"Ginoo." Isang maliit na bata, nakasuot ng grey na kasuotan, ang mabilis na lumabas mula sa karwahe, na may hawak na malaking gown. Malalim siyang nagpahayag, "Ginoo, wag na po kayo maghintay. Hindi na po iyon dadating. Masyadong mabigat ang nyebe, ang sabi ni Liu Huzi ay magkakaroon ng malaking pag-ulan ng nyebe mamaya. Kailangan na natin magmadali at makarating sa Que Yu Mountain bago magdilim."
Hindi natinag si Wu Daoya, para bang wala siyang narinig. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatingin sa harap, isang walang ekspresyon ang kanyang nasa mukha.
"Ginoo?" tulalang hinila-hila ng bata ang manggas ni Wu Daoya. "Ginoo?"
"Ming'er, makinig ka." Ang lalaking nakasuot ng berdeng roba ay biglang binuka ang kanyang bibig. Mukha siyang medyo paos at ang kanyang boses ay mukhang malalim sa ilalim ng sumisipol na mga hangin.
"Makinig?" napasimangot ang bata, ang kanyang mga tainga ay nakalabas. "Ginoo, ano po ang papakinggan ko?"
"Ang tunog ng mga yabag ng kabayo." Pahayag ni Wu Daoya, "Nandito ito."
"Yabag ng kabayo?" matagal na nakinig si Ming'er ngunit hindi makarinig ng kahit anong tunog bukod sa sumisipol na mga hangin. Sa ganitong panahon, ang harapang usapan ay mahirap na, ano pa kaya ang tunog ng yabag ng kabayo sa kalayuan. "Ginoo, wala pong tunog ng yabag ng kabayo. Nagkamali po siguro kayo ng dinig! Paano kung..."
Bago pa man matapos ni Ming'er ang kanyang sasabihin, isang mabilis at malutong na tunog ng mga yabag ng kabayo ang maririnig. Gulat na napatingin ang bata. Sa manyebeng kapatagan sa harapan, isang dilaw na kabayo ang dahan-dahang lumitaw sa dulo ng maaabot ng tanaw. Ang pagkakalilanlan ng pigurang nasa kabayo ay hindi malaman. Mas bumigat pa ang nyebe at kumalat, dahilan para mas bumaba pa ang makikita. Subalit, maliwanag na ang pigura sa kabayo ay mukhang mahina, na para bang tatangayin siya ng bugso ng hangin kahit anong oras.
"Ginoo," hindi makapaniwalang saad ni Ming'er, "isa po kayong banal."
"Yu!"
Isang malutong at mababang tunog ang umalingawngaw. Ang pigura ay bumaba sa kabayo at lumapit sa kanila. Nakasuot siya ng makapal na berdeng roba. Isang higanteng manto ang nakabalot sa kanyang mukha, nag-iiwan lamang ng hibla ng itim na buhok na makikita sa ilalim ng kanyang sumbrero. "Buti nalang nakarating ako sa oras." Tinanggal ng babae ang kanyang sumbrero, ipinapakita ang kanyang payat na mukha. Ang kanyang labi ay maputla. Agad siyang naglabas ng rolyo ng papel at iniabot ito kay Wu Daoya. Ang mahabang distansyang nilakbay niya ay lamig ay mahahalata. "Kunin mo. Nandito lahat." Saad niya na bahagyang hinihingal.
Napasimangot si Wu Daoya. Galit siyang tumingin sa babae at sinabi, "Bakit hindi ka nagpadala ng iba dito? Napakalamig dito. Gumaling ka na ba sa iyong sakit?"
Iniling ng babae ang kanyang ulo. "Walang iba na maaaring pumunta sa paglalakbay na ito. Patay na si Muhe Xifeng, at ang ungas na si Muhe Xiyun ay napalitan. Ang ikatlong anak na lalaki ng emperor ay hindi madaling hawakan. Nawalan tayo ng ilang mga kakampi sa loob ng korte. Dahil isa naman akong babae, hindi sila masyadong mahigpit sa kanilang mga pagsisiyasat."
"Mababa lang ang profile ni Zhao Qi sa mga nakalipas na taon. Nakakagulat na masydaong malaki ang reaksyon niya, lalo na at kakaupo pa lang niya sa pwesto niya. Talagang nakagawa ng magandang supling si Zhao Zhengde."
"Huwag na natin pahabain pa ang pag-uusap natin, dapat ay umalis ka na. Wala na tayong oras dahil kulang isang buwan nalang ang meron tayo. Ang pangalan ng prinsipe ay nakikilala na. Mayroon itong pabor at kontra. Kung hindi natin mapatatag ang sandali na ito, baka mabago natin ang ating plano sa kalagitnaan.
"Naiintindihan ko. Mag-ingat ka." Tango ni Wu Daoya.
"Sige." Tango ng babae. Ang mukha niya at namutla at ang kanyang tingin ay lumalim. "Ikaw din." Sagot nito.
May makikitang pag-aalala sa mga mata si Wu Daoya. Nang makita ang maputlang mukha at mahinang katawang ng babae, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga. Tumalikod siya, kinuha ang roba sa mga kamay ni Ming'er, at inilagay sa balikat ng babae. Pagtungo niya, tumulong siya para itali ng maayos ang roba na may malumanay na tingin. habang tinutulungan siya, nagpahayag siya, "Mas lumalamig ang panahon bawat araw. Kailangan mong mas mag-ingat pa. Ang isang buwan na ito ay hindi mahaba o maikli. Ang sitwasyon sa capital ay nagbabago, kailangan mong mag-ingat na hindi pabigla-bigla sa pag-akto. Sa lahat ng seniors at juniors, tayong dalawa nalang ang natitira. Yu, ayokong may kung anong mangyari sayo."
Tumungo si Lady Yu at nanatiling tahimik. Ilang mga bagay ang nag-umpisang mabuo sa kanyang isip. Masyadong maraming mga bagay ang nasa isip niya, dahilan para hindi niya malaman kung anong sasabihin.
"Para naman sa mga bagay sa korte, kailangan mong umakto sa kaya ng kapangyarihan mo. Kahit na walang nasawi nang sinagip natin si Master Zhu, ang lihim na pagkikitaan natin ay nabunyag. Hindi maiiwasan na maramdaman ng mga nakakataaas na sila ay naagrabyado. Sa ngayon, sikapin mong tiisin ito at wag mong iwawala ang pagkahinahon mo. Hayaan mo yung mga paksyon sa loob ng royal capital na maglaban-laban at wag kang makikisali. Ang motibo natin ay ang masagip ang prinsipe. Para naman sa ibang bagay, wala na tayong pakialam doon. Wag ka magapi ng kasakiman at mawala ang hangganan mo sa proseso."
"Saka," mabagal na tumingala si Wu Daoya, ang pagkakalma sa kanyang mata ay simbolo ng nagyelong lawa tuwing taglamig—kung saan ang alon at saluysoy sa ilalim ay hindi nakikita. Kahit ang kanyang boses ay pareho ng tono ang tunog. "Hindi pa maganda ang kalagayan mo. Ituon mo ang pansin mo sa pagpapagaling, wag ka masyadong magsikap. Oras na maayos ang mga bagay sa parteng ito, dadalhin kita pansamantala sa imperyo ng Tang. Ang mainit na klima at tanawin ay makakatulong sa pagpapagaling mo." Nang mahigpitan na niya ang huling tali, umatras ng dalawang hakbang si Wu Daoya at tumingin sa babae. Tumalikod siya at naglakad pabalik. Habang naglalakad siya, kumaway siya, "Bumalik ka na. Mag-ingat ka sa daan mo."
"Daoya." Biglang tumingala si Lady Yu na may mabigat na tingin sa kanyang mukha.
"Hm?" Lumingon si Wu Daoya at nakakunot na nagtanong, "May mali pa ba?"
Hinigpitan ni Lady Yu ang kanyang labi at matagal na nag-isip. Iniling niya ang ulo at sumagot, "Wala naman na. Hintayin natin na makabalik ka bago natin pag-usapan ang ibang bagay. Mag-ingat ka."
Napatitig si Wu Daoya sa dalaga. Hindi siya maikokonsiderang may kaakit-akit na ganda, sa kanyang mapayat na mukha at mahinang pigura. Kahit na 27 o 28 lang siya, ang maraming taon na paghihirap ay dahilan kung bakit nagkaroon na siya ng wrinkles sa kanyang mga talukap, at ang kanyang balat ay mukhang hindi malusog ang pagkaputla. Itong mukha na ito mismo ang dahilan kung bakit marami siyang mga pag-aalala na hindi niya maalis.
Parang ngayon, halimbawa, hindi naman itong importanteng dokumento. Subalit, naniwala siyang dadalhin ito mismo ng babae para tignan siya sa huling beses, kahit na pinapagalitan na niya ito dahil hindi niya alam alagaan ang sarili niya.
Kahit hanggang ngayon, malinaw pa rin niyang naaalala ang detalye ng kanilang unang pagkikita. Nang araw na iyon, sinundan niya si Shifu sa capital ng Zhen Huang. Sa maliit na tulay sa kalye ng Xi miao, may nakita siyang batang babae na pinapalo ng kanyang master dahil sa pagtatangkang tumakas. Siyam na taong gulang lang siya noon, isang mapayat at maliit lang na pigura. Ang mahabang kakulangan sa nutrisyon ang dahilan kung bakit nanilaw na ang kanyang balat, dahilan para magmukha siyang walang buhay. Subalit, ang kanyang malaking itim na mga mata, na maliwanag na kumikinang, ang nagpapakita ng kanyang nararamdaman na matinding pagkapoot at determinasyon na wag hayaang madaling makalusot ang mga bagay-bagay. Sa isang iglap na iyon, alam niya na siguradong mabubuhay ang batang ito. Kahit ilang beses siyang mabigo, makakatakas pa rin siya hangga't nabubuhay siya.
Tulad ng inaasahan, kalahating buwan ang nakalipas, sa isang gawaan ng alak na matatagpuan sa labas ng Ru Nan City, nakita niya ulit ang bata. Nang oras na iyon, malapit na siyang mamatay sa gutom, ngunit ayaw niyang mamalimos ng pagkain. Inampon siya ng kanyang Shifu at dinala sa kanilang tahanan. Simula noon, ang kabundukan ng Tian Ji ay mayroon bagong batang babaeng disipulo. Para naman sa kanya, ito ang umpisa ng kanyang mahabang pag-aalala. Pitong araw ang nakakaraan, namatay si Xi Hua sa Zuoling Plains na matatagpuan sa Yan Bei. Sa 13 disipulo na sabay-sabay na naglakbay pababa ng kabundukan ng Tian Ji, dalawa nalang silang natitira.
Pwersahang inilapag ni Wu Daoya ang kanyang kamay sa balikat ni Lady Yu. May gusto siyang sabihin ngunit pinigilan niya ang sarili. "Mag-uusap tayo kapag nakabalik na ako. Aalis na muna ako, mag-iingat ka."
"Sige." Tumango si Lady Yu, "Ikaw din."
Sumakay na sa kanyang karwahe si Wu Daoya. Si Liu Huzi na gawa sa balat ng aso ang kasuotan ay pinagkiskis ang kamay at ipinalo ang latigo. May mahabang halinghing na nag-umpisang gumalaw ang kabayo. Kumalat ang karwahe at unti-unting nawala sa mabigat na pag-ulan ng nyebe.
Kahit ano man ang nasa isip natin, mapag-uusapan ito kapag nakabalik na siya. bahagyang napabuntong-hininga si Lady Yu. Ang mga snowflakes ay bumabagsak sa kanyang mukha, dahilan para maalala niya ang tungkol sa Huo Lei Plains sa Yan Bei.
Malapit nang matapos ang lahat. Sa ilang mga buwan, pagkatapos masagip ang prinsipe, sa wakas ay matatapos na niya ang kanyang misyon. Tapos, maaari na siyang makapaglakbay sa Bian Tang, kung saan ay mainit, hindi katulad sa Hong Chuan na manyebe sa kalahati ng oras. Sa oras na iyon, mararanasan na rin niya ang mga tanawin katulad ng pagkakasabi sa mga libro; pamamangka sa sobrang linaw na lawa at ang bango ng mga lotus sa gabi.
Tumingala si Yu at huminga ng malalim. Ang isyu ngayon ay masigurado na masagip ng ligtas ang prinsipe. Tinuwid niya ang kanyang postura at mabilis na umalis sakay ng kabayo niya.
Ilang taon na silang naghintay. Walang mawawala kung magpapatuloy silang maghintay. Kahit na hindi agad nasabi ang ilang mga bagay, darating din ang araw na masasabi iyon. Kapag dumating ang araw na iyon, ang mundo ay magiging isa at ang mga mamayanan ay mamumuhay ng payapa. Wala nang pang-aalipin o digmaan pa.
Umihip ang hangin mula sa hindi kalayuan, gumagawa ito ng maliliit na ipo-ipo sa lupa. Ang puting nyebe at pabilog na kumakalat sa hangin, simbolo ng tadhana ng buhay ng isang tao—paulit-ulit na taas at baba.
Sa oras na ito, sa palasyo ng Sheng Jin, isang dalaga ang dahan-dahang binababa ang kanyang libro sa lamesa. Naglakad siya sa tabi ng bintana, tumingin sa mga ulap sa abot ng mata at pansamantalang naabala.
Si Lu Liu, ang tagasilbi, ay maingat na kumatok sa pintuan, at duwag na binuksan. "Binibini, mayroon pong naghahanap sa inyo sa labas." Malambot niyang pahayag.
Dito, bukod kay Yan Xun, ang iba ay kinakatakutan na siya. Bawat tagasilbi na pumasok sa Ying Ge court ay dumaan sa kanyang mahigpit na pagsisiyasat. Isa siyang matalinong agent sa kanyang nakaraang buhay at kasalukuyang pinaglalaban ito. Ito ang dahilan kung bakit sobrang ingat niyang nilalapitan ang mga bagay-bagay.
Itinaas ng dalaga ang kanyang kilay at sumagot, "Sino iyon?"
"Wala pong binanggit ang mga gwardya." Malambot na saad ni Lu Liu, "Personal pong pumunta si Lieutenant Colonel Song mula sa harap na gate para sabihin ito."
"Song Que?" nagsususpetyang pahayag ni Chu Qiao. Ang taong naghahanap sa kanya ay hindi simple. Hindi lang nakapasok ang taong ito sa palasyo ng Sheng Jin dahil sa kagustuhan nito, ngunit nautusan din nila si Song Que na magpasa ng mensahe sa kanya. Sino naman kaya ito?
"Umalis ka at sabihin kay Lieutenant Colonel Song na papunta na ako." Sinuot niya ang kanyang kapa at binaunan ang sarili ng patalim, binuksan ni Chu Qiao ang harapan na gate ng Ying Ge court. Nakita niya si Song Que, na ang mukha ay nanatiling kasing lamig ng yelo. Napaisip ang dalaga at napabuntong-hininga, hindi alam ng pinunong ito kung pano humawak ng relasyon sa tao. Hindi na nakakapagtaka na binabantayan niya ang gate ng syudad simula ng pumasok si Chu Qiao sa palasyo hanggang ngayon, na walang senyales ng progreso o kaunlaran.
Habang naglalakad sila, narating nila ang pavilion na hardin sa likod ng palasyo. Ito ang lugar na gustong-gusto ni Zhao Song. Noong bata pa sila, madalas siyang palihim na pupunta dito para tumanggap ng materyal na tulong kay Zhao Song. Subalit, matagal na siyang hindi nakakapunta sa lugar na ito.
Ang mga kakahuyan ay nanatiling magkapareho. Tanging ang plum na mga puno mula sa nakaraan ang lumaki ng kaunti. Dahil ito ang panahon kung kailan mamumulaklak ang mga bulaklak ng plum trees, ang buong hardin ay nabiyayaan ng amoy ang mga bulaklak. Walang sabi-sabing umatras si Lieutenant Colonel Song. Naglakas-loob na pumasok mag-isa si Chu Qiao sa loob. Hindi pa man siya nakakahakbang ng ilang hakbang, nakita na niya ang anino ng taong naghahanap sa kanya.
"Binibini Xing'er." Sa ilang taon lang, nadagdagan ang timbang ni Zhu Cheng, makikita sa kanyang bilog na tiyan. Mayroon pa rin siyang ngiti sa kanyang mukha, walang pakialam sa pagtataksil ni Chu Qiao sa pamilya ng Zhuge.
Nanatiling hindi nagbago ang ekspresyon ni Chu Qiao. "Steward Zhu, ang apilyedo ko ay Chu." Saad niya sa kalmadong boses.
Tumatawang sumagot si Zhu Cheng, "Binibini Chu, nautusan po ako ng young master na hanapin kayo."
"Ang young master?" malamig ngunit marespetong sagot ng dalaga, "Sinong young master?"
"Ang Fourth Young Master Zhuge Yue." Gulat man pero sinagot pa rin ang tanong niya.