpol ng tao na may mga nakasunod na piling kasamahan, pero hindi naman ito mukhang kataka-taka.

Ang royal tent ay malawak ang sakop na inuukupa nito at natatakluban ng balahibo ng usa. Ang gintong pulbos na nakolekta sa black sea ay nakapinta dito na may perlas ng pating bilang ornamento. Isang dragon ang nakaburda sa tolda, na may perlas na mata. Isa itong matingkad na pula na may matalas na mga kuko. Dalawang malaking kawa ng langis ang nakalagay sa harap ng tolda. Ang apoy na naglalagablab mula dito ay maliwanag at kapansin-pansin. Sa itaas nito, matatangkad na bandila ang mayabang at mataas na nililipad-lipad. Pinalibutan ng imperial guards ang tolda at nakasuot ng matingkad na baluti. Mula sa malayo, ang matingkad ang pagkadilaw na tolda ay mukhang dragon ng silangan na naghihintay sa dilim para mantambang, naglalabas ito ng malakas na awra. Ang kamaharlikaan nito ay hindi matutumbasan. Ang imperial élan ay sumingaw mula rito, hinaharangan ang hindi mapigil na sayang nangyayari sa loob ng arena.

Bigla, mayroong malakas na ingay sa hindi kalayuan. Nang makalapit, mayroong mahigit 20 malaki at walang pang-itaas na lalaki ang nagpupunumbuno sa nyebe. Habang nagpupunumbuno ay sumisigaw sila. Ang babae sa kabayo ay nakasuot ng nagliliyab sa pagkapulang kasuotan na pangkabayo at may pulang kapa sa kanyang balikat. Mukha siyang kaaya-aya at elegante, agad na tumira ito ng tatlong palaso, lahat ay tumama sa bullseye na isang daang metro ang layo sa kanya.

Agad na nagpalakpakan ang lahat. Ibinaba ng babae ang kanyang pana na mayabang na tumingin sa kumpol ng tao. Bigla, tumalon siya mula sa kanyang kabayo at patungo sa balikat ng malaking lalaki. Pinakawalan niya ang dulo ng kanyang latigo at hinampas ang ibang lalaki habang buong pusong tumatawa. "Kasama ko siya, lahat kayo ay umatake!"

"Zhama?" nakakunot ang noo ni Chu Qiao na napatingin kay Yan Xun. Pareho nilang kilala ang isa't-isa. Alam agad ni Yan Xun kung ano ang ipinag-aalala niya. sa isang tango, pareho silang tumalikod at nagtangkang umalis.

"Tigil!" isang sigaw ang biglang pumuno sa hangin. Ang pulang latigo ay agad na humampas sa harap nila. Mabilis na kumilos si Chu Qiao, mahigpit na hinawakan ang latigo sa kanyang palad, tapos ay ipinulupot sa kanyang palapulsuhan sa ilang ikot. Nang pareho nilang hinila ang latigo, ang payat na latigo ay biglang nabatak.

"Aalis kayo agad gayong kakarating niyo lang? Prince Yan, isa ka bang pagong?" tumalon sa lupa ang babae. Naghiwalay ang kumpol ng mga tao upang maglagay ng daanan. Ang ilan sa ibang angkan ay lihim na nagagalak sa kamalasan nila, masayang tumatawa habang nanonood.

Ang Batuha family mula sa hilagang-kanlurang rehiyon ay dati nang kaaway ng angkan ng Yan sa Yan Bei. Ang babaeng ito ay ang anak na babae na labis na kinahahalingan ni Old Batu. Ang estado niya sa hilagang-kanlurang rehiyon ay mas mataas kay Prince Zhalu. Siya ay lagi namang mapanupil. Ngayon na kaharap na niya ang crown prince ng Yan Bei, sinong makakaalam ng mangyayari.

"Princess Zhama." Tumalikod si Yan Xun nang may malabong ekspresyon. "Ang tagal na rin." Saad niya.

"Oo nga." Nagalak si Zhama at sinabing, "Simula nang mapuksa ang lahi ng Yan Bei, hindi na kita nakita. Narinig ko na isa kang pagong kapag nasa Sheng Jin capital ka. Akala ko hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataong makita ang supling ng angkan ng Yan na dating namumuno sa hilaga."

"Zhama! Pag-isipan mo ang sasabihin mo!" biglang tumapak sa harap si Zhao Song at nagsalita sa matalim na tono, "Nasa publiko tayo. Paano nasasabi ng isang babae ang mga magagaspang na salitang iyan? Hindi ka ba naturuan ni Old Ba Tu?"

"Wala ka sa posisyon para pangaralan ako ukol sa kung paano ako dapat turuan ng aking ama! Wag kang mangahas na pagtaasan ako ng boses dahil lang nasa likod ni si Wei Fa!"

"Sister, may nang-aapi ba sa iyo?" isang malakas na boses ang narinig sa likod nila nang lumapit si Zhalu. Malaki ang kanyang katawan; mahirap paniwalaan na iisa ang inang nagpanganak sa kanila.

"Hindi." Malakas na sigaw ni Zhama, "Hindi nila ako kayang apihin."

"Ikaw!..."

"Your Thirteenth Highness, malapit nang mag-umpisa ang piging, halika na. Inilagay ni Yan Xun ang kamay kay Zhao Song, na nag-aalab sa galit. Ang kanyang tingin ay tahimik at mayroon siyang kalmadong ekspresyon na inaanyayahan silang umalis.

"Aalis ka na?" malamig natumawa si Zhama at umatungal, "Kailangan mo munang humingi ng permiso sa aking palaso!" humugot ng palaso si Zhama sa kanyang bewang at hinigit ang kanyang pana, ang palaso ay diretsong nakatutok sa likod ni Yan Xun.

Sa oras na iyon, ang babae sa gilid ni Yan Xun ay parang ipo-ipo na humarap kay Zhama, ang kanyang malaking kapa ay tumataas sa likod niya. iniabot niya ang kamay na naging anino sa bilis, ang kanyang mga daliri ay parang mga lambat, na hinuli ang palaso sa may buntot nito. Gamit ang likod ng kamay na pagpilantik, ibinato niya ang palaso. Ang kanyang mga galaw ay mabangis ngunit kaaya-aya. Isang malutong na crack ang narinig nang ang matalas na palaso ay bumaon sa pana ni Zhama. Ang mahabang pana na gawa sa kahoy at metal ay nagcrack sa gitna, my crash na bumagsak ito sa lupa. Lahat ay nanigas sa gulat. Walang nagsalita. Sobrang napakatahimik.

Nakasuot ng mahabang mabalahibong kapa si Chu Qiao at ang kutis niya ay makinis. Ang kanyang kalmadong tingin ay bumagsak sa maputlang ekspresyon ni Zhama, "Ang espada at patalim ay walang mata. Princess, dapat kayong mag-ingat." Magaan niyang saad. Pagkatapos sabihin iyon, naglakad na siya patungo kay Yan Xun.